Hindi matiis ni Gavin si Maxine kahit na anong taboy ang gawin niya. Binalikan niya mulit ito at nakitang humahagulhol.
"Sakay", walang emosyong utos niya.
"W-wala na si M-Mama!" Umiiyak na sumbong nito.
Nag iwas siya ng tingin. "Ihahatid kita." Ito lamang ang sinabi niya bago binilisan ang pag papatakbo sa sasakayan.
"Ito naman 'yung gusto mo diba? Ito na, ibibigay ko na Gavin! Simula bukas mawawala na ako sa landas mo mag kanya-kanya na tayo. Magiging legal na kayo ni Levi."
Hindi siya sumagot sa tinuran ni Maxine. Ayaw niyang dumagmag pa kahit ngayon lang. Hinayaan n'ya lang itong mag labas ng sama ng loob.
Samantala agad namang bumaba si Maxine sa kotse ni Gavin ng makarating sila tapat ng hospital. Umaasa siya na aabutan pa niya ang kaniyang Ina, at umaasa siyang hindi pa ito natatakpan ng puting tela. Hindi na niya nagawang lumingon pa sakaniyang asawa dahil sa pagmamadali. Halos liparin na niya ang information upang itanong ang pangalan ng kaniyang Ina.
Ngunit na salubong na niya ang kaniyang ama na humahagulgol narin sa pag-iyak. Umiling ito sakaniya na para bang sinasabing wala na talaga.
"Pa," pinipilit ni Maxine na mag salita kahit na hirap na hirap na siya. "Anong nangyari? Tell m-me please.. Para na akong mababaliw e," umiiyak na tanong ni Maxine.
"Anak I'm sorry." Ito lamang ang nasabi ng kaniyang ama bago siya mahigpit na niyakap. "W-wala na ang Mama mo. Hindi na talaga kinaya ng puso n'ya, sorry talaga."
Mariing napapikit si Maxine. Hindi na talaga niya alam ang gagawin. Nag patong-patong na lahat ng problema niya kasabay ng pagkasira ng relasyon nilang mag-asawa.
Anong gagawin niya? Wala na ang Ina niyang nag papakalma at nag bibigay ng payo sakaniya. Pakiramdam ni Maxine ay nais nalang din niyang sumunod sakaniyang Ina.
Inalalayan lamang siya ng kaniyang amang si Jonas na tumayo. Ngunit maging ito ay nanlulumo at pagewang-gewang. Sa morgue sila dumiretso. Puting kumot ang tumatakip sa katawan ng kaniyang mahal na Ina.
"I'm sorry, Ma." Natuptop ni Maxine ang kaniyang bibig. Hindi na siya sinamahan ng kaniyang ama sa loob dahil maging ito ay hindi makayanan na tignan ang kaawa-awa niyang Ina na nakahiga at natatakpan ng puting kumot. "H-hindi ko man lang nasabi saiyo. Sorry talaga, sorry po. Ma, hindi na po kami ok ni Gavin. Niloko n'ya ako, so I ruined his career. I ruined everything, and it's all my fault. I'm useless, careless and stupid! Ang tanga-tanga ko Mama. I know kung naririnig mo man ako. I'm sure disappointed ka. Gusto ko nalang pong mag laho na parang bula. Gusto kitang sundan kung nasaan ka man", mapait na ngiti ang sumilay sakaniyang labi. "Pero Ma, hindi na po kasi pwede. Magiging Lola at Lolo na po kayo. Yes Ma, I'm pregnant." Huminga muna siya dahil kinakapos na siya ng hangin. "Kaya lang Mama baka wala po siyang kagisnang ama. Hindi po kasi siya gustong panagutan ni Gavin. Gusto na po ni Gavin na makipag annulment, pipirmahan ko na po ba?"
Napasulyap si Maxine sa ama niyang panay lang din ang iyak habang nakatanaw sakaniya. Hindi siya nito maririnig kaya naman ayos lang kahit sinabi na niya lahat.
"Kaylangan pa kita Mama. Hindi ko na po alam ang gagawin ko, sobrang takot na takot na po a-ko." Muling sambit niya. Hinaplos niya ang maamong mukha ng kaniyang Ina bago ito hinagkan sa forehead. "Paniguradong hahanapin ka ng apo mo, at palagi rin kitang ikwekwento. Ipagtatapat ko na po ang lahat kay Papa, at sana lang po ay makayanan naming dalawa."
"Condolence". Niyakap siya ni Alice na umiiyak narin. "Hindi ko akalain na mangyayari ito kay tita. Ang buong akala namin ni Neo ay nakahanda na ang operasyon niya."
"Oo sana, pero hindi na niya nahintay". Sagot ni Maxine bago bumaling sa kabaong ng kaniyang Ina.
Isang gabi lang ang burol at matapos ay ililibing na ito. Ito ang pinakiusap ni Maxine upang hindi na matagalan ang pag hihirap ng kalooban nila ng ama niya. Inamin narin niya ang lahat sa kaniyang ama na hindi na sila maayos ni Gavin. Nagalit ito ng husto ngunit bago pa siya makapag pasya na aalis na sa pinas ay nauna na pala ang ama niyang mag book ng flight.
"Goodbye, Gavin..." Sambit ni Maxine bago siya tuluyang pumasok sa eroplano kasama ang ama niyang si Jonas.