CHAPTER 17

792 Words
Maayos na natapos ang gala nilang tatlo ni Neo at Solene. Hinatid sila ng binata bago umuwi narin upang makapag pahinga. Masayang nag kwekwento si Solene sa ama ni Maxine. Habang si Maxine napapansin niyang tulala ang kaniyang ama at malalim ang iniisip. Napakunot ang nuo niya bago tinabihan ito. "May sakit ka po ba? Anong nararamdaman mo Papa?" Nag-aalalang tanong niya. "Ayos lang ako anak." Nakangiting sagot nito sakaniya bago nag paalam na papasok nalang muna sa kwarto upang mag pahinga na din. "Next time nalang Solene. I think wala sa mood si Papa para makinig. Sleep kana din, ok? Malay mo bukas maayos na ulit si Papa." Paliwanag niya kay Solene na malungkot dahil sa nakitang asal ng ama niya. Pumasok sa isip ni Maxine na baka nalulungkot na naman ang ama niya dahil sa pag kawala ng kaniyang Ina. May panahon kasi talaga ito na wala sa mood at palaging nag kukulong sa kwarto. Tanda pa ni Maxine nung sariwa pa ang nangyari sakaniyang Ina. Palaging nasa kwarto lang ang ama niya at halos ayaw kumain. Iniiyakan pa niya ito makakain lang kahit isa o dalawang subo. Palagi itong umiiyak at nag so-sorry sakaniya ng hindi niya alam kung anong kasalanan ang nagawa nito. Napahiga na si Maxine sa kama bago mariing pumikit. "Ma, I miss you so much. Sana nandito ka pa, at sana nakita mo pa ang apo mong si Solene. Mabait at matalino siyang bata. May napapansin lang ako na hindi niya minana sakin kundi sa siraulo niyang ama." Naramdaman ni Maxine ang luhang umagos galing sa mata niya. "Desperada na akong saktan si Gavin. Alam kong magagalit ka kung sakaling kasama ka pa namin. Kasi ikaw 'yung tipo ng tao na ayaw sa gulo. Ewan ko nga kung paano mo na papanatili ang sarili mo na kalmado sa lahat ng oras kahit na ang bigat na ng problema mo. Sana katulad kita na maayos mag handle ng problema." Natigilan si Maxine sa pag kausap niya sakaniyang sarili ng mag vibrate ang phone niya. Nakasilent pa parin pala ito hanggang ngayon. Nabasa niya ang text ni Gavin na nasa labas ito ng bahay nila kaya naman agad siyang bumaba. May pangako nga pala siya kay Gavin. Napabuntong hininga siya bago madahang binuksan ang gate. "Ihatid mo din ako bago sumikat ang araw," bungad niya kay Gavin ng makasakay sa kotse nito. Hindi siya nito sinagot. Kibit balikat na lamang siya bago nanahimik. At dahil wala na masyadong sasakyan sa daan dahil gabi na ay mabilis lang ang naging byahe nila patungo sa condo. _____ "Shower lang ako." Paalam niya kay Maxine ng makapasok sila sa condo niya. Iniba rin ni Gavin ang code niya upang sumulpot man si Levi ay hindi ito makakapasok ng basta. Habang nasa shower ay hindi maalis ang mga tanong ni Gavin sakaniyang isipan. Kung hindi ba siya sumunod sa pakiusap ng ama niya ay sila parin kaya Maxine? Kung hindi sana naging makasarili ang Ina niya at ama ni Maxine ay masisira kaya sila? Tandang-tanda pa ni Gavin ang araw na nabisto niya ang kaniyang Ina at ama ni Maxine na may lihim palang relasyon. Kaya pala ganun nalang kung mag away ang magulang niya habang ang Ina naman ni Maxine ay umiiyak nalang palagi. Kaya nga imbis na matupad ang operasyon na nakahanda na sana para dito ay tsaka naman ito binawian ng buhay. Gustong-gusto ni Gavin na umamin kay Maxine. Ngunit takot siyang masaktan ito sa ganung paraan kaya naman ginawa na lamang niya ang lahat mapaniwala lang ito na may namamagitan sakanila ni Levi, at pati ang nangyari sakanila ay sindaya niyang ipaalam kay Maxine. Kahit na ang totoo ay kakutsaba niya si Levi. Nakiusap siya na tulungan na mapaniwala si Maxine. Nakiusap ang ama niyang gumanti rin siya at saktan nag i-isang anak ng mga ito. Ngunit ang babaeng tinutukoy ng sarili niyang ama, ay ang babaeng mahal na mahal niya. Kaya nga mas pinili nalang niya itong hiwalayan at pakiusapan. Kaysa sundin ang sinasabi ng ama niya na gawin din impyerno ang buhay ni Maxine habang kasama niya ito. Isinakrispisyo ni Gavin ang sarili niyang kaligayahan nung panahong gipit na gipit na siya. Wala na siyang alam na ibang paraan kundi ang hiwalayan si Maxine. Habang ang Ina naman niya ay nag bigti dahil sa pagsisisi, at ang ama niya ay nawala sa katinuan. Hindi nakakalimot si Gavin sa pangako niya na babalikan si Maxine kapag nalaman niyang wala pang nag papasya rito. Ngunit sa nakita niyang masaya na ito kay Neo ay kuntento na siyang pag masdan na lamang ito mula sa malayo. Sinusulit lang niya ang mga araw bago tuluyang mag laho sa buhay ni Maxine. Pirma na lamang talaga nito ang hinihintay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD