"Bakit nandito k-ka?" Utal na tanong ni Maxine. Napasulyap siya kay Neo na hindi rin makapaniwala ngunit wala naman itong imik.
"Akala ko ba gusto mong--"
Agad niyang hindi pinatapos si Gavin sa kung ano pang sasabihin nito.
"Si Neo nga pala," bigla nalang niyang pakilala. "I'm sure kilala mo na siya as my friend, right? Ngayon kasi long time partner ko na s'ya." Matapang na sabi pa niya bago ngumiti ng pilit kay Neo.
Napaawang ang labi nito. Ngunit kaagad niyang hinawakan ang kamay ng binata upang masakyan nito ang sinasabi niya.
"Good for you, congrats." Walang emosyong bati ni Gavin sakanilang dalawa bago ito tumalikod at umalis na ng tuluyan.
Hinabol ito ng tingin ni Maxine. Nakahiwa lamang siya ng maluwag ng mawala na sa paningin niya si Gavin.
Kainis! Wrong timing ang lalaki iyon.
Sambit niya sa isipan bago napasulyap kay Neo na nakatitig na pala sakaniya kanina pa.
"What was that?" Takang tanong nito. "Kaylan pa kayo nag kita? Maxine nag uumpisa ka na namang papasukin ang lalaking iyon sa buhay mo." May pag-aalala sa boses ni Neo.
Alam naman niyang delikado ang ginagawa niya. Ngunit desidido siyang saktan ang ex niyang nanakit din sakaniya. Alam ni Maxine ang kaniyang ginagawa. Kontrolado niya ang sitwasyon, at hihinto lamang siya kapag nagawa narin niyang impyerno ang buhay ni Levi at Gavin.
"Alam mo nung nakita ko silang dalawa lalo na si Levi," napabuntong hininga siya. "Nandidiri ako ng s-sobra. Kasi alam kong napakadesperada niyang tao at kahit kaylan hindi kami magiging mag kauri. Halos ayaw ko siyang madikitan. Kasi from the moment na nakita ko siya, nasusuka na ako."
"I'm always here for you. Aalagaan ko kayo ni Solene, pangako." Hinagkan siya sa nuo ni Neo bago ngumiti sakaniya.
"Sana nasa tabi parin kita kapag handa na akong mag mahal ulit." Pakiusap niya habang nakatitig sa mata ni Neo.
"Kahit kaylan naman hindi ako nawala sa tabi mo. Mawawala lang naman ako kapag ikaw na ang nag sabi, at didistansiya lang naman ako kapag alam kong hindi na ako 'yung kaylangan mo."
Hindi na gustuhan ni Maxine ang sinabi ni Neo. "Don't say that," yamot na saway niya. "Paborito ka ni Solene, remember?"
"Speaking of Solene may binili nga pala akong toy para sakaniya."
Napailing na lamang si Maxine dahil hindi talaga niya na saway si Neo na wag nang bilhan si Solene dahil marami pa naman itong toys. Binabalak na nga niyang idonate na lamang sa ampunan ang iba pang laruan ng anak niya.
"So, saan tayo mamaya?" Masayang tanong ni Maxine.
"Akala ko hindi na tuloy." Napakamot pa sa ulo si Neo bago muling nag salita. "I know a place. Hindi masyadong matao at talaga namang masusulit ang kain natin hehe."
"Consider it as a date," kumindat pa siya sa binata bago bumalik sa kitchen para i-check ang mga orders.
Dumarami na kasi ang customer ng restaurant niya. May ilang branches narin siya ngunit dito pa nga lang sa locals. Dream ni Maxine ay mag karoon ng branch sa international na hindi naman malabong mangyari dahil maganda ang takbo ng negosyo niya.
Nag paalam na si Neo na susunduin na lamang siya mamayang alas syete. Maaga rin namang iniwan ni Maxine ang main branch kung saan siya nag tatrabaho.
"Aalis ka ate?"
Napangiti siya bago sumagot kay Solene. "Hindi ka pwedeng sumama, ok? Kasi date namin ng tito Neo mo iyon." Paliwanag niya.
"Talaga po?!" Hindi makapaniwalang tanong nito bago napahagikhik.
"Good decision anak." Puri ng kaniyang ama na narinig pala ang kanilang usapan.
"Alis na po ako, Pa." Paalam niya bago hinagkan ang ama sa nuo.
Maaga na niyang aabangan si Neo sa tapat ng bahay nila, at habang nag aabang ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng mensahe mula kay Gavin.
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. "Siraulong lalaking 'to! Bakit ngayon pa?" Inis na sambit niya bago padabog na pumasok muli para gamitin ang sarili niyang sasakyan.
Pinapapunta kasi siya nito ora mismo na talagang sumabay pa sa date nila ni Neo.
Hindi sana niya ito papansinin kung hindi lang niya kinukuhang muli ang loob ng kaniyang ex.
"Twenty minutes lang ang maibibigay kong oras saiyon." Nayayamot na bungad niya ng makarating sa condo ni Gavin.
"Hindi ko sure kung twenty minutes lang ang itatagal ng gagawin natin." Nakangising sagot nito bago siya isinandal sa pader at mapusok na hinalikan.