Dalawang araw ang lumipas, pero ang pakiramdam ni Maxine ay taon na ang ipinamamalagi niya sa impyerno. Inuuwian pa naman siya ni Gavin. Ngunit hindi na tulad ng dati na masaya at puno ng halakhakan sa loob ng pamamahay nila.
Minsan lang din itong umuwi ng matino. Palagi kasi itong lasing kaya naman palagi din nahihirapan si Maxine na asikasuhin ito. Kung minsan ay nasusugatan siya dahil sa pag mamatigas ng asawa. Itinutulak siya nito, at hinahayaang masaktan.
Napakasakit isipin na 'yung taong dati ay takot na takot siyang masaktan ngayon ay siya nang nanakit sakaniya.
'Dapat na ba akong mag let go?' Ito ang tanong ni Maxine sakaniyang isipan habang hinahaplos ang buhok ng asawa. Lasing na naman kasi ng umuwi si Gavin. Inihatid na nga lang ito ng katrabaho niya dahil hindi na talaga nito kayang mag lakad.
"Ano bang nangyayari sayo? Pakiramdam ko itinutulak mo ako palayo, at may malalim na dahilan 'yun." Natutop ni Maxine ang bibig niya upang hindi makagawa ng ingay. Ang mga luha niya ay nag uunahan sa pag patak padausdos sakaniyang pisnge. "I know y-you. H-hindi ka naman dating g-ganito." Nahihirapang sambit pa niya habang nakatitig sa asawang mahimbing ang pag tulog. "Alam ko may problema ka. Sana sabihin mo na sakin. Kasi ayokong umalis sa tabi mo."
Hindi na niniwala si Maxine na dahil lang sa ginawa niya kaya naging ganito ang asawa niya. Alam niyang may iba pang dahilan. May mas malalim na dahilan pa kaya ito balisa at palaging galit. Nakailang sorry na ba siya? Lumuhod at umiyak na siya kay Gavin, at pati 'yung pride niya ibinaba na n'ya maging maayos lang sila.
Tinanggap niya at pinatawad si Gavin sa nagawa nito. Ang gusto nalang ni Maxine ngayon ay ayusin ang relasyon nila lalo pa ngayong magiging magulang na sila.
Maagang gumising si Maxine. Bakas ang puyat sa mata niya ngunit hindi niya ito pinapansin. Namumutla rin siya dahil nga ilang gabi na siyang walang tulog. Kahit kagabi ay saglit lamang siyang na idlip dahil sa panay niyang minamasdan si Gavin.
Sa gabi lang kasi niya ito na titigan ng maayos at nahahawakan. Kapag lasing lang niya ito na hahalikan. Dahil kung gising ito, ay hindi niya mahahawakan kahit hibla ng buhok ni Gavin.
"Aalis kana?" Kunot ang nuo ni Maxine ng makitang pababa si Gavin sa hagdan na nakabihis na.
Hindi siya nito sinagot. Umiwas lamang ito ng tingin bago siya nilampasan.
"Sandali lang!" Aligaga siyang dinampot ang lunch box ng asawa bago inabot. "Baon mo, baka kasi magutom ka. Hindi kana nga mag a-almusal e," nakayukong sabi pa niya.
"Look at yourself," iwas ang tingin ni Gavin. "Namamayat kana. Alagaan mo naman 'yang sarili mo. Maxine sarili mo naman asikasuhin mo. Hindi tayo pwede, hindi na."
Ito lamang ang iniwang salita sakaniya ni Gavin bago siya nito tuluyang tinalikuran.
Hindi man lang nito kinuha ang inaabot niyang baon. Napabuntong hininga si Maxine bago inilapag sa lamesa ang lunch box.
"May problema ba kayo ni Gavin?"
Lumikot ang mata ni Maxine. Inayos niya ang sarili n'ya bago sumagot sa tanong ng kaniyang Ina. "W-wala naman, Ma. B-bakit po?" Nautal pa siya ngunit mabuti nalang at nabawi agad niya.
"Pansin ko lang na parang stress ka this past few days? So, I was thinking na baka may pinag dadaanan kayong mag-asawa."
"We're good, Ma." Isang pekeng ngiti ang pinakawalan ni Maxine. "Si Papa po?" Tanong niya bilang pag-iiba sa topic.
"Wala s'ya e," malalim ang naging buntong hininga ng kaniyang Ina. "Kagabi pa siya hindi umuuwi, may business meeting sa tagaytay."
Napatango siya. "Kamusta ka naman po?" Muling tanong ni Maxine sakaniyang Ina.
"Mabuti naman ako don't worry. Ikaw ang dapat kong kamustahin," hinaplos nito ang buhok niya. "Pamilyadong tao na talaga ang prinsesa ko. Masaya ba ang buhay may asawa? I told you na hindi madali ang pag a-asawa, pero sa tingin ko naman ay mabuting lalaki si Gavin."
"Sana nga po", matamlay na wika ni Maxine.
"Basta kapag may problema sabihin mo agad samin ng Papa mo, ok?"
"Wala naman po akong ibang tatakbuhan kundi kayo lang ni Papa."
Matapos ang naging pag dalaw ni Maxine sa magulang niya ay umuwi na siya upang mag handa ng makakain. Ginabi na siya kaya naman nagmamadali siya, at sa pagmamadali ay hindi niya sinasadyang mahiwa ang sarili niyang daliri.
"Careful!"
Agad na hinawakan ni Gavin ang kamay niya at hinugasan sa lababo. Nakatitig lang siya sa asawa niya at hindi makapaniwala. Ngunit ang sayang nadarama niya ay panandalian lang. Dahil tila ba natauhan ito at mabilis na binitawan ang kamay niya.
"Fine a man, a good one. Successful, at mas kaya kang protektahan. I'm sorry, please sign the annulment as soon as possible. Basta kapag maayos na ang lahat, babalik ako. Kapag alam kong wala ka pang nahahanap na tamang lalaki para sayo. Susubukan ko u-ulit Maxine." Garalgal ang boses ni Gavin.
Amoy na amoy ang alak dahil humahalo ito sa hininga ni Gavin. Lasing na naman pala ang asawa niya kaya ganito na naman ang mga sinasabi.