Chapter 2

739 Words
Hindi makapaniwala si Maxine na sinabi ni Gavin ang bagay na 'yun sa anak nila. Pawis nilang dalawa at pagod. May pagmamahal nilang binuo ang bata. Kaya bakit kaylangang ganito ang kahinatnan ng lahat? "Sinabi n'ya 'yun sayo? Gago pala talaga sya, e! After ninyong gawing dalawa? Kung hindi pa s'ya handang maging ama sabihin lang n'ya! Hindi 'yung ire-reason pa niya 'yung ginawa mo". Galit na galit ang kaybigan ni Maxine na si Alice. Mas gigil pa nga ito kaysa sakaniya. "Alice is right, that's foul. Hindi naman dapat pinalala ang lahat. You already admit na mali ka din naman. Ano pang pinuputok ng butchi ni Gavin? Pwede pa namang maayos 'yung pangalan n'ya. Bawiin mo mga sinabi mo, at mag patawaran kayo ni Levi. Kaya lang kasi Maxine, no offense intended." Tinapik muna siya ni Neo. Kaybigan rin niya na talaga namang mapag ka-katiwalaan. "Palagay ko dahilan nalang niya 'yun para iwan ka, at maging legal na sila ni Levi. Pinush nalang talaga niya kaya ayun nag hysterical kuno", naiiling na wika pa nito. "Actually, same thought tayo Neo." Segunda ni Alice bago muling napabaling kay Maxine na umiiyak na naman. "Ayaw niya sa bata. Ganun nalang niya ako kinamumuhian, but it's okay. I'll do anything for him, cause I love Gavin so much." "So, kaylan ka matatauhan?" Mataray na tanong ni Alice. "Soon, maiisip rin niya 'yan. Hayaan nalang muna natin Alice", si Neo ang sumagot. "Basta nandito lang kami para sayo Maxine." Pinahid pa nito ang kaniyang nag-uunahang luha. "By the way, alam na ba ng mga parents ninyo ang pinag dadaanan ninyong dalawa?" "Hindi p-pa." "Oh, crap! Kapag nalaman talaga ni Tito at tita ang nangyari, baka may kalagayan ang asawa mo." Si Alice na naiiling pa. "Please don't tell anyone, okay? Satin nalang muna. Ayoko naman na isumbong agad sakanila, baka naman kasi maaayos ko pa." Napayuko si Maxine sa kahihiyan. Lalo na ng titigan siya ni Alice at Neo na parang siya ang leader ng mga martyr at tanga. "Nilapagan kana ng annulment paper. Milyon ang inubos niya mapabilis lang ang proseso, Maxine. Wake up girl! Sinasampal kana ng katotohanan na nawala na 'yung pagmamahal niya saiyo. Kayo 'yung literal na pinag tagpo pero hindi nakatadhana. Aral lang ang iniwan sainyo ng pangayayari na ito". Patuloy parin ang kaybigan niyang si Alice sa pangangaral sakaniya. Ngunit tila ba bingi na si Maxine, at manhid na. Ang tanging nasa utak lamang niya ay kung paano pa niya maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Hindi susuko si Maxine hanggat hindi nakakabawi sa asawa niya. "Kumain kana ba? May hinanda kasi ako". Nakagat ni Maxine ang labi niya ng tanungin ang asawang si Gavin na kadarating lang. Ginabi na ito, at kahit antok na antok na siya ay matiyaga niyang hinintay ang asawa para lang makasabay itong kumain ng pang gabihan. "I'm not hungry", tanging sagot ni Gavin. 'Pero hindi pa ako kumakain' Naisatinig ni Maxine. "Tikaman mo lang". Pakiusap ni Maxine bago walang alinlangang inihanda ang plate at utensils na gagamitin ng ni Gavin. "I said I'm not hungry!" Bulyaw ni Gavin kaya naman napalayo siya ng ilang hakbang dahil sa gulat. "Pero kasi gusto kitang kasabay kumain". Ilang segundo pa at papatak na naman ang luha ni Maxine. "Lumabas kami ni Levi kaya busog ako." "Why are you doing this to m-me?" Her voice cracked. Kasabay naman nito ay ang pag patak ng kaniyang luha na kanina pa niya pinipigilan. "Kasi ayoko na." Matamlay na sagot ni Gavin habang sinusuri siya ng tingin. "Look at yourself, so desperate". Tila ba nandidiri ito sakaniya. "Ngayon hindi na ako nagsisisi na ginawa namin ni Levi 'yun. Nasasarapan na akong gawin 'yun ng paulit-ulit kasi alam kong masasaktan ka." "Gusto lang naman kitang mahalin", pinipilit ni Maxine na mag salita ng maayos kahit na humahagulhol na siya. "Hindi lang naman dahil sa career ko ito, Maxine. Don't you see? Nawalan na ako ng respeto at pagmamahal sayo. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko hindi naman talaga kita mahal. Kasi kung mahal kita. Bakit ganito nalang 'yung galit ko saiyo?" Maging si Maxine ay hindi na alam ang isasagot. "You have your decision, matanda kana para sa ganito. Hindi ko mapananagutan 'yung bata kaya mamili ka. Ipapalaglag mo, o itutuloy mo without me?" "H-hayop ka." Napaupo sa lapag si Maxine dahil sa panghihina. "Goodbye Maxine". Tinalikuran na siya ni Gavin, at hindi na siya nito nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD