Chapter 4

2563 Words
    ILANG buwan na rin ang lumipas simula nang kinupkop ng matandang Lorenzo si Sunny. Pero tila hanggang ngayon parang panaginip pa rin ito sa mga mata ng dalaga. Hindi maipagkakaila na sa maikling panahon pa lang ay abot langit na ang utang na loob niya kay Tanda.     Oo, Tanda ang tawag ni Sunny sa kanya at sumang-ayon na lang si Arturo. Ayaw kasi nito na tinatawag siyang Sir ni Sunny at naiilang rin ang dalaga na tawagin itong Daddy. Baka raw kasi sabihin ni Izaac na masyado na niyang pinagsisiksikan ang sarili.     Wala naming angal si Tanda at chill na chill lang lagi. Sa palagay nga ni Sunny ay ito na ang nakaubos ng good-vibes sa mansyon at si Izaac naman ay likas na pinaglihi sa sama ng loob.     Marami na rin ang nangyari simula nang dumating siya sa puder ng mga Lorenzo. Inasikaso ni Tanda ang mga papales niya para naman hindi na niya kailangan pang manatili sa pagiging “nameless orphan” ika nga nito.     Sunshine Reyes. Ito na ang pagpapakila niya sa mundo. Matagal na diliberasyon din ang naganap sa gitna ng mag-ama kung gagawin bang Lorenzo o hindi si Sunny. Isa pa, kung lubos nilang aampunin ang dalaga ay kailangan nila ng patnugot ng kanyang tiyahin dahil ito ang pinakamalapit na kamag-anak niya. Tumanggi na rin si Sunny na balikan at tuntunin pa ang tiyahin dahil malamang ay peperahan niya lang ang mga Lorenzo at gigipitin sa pamamagitan niya. Ayos na ang Sunshine Reyes. Common name naman daw ito at madaling pagtakpan.     Binilhan din siya ni Tanda ng lahat ng mga gamit na kailangan niya. Ang iba nga ay masyado nang maluho at hindi na niya alam kung saan gagamitin. Hindi naman kasi siya sanay sa maraming mamalahing damit, sapatos at mga alahas. Kahit iyong mga gadget ay parang kalabisan na sa paningin ni Sunny. Pero hindi niya naman magawang tumanggi ng dalaga dahil pawing bigay ito ni Tanda at normal lang daw ang mga iyon.     Sunod-sunod din ang pagkuha niya ng mga assestment exam, medical, psychological, IQ test. Para raw malaman kung handa na ba siyang ipasok sa maayos na paaralan at hanggang saan ang p’wede ma-improve. May mga tutors rin na kinuha si Tanda para sa kanya dahil gusto sana nitong makahabol siya sa high school sa susunod na pasukan.     Nahihirapan man at naninibago si Sunny sa mga pagbabago sa buhay niya, kinaya niya lahat ng ‘yon para na rin may pagkaabalahan siya sa manyon tuwing nagtatrabaho sila Izaac at Tanda. Ganoon na ata ang buhay mayaman. May malaking bahay pero hindi naman sila nanatili ng matadal doon. Laging kailangan pa rin magtrabaho.     Sa kabila ng lahat, tunuring pa rin siya ni Tanda bilang tunay na anak. Laging naglalaan ng oras para kausapin siya, turuan siya, kahit na anong busy nito buong araw. Matagal na rin d kasing gusto ng matanda ng isa pang anak. Kaya lang simula nang mamatay ang asawa nito ay hindi na niya nagawa pang magmahal ulit at nilunod na lang ang sarili sa trabaho. Ang tanging anak naman na si Izaac, ay hindi makapirme sa isang lugar at lagging wala. Halata rin na hindi gaanong malapit ang mag-ama.     Si Izaac ay lulubog-lilitaw lang sa mansyon. Minsan kapag natataon na naroon siya ay nakikipaghalubilo na rin ito kay Sunny. Noong isang lingo nga lang ay tinuruan nito si Sunny paano mangabayo at maghapon silang naglibot-libot sa malawak na lupain ng mga Lorenzo. Tinupad ng binata ang sinabi pangako nito. Kahit na minsan lang ito kung makauwi ay maayos niya namang pinakikitunguhan ang dalaga at paminsan-minsan ay nasisilayan na rin ni Sunny ang mga mailap niyang ngiti.     Hindi mapigilan ni Sunny na ma-miss ang binata tuwing wala ito. Aminado naman siya na may tumutubong paghangga siya para kay Izaac. Ito na kasi ang pinakagwapong lalaki na nakita niya at kahit kadalasan ay masungit ito, minsan ay nakikita pa rin niya ang malambot na puso nito. Pero iyon lamang ‘yon. Paghangga at hindi na dapat humigit pa. Alam naman niyang malabong magkagusto ang binata sa isang katulad niya. Kumbaga langis at tubig, langit at lupa.     Kuntento na lamang siya sa mga iilang sandaling kasama ito, sa mga pasulyap-sulyap niya tuwing uumuwi si Izaac. Kagaya na lang ngayon na narinig niya kay Nanay Linda na uuwi raw si Izaac sa manyon. Kaya naman buong araw siyang tumambay sa sitting room at nagbabasa ng libro habang hinihintay ito.     “Oy, Zac! Welcome home! Nandito ka pala,” pasimpleng bati niya pagkapasok pa lang ni Izaac.     “Oh good! You’re here. Magbihis ka, sasama ka sa ‘kin. We’re leaving in ten minutes. May kukunin lang ako sa study,” mabilis na tungon nito.     “Talaga? Saan tayo pupunta?” Halos mag-twinkle-twinkle na ang mga mata niya. Ngayon lang kasi siya niyaya ni Izaac na lumabas.      "'Wag nang maraming tanong. Magbihis ka na kung hindi maiiwan ka na lang dito," sabi nito at winasiwas pa ang kamay para madaliin siya.     Dali-dali naming umakyat si Sunny sa kwarto para maghanap ng maisusuot. S’yempre, dapat maganda siya. Ngayon lang siya ipapasyal ni Izaac sa labas nakakahiya naman kapag mukha siyang basahan kapag itinabi sa binata.      Gaga! Hindi ‘to date! Baka isasama ka lang para may tagabitbit ng pinamili niya. Iwinaksi niya na lang ang sigaw ng utak at patuloy na naghukay ng mga damit. Ito na yata ang tamang panahon para gamitin ang mga damit na binigay sa kanya at mapagpraktisan ang nakita niyang “no make-up” make-up look na napapanood niya sa internet.     Sinuot niya ang powder blue summer dress na nakita niya sa walk-in closet at pinarisan ito ng bagong puting low-cut sneakers. Nagpulbo rin siya at naglagay ng kaunting liptint. Inayos rin niya ang maikling buhok at nilagyan ng hairclip. Nang masaya na siya sa sarili ay halos takbuhin niya pababa sa hagdan at buong tamis na nginitian si Izaac.     Naghihintay si Izaac sa sitting room at nang nakita nito si Sunny ay bahagyang bumubukas ang bibig nito na parang may sasabihin pero agad naman ulit iyong tinikom. Kumunot naman ang noo ng binata at tinignan ng masama si Sunny.     "What the hell are you wearing?" Magkasalubong pa rin ang kilay niya at nagbabaga ang tingin.     "P-pangit ba?" nakayukong sabi ni Sunny. Ano ba naman kasi ang iniisip niya, napuriin siya ni Izaac? Hula niya ay baka ang sagwa niya lang tignan ng naka-dress at nakakatawang nakaayos.     "Tsk. Just go put on your usual clothes. Magpantalon ka! Ayokong may makakita sayong nakaganyan," inip na ganti nito.      Asa ka pa kasi na gaganda ka sa paningin niya. Eh kuko ka lang ata ng mga naging girlfriend niya. Piping sigaw ng kanyang utak.     Nagpalit na lang siya ulit at bago pumasok sa sasakyan ay kinuha pa nito ang baseball cap ng hardinero at pinasuot sa kanya. Hindi niya alam kung sadyang suplado si Izaac o topakin lang pero hindi napapansin kasi saksakan ng gwapo.     Magkatabi sila sa backseat ng sasakyan at hindi mapigilan ni Sunny nakiligin ng bahagya sa pagkakalapit nila ni Izaac. Nang umandar na ito ay may pinindot si Izaac na remote at ang dating tinted na bintana ay naging purong itim at nagsarado rin ang maliit na bintana na nasa likod ng driver’s seat.     “WOW! Astig!” namamanghang bulalas niya. “Pero bakit kailangan takpan?”     “Hindi ka pa isang agent kaya ‘di mo p’wedeng malaman ang eksaktong daan sa pupuntahan natin.” Nanatiling malamig lang ang boses ni Izaac.     “SIR, nandito na po tayo,” sabi ng driver nila sabay bukas ng mga bintana.     Excited naman na tumingin si Sunny sa labas pero sa pagtataka niya, parang nasa gitna naman sila ng masukal na gubat. May makitid na daan lang at sa harapang ng sasakyan ay parang lumang pader na kinakapitan nan g baging at lumot. Pero muling may pinindot si Izaac sa remote na hawak at biglang gumalaw ang pader sa harap nila at nagbukas ang daan papasok. Agad naming umandar ulit ang sasakyan at tinahak ang daan na iyon.      Woah!     Halos ‘di na makapagsalita si Sunny sa sobrang mangha sa paligid. Mula yata sa entrance hanggang tuluyang nag-parking ang sasakyan ay nakanganga lang siya.     "Welcome to the Site, the seat of power of Lorenzo Security Force. May mga aasikasuhin lang ako sa main office mabilis lang then I'll show you around," malamig na sabi ni Izaac na parang hindi na ito bago pa sa kanya.     Si Sunny naman ay hindi pa rin makapaniwalang may ganoong klaseng lugar pala sa totoong buhay. Malawak ang buong compound at hula niya ay mas malaki pa ito sa buong lupain na kinatitirikan ng Lorenzo Mansion. May ilang mga buildings na modern ang disenyo at mukha silang nasa makabago at tagong lungsod. Basi sa mga na daanan nilang building ay may sariling hospital, restaurant, grocery store, at helipad sa the Site.     Tumigil ang sasakyan sa pinakadulo at pinakamataas na gusali sa buong compound. Hula niya ay ito ang Main Office na sinasabi ni Izaac. Nagpaalam muna ang lalaki na iiwan lang siya sandal sa lobby dahil tanging mga agents lang ang p’wdeng pumunta sa ibang palapag.      Akala ko ba ayaw niya na maging agent?     Sa kabila no’n ay tahimik na lamang siyang umupo sa sofa ng lobby at masunuring naghintay. Pero likas na matigas lang talaga ang ulo ni Sunny kaya’t nang nabagot ay nagdesisyon na maglibot-libot muna.     Napadpad siya sa bukas na kwarto sa first floor at dumungaw sa hula niya ay training room. Malapad kasi ito at may mat ang buong kwarto. Mayroon ring iilang mga kabataan na nagsasanay. Sa tantya niya ay halos ilang taon lang din ang tanda nila sa kanya.     Akmang papasok pa sana siya pero biglang may humatak sa kanyang t-shirt.     “Ano ba?” Magpupumiglas pa sana siya nang malanghap ang pamilyar na amoy.     "Saan ka pupunta? 'Di ba sinabihan kitang hintayin mo ako sa lobby!"      Lagot si Izaac pala.     "Ka-Kasi..." Kinagat na lang niya ang mga labi dahil hindi makapagsalita ng diretso.     "Hey Zac! What's going on? And who's this pretty little thing you brought here?" pag-aawat sa kanila ng isang mestisuhing lalaki na nagtuturo kanina sa training room. Halos kasing tangkad niya si Izaac at 'di rin nalalayo ang pangangatawan nito sa kanya. Palangiti ito kaya naman kitang-kita agad ang dimple nito. Hindi maipagkakaila na gwapo rin ito gaya ni Izaac. Pero s’yempre ang crush pa rin niya ang tangig gwapo sa mga mata ni Sunny.     "Nothing Vann. We are just about to leave," sagot ni Izaac .     " Without saying Hello? You really are the worst Izaac," tinabig ni Vann si Izaac at inilahad ang kamay kay Sunny."Hi there. I'm Giovanni Lorenzo- Dela Fuentes. Izaac's handsome cousin," magiliw na pagpapakilala nito.     "Ako si Sunny." Nakipagkamay naman siya pero bigla silang pinaghiwalay ni Izaac.     "Okay that's enough. She's Sunny I told you about her last time. Sunny, he's Vann at 'wag kang makipagkaibigan diyan. Gago 'yan," sabi ni Izaac. Tila inatake ng sumpong ang binate at agad na uminit ang ulo.     "I'll take that as a compliment. Dude 'di mo man lang sinabi na cutie pala itong adopted sister mo." Nakangiti pa rin si Vann.     "She's not my sister and stop staring at her. You cradle snatcher!" galit na sabi ni Izaac na parang may lalabas na usok sa tenga at ilong nito.     "Chill dude. Message received alright," tinaas pa ni Vann ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Habang si Sunny naman ay palipat-lipat lang ang tingin sa kanila.     "We're leaving," sabi ni ni Izaac at bigla na lang siyang hinila paalis.     "Hey Sunny! I'm looking forward to having you here on training!" sigaw ni Giovanni.     "Go f**k yourself!" sigaw rin ni Izaac na hindi lumingon sa pinsan nito.     Tatawa pa sana siya kaso, agad na bumaling sa kanya si Mr. Sungit at sinermonan, "And you! I can't leave you alone for one second, can I?"     PAGKATAPOS ng eksena nila sa training room, tinupad pa rin ni Izaac ang pangako nitong ipapasyal siya sa buong Site. Halos buong maghapon silang palibot-libot dahil sa sobrang laki ng lugar. Ilan sa mga pinagpasyalan nila ay ang MedBay na nagsisilbing ospital ng The Site, Workshop, Weaponry, Firing Range, Villas, at pati sa commercial Airstrip.     Nakaramdam ako ng gutom kaya na pagdesisyunan nilang kumain muna sa Mead Hall. Iyon ang tawag sa restaurant dito sa Site.     Malapad ang ngiti ni Sunny kahit na pagod siya sa maghapong paglalakad. Ito na yata ang isa sa pinakaastig na araw sa buhay niya.     Taimtim na man na tumingin si Izaac sa kanya at tila namangha. “How do you do that?”     “Ano?”     “Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo, bakit parang ang dali lang sayong mgumiti na para bang walang galit sa mundo?”     Sinubo muna niya ang fries bago sumagot. “Siguro dahil na rin sa pinagdaanan ko dati kaya masaya ako ngayon. Hamakin mo ah, batang kalye ako tapos ngayon may nagmagandang loob na kupkupin ako. Bakit hindi ako ngingiti?”     “Pero hindi man lang ba pumasok sa isip mo na unfair ang mundo. Na kailangan na lang umasa sa kawalan, kailangan muna maghirap?”     “Ikaw ang nega mo! Kitang ang sarap ng pagkain oh!” banat naman ni Sunny. “Oo. Minsan naiinis ako sa mundo. Pero ayoko kasi mabuhay ng gano’n. Hindi ko naman kasalanan na pinanganak akong mahirap. At ayoko rin na magtanim ng sama ng loob kay Auntie kasi salbahe siya sa ‘kin. Kapag kasi ginawa koi yon, kahit anong layo ko, habangbuhay naman akong ‘di maalis sa nakaraan. Gusto ko, dito ako. Nabubuhay ngayon at para bukas. Kaya hanggat kaya ko, magiging masaya na lang ako.”     “You really are Sunshine, huh.” Bahagyang napatawa naman ang binata. “ Masaya ka ba ngayon?”     "Shobra! Ang ganda rito ahsss innnn!" sabi niya habang gumuguya at nilalantakan ang burger na nakahain.     Tipid na napangiti si Izaac at pinunasan ang ketchup sa gilid ng labi niya.Naramdaman ni Sunny ang pagbilis ng t***k ng puso niya dahil do’n. Kaba pa rin kaya ito? Biglang nag-init ang mukha niya at pihadong namumula. Dahil sa hiya ay nilapag niya na lang ang burger at tumingin sa malayo.     “Good. I’m glad you enjoyed the tour,” pagbasag ni Izaac sa katahimikan. “So tell me, what do you think about it?”     "Nakwento na sa 'kin ni Tanda ang tunkgol dito pero hindi ko inasahan na ganito kalaki. Talo pa nito ‘yong mga napapanood ko sa pelikula. Sabi rin Tanda kapag nasa tamang edad na raw ako p’wede rin akong maging isang LSF agent.”     "Whoah. Hindi ganon sa simple 'yon. Life as an agent is very dangerous. Kaunti lang ang pumapasa sa training. Others trained to be an LSF agent their whole lives. 'Pag pumasok ka rito hindi ka na magkakaron ng normal at simpleng buhay," paliwanag ni Izaac. PArang lubos na lang ang pagtutol nito na dapat ay suportado pa nga siya kasi sila ang may-ari ng agency.     "Eh dati pa namang hindi normal at simple ang buhay ko. Halos isang taon kaya akong batang kalye. At saka wala na rin naman akong babalikang pamilya. Wala rin akong kahit anong yaman. Walang mawawala sa 'kin kung sakasakali. Sa tingin ko naman parang tadhana na rin ang naglapit sa ‘kin sa inyo ni Tanda," mahabang dahilan ni Sunny.     "Still... masyadong maaga pa para magdesisyon ka ng ganyan. Pero alam kong sa 'yo papanig si Dad at malabong mapigil ko pa kayong dalawa. So, I will be here to help you train,” kumpyansang sagot nito.     "TALAGA? SERYOSO BA 'YAN?" napatayo si Sunny sa sobrang pagka-excite kaya nagsitinginan ang mga ibang kumakain.     "Easy Sunshine. Hindi pa naman siguradong makakapasa ka. If you want to be the best, you have to learn from the best and that would be me," sagot nito sabay tipid na ngumiiti. Sa sobrang tuwa naman ni Sunshine ay wala sa sariling napayakap siya sa binata.      Hala! Ito na naman ang puso ko. Hindi na yata kaba ‘to. Hindi kaya ay may sakit ako sa puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD