Chapter 4

896 Words
"Ano ba kasing dahilan n'ya?" Yamot na tanong ni Alice. Kibit balikat si Maxine. Pahinga muna siya sa iyak ngayong araw. Maga na nga mata niya kakaiyak kagabi dahil sa sinabi ni Gavin. "Nag-aalala na ako sa kalusugan mo. Maxine alalahanin mo na buntis ka, at hindi lang ikaw ang kumakain, na i-istress at na a-apektuhan. Iyan ding nasa sinapupunan mo!" Madiing wika ni Neo. "Baka nga tama si Gavin. Bakit hindi ninyo subukan kapag ilang taon na ang lumipas tapos nag kita ulit kayo? Nandito naman kami," mapait na ngumiti ang kaybigan niyang si Neo. Si Neo ay may lihim na pag tingin kay Maxine. High-school pa lamang sila ay nais na niyang ligawan si Maxine. Naduwag lang siya dahil sa takot na masira ang pagka kaybigan nila kapag hindi nag click ang relasyon na gusto niya. Naging masaya siya para kay Maxine lalo na ng ikasal ito kay Gavin. Tutol man siya nung una ay wala rin siyang na gawa at ipinaubaya na lamang ang taong lihim niyang minamahal. Ngunit ang malamang ginaganito si Maxine? Hindi na siya mananahimik nalang. "I know", bagsak ang balikat na sagot ni Maxine. "Pakiramdam ko talaga may mali sa lahat ng nangyayari". "Ayan kana naman sa haka-haka mo. Hindi pa ba malinaw na ayaw na niya sayo? Kasi nga may Levi na s'ya." Napairap pa ang kaybigan niyang si Alice. "Sugurin kaya natin sa trabaho ang babaeng 'yun? Gigil ako eh! Sarap ubusan ng buhok sa ulo at sa pempem!" "Puntahan nga kaya natin? Sasamahan nyo ba ako?" Tanong ni Maxine bago tumayo. "Kung ayaw ninyo ay ako nalang." Akmang lalakad na sana siya ng hawakan siya ni Neo sa braso. "Anong balak mo?" "Neo bitaw", malamig na utos ni Maxine. "Gusto ko lang kausapin si Levi. Lilinawin ko lang ang lahat, at hihingi narin ako ng tawad para sa ikatatahimik niya. Kasi baka mapakiusapan ko pa siya na wag niyang agawin sakin ang asawa ko". Malutong na napamura si Alice. "I can't believe na kaya mong gawin sa sarili mo 'yan! Kapag nakita ko si Gavin bugbog sarado talaga s'ya samin ni Neo hayop s'ya!" "Hayaan mo s'ya", iling na wika ni Neo bago bumitaw sa pagkaka hawak sa braso ni Maxine. "Samahan nalang natin". "I'm sorry but, I can't. Hindi ko kayang makita 'yang katangahan na gagawin mo". Matigas na paninindigan ni Alice. "Ayokong makitang gagawin mo 'yan para lang sa lalaking 'yun. Okay lang sayo na tapakan 'yang ego mo? Put4nginang pagmamahal yan. Ang sakit mo naman mag mahal?! Ubos na ubos kana Maxine! Hindi na healthy, and by the way hindi na yata pagmamahal pa ang tawag sa ginagawa mo. Literal na katangan na 'yan". "Alice wag mo naman pagsalitaan ng ganiyan si Max--" Hindi na natuloy si Neo sa sinasabi niya. "Anong gusto mo Neo? Suportahan natin s'ya sa kagagahan at katangan niya? No! I can't do that. Gusto kong matauhan s'ya na 'yung asawa n'ya hindi na siya mahal." Galit na sagot ni Alice bago sila iniwan. Ngayon ay si Neo at si Maxine na lamang ang natira. "Maiintindihan ko kung iiwan mo din ako", walang buhay na basag ni Maxine sa katahimikang namayani sakanila ng ilang minuto. Tara na". Hinila niya patayo siya patayo ni Neo. Walang imik itong nag drive at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Matapos nito o kung ano man ang mangyayari. Gusto ko na mag isip ka na ng mabuti". Napatango si Maxine sa sinabi ng kaybigan niyang si Neo. Iisa lang ng pinapasukang kompanya si Levi at Gavin. Kaya naman hindi talaga maiwasang mag overthink ni Maxine. Habang palapit sila ng palapit ay pabilis rin ng pabilis ang t***k ng puso niya. Hindi na niya ginustong mag pakita pa kay Gavin. Gusto niyang kausapin si Levi na silang dalawa lamang kaya naman inimbitahan niya ito sa pinaka malapit na restaurant. "Pakibilisan lang kasi may trabaho pa akong iniwan para lang dito". Maayos naman ang pananalita nito. "May gusto lang akong linawin", panimula ni Maxine. "Hindi ako pumunta para makipag sigawan or what", huminga muna siya ng malalim upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Naiwan si Neo sa parking lot kaya naman silang dalawa lang ni Levi. "Anong meron sainyo ng asawa ko?" Tanong ni Maxine. Tinatagan niya ang loob niya sa ano mang isasagot ni Levi. "We f*ck, we kissed". Walang preno ang bibig ni Levi habang titig na titig kay Maxine. "Ito ba ang nais mong marinig? Yes, may nangyari nga samin. Masaya kana ba Maxine? Nakaganti ka naman na, right? Sinira mo 'yung promotion naming dalawa. Is that not enough?" "Hinding-hindi", madiing sagot ni Maxine. "Asawa ko ang pinag u-usapan natin dito. Ganiyan ka ka-proud sa kalandian mo?" Nagawa paring ibaba ni Maxine ang boses niya. "Ngayon iniisip ko tuloy kung alam ba ng magulang mo ang ginagawa mo". "Tapos kana ba?" Tila ba wala lang kay Levi ang mga sinasabi niya. "I hate to say this but," tumayo si Maxine at lumuhod sa gilid ni Levi na nakaupo lang. "I'm sorry. Wala na akong pake kung may nangyari sainyo p-pero wag mo namang alisan ng tatay ang magiging anak ko. Layuan mo na si Gavin, please!" Hindi makatingin sakaniya si Levi. Pansin niya ang panginginig ng kamay nito ngunit nagawa parin nitong i-handle ang sarili niya. "I'm sorry but I can't". Ito lamang ang sagot ni Levi bago tumayo at iniwang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD