Chapter 6

1753 Words
Two years. Sa panahong nagdaan ay halos hindi na mabilang ang mga pagbabagong nangyari sa buhay ni Sunny. Kasalukuyan siyang akatayo sa veranda at nakatingin sa mga taong abala sa pag-set-up ng mga mesa upuan at mga palamuti pang-party. Sa gabing iyon kasi ipagdiriwang ang ika-labing anim niyang kaarawan. Dahil kahit siya mismo ay hindi sigurado sa mismong araw ng kapanganakaan, lahat ng legal information niya ay binago ni Tanda nang inampon siya nito. Kabilang na ro’n ang sarili niyang birthday. Nakalagay sa mga dukumento ni Sunny na ang kanyang birthday ay ang mismong araw kung kalian siya niligtas at kinukop ni Arturo Lorenzo. Napakalaki ng salo-salo na inihanda at halos isang daan ang inaasahang bisitang darating. Karamihan sa kanila ay mga kaibigan ng mga Lorenzo sa negosyo, mga agent sa LSF, at iilang mga kaklase at kaibigan ni Sunny sa eskwelahan. Itinuring siya ng buong mundo na para bang isa rin siyang anak ni Tanda at kahit kalian ay hindi ito nagkulang na gampanan ang pagiging ama para kay Sunny. Kahit sa mga staff nila sa manyson ay tila bahagi na rin ng malaki nilang pamilya. Masaya siya sa atensyon at pagmamahal na natatanggap mula sa kanila at ‘di hamak na malayong-malayo ito sa kinagisnan niyang buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi niya pa rin maitanggi sa sarili na mayroon pa rin siyang hinahanap, mayroon pa rin siyang hinihintay. Izaac. Ang taong palaging sumasagi sa isip niya ay walang iba kung ‘di ang binatang palihim na hinahangaan. Darating kaya ito mamaya? Noong nakaraang birthday niya ay hindi na nakaabot ang binate dahil nasa labas daw ito ng bansa para sa isang misyon. Pero sinigrado pa rin nito na nakarating ang pinadalang regalo. Isang nakakahong at diamond studded Sieko Astron Chronograph ang binigay ng binata. Na wala naming ideya si Sunshine na isa pala ito sa mga pinakamahal na relo sa buong mundo at ang msmong pisa na iyong ay binili pa mula sa isang aution. Lagi itong suot-suot ng dalaga at wala man lang alam kung gaano ito kamahal hanggang narinig niya ito mula sa kaklase. Isa raw iyon sa pinaka-high tech na modelo ng relo at ginawa na may sariling GSP at maging indestructible. "Oh! Hija 'bat nandiyan ka pa? Kanina ka pa hinahanap ng stylist mo at para mabihisan ka na raw bago magsidatingan ang mga bisita." Naputol ang pagmumuni-muni niya at lumingon kay Nanay Linda na hindi magkanda ugaga. Ngumiti naman siya sa matanda. “Opo, Nay. Kayo talaga, masyadong nagpapaka-stress. Mag-relax po kaya muna kayo. Hayaan mo na sila mag-ayos do'n sa baba.” “Ay,hala bilisan mo na riyan. Makukurot talaga kita sa singit pinahirapan mo ako kakahanap sayo,” biro na lang nito. PAGSAPIT nang gabi ay halos mangalay na ang panga ni Sunshine kakangiti sa mga bisita. Kaliwa’t kanan naman ang bati at puri sa kanya. Suot niya ang puting off shoulder cocktail dress na medyo flowy sa bandang ilalalim. Simple lang ito at at wala nang ibang palamuti maliban sa iilang rinestones malapit sa neckline. Kagustuhan na rin naman ni Sunny na hindi masyadong engrande ang damit pero babagay pa rin sa okasyon at kalibre ng mga bisita. Sa buong gabi ang paulit-ulit niyang hiling na sana’y dumating si Izaac at hindi naman siya nabigo nang nakita ang binata. Sa sobrang dami ng bisita ay hindi agad siya namalapit ditto. Panay pa rin ang kanyang bati at ngiti sa mga kasamahan ni Tanda sa negosyo nang nasagi ng paningin niya si Izaac, pasimpleng nakatayo at nakatingin sa kanya mula sa malayo. Nang saw akas ay nakahanap siya ng t’yempong makatakas, nilibot niya ang tingin ngunit wala na si Izaac sa kinatatayuan nito. Pasimple na lang siyang lumayo sa party at naglakad-lakad. Alam niya kung saan p’wedeng makita si Izaac. Dumiretso siya sa man-made lake na siya naming paboritong tambayan ng binata. Kilala na siya ni Sunny para malaman na kahit kalian ay hindi ito mahilig makipaghalubilo sa maraming tao kahit sa mga social events. Hindi siya nagkamali at naroon nga ito, nakatayo malapit sa railing ng gazebo habang naninigarilyo. Ugali rin kasi nito paminsan-minsang magyosi lalo na pag-stressed o galit. Gwapong-gwapo pa rin ang dating ni Izaac suot ang jet black tuxedo nito habang medyo magulo ang madalas plakado nitong buhok. Mabilis nitong tinapon ang yosi nang makitang papalapit si Sunny. Ubod ng tamis itong ngumti sa dalaga at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. “Sie bellisima.” Hindi man ito naintindihan ni Sunny ay ramdan niyang tumayo ang mga balahibo sa batok. Tahimik niyang pinag-aralan ang tayo at mukha ni Izaac dahil hindi niya maipaliwanag pero parang sadyang may mali. Ano kaya ang nangyayari sa kanya? "Tumakas ka na naman sa party. Mabuti nakita kita rito. Akala ko ‘di ka na naman dadalo eh," biro niya. "Happy birthday, Sunshine. You know I wouldn't miss this party for the world right?" sabi nito at kinuha ang isang box na sa bench ng  gazebo. “’Yan na ba ang gift mo? Bakit hindi mo nilagay sa gift table kanina?” nagtatakang tanong ni Sunny. Isa itong simpleng velvet box na wala nang kahit ribbong man lang. Halos kasing laki ito ng bos ng sapatos kaya naman mas na-excite ang dalaga. Ang totoo kasi niyan, kahit tatlong pirasong buto ng atis yata ang ibigay sa kanya ni Izaac ay tatalon-talon pa rin ang puso niya sa tuwa. “Gusto ko kasi ako mismo ang magbigay sayo. So here, open it.” Inabot nito ang regalo at ramdam naman niya na medyo mabigat ito. Pagkabukas pa lang ay hindi niya inasahan ang laman nito. Iba talaga si Izaac magbigay ng regalo. Isang malapad na ngiti naman ang sumilay sa kanya. "Wow! Totoo ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Sunny. "Silver-plated 9mm calibre, M&P m2.0. I had customized to suit your grip. I figured, ngayong 16 ka na sooner or later you may want to enlist in LSF. I just wanted to be the one to give you your first handgun." "Wow ang ganda nito! Pero baka pagalitan ako ng Daddy mo pagnakita niya 'to," biro naman niya. "Oh don't worry. Pinaalam ko na kay Dad ang tungkol dito at wala pa iyang bala. You won’t be firing any rounds using that until you get your license to carry arms.” Natawa naman si Sunny habang pinagmamasdan ang regalo ni Izaac sa kanya. Kahit naman na suplado ito at madalang na lang sila nagkakasama ay halatang matagal nito pinag-isipan ang ibibigay sa kanya at sinisigurado na laging kakaiba at thoughtful. “Well, I have another gift for you.” Kinuha nito ang baril at ibinalik sa box.itinabi muna ni Izaac ang box at unti-unting lumapit sa kanya. "I wanted to be the first one to give you this too." Marahang nilapit nito ang mukha sa dalaga hanggang gahibla na lang ang layo ng kanilang mga labi. Napapakit na lang si Sunny. “Mia cara,” bulong ni Izaac bago siya masuyong hinagkan. Parang kuryente ang hatid ng halik ni Izaac kay Sunny. Pinupuno ng hindi ipaliwanag ng damdamin ang batang puso niya habang ninanamnam ang labi ng binata. Malambot, matamis, mainit at mapusok. Hindi niya inaakala na mahahalikan siya ni Izaac sa buong buhay niya. Mas tumindi pa ‘yon nang hinapit siya nito sa bewang upang mas laliman ang halik. Kahit kalian ay hindi pa siya nahalikan ng kahit sinong lalaki. Si Izaac pa lang. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya pero gumapang pa rin ang kanyang mga palad papunta sa batok nito. "Izaac," pagsinghap niya nang bahagyang naghiwalay an gang kanilang mga labi. Parang napaso nama ito nang napagtanto ang ginawa at biglang bumitaw sa dalaga. Huminga lang siya ng malalim at marahas na sinuklay ang mga daliri sa kanyang buhok. "B-bakit?" basag na boses na tanong ni Sunny. “I’m not sorry for kissing you,” diretsong sabi nito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi na parang takot na mabasag bigla ang dalaga. "Pero bakit mo ginawa ‘yon?" naguguluhang tanong ni Sunny. Ramdam niya na hindi lang bale wala ang halik na iyon. Ilusyanada na siguro siya para isipin na may kahulugan ang halik ng binata pero kaht mabilis lang, kahit na maliit lang ang tyansa niya, pinaghahawakan niya iyon. Tila sumibol ang pag-asa sa puso niya. "I did it because this may be the only chance that I have," sabi nito lang habang nakatingin sa kawalan. "A-anong ibig mong sabihin?" Bakit ganito? Ramdam niya tila bigla na lang nanlamig ang binata. Ano ba talaga Izaac? Bakit mo ako ginugulo ng ganito? "I'm going back to Italy." Nang sa wakas ay nag-abot ang tingin nila, tila wala nang bakas ng emosyon sa mga mata nito. "Lagi ka naman pumupunta do’n. Ano ba ang kinalaman niyan sa usapan natin?" tumaas na ang boses niya. "I may not come back here. I'm staying there indefinitely," malamig at may pinalidad na sagot nito. Iyon lang. Ganoon lang kadali at nawasak na ang lahat ng pag-asang binigay ng halik nito. Sinubukan ni Sunny magmukhang matatag sa harap niya pero nabigo siyang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha. "K-kailan ang alis mo?" hirap na tanong niya habang pigil-pigil ang paghikbi. "First thing tomorrow morning. Fix yourself Sunshine. Bumalik ka na sa party," malamig na sabi nito bago naglakad palayo. Mabilis lang siyang tinalikuran nito na para bang walang nangyari. Hindi na siya nadala. Ito lang naman kasi ang paging ginagawa sa kanya ng binata. Pinapakikitunguhan nang maganda bago tuluyang baliwalain at iwan. Ang pinagkaiba lang ngayon, iniwan na siya nito ng permanente. At nagmukha lang siyang tanga. Napatingin na lang siya sa box na nasa ibabaw ng bench. Mag-isa na lang siyang naiwan sa gazebo at noon lang siya tuluyang humagulhol sa pag-iyak. Hindi rin siya nagtagal doon. Mabilis na inayos ang sarili at siniguradong hindi namumula ang kanyang mga mata. Nang nakabalik siya sa party ay maaga na lang siyang nagpaalam na magpapahinga dahil masama ang pakiramdam. KINABUKASAN ay maaga siyang nagising. Ni hindi nga siya dalawin ng antok buong gabi. Kita niya mula sa terasa ng kwarto niya na nagnililigpit pa rin ng mga kasambahay ang mga mesa at mga palumuti mula sa party. Mabilis naman siyang tumakbo sa terrace sa harap ng mansyon at doon nakita ang tagpo na kumurot sa puso niya. Si Izaac na pinapasok ang dalawang malalaking maleta sa trunk ng sasakyan at tuluyang sumakay ng walang pagaalinlangan, walang kahit isang lingon.  Tahimik lang niyang pinagmasadan ang sasakyang papalayo hanggang tuluyang naglaho na ito sa kanyang paningin. Doon mismo nagbago ang kanyang nararamdaman mula sa lungkot papuntang galit at sinumpa na kasusuklaman ang isang Izaac James Lorenzo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD