Mabigat ang pakiramdam ni Maxine. Inimbitahan kasi ang pamilya nila na mag salo-salo. Kaylangan umarte ni Gavin na parang wala lang nangyayari sakanila. Ganun din naman s'ya na walang balak isumplong ang asawa niya kahit na grabe na 'yung pag hihirap niya.
"So, how's your day?" Ang Ina ni Maxine ang nag tanong.
"G-Good", nautal siya ng sumagot.
Napalinga-linga siya upang tignan kung dumating na ba si Gavin. Wala pa kasi ito. Gumawa lamang ng palusot si Maxine na pinaniwalaan naman ng mga magulang nila.
Sinabihan na niya ang asawa na may family dinner sila ngunit wala yata talagang balak sumipot si Gavin.
"Saan ba nag punta si Gavin?"
"Ma, sorry. May overtime daw po kasi kakapasok lang po ng chat sakin", palusot ni Maxine.
Kahit na ang totoo wala naman. Walang paalam o pasabi man lang bilang pag respeto. Ganito na ba talaga kalala si Gavin sakaniya? Pinipilit talaga siya nitong maubusan ng pagmamahal. Ngunit umaapaw ang pagmamahal ni Maxine kaya naman hindi ito agad mauubos. Maging ang pasensya niya ay napakahaba.
"I think hindi na darating si Gavin", ama ng asawa ni Maxine ang nag salita. "Sa susunod nalang siguro ulit", dagdag pa nito.
"Pag sabihan mo ang anak mo nakakahiya sa balae natin", rinig naman ni Maxine na bulong ng Ina ni Gavin bago ngumiti sakaniya.
"It's okay no worries. Maintindihin ang prinsesa namin, and we know na responsableng asawa si Gavin".
Napangiti si Maxine sa sinabi ng kaniyang Ina. Katulad talaga niya ito na mahaba rin ang pasensya at maunawain. Unlike his Dad, bakas sa ama niya ang yamot. Tumayo ito at nag paalam sa lahat na lalabas lang muna para manigarilyo.
"Galit ba si Jonas?" Tanong ng Ina ni Gavin.
"Ahm, hindi naman siguro. Pagod lang sa work, excuse me sundan ko lang", paalam ng Ina ni Maxine.
Magulang na lamang ni Gavin at si Maxine ang natira.
"Kamusta po, Papa?" Baling ni Maxine sa ama ng asawa niya. "Pagod rin po yata kayo". Nahihiyang dagdag pa niya. Pansin niya kasing wala sa mood ito parehas ng ama niya.
Mga lalaki ito kaya hindi maiwasang isipin ni Maxine kung nakakahalata na ba ang mga ito sakanilang mag asawa?
Wag naman sana!
Sambit ni Maxine sakaniyang isipan.
"Mabuti naman", ngumiti ito sakaniya. "May problema ba kayong mag-asawa? Sabihin mo lang samin".
"Pa, wala po. We're good and happy naman po", mabilis na sagot ni Maxine bago linagok ang isang basong tubig dahil sa kaba.
"Sorry I'm late".
Sabay-sabay silang napalingon kay Gavin na bigla nalang sumulpot.
Napataas ang kilay ng ama ni Gavin habang ang Ina naman nito ay nakangiti lang.
"Akala ko hindi kana dara--"
"Nandito na ako", malamig na sagot ni Gavin kaya hindi na siya nakapag patuloy sa sasabihin.
"Tawagin ko lang sila Mama at Papa", tumayo si Maxine at pinuntahan ang dalawa. "Ma, nandito na po si Gavin".
Kita niya na nag pahid ang kaniyang Ina ng luha. Kaya naman napataas ang kilay ni Maxine at puno ng pagtataka.
"Are you crying? Nag-aaway ba kayo ni Papa?" Sunod-sunod na tanong ni Maxine. "Papa inaaway mo ba si Mama?"
"Anak ano lang miss understanding lang, but everything's going well". Ang Ina ni Maxine ang sumagot. "Makulit kasi ang Papa mo. Sinabi kong mag pahinga muna siya pero ayaw naman niyang makinig sakin".
"Pa, wag mo naman pong paiyakin si Mama. Alam mo namang mahina ang puso niya". Nag-aalalang wika ni Maxine.
"Sorry", niyakap ng ama niya ang kaniyang Ina bago ngumiti. "Balik na tayo?" Pag-aaya pa nito na ikinatango nilang mag ina.
Matapos ang dinner ay kay Gavin sumakay si Maxine. Tahimik lang itong nagmamaneho.
Hindi pa sinabi ni Maxine ang tungkol sa pag bu-buntis niya. Mag i-isang buwan na ang tiyan niya. Ngunit hanggang ngayon wala pa siyang balak aminin sa magulang nila. Hindi pa sila maayos is Gavin kaya naman wala pa siyang lakas ng loob.
"Hindi ako matutulog sa bahay. Mag pasama kana lang ulit kay Neo", malamig na wika ni Gavin.
"Bakit?"
"Kasi ayokong umuwi", sagot nito bago siya tinitigan ng masama.
"Sigurado kana ba talagang ayaw mo na?" Lakas loob na tanong ni Maxine.
"Oo", tipid na sagot nito sakaniya.
Ihininto ni Gavin ang sasakyan.
"S-sige, malaya kana". Lumabas na si Maxine sa kotse at tumakbo sa madilim na lugar na pinag babaan niya.
Natigilan lamang siya ng mag ring ang phone niya. Tumatawag ang ama niya kaya naman agad niya itong sinagot.
Hinihingal si Maxine kaya naman hindi siya makapag salita.
"W-wala na ang Mama m-mo." Hirap na hirap mag salita ang ama niya.
"Pa, hindi magandang biro 'yan".
Rinig niya ang hagulhol ng kaniyang ama kaya naman nabitawan ni Maxine ang phone niya.