Simula
"ANO? Eto lang lahat? 'Bat gabi ka na umuwi tapos wampipti lang kinita mo! Hindi ka man lang naghanda ng hapunan dito. Halika ditong putanginang bata ka!" malakas na sigaw ni Esang sa patpating katorse anyos na si Sunny.
"S-sorry po, Auntie 'yan po kasi talaga ang nadelhensya ko." Mangiyak-ngiyak na napayuko ang dalagita.
Marungis ang suot niya, magulo ang buhok, at sugat-sugat din ang mga paa dahilan nang nakayapak na paglalako ng bananaque at pag-iigib ng tubig buong araw. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nakabili siya ng bagong tsinelas o kahit mumurahing damit.
Simula noong batang paslit pa lamang siya ay si Sunny na ang naghahanap buhay dahil matagal na siyang ulila sa magulang at ang sugarol na tiyahin na lamang ang kasama niya sa buhay. Mula sa paglalako ng kung ano-ano sa kalsada, pagiging barker sa sakayan, pag-iigib ng galon-galong tubig sa mga kapitbahay ay pinatos na niya.
Kahit Grade 1 ay hindi man lang siya nakapag-aral dahil kahit birth certificate ay wala siya. Ayon na rin sa kanyang tiyahin ay sa bahay lang siya pinanganak at mga ilang araw lamang matapos noon ay namatay ang kanyang ina dahil sa kumlikasyon. Ni minsan ay hindi rin nagkusa ang Auntie niya na iproseso ang kanyang mga papeles. Nagkasya na lamang siya sa pangalang Sunshine na kinamulatan niya. Dahil na rin daw ito sa likas siyang masayahin at bibo sa kabila ng kahirapan na dinaranas at hindi tumitigil sa pagtatrabaho habang may liwanag pa ang araw.
Natuto siyang magbasa, magsulat, at magbilang dahil tinuruan siya ng kapitbahay nila at simula noon ay nahilig na siyang magbasa ng kung ano-ano mang babasahin na makita niya. Mapalumang magazine man ito sa terminal o diyaryo na ginawang pangbalot sa daing, aliw na aliw pa rin si Sunny tuwing may mapulot siyang babasahin. Ito na lang din kasi ang paraan niya para tulungan ang sarili. Sa murang edad ay alam na niyang mamatay lang siyang dilat at mangmang kung iaasa niya lang ang buhay sa tiyahin niya.
"Abat! Alam mo bang kulang to kahit sa pang tong-its ko lang! Sasagot-sagot ka pang walanghiya ka!" Sabay pingot sa kanya.
"Aray! Aray, Auntie tama na po. 'Yan lang po talaga ang pera ko binayaran ko pa po kasi yung utang mo sa tindahan," naluluhang sagot naman ni Sunny.
"Nagmamagaling ka nang buwisit ka! Akala mo ba hindi ko alam na sinisiraan mo ako sa mga kapit-bahay? Ha! Akala mo kung sino kang matalino? Wala kang kwenta! Buwisit!" giit ni Esang sabay hampas ng monoblock chair sa payat na katawan ni Sunny.
"Aaraaayy ko, A-auntie tama na po. Ma-maawa po kayo tama na po." Napahagulhol na lang si Sunny dahil sa pananakit ng tiyahin niya. Hindi iyon ang unang pagkakataong pinagbuhatan siya ng kamay ng tiyahin.
Wala lumilipas na araw na hindi siya nabubugbog, nasasabunutan at madalas pinapaso pa siya ng sigarilyo. Hindi rin siya napapakain ng maayos dahil tira-tira lang naman ang p'wede niyang kainin. Kahit sarili niyang kaarawan ay hindi niya alam dahil ni minsan ay hindi iyon pinagdiwang ng tihayin niya.
Dumating ang panahon na hindi na niya nakayanan ang pagmamalupit ng tiyahin at nagpasya siyang maglayas. Tahimik siyang tumakas sa kalagitnaan ng gabi at walang pagdadalawang isip na tumakbo at hindi na lumingon pa. Matagal na niya itong plano ngunit nalaman ni Esang na nagtatago pala ito ng pera at gamit. Agad namang kinuha ang lahat niyang naipong pera at sinunog ang lahat ng gamit niya. Kaya naman ito na rin ang nagtulak sa kanya na umalis. Wala itong dalang kahit ano maliban litrato ng namayapang ina at ang pag-asa na makahanap ng mas magandang buhay.
Pinutol niya ang buhok para magmukha siyang lalaki at nagpalaboy-laboy malapit sa pier dahil gusto niyang makapuslit sa barko para tuluyang makalayo. Ilang buwan rin siyang nasa kalsada. Kung saan-saan natutulog, kung kalian lang makakakain at makakaligo,paminsan-minsang pinagtitripan ng tambay at iba pang batang kalye. Dahil sa karanasang iyon ay natuto siyang lumaban at ipagtnggol ang sarili. Tama. Dahl sarili lang tangi niyang maasahan.
Kung may Diyos man sa langit, ay hindi siguro nito paborito si Sunny. Pero hindi rin siya nito pinapabayaan. Hindi maiwasang isipin ng dalagita na kahit papano ay may mamasid at nag-aalaga sa kanya. Naghuhulog ng biyaya tuwing halos bumigay na katawan sa gutom, at nagbabantay sa kanya tuwing gabing nakahiga siya sa bangketa.
Nang nagkaroon siya ng pagkakataong makapuslit sa isang cargo barge papuntang Maynila ay nahuli siya. Sinubukan niyang tumakas at manlaban pero pinagtulungan siya ng limang bantay. Limang malalaking mama ang nagsalitang sumuntok, sumipa, dumura at magmura sa kanya.
Naramdaman niya ang pagsuntok sa kanyang tiyan na dahilan ng pagkatumba niya sa sahig habang namimilipit sa sakit. Putok na rin ang kanyang labi at dumudugo na ang kanyang mga kamao, puno ng galos at pasa ang katawan, pero binuhos niya lahat ng lakas at sinubukang tumayo. Hirap niyang itinaas ang mga kamao tanda na hindi pa siya handang sumuko.
Papatayin nila ako. Bubugbugin hangang tuluyang bumigay. Kung mamatay na rin lang mamatay akong nakatayo at hindi nagmamakaawa.
May isang lalaking may bitbit na tubo at handa na siyang hanutin. Napapikit na lang Sunny at naisip na ito na ang katapusan ng masaklap niyang buhay. Hanggang sa may narinig siyang malakas na boses na umawat sa mga ito, "Stop that! I'm not paying you too abuse little kids on my watch!"
"Sir nahuli po namin ang batang to na nagtatago sa isa sa mga truck na nakapasok sa barge," sagot ng isang crew.
"And you decided to beat him to death instead of turning him over to your superiors? Lima kayo laban sa isang binatilyo?" galit na sabi ng nakakatandang lalaki.
"I want all of you fired from my company! I won’t tolerate this." Nilapitan ng nakakatangda ang batang lalaki lamang ng hinarap siya nito napagtanto niya na hindi pala ito binatilyo kung ‘di isang batang babae.
"It's ok child. Ligtas ka na. Ako si Arturo Lorenzo. Anong pangalan mo? May mauuwian ka pa bang kamag-anak?" tanong ng may edad na bagong dating.
Tumingala si Sunny sa matanda at tila may maliit na liwanag sa mga mata niya nang may dumaing para tulungan siya. Basi pa lang sa pustura at pagsasalita nito alam ni Sunny na mayaman ito at kung tama ang pagkakaintindi niya ay siya raw ang may-ari ng kumpanya.
Nanginginig pa rin si Sunny at bakas sa mukha niya ang takot. Hindi man lang niya masagot ang tanong ng nito.
"'Wag kang matakot. Wala nang mananakit sa ‘yo. From now on you are under my protection."