Chapter 5

2549 Words
    Halos ilang linggo na rin tinuturuan ni Izaac si Sunny sa mga basic training drills kagaya ng paghawak,pagpapaputok at pag-disassemble ng iba’t ibang uri ng hand gun. May mga basic martial arts training rin kagaya ng Muai Thai at Krav Maga na siyang opisyal na tinuturo sa lahat trainees sa LSF. Bukod dito ay knukwento na rin sa kanya ang kalakalan sa The Site.     Isang napakalaki at kumplikadong organisasyon ang LSF. Si Arturo Lorenzo ang founder at ang may pinakamalaking shares ngunit sa likod ng agency ay ang limang makapangyarihang angkan sa bansa ang mga, Lorenzo, Easton, Dela Fuentes, Madrigal, at Sandoval. Bawat isa sa mga pamilyang ito ay may posisyon sa Founding Council na siyang nag-aapruba sa mga malalaking operasyon sa The Site.     Kapalit ng yaman at proteksyon ng hatid ng posisyon sa Council, bawat henerasyon ay kailangang may isang agent mula sa bawat pamilya. Kung iisipin ay nagsisilbi silang mga alay para sa interes ng pamilya at ng samahan. Legacy kung tawagin ang mga anak ng myembro sa founding council. Si Izaac ang tanging anak sa linya ng Easton-Lorenzo kaya kahit na umayaw siya ng paulit-ulit, kailangan niyang manatili sa pagiging agent.     Ang lahat naman ng taong nagtatrabaho sa The Site ay nahahati sa apat. Ito ang mga Cadets o trainees, ground personnel, homeland agents at special agents.     Ang mga Cadets ay nagsasanay para maging homeland agent o special agent. Ang mga ground personels naman ay hindi na kailangan pang dumaan sa pagiging cadets. Sila ang mga neutral staff na tumutulong sa matiwasay ng pagtakbo ng The Site, kagaya ng mga stay-in mechanics, maintainance staffs, chefs, store managers, nurses at iba pa. Parang mga normal na trabaho lang sila at hindi sila natatalaga sa mga misyon. Pero bawat personel ay kailangan pa ring pumasa sa background check, pumirma ng non-disclosure agreement at hindi dapat malaman ang eksaktong kinororoonan ng The Site. Merong mga drivers na susundo at hahatid sa kanila sa isang cover-up headquarters sa lungsod.     Sa mata kasi ng publiko ay simpleng security at private investigation agency lang ang LSF at ang headquarters nito ay nasa joint building kasama ang Lorenzo Shipping Company. Hindi nila alam, parang waiting room at bus stop lang kung ituring ang opisinang iyon.     Ang mga homeland agents naman ay dumaan sa cadet training pero hindi sumasama sa field. Sila ang mga agents na may specialized na trabaho at tumutulong pa rin sa mga mission. Ito ang mga chemist, engineers, hackers, doctor, at mga agent sa intel at executive department.     Special agent naman ang tawag sa mga pinapadala sa mga misyon. Sila ang mga harap-harapang nakikipagsagupa sa field. Kabilang si Izaac at si Giovanni sa iilang mga special agents. Bawat agent ay may sariling studio type unit sa loob ng The Site kung saan sila tumitira tuwing may active operation. Ang mga legacy naman ay tumitira sa mga magagarang villa na pinatayo ng kanilan pamilya sa loob mismo ng Site.     "Okay now jab then follow with quick cross," sabi ni Izaac kay Sunny. Kasalukuyan silang nasa gym ng The Site at nagsasparring sa octagon.     "Again with the Retzev technique Sunny. C'mon ang bagal mo kumilos and you hit like a child!"     Halos tatlong oras na silang nagsasanay sa octagon. Ang tanging layunin kasi ni Sunny ay mataaman ng kamao si Izaac, kahit isang beses lang. Paulit-ulit siyang sumubok at halos tatlong oras na siyang nabibigo.     "Ha!" sigaw niya. Mabilis niyang tinawid ang espasyo sa gitna nila sabay uppercut pero nahuli ni Izaac ang kanyang kamay at mabilis siyang ibinagsak sa mat at ni-lock ang dalawang kamay niya sa likod.     "Don't go where your enemy leads you and you need to be able to make split second variations so that you won't be predictable," bulong nito sa kanya.     Bagsak si Sunny sa mat at nakadapa habang ang dalawang kamay ay hawak ni Izaac na bahagyang nakapatong sa kanya. Ang isang kamay naman ng binata ay ginamit niyang pangsuporta para hindi tuluyang maipit sa Sunny sa bigat nito.     Nang sandaling iyon ay masyadong magkalapit ang kanilang mga katawan at ramdam ni Sunny ang mainit na hininga ng binata sa kanyang batok. Ilang beses siyang napalunok dahil sa mas lalong nilapit ni Izaac ang kanyang katawan at ramdam na niya ang matitigas nitong muscles na nakadit sa kanyang likod.     Natigil naman lahat ng iyon nang agad na tumayo si Izaac at tinulungan siyang makabangon. Tuwing magkahaw sila ng kamay ay parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ni Sunny.     "You need to improve you speed. Hindi mo kayang talunin ang kalaban na mas malaki sayo kung lakas lang ang basehan. Kaya kailangan mas mabilis ka, mas matalino," pinangaralan nito ang dalaga. “Halika rito.”     Lumapit naman siya at pareho silang magkaharap at magkalapit ang mga katawan.     “Feet wide apart to an open stance.”     Sinunod naman niya ito. Nagulat na lang siya g lumuhod si Izaac at binuhat ang kanyang kanang paa at pinewsto ito malapit sa sarili nitong kaliwang paa.     “Makinig ka. When you’re applying continuous offensive pressure, your opponent will for sure retreat. Now with you need to make sure that you dominate the foot position. Shift your weight to your right foot like this.” Diniin naman niya ang tapak kagaya ng tinuro ng binata. “So if I step to my left like this, mapapatid mo ako. Kapag naman sumugod ako papunta sa kanan ko, anong gagawin mo?”     “Uhm,salubungin ng jab?”     “Right! Tapos?”     “K-kapag umatake ka at bukas sa katawan, salubungin ng cross.” Mas may kumpyansa niyang sagot.     Kinuha naman ni Izaac ang isang kamay niya at dinantay sa tagiliran nito. Natuwa n asana siya dahil may pa libre chansing sa binata pero alam niyang kasama ito sa pagsasanay.     “Lower right rib, dito banda ang atay. Hit it clean, hit it hard. It will stop your opponent and leave a possible lethal blow.”     Tumango-tango naman siya.     Walang pasabi namang naghubad ng t-shirt at sa harapan niya mismo nagbihis si Izaac kaya naman pakunwari siyang nag-iwas ng tingin.     “B-bukas ba magti-training ulit tayo rito?” Pasimple lang siyang sumusulyap sa binata habang umiinom ng tubig.     “Nope. Next week na ang pasukan niyo ‘di ba? Mas mabuti siguro kung magpahinga ka muna sa training para makapaghanda ka ng mga gagamitin mo sa eskwelahan.”     Nakapasa kasi siya sa assessment bilang isang high school student kaya naman In-enroll siya ni Tanda sa isang sikat na international school malapit lang sa mansyon. Napag-alaman din nila na 130 pala ang IQ ni Sunny kaya naman buo ang loob ni Tanda na bigyan siya ng magandang edukasyon para hindi masayang ang likas na talino niya. Pero wala naming kamuwang-muwang si Sunny dito     "Alam mo parang ayoko nang pumasok do’n sa school na 'yon. Baka kasi pagkatuwaan lang ako ng mga kakalase ko kasi mas matanda ako sa kanila. Saka hindi ako laking mayaman," may pag-aalinglangang sabi niya kay Izaac.     "That's nonsense. You'll be fine," sabi nito at lumapit ky Sunny.     Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang kanyang mukha. Pumikit na lang si Sunny dala ng hindi lam kung ano ang gagawin.     "We need to put some ice here, para 'di magkapasa."      Ayon. ‘Yon lang naman pala 'wag kang ambisyosa.     “A-hh ano, uwi na tayo. Sakit nan g katawan ko eh. Grabe kapagod,” naiilang na ani ng dalaga.     "HULAAN mo kung sino ang top student sa section ko?" humahangos nga bungad ni Sunny sa home office ni Tanda. Pagkababa pa lang kasi niya ng sasakyan ay tumakbo na agad siya dala-dala ang report card.     Umangatang tingin ng matanda at napangiti. "I don't have to guess Sunny. Alam kong sisiw lang sayo yan." Lumilitaw pa ang mga kulubot sa gilid ng mga mata nito.     "Tignan mo po. Puro A+ ako sa Sciences at Algebra." Lumapit siya ditto at ipinagmalaki ang laman ng report card.     "That's very impressive. Hhhmm anong gusto mong bilhin ko para sayo? New laptop? A trip abroad o baka gusto mo ng sariling sasakyan. I know you’re too young to drive pero p’wede mo naman siguro pagpraktisan muna at dito-dito ka lang mag-drive.”     “Grabe naman. Hindi ko naman po kailangan ng bagong gamit. Kakabili niyo lang sa ‘kin ng bagong cellphone eh,” sabi niya naman.     “Well you deserve it. Anything you want,magsabi ka lang. I’m really proud that you got the top spot.”     "Ahhh, si Izaac po kailan siya uuwi rito?" nahihiyang tanong niya. Pero ‘yon naman talaga ang pakay ni Sunny. Makikibalita sana siya kung kalian niya ulit p’wede makita ang binata.     "Well I think he will join us for dinner tonight. Baka dumito muna siya for the next few weeks, kasi on leave siya sa LSF. Bakit mo naman natanong?" balik paniintriga ni Tanda.     "Wala naman maniningil sana ako ng utang. Sige bihis lang po ako. See you po sa dinner!"     Bago kasi mag-umpisa ang pasukan ay halos pilitin pa nila si Sunny. Masyado kasi siyang na-concious dahil namumukod-tangi siya kumpara sa mga kaklse kaya naman kailangan pa siyang suhulan para lang makumbinseng pumasok.     Pinangakuan siya ni Izaac na tuwing mag achievement siya sa eskwelahan ay papayag itong magpaalipin at ihatid-sundo siya nang isang buong linggo. Para naman kay Sunny ay isang malaking bagay na iyon. Mantakin ba naman na gagawin niya lang driver ang isang Lorenzo. Isa pa, madalang na lang mamalagi ang binata sa mansyon dahil sa trabaho at para umiwas na rin sa kanyang ama. Kaya naman nanghihinayang siya sa pagkakataong makasama si Izaac.     Ito ang nagging inspirasyon niya para pagbutihin ang pag-aaral. Halos igapang na niya ang mga subjects pero nagbungga naman ito sa huli.      Humanda ka Izac James! Magiging alipin kita! Mwahaha!     Pakanta-kanta at pakembot-kembot pa siya habang naghahanap ng maisusuot para sa hapunan. Masyadong pormal kasi ang hapunan sa mansyon lalo na’t paminsan-minsan lang sila magkasabay-sabay kumain. Ilang buwan na rin pero hindi yata alam ni Sunny kung masasanay ba siya sa hapag na may sangkaterbang baso, tinidor at kutsilyo, sa hapunan na parang pyesta. Lahat ng karangyaang sa panaginip niya lang natatamasa dati.     Nang bumaba siya ng hagdan ay kasabay ang pagpawi ng kanyang ngiti nang pumasok sa mansyon ang isang hindi inaasahang bisita. Isa iyong matangkad at balingkinitang dalaga na nakalinkis sa braso ni Izaac. Parang may kumurot sa puso ni Sunny nang nakita ang dalawa.     Hindi na lingid sa kaalaman niya na maypagkababaero si Izaac. Laman nga ito ng chismis ng mga kasambahay nila. Nakikita rin niya paminsan-minsan ang mga litrato ni Izaac sa internet kasama ang iba’t ibang mga modelo, artista o anak ng mga negosyante. Alam niya ang ugali nito. Pero alam niya rin na walang sineseryoso ang binata sa mga nagiging nobya niya. Halata naman na papalit-palit siya ng babae at ni isa ay wala siyang may dinala sa mansyon. Kahit noong hindi pa nga raw siya dumating, ayon sa mga kwento ni Nanay Linda, isa mga rules ni Izaac ang wala masyadong attachtment kaya hindi niya dinadala pa roon ang mga nobya niya.     Pero ngayon… bakit kaya?     "Katrina will be joining us tonight. I hope you don't mind that I invited her, Dad," baling ni Izaac sa ama.     "No problem hijo. Katrina it's good to see you again. It's been a while mula ng nakita at mas lalo kang gumanda eversince!" bati ni Tanda sabay beso kay Katrina.     So close pala sila? Sino ba siya?     "Why don't we all take our seats dinner will be here in a minute," sabi pa ni Izaac at nilagpasan lang siya.     "You must be Sunny. Katrina nga pala. I've heard about you. You are quite well... uh... unique," pagpapakilala niya sa sarili.     Mas lalong kumunot ang noon i Sunny. Bakit pa kasi may pa-unique-unique pa siyang nalalaman? Pero sa kabila no’n ay pilit na lang siyang ngumiti at tahimik na umupo.     "So Katrina here will be organzing a charity ball for the differently abled people. I was thinking maybe we could be one of the benefactors for this cause." Pagbubukas ni Izaac ng usapan habang may hawak na wine glass.     "That's a very wonderful idea you know I may also know some of my colleagues who would also love to make a donation,” puri naman ni Tanda. “Mabuti at may pinagkakaabalahan ka. I heard pumasa ka raw sa law school sa Stanford.”     “Stanford and Harvard po, Tito. Pero pinag-iisipan ko pa saan ako mag-aaral.”     Halos buong hapunan ay ganoon lang din ang nangyari. Nag-uusap sila, nagtatawanan, at hinahangaan si Katrina. Ang maganda, sopistikada, at perpektong si Katrina.     Hindi nga makapaniwala si Sunny na may gano’n pala ka perpektong tao. Matangkad, maganda, makinis, matalino at mayaman. Kung hindi pa sapat ‘yon ay nag-organize pa raw siya ng charity ball. Si Katrina ang tipo ng babaeng parang walang patay na buhok, walang patay na kuko, walang kalibag-libag sa katawan. Siya ang tipong bagay kay Izaac at sa mundong ginagalawan nito.     "Oh well Sunny has amazing news too. 'Di ba?" napukaw ang pansin niya nang tawagin siya ni Tanda.     "Ah nako. Wala po 'yon," mabilis na tangi niya. Ngayon pa ba niya ipagmamalaki ‘yon eh wala nga sa ingron ng kalingkingan ni Katrina ‘yon.     “Ba't nahihiya ka pa? Well believe it or not, Izaac, Sunny here was the top student her class. Right, Sunny?" magiliw naman na kwento ni Tanda. Tumango na lang siya at bumalik sa pagkain ng dessert.     "Wow! That's amazing! Congratulations Sunny," puri naman ni Katrina.      Wow ha!     "S-salamat.” Hindi man niya sabihin ay nanliit siya kay Katrina. Kahit na alam niyang hindi tama ang ikumpara ang sarili dito, tila ang hirap pigilan.     "You did great Sunshine. I told you! Kaya mong mag-stand out dun sa school niyo," dagdag ni Izaac.     Umasa siya na babangitin ng binata ang tungkol sa utang nito ngunit natapos lang ang hapunan at hindi man lang ito naisingit sa usapan. Siguro ay nakalimot na ito. Sunubukan naman ni Sunny na isawalang-bahala na lang iyon. Hindi naman gano’n kaimportante at baka masyado itong busy para pa maalala ang walang kwentang kasunduan nila. Ito ang gusto niyang paniwalaan.     Pero bawat araw, buwan hanggang taon na ang lumipas ay tila mas lalo na lang siyang nasasaktan. Pansin ni Sunny ang lantarang paglayo ng loob ng binate sa kanya.     Noong una ay mas napapadalas lang ang pagsusuplado nito pero kahit paano ay kinakausap at pinapansin pa rin nito si Sunny. Tuloy rin ang mga pagsasanay nila tuwing walang pasok ang dalaga ngunit pati iyon ay dumalang na rin at tuluyang nahinto. Hanggang sa dumating ang punto na parang hangin na lamang siya.     Sunod-sunod ang parade nito ng mga babae at halos wala nang oras umuwi sa mansyon. Kapag nagagawi naman siya do’n ay nilalagpasan na lang nito si Sunny na tila may nakakahawang sakit ang dalaga.     Alam ni Sunny na wala siyang karapatang magalit o magtampo kay Izaac. Sino ba naman siya? Kinupkop na nga siya’t pinag-aral. Pero ang sakit isipin na kahit hindi siya ituring na pamilya ni Izaac, sa maikling panahon ay umasa siyang kahit magkaibigan na man lang ang pagtingin nito. Pero doon pala siya nagkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD