Chapter 5

737 Words
"Bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo patuloy na ipinipilit 'yung hindi pwede?!" Halos mapalundag si Maxine sa pag sigaw ni Gavin. Galit itong iniluwa ng pinto. Napatingin siya sa asawa niya bago ngumit. "Gutom kana ba? May niluto a-ko". Kahit na anong pigil niya sa sarili niya ay pumiyok parin siya at na utal. "Pasensya na haha", pagak siyang tumawa bago mabilis na tinuyo ang kaniyang luha. "Nag hiwa kasi ako ng onion kaya naluluha ako", palusot pa ni Maxine. "Answer me", kalmadong wika pa ni Gavin habang titig na titig sa mata niya. "Maxine kung pinirmahan mo lang sana 'yung t4nginang annulment paper na 'yan sana malaya kana! Sana hindi kana nahihirapan!" "Pero ayaw kong lumaya", humihikbing sagot ni Maxine. "Pagod kalang. Nalilito kalang sa ngayon", muling sambit niya kahit na hirap na hirap ng mag salita dahil sa pag-iyak. "Pero nandito parin ako Gavin. Nandito lang ako kapag kaylangan mo na ako". "Hindi na kita kaylangan". Tila ba sinasaksak si Maxine ng milyon- milyong patalim dahil sa tinuran ng kaniyang asawa. "Sa ngayon hindi, pero I know in my heart na kakaylanganin mo rin ako". Hindi na kinaya ni Maxine. Siya na ang tumalikod kay Gavin at iniwan ito. Pabagsak siyang nahiga sa kama at napatitig sa kisame. "Anak sorry", himas ni Maxine ang tiyan niya. "Lito pa ang Daddy mo kaya niya na sasabi ang mga ganung bagay". Dahil sa pagod ay namalayan na lamang ni Maxine na nakatulog na pala siya. May kumot na siya at nakaayos na ng higa. Ngunit si Gavin ay wala sa tabi niya. Madaling araw na pala ng mapatingin siya sa orasan. Bumaba siya sa kusina upang uminom ng tubig. Habang nakaupo ay muling umagos ang luha niya. Hindi na ba talaga siya mahal ni Gavin? Wala na ba talagang pag-asa para sakanilang dalawa? Punong-puno ng sakit ang puso ni Maxine. Gusto niya ng may kausap kaya naman kahit nahihiya siya. Walang atubili niyang tinawagan si Neo. Hindi kasi sumasagot si Alice kaya naman si Neo na ang tinawagan niya. Wala pang isang minuto ay sumagot na ang binata. "May problema ba?" Bakas sa boses ni Neo ang pag-aalala. "W-wala akong kasama", nakagat ni Maxine ang ibabang labi niya upang pigilan ang panginginig ng kaniyang boses. "Pwede kabang sumaglit dito sa bahay?" "I'm on my way", mabilis na sagot ni Neo bago binaba ang tawag. Nasaan kaya siya sa mga oras na 'to? Mariing napapikit si Maxine at napahilamos sa mukha. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng tunog ng sasakyan kaya naman dagli siyang lumabas. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya kay Neo. Hindi na kasi talaga kaya ni Maxine ang sakit na unti-unting pumapatay sakaniya. "Sssh, tahan na". Haplos ni Neo ang buhok ni Maxine at pinapatahan ito. "Mahirap talaga kimkimin iyan kaya naman sige lang, umiyak lang". Matapos mailabas ni Maxine ang lahat ay inaya na siyang pumasok ni Neo sa loob. Binigya siya nito ng isang basong tubig. Ipinag luto din siya ni Neo dahil nalaman nito na hindi pa pala siya kumakain. Panandaliang nakalimot si Maxine. Pinilit niyang kumain ng marami para sa anak niya. Sabay silang napalingon ni Neo ng bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Gavin. Napatitig si Maxine sa mata ng asawa niya na tila ba galing din sa iyak. "Andito kana pala", napatayo pa siya. "Pinapunta ko si Neo kasi wala akong kasama. H-hindi kasi sumasagot si Alice kaya naman si--" Hindi natuloy si Maxine sa paliwanag niya. Mukang wala rin namang pake si Gavin. "Pagod ako", tanging sagot nito bago sila linampasan. "Ang sabihin mo gago ka". Ang boses ni Neo ay nag aamok. Agad naman itong sinaway ni Maxine at pinakiusapan na wag nalang patulan. "Alam mo wala naman akong pake kung sino iuwi n'ya". Napairap pa si Gavin sakanila. "Pagod na akong pasanin ang lahat. Nakakasawa ang babaeng 'yan kaya sayo na", dagdag pa ni Gavin. "Hindi s'ya tuta na basta nalang ipapamigay kapag sawa kana!" "Neo tama na", hinawakan ni Maxine ang braso ng kaybigan niya. "Pagod lang si Gavin". "Wala na siyang respeto sayo Maxine. Alam kong may dahilan ang bawat tao, pero nakakat4ngina ang asawa mo. Hindi kaba napapagod? Palagi kana lang umiiyak ng dahil sa gagong 'yan!" Dinuro ni Neo si Gavin na nakamasid lang. "Pagsisihan mong ginaganito mo ang kaybigan ko". "Gusto mo s'ya? Sayong-sayo na," madiing wika ni Gavin bago umakyat sa hagdan patungo sa kwarto nilang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD