"Saan na naman ang punta mo?" Natatawang tanong ni Alice sakaniya ng makita siyang bihis na bihis.
Kibit balikat siyang napaupo. Sabado naman ngayon kaya walang pasok si Solene. Dahil kakauwi palang nila sa pinas ay nais niyang masulit ang pag bo-bonding nilang mag ina. At hindi lang pala sila, kasi kasama din si Neo. Hindi maaring mawala si Neo dahil si Solene mismo ang nag request na isama ang kaybigan niya.
"Sumama kaya ako?"
"Panira ka ng moment noh? Ibigay mo na samin ang araw na ito."
"Oo nga naman," natatawang sang-ayon ni Alice. "Sana lang maging official na kayo pati sa Dad mo. Ayaw mo pang aminin sakin e, haha. Pero deep inside feeling ko magugustuhan mo na din s'ya."
"Sinusubukan ko." Sagot ni Maxine bago nakipag beso sa kaybigan at nag paalam.
Dumaan lamang kasi siya sa bahay nito upang may ibigay. May nais siyang ipatikim sa kaybigan niyang si Alice na bago nilang dish.
"And by the way thanks sa pagkain!" Kumakaway na sigaw ni Alice sakaniya.
Lumingon siya at napatango. Mabilis lang ang byahe niya dahil wala namang traffic. Nag mamadaling naligo si Maxine at nag ayos. Matapos siya sakaniyang sarili ay tumungo naman siya kay Solene na inaayusan na pala ng kaniyang ama.
Kikay na kikay ang style nito kaya naman hindi niya mapigilang matawa. Kamukang kamuka kasi niya si Solene nung nasa edad rin siya nito.
"Mag ina nga kayo", bulong ng kaniyang ama ng makalapit sakaniya bago tinapik ang kaniyang balikat.
"Excited na ako ate!" Napahagikhik ito bago humawak sakaniyang kamay.
"Excited narin ako Solene," sagot niya bago sila sabay na bumaba.
Nadatnan nila si Neo na nag hihintay na pala sa sala at bihis na bihis din.
"Ang gwapo ni tito Neo!" Puri ni Solene na ikinataba ng puso ni Maxine. "Tito Neo pretty rin po ba kami ni Ate?"
Napasulyap sakaniya si Neo bago ito sumagot. "Hindi lang basta pretty. Dahil para sakin tila ba isa kayong diwata na kay ganda." Pinisil ni Neo ang ilong ni Solene. "At mahal ko kayong dalawa," dagdag pa nito.
"Mahal ka din po namin!" Masiglang sagot ni Solene.
Nauna na si Neo at Solene sa sasakyan. Hawak kamay na lumabas ang dalawa habang si Maxine ay naiwan kasama ang ama niya.
"Uuwi din po kami baka gabihin nga lang." Paalam niya bago niyakap ang ama na masayang masaya rin para sakanilang tatlo.
"Huwag mo akong alalahanin dahil deserve mo ang kaligayahan na ito."
Napatango si Maxine bago tuluyang lumabas.
Katabi niya sa backseat si Solene habang si Neo naman ang driver. Mabuti nalang at naka silent ang phone niya kaya naman nararamdaman lang niya na may incoming calls o text kapag nag vibrate ito.
Pasimpleng hinugot niya cellphone na nag vibrate. Binasa agad niya ang text mula kay Gavin ngunit napaawang ang kaniyang labi.
"May problema ba?" Takang tanong ni Neo ng mapasulyap sakaniya.
Mukang napansin nito ang expression ng mukha niya kaya naman agad siyang umayos.
Nabasa kasi niya mula sa text ni Gavin na nakasunod ito sakanila.
Ang kulit talaga ng lalaking 'yun!
Inis na sambit ni Maxine sakaniyang isipan. Napansin nga niya ang itim na kotse na kanina pa nakabuntot sakanila ng mapalingon siya mula sa likod.
Hindi pa ba malinaw dito ang sinabi niyang siya ang tatawag at mag sasabi kung gusto niyang makipag kita? Napangisi si Maxine. Mukang kumakagat na nga yata ang ex-husband niya sa plano niya. Sa inaasal nito ngayon ay tiyak na niyang mahal parin siya ni Gavin.
Kampanteng naupo si Maxine bago isinandal ang kaniyang ulo at nag relax.
Iniisip pa niya ang mga susunod niyang hakbang. Ngunit iniingatan rin niyang mapansin siya ni Neo at Solene.
"Sa enchanted kingdom?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maxine habang natatawa.
Ang buong akala kasi niya sa malapit sa dagat sila pupunta. Ngunit na sunod parin pala ang gusto ni Solene. Hindi talaga ito mapahindian ni Neo. Isang pa cute lamang kasi nito ay mapapa payag na ang kahit na sino.
"Minsan lang siya magiging bata kaya lubusin na natin." Sagot sakaniya ni Neo kaya naman napatango siya.
Mag sasalita pa sana siya ng mahagip ng paningin niya si Gavin na nakatitig sakanila.
Pinilit niyang ngumiti kay Neo at nilapitan ito para bigyan ng halik sa pisnge. "Pasok na tayo?" Pag-aaya pa niya bago hinawakan sa kaliwang kamay si Solene. Habang si Neo naman ay sa kanan. Muli siyang napasulyap kay Gavin na akala niya ay nakatingin parin sakanila ngunit wala na ito pag lingon niya.