Dalawang araw ang lumipas. Hindi mawala sa isip ni Gavin ang ginawa ni Maxine. Wala rin siyang naririnig na salita kay Levi. Sinabi lamang nito na ito ang sumundo sakaniya nung nalasing siya ngunit bukod dun ay wala na itong sinabi.
"Lunch?"
"Ikaw nalang muna", sagot niya bago bumalik sa malalim na pag-iisip.
Pinirmahan na kaya ni Maxine ang annulment tulad ng ipinangako nito sakaniya? Mariin siyang napapikit habang ang ballpen na hawak ay tinutuktok niya sa table.
Mukang gusto nga niya ng laro.
Wika ni Gavin sakaniyang isipan bago napangisi. Titignan niya ang tatag ng ex-wife niya kung hanggang saan ito aabot sa pag la-laro.
"Hindi mo talaga ako sasamahan?" Nayayamot na tanong ni Levi.
Napabaling siya rito. Hindi pa pala ito umaalis para mananghalian. Napapalatak siya bago tumayo. "Kumain kana Levi wag kang papagutom, oki? May pupuntahan lang ako."
Hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil mabilis siyang lumabas ng office matapos niyang madampot ang susi ng kotse.
Samantalang si Maxine naman ay halos sampalin na ng kaybigan niya. Pinuntahan siya nito sa mismong trabaho niya para makichismis lang. Kanina lamang siya nag ka time na sabihing successful ang unang hakbang niya para mapalapit kay Gavin at Levi.
"Gaga!" Mahina siyang hinampas ni Alice sa braso.
"Bunganga mo masyadong pasmado." Saway niya dahil nakakahiya sa mga taong nasa paligid nila.
May sariling restaurant na mina-manage si Maxine. Imbis na mag trabaho sa iba ay nag tayo na lamang siya ng sariling business.
"Sorry naman," humina ang boses ng kaybigan niya. "And by the way, nasupalpal mo ba iyong babae?"
"Oo, pero hindi pa ako satisfied. Parang gusto ko pa siyang ipahiya, tulad ng ginawa niya sakin." Nakuyom ni Maxine ang kamao niya. "Nag u-umpisa palang ako. Papunta palang kaming tatlo sa exciting part, at isasama ko sila sa impyernong ipinaranas nila sa akin."
"Iba ka! Ikaw na! From bida to kontrabida!" Napapalakpak si Alice bago umakto na may inililipat na korona sa ulo niya. "Make sure na hanggang ending successful noh? Baka kasi pag dating sa dulo para kang leron-leron sita na pag dating sa dulo bali ang sanga kaya ayun na fall na naman." Banta ng kaybigan niya na hindi niya pinansin.
Magsasalita pa sana si Alice ng pigilin niya ito.
Tumatawag kasi si Gavin kaya naman inayos niya ang kaniyang boses bago sinagot ang tawag.
"Gusto kong malaman kung totoo bang wala na 'yung bata?" Seryosong tanong nito.
Napasulyap siya kay Alice bago sumagot. "Oo, at sobrang pinagsisihan ko na sinunod kita. " Pinalungkot ni Maxine ang kaniyang boses. "Napatawag kaba para itanong lang iyan?"
Imbis na sumagot ay nag tanong rin sakaniya si Gavin. "Nasaan ka ngayon?"
"Nasa work, pero pwede naman ako kung gusto mo akong makasama."
Kita ni Maxine ang natatawang mukha ni Alice.
"Sabihin mo lang para maiwan ko sa katiwala ko ang restaurant." Muling sabi pa niya.
Dun biglang sumibangot ang mukha ni Alice.
Alam kasi nitong ang tinutukoy ni Maxine ay walang iba kundi siya.
"Maxine.."
Nanlaki ang mata niya maging ng kaybigan na si Alice ng biglang sumulpot si Neo. "Pwede na tayo mag date tonight, free na ako."
"Si Neo ba iyan?" Tanong ni Gavin sa kabilang linya.
"Patay," Alice mouthed habang tinuturo ng palihim si Neo.
"Ah, sige.. Bye, mamaya nalang ulit, Papa."
Pinatay na niya ang tawag bago ngumit kay Neo. "Si Papa lang hehe," palusot niya. "Kanina ka pa?" Tanong pa niya habang pinapaypayan ang sarili dahil sa pamamawis.
"Taray!" Natatawang sabi ni Alice bago tumayo at lumapit sakaniya. "Ingat ka, mahirap mamangka sa dalawang ilog. Nakakapaso apoy, remember?" Bumaling naman ito kay Neo. "Alis na ako Neo, babush!" Paalam ng kaybigan niya bago kumaway.
"May gusto na naman bang ipabili si Solene?" Nakangiting tanong ni Neo.
Ganito kasi ang ama ni Maxine kapag tumatawag. May gustong ipabili ang anak niya, pero hindi naman talaga ang ama niya ang kaniyang kausap. Nag sinungaling siya kay Neo kaya naman na guilty siya.
"Spoiled mo na naman si Solene. Bayaan mo na, maayos pa naman ang binili mong hello kitty teddy bear sakaniya. Dapat matuto siya na hindi porket may ipambibili e, lulubusin na niya. Gusto kong matuto siyang mag pahalaga sa isang bagay at hindi 'yung palit ng palit." Paliwanag ni Maxine.
"Ibibili ko parin siya." Natatawang sagot ni Neo kaya naman napailing na lamang siya.
"Kaya gustong-gusto ka eh." Natatawang sabi ni Maxine.
"Ikaw lang naman ang hindi ako gusto," pasaring ni Neo.
"Maxine.."
Sabay silang napalingon ni Neo sa nag salitang si Gavin.