CHAPTER 14

790 Words
Pinigil ni Maxine si Gavin ng maramdaman niya ang kamay nito na dumako sa maselan niyang parte. Hindi pa niya kayang ibigay ang bagay na iyon kahit pa alam niyang mawawalan ito ng gana at mahihirapan na naman siyang kuhanin ang loob nito. "What? You don't like it? I thought this is what you want, right? Bakit ang bilis mo yatang ma- guilty?" Mapang insultong tanong ni Gavin sakaniya. "Bakit naman ako magui-guilty? Ikaw ba na gui-guilty ka na niloloko mo si Levi?" Balik na tanong ni Maxine habang matapang na sinasalubong ang malamig na titig ni Gavin sakaniya. "It's just for fun," napangisi pa ito sakaniya. "Bakit hindi nalang natin i-enjoy?" "I agree, but not right now." Sagot niya bago hinagkan sa labi si Gavin. Mabilis lang ang halik niya at lihim siyang natawa ng mapansing bitin ito sa ginawa niya. Kumindat siya bago tumalikod. "I told you, twenty minutes lang ang kaya kong ibigay na oras saiyo. At ako ang mag sasabi kung kaylan at saan tayo mag kikita." Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito dahil mabilis na siyang lumakad palabas. Papasok palang siya sa lugar na napag usapan nila ni Neo ay hindi na maalis ang titig nito sakaniya. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng kaba at hiya kahit na wala pa namang sinasabi sakaniya si Neo. "Sorry I'm--" Hindi na siya nakapag patuloy sa sinasabi. "Yeah, late ka. Inaasahan ko na kasi sinabi ni Solene na dala mo daw 'yung kotse mo." "Oo kasi may pinuntahan pa ako," napakamot siya sakaniyang batok. "Sorry hindi na ako nakapag text or chat saiyo." Napatango naman si Neo bago sumagot. "It's fine, at least nandito ka." Masaya ang naging usapan nila ni Neo. Matapos ang pag-uusap ay nag paalam na siyang mag papahinga na dahil maaga pa siya bukas sa pag bubukas ng restaurant. "Ate!" Sa labas palang ay rinig na niya ang boses ni Solene. "Pasalubong ko po!" Excited na sabi pa nito bago siya tinakbo at niyakap. Tila may kumirot sa puso ni Gavin sa nasaksihan niya. Kitang-kita niya ang magka yakap na si Solene at Maxine. "Sino ang batang iyon?" Naguguluhang tanong niya sakaniyang sarili. Mariin siyang napapikit upang makapag isip. Naalala niya ang kakilala niyang detective. Agad niyang dinukot ang kaniyang cellphone at nag dial ng number nito. "May ipapagawa ako. Pumunta ka sa office ko bukas," malamig na wika niya bago pinatay ang tawag. Hindi siya kuntento hanggat hindi nalalaman ang lahat tungkol kay Maxine. Alam niyang wala na itong kapatid dahil nung umalis ito ay patay na ang Ina nito. Nais niyang makasiguro kung nilaglag nga ba nito ang anak nila o itinatago lang ni Maxine sakaniya? "Dadalawin natin ang Dad mo?" Ngunit imbis na sumagot sa tanong ni Levi ay nag tanong din siya. "Kanina ka pa?" Alam ni Levi ang code niya. Hinahayaan niya itong mag labas masok sa condo niya dahil matagal naman na sila nitong mag kasama. "Hinahanap ba n'ya ako?" "Palagi naman Gavin," malungkot na sagot ni Levi sakaniya. Nilapitan siya nito at hinaplos ang mukha. "Basta tandaan mo na wala kang kasalanan, ok? Nakaya mo na. Kaya alam kong kakayanin mo parin kahit pa nandiyan na si Maxine." "I know, thank you Levi for being always there for me." Tahimik sila sa byahe hanggang sa makarating sa mental hospital kung saan namamalagi ngayon ang ama niya. "Gavin! Gusto ko si Gavin! Gusto ko makita anak ko!" Papasok pa lamang siya ay rinig na rinig na nila ni Levi ang pag palahaw nang iyak ng kaniyang ama. "Levi sabi mo kalmado s'ya?" "I don't know I'm sorry," kinakabahang sagot ni Levi sakaniya. "Nurse! Sabi ninyo maayos si tito. Sabi ninyo tinurukan ninyo siya ng pampakalma?" "Ma'am nung marinig po kasi niya ang pangalan ni sir Gavin naging ganiyan na siya." Sagot ng Nurse na incharge sa pag babantay sa ama ni Gavin. Lumapit siya sakaniyang ama. "Pwede ninyo ba siyang ilabas? Nandito na ako tatahimik na siya." Agad namang tumigil ang ama niya. Ngumiti ito at inabot ang kaniyang kamay. "Anak, kamusta na ang Mommy mo?" Nakagat ni Gavin ang ibabang labi niya bago nag iwas ng tingin. "Pakilabas ang Dad ko, please?" Pakiusap niya sa Nurse. Agad naman itong sinunod ng mga ito. Nag yakap sila ng ama niya habang tinatapik tapik pa nito ang likod niya. "Pag lumabas ako anak babawi ako sainyo ng Mommy mo." "Dad, matagal na pong--" Natigilan si Gavin ng umiling si Levi sakaniya. "Maayos n-naman p-po." Nauutal na sagot ni Gavin habang lumuluha. Hindi matanggap ng ama ni Gavin ang naging pag kawala ng kaniyang Ina. At bukod dun ay alam ni Gavin na mas may malalim pang dahilan kung bakit na wala sa tamang pag-iisip ang kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD