Hindi na kayang tignan pa ni Gavin si Maxine na masayang kasama si Neo at ang batang tinatawag nitong Solene. Ang kapatid ni Maxine na pina i-imbestigahan niya.
Tila ba sinasaksak siya ng paulit-ulit sa nakikita niya.
"Where are you?"
"May problema ba?"
Rinig niya ang pag buntong hininga ni Levi sa kabilang linya. "I'm asking you tapos tanong din pala ang--"
Agad niyang pinutol ang sinasabi ni Levi. "I'm busy, call you later. Balitaan mo nalang ako kapag may naging problema sa company. Babalik din ako, may inaasikaso lang." Paliwanag niya bago binaba ang tawag.
Sinundan niya sila Maxine sa pinasukan nito.
Naabutan niya ang mga ito na nag lalakad ng bigla na lamang niyang hablutin si Maxine na hindi napapansin ni Neo at Solene.
Hila-hila niya ito patungo sa labas. Sinalubong niya ang galit na titig nito.
"Bitaw!" Malakas na sigaw ni Maxine sakaniya kaya naman ang ibang mga tao na nasa paligid nila ay na agaw nila ang atensyon. "Sabing bitaw na kasi," humina ang boses nito kaya naman napangiti siya.
"Nalilito na ako", walang emosyong sambit niya. "Gusto mo akong maka affair. Ako na dati mong asawa, pero bakit ngayon iniiwasan mo ako? After what you did? Joke lang ba ako saiyo? I mean, I know it, pero seryoso ako kapag sinabi ko. Ayoko lang 'yung lalapitan ako at pag tapos ay iiwasan. I hate it Maxine, and you know me very well."
"Oh, tapos?" Walang amor na tanong ni Maxine.
"Sign the annulment and then we're done." Tila ba hinahamon siya ni Gavin.
"Sige, pero hindi pa ngayon. Nag e-enjoy pa tayo, right? Sakyan mo nalang muna at pag sawa na ako makukuha mo na ang gusto mo."
"Ayoko Maxine kaya ibigay mo na ang gusto ko. Kasi kapag pinag patuloy mo 'to. Sisirain ko ang araw ninyo ng lalaki mo at ni Solene."
Nanlaki ang mata ni Maxine. "Hindi ka ba makakapag hintay? Bwiset ka! Huwag mong tatangkain na lapitan ang mag ama ko." Banta niya bago matalim na tinitigan si Gavin.
"Mag ama m-mo?"
"Oo, bakit? Gulat ka?"
"Hindi ako na niniwala." Nakangising sagot ni Gavin bago siya hinawakan sa kamay. "Sasama ka sakin ngayon sa ayaw at sa gusto mo kung ayaw mong sirain ko ang araw nila." Banta ni Gavin. Kaya naman si Maxine ay mariin na lamang napapikit.
"Pwede bang pag bigyan mo muna ako ngayong araw? At least maigala ko man lang sila, before you?" Mahinahong pakiusap ni Maxine. "Please?" Niyakap niya si Gavin at pasimpleng ipinasok sa pants nito ang kamay niya. "I'm sure hindi mo ako matitiis. Don't worry, mamaya sayong-sayo na ako." Pang-uuto pa niya.
Ramdam niya na kinakapos ng hininga si Gavin dahil sa ginawa niya.
"Hindi naman ako nakakalimot. Syempre makukuha mo ang nais mo, just relax, ok? Sinabi ko naman sayo na ako ang mag sasabi kung kaylan at saan. Ganun mo ba ako ka gustong makasama?" Mapanuksong tanong pa niya.
"Shut up," saway ni Gavin bago siya tinalikuran. "Hahayan ko kayo for now, basta mamaya sa condo ko." Bilin pa nito bago tuluyang umalis.
"Maxine?"
Gulat na napalingon siya kay Neo. "Kanina ka pa? Pasensya na umalis ako. Nag banyo kasi ako e, tapos bigla nalang akong naligaw. Matagal din kasi akong nawala sa pinas kaya naman nakalimot na hehe." Palusot pa niya. "Tara na?" Pag-aaya niya bago hinila pabalik sa loob si Neo.
Samantalang si Gavin naman ay tahimik na nag iisip habang nag dadrive pabalik sa building. Talaga palang sinusubukan siya ni Maxine. Hindi naman siya tanga para hindi mapansin na nais nitong gumanti. Alam niyang sinasaktan siya ni Maxine sa mga bagay na ginagawa nito. Ngunit ang talagang pala isipan ay kung alam na ba ni Maxine ang malaking sekreto na itinatago ng ama nito.
Imbis na sa office na sana ang tungo niya ay agad niyang iniliko patungo sa bahay nila Maxine ang punta niya. Alam niyang na iwan ang ama nito, at ito na ang tamang oras na makausap niya ang ama ni Maxine habang wala pa ang mga ito.
"Anong ginagawa mo ditong gago ka?" Galit na bungad ng ama ni Maxine.
"Natatakot ka po bang makita ako, Dad?"
"Don't call me Dad! Hinding-hindi kita matatanggpa pa ulit dahil sa ginawa mong pagnanakit sa anak ko!"
Pagak na natawa si Gavin bago sumagot. "E, sa ginawa mo pong paninira sa pamilya ko na dahilan ng pag kamatay ng Mommy ni Maxine at pagka matay ng Mommy ko? Habang ang Dad ko naman ay nawala sa sarili, tapos ikaw humaharap sa anak mo na parang wala lang ang lahat saiyo at ikaw ang malinis sa lahat?"