"Sign the paper and leave!" Tila ba isang kulog ang boses ni Gavin dahil sa malakas nitong pag sigaw.
"And why would I do that?" Matigas an naging tanong ni Maxine. Kahit na sa loob niya ay para na siyang sinasaksak ng takot. "I'm your wife!" Marahas na umiling ang dalaga bago dinampot ang annulment paper nila ng asawa niyang si Gavin. Kinatitigan niya ito at malinaw na malinaw niyang nakita ang pirma ng kaniyang asawa. Halos mabasa na ang papel ng mga luha niyang patuloy lang sa pag-agos.
Ilang beses na bang pinag matigasan ni Gavin na hihiwalayan na siya nito? At ilang beses narin bang tumanggi si Maxine? Hindi na niya mabilang. Kung isasahod nga niya ang kaniyang luha ay tiyak na makakapuno na siya ng isang balde.
Alam na alam naman ni Maxine ang dahilan. Ngunit heto siya at nag papakatanga sa lalaking nawalan na ng pagmamahal sakaniya. Ngayon siya naniniwalang sa una lang talaga masaya ang lahat.
Kung alam lang sana niya na ganito ang kakahinatnan ng agaran nilang pag papakasal. Sana ay hindi na niya sinambit ang matamis niyang pag 'I do' kay Gavin. Ngunit sino bang makakapag sabi ng mangyayari sa hinaharap?
Kaylan ba naging una ang pagsisisi?
Masaya naman sila nung una, at hanggang umpisa nga lang. Sweet and caring si Gavin sakaniya. Habang siya naman ay house wife na nag hihintay na uwian ng asawa niya.
Nanginginig ang buong katawan ni Maxine habang inaalala ang lahat.
"See? You're not listening to me! Paano natin maaayos 'to kung palagi kana lang iiyak na parang palaging ikaw ang biktima!?"
Bumalik sa realidad ang isip ni Maxine. Gulat na napatitig siya sa asawang si Gavin na bigla na lamang siyang hinawakan sa balikat. "Please, this is the last time I beg". Huminga ng malalim si Gavin habang titig na titig sa mata niyang patuloy lang sa pag luha. "Let me go".
"I can't."
"Maxine, please? Please! Para sa ikatatahimik nating dalawa. L-let m-me go," nauutal na rin si Gavin at ilang segundo nalang ay mababasag na ang boses nito. "I don't know what happened to us, but always remember na minahal kita ng buong puso ko."
"Really?" Pagak na tumawa si Maxine. "You choose your career over me, and now you're asking me?!" Tumaas ang boses niya at kamuntik pang masampal si Gavin. Mabuti na lamang at agad niya itong na pigil. "At sa pag pili mo sa career mo kahit hindi mo sabihin sakin, Gavin." Napatingala si Maxine at tinuyo ang luha niya. "Pinili mo din s'ya."
"I didn't!" Depensa ni Gavin. "Nakiusap ako sayo na pag bigyan mo ako nung araw na 'yun, for my career, for our future".
"Our future? Oh, baka naman pangarap at kinabukasan mo lang? May nangyari sainyo, right? Tapos pakikiusapan mo ako na mag tanga-tangahan at hayaan 'yun?!"
"What's the point of this? You already ruined my career, and now it's over. Hindi na natin maayos 'to. Let's end this sh*t, Maxine. We both know na parehas tayong nadala ng emosyon natin. I hate to say this, pero Maxine nagsisisi ako na ikaw pa ang babaeng pinili ko. Sa dinamirami ng babaeng pakakasalan ko. Bakit ikaw pa?"
"Gavin gusto ko paring ayusin 'yung relasyon natin. Please don't give up on us, please!" Napaluhod si Maxine habang yakap ang hita ng asawa niya. Hinding-hindi siya makapapayag na iwan siya nito, at tapos ano? Magiging malaya na 'yung mga babae na agawin ang asawa niya?
Hindi naman sinasadya ni Maxine na sirain ang reputation ni Gavin. Nadala lang siya ng emosyon. Selos at galit ang nangibabaw kaya naman nasugod niya 'yung babaeng pinag seselosan niya. Ipinahiya niya ang kaniyang asawa kasama ang babaeng pinagseselosan niya sa araw mismo ng events na ginanap ng company na may hawak kay Gavin.
Nalaman kasi niyang may nangyari sa dalawa. Nakiusap si Gavin na sa bahay nalang nila pag-usapan ang nangyari dahil mag papaliwanag ito. Ngunit hindi na yata kayang hinatayin pa iyon ni Maxine lalo pa at nalaman niyang kasama sa event si Levi.
Si Levi ang babaeng tinutukoy niya. Ang babaeng may naging malaking parte kung bakit sila ngayon naging ganito sa isat-isa ni Gavin.
"B-buntis ako."
Natigilan ang asawa niyang si Gavin. Napatitig ito sakaniya at agad siyang tinulungang tumayo. Wala itong imik na tila ba hindi rin alam ang magiging reaction.
"Subukan ulit natin, please? Para sa bata. Gavin wag mo kaming abandonahin".
"I'm sorry but, I can't be with you. Not now, sorry Maxine".
"Career lang 'yun!" Sigaw ni Maxine kasabay ng malutong na mura.
"Career lang 'yun? Naririnig mo ba 'yang sarili mo? Bago pa kita makilala pangarap ko na iyon, at talaga namang pinanatili kong malinis ang pangalan ko, tapos ano? Sinira mo! Ikaw pa na asawa ko?! Ano sa tingin mong makaramdam ko? Para sayo napakababaw nito. I admit, may kasalanan ako. Inamin ko naman sayo Maxine! Lasing ako. Hindi na kasi kita maintindihan. Imbis na i-cheer up mo ako, dinadakdakan mo pa ako. Buti pa si Levi", nag iwas ng tingin si Gavin. "Kaya siguro ginusto ko na ding pumatol." Tumalikod na si Gavin. "Samantalang nung inaabot mo palang 'yung pangarap mo, I was there. Standing, clapping, taga congratulate at ni minsan hindi ako nawala sa tabi mo".
"Kaya inaayos ko diba? Alam kong mali din ako Gavin, I'm sorry. Mahal po naman ako e," pinag kiskis ni Maxine ang palad niya. "Please, wag mong gawin sakin 'to. Kalililumutan ko na 'yung nangyari sainyo ni Levi wag mo lang gawin sakin ito." Napahagulhol si Maxine. "Paano na kami ng anak mo?"
"Abortion is the solution to your problem." Malamig na sagot ni Gavin.