Eight years later◆
Muling inayos ni Sunshine ang kanyang earpiece. Narinig naman niya ang malumanay na boses ni Agent Vixen sa kabilang linya. "Ok final call. Is everyone in position?"
They were stationed near an old factory in the downtown outskirts. Wala gaanong nagagawing mga tao sa paligid. No one even goes near that neighborhood unless they involve themselves in some shady deals.
Halos isang buwan rin nila pinlano ang misyong ito at alam niya na hindi sila p’wedeng pumalpak. Isang malaking drug cartel ang kanilang babanggain. Ang mga naturang sindikato ay nakapag-develop ng isang neurotoxin na siyang lumalason sa water supply ng buong lungsod. Ang tanging gamut lamang sa lason na ‘yon ay ang sarili nilang strain ng drogang binebenta sa black market.
Halang ang kaluluwa pero matalino ang sino mang mastermind nito. Imbes na maghintay sa sila sa mga adik nabibili ng tinda nila, ay sila mismo ang gumawa ng paraan para gawing necessity ang drugs na ginagawa nila. Ayon sa intel nila ay nasa loob ng parking lot na minamatyagan si Aldrin Rumualdez, ang chemist na nag-develop sa mismong neurotoxin.
“Agent Eros and Hawk here. Positive,” rinig niyang sagot ni Eros.
“Agent Siren, positive,” sabi ni Sunny.
Codenames ang gamit nila tuwing misyon para hindi mabuking ang mga pagkatao nila kung sakaling magkaroon ng third party interference sa transmission. Bawat agent ay maaring pumili ng sariling codename pagkatapos niyang makapasa sa Cadet Training at makapanumpa sa harap ng Founding Council.
They were in a five-person team.
Vixen is their IT expert that serves as their eyes in the sky. She’s like a watchmaker looking from the outside, making sure all the tiny gears fit together and work properly. Hindi kumpleto ang isang misyon nang wala siya.
Si Hawk at Eros naman ay nagmamatyag sa loob ng isang stake SUV malapit sa kinaroroonan ng target nila. Pareho niyang ka-batch sa training ang dalawa at isang taon lang ang tanda sa kanya. Eros is an accomplished escape driver and Hawk is a thrill junkie who's unstoppable in a close-range combat.
Sunshine is their sniper, stationed at a random room in a motel directly facing the only entrance and exit point of the parking lot.
Lastly, Frost, their team leader got was an undercover staff for Rumualdez and got discovered just like they planned. The execution will only work if the captured him and Frost were in the same vehicle as Rumualdez. Nakita nilang sinakay si Frost sa mismong kotse ni Rumualdez at dadalhin sa parking basement. And now, all the gears were set to motion.
"Good now let's go back to the plan one last time. Siren will take out the guards at the south exit. Eros and Hawk kayong dalawa ang aalalay ni Agent Frost sa escape make sure that he has clear passage at secure ang target natin. Remember we are operating blind because they'd probably swept all the transmission from the building so we have to lure Rumualdez out of that hole," kalmadong sabi ni Vixen.
"Blah. Blah.Blah. Sweetie has anyone ever told you that you talk too much?" biro pa ni Hawk sa kabilang linya.
"Well Agent Hawk it is my job to talk or else you will all end up dead. Hindi ko rin sana uulitin ang walk through kung sumipot ka sa final briefing kapahon!" sita ni Vixen.
"Aray Vixen keep it down. Ang sakit sa tenga ah. At saka mamaya na nga kayo maglandian," sabi pa ni Eros.
"Hey guys focus muna tayo. Frost is counting on us. Plus I see the target approaching, 1 o'clock," pag-uuntag ni Siren sa kanila. Agad siyang tumingin tumingin sa scope at inasinta ang isa sa mga nakatayong bantay sa exit.
Muli niyang siningurado ang wind direction at ang angulo. She took a deep breath and pulled the trigger. Bumagsak ang katawan nila nang hindi man lang alam kung saan man lang nanggagaling ang bala. One by one, bodies started falling down to clear the path. Napangiti na lang siya nang maubos ang lahat ng bantay. They will never know what hit them.
Goodbye motherfuckers.
Pagkatapos niyang maisagawa ang pakay ay mabilis niyang kinalas ang silencer at niligpit ang baril kasama na ang mga apparatus nito. Nilagay niya iyon sa isang guitar case na siyang lagi niyang gamit tuwing nag-a-undercover. Dali-dali siyang lumabas sa motel. Shooting is not the difficult part of being a hitwoman. It’s the clean-up that sucks.
"We have a problem down here. 3 identical vans just went out which one do we follow?" sabi pa ni Eros.
"Follow them all!" tarantang sabi naman ni Vixen.
"Ah Vee you do realize that there's just the two of us and one f*****g car right?" pag-aalinlangan naman ni Hawk.
Decoys. Of course, high-profile targets like Rumualdez may have one or two. Mabuti na lang at lagi siyang handa. May hinanap siya sa suot na smartwatch at tinawag si Vixen.
"Vixen I'm sending you this IP. Try if you could get the coordinates. That would be the car we want."
"Ok got it. It’s 589 meters south approaching 8th avenue. Boys, you know what to do. Siren, get to the streets at iligpit mo na yung dalawang decoy. I'll send the coordinates," Vixen instructed.
"Hey. Siren, how did you get a tracker up Rumualdez' ass?" curios na tanong ni Eros.
"You have your gifts I have mine," sabi niya lang.
Days before the mission it’s her habit to run all the possibilities in her head. Saan sila p’wede magkulang? Saan sila p’wede magkamali. She predicted that their target would be a slippery fish to fry. Kaya naman nang hapong iyon tinungo niya ang paboritong resto-bar ni Rumualdez at nilagyan ng isang micro-GPS bug ang pagkain nito.
She took the keys of her Ducati XDiavel S out of her pocket. Paglabas niya ng motel ay tinago niya sa likod ng dumpster ang guitar case para sa clean-up group nila. Sumakay siya sa motor na siyang paborito niyang dalhin. It was custom-made to fit her needs and had a few artilleries installed in it.
Mabilis niyang nahabol ang isa sa mga decoy at sapul na naman ang ulo ng driver. Nagpagewang-gewang pa ang sasakyan sa kalsada bago tuluyang bumangga sa isa sa mga hydrant.
Nasa kalagitnaan siya ng pagliligpit sa pangalawang decoy nang tinawag na naman siya ng mga kasamahan. Rinig na rinig ang putukan at busina ng mga sasakyan sa kabilang linya pati na rin ang malutong pagmumura ni Eros at Hawk.
"s**t Siren. Uhh... a little help would be very much appreciated. This son of a b***h had reinforcements waiting for him at his route. Arrgggh! God damnit!" marahas na sabi ni Hawk na hula niya ay hindi magkandaugaga sa pakikipagbarilan.
"Do you have a positive visual of Agent Frost and Rumualdez? I'll be there. I just have to take care of this little bastard," sagot niya bago pinaputukan ang huling decoy at bumangga ito sa puno sa gilid ng kalsada.
"Hey this is Frost back online. The cat is in the bag. I repeat the cat is in the bag. And Siren, please help us out here we are running out of shits to fire and I still can't shake this fucker off my ass." Narinig niya ang boses ni Frost.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil kahit papano ay nagawa na nila ang objective ng execution. They just need to lose the fuckers that keep tailing them.
"I'm sending you the fastest route para maka-abot ka kina Frost. All red lights are down. Go get them, Siren,"sabi ni Vixen at mayamaya pa ay lumabas na sa maliit na screen ng smart watch niya ang s-in-end nitong ruta.
Nang naabutan niya ang mga kasama ay may dalawang sasakyan ang nakabuntot sa kanila at si Hawk naman ay nakalabaas ang ulo at kamay sa passenger window walang habas na pinagbabaril ang windshield ng sasakang nasalikod niya. Nakita niyang tumigil ito at mabilis na pinasok ang buong katawan sa kotse.
"Where the f**k are you Siren?" tanong nito.
"Easy big guy I'm right behind you. Leader, Eros, you might wanna step on the gas. We are finishing this asshole with a bang," nakangising tugon niya.
She pressed a button on her Ducati and fired few rounds from the mini-bomb launcher. It was one of the little details she had customized. Ang disenyo niya ay parang maliliit na compact discs na mas malaki lang ng kaunti sa limang piso. The casing of the bombs is magnetic and programmed to explode within ten seconds after contact. Not as destructive as a hand grenade but strong enough to stop a moving vehicle.
Kailangan nang mawala sa landas niya ang mga garapatang ‘to. Mas lakad pa naman siya ngayon.
"Nice work the Siren. Split-up guys meet you at the rendezvous point in fifteen minutes. This is Frost signing out." Final instruction ng leader nila.
BUMALIK sila sa The Site para pumirma ng mission report at para pangunahan ang interrogation kay Rumualdez.
"Hey! There she is! Rumualdez has been taken to the detention cell. Bukas pa raw ang interrogation," pagsalubong ni Eros. Kasama nito sina Vixen, Hawk, at Frost.
"C'mon magsi-celebrate tayo tapos diresto tayo sa bar. You did great kanina sa field and thank you for saving our asses back there," sabi naman ni Frost na may plano pa sanang akbayan siya.
Pasimpleng umiwas naman si Sunny. Talagang hindi lang siya sanay na inaakbayan ng ibang tao.
"Damn straight I saved your ass. Don't you dare forget it."
"Ganito na lang Sunny, libre ka namin ng drinks mamaya hanggang malasing ka. Then we'll agree to never speak of that incident again," sabi naman ni Hawk sabay taas-baba ng kilay nito.
"Abat! Syempre ililibre niyo talaga ako pero kailangan ko munang umalis," pagpapaalam niya sa mga kasamahan.
"What? Pero magsi-celebrate tayo 'di ba?"padabog na sabat ni Vixen.
"Well you will have to do it without me. May date ako ngayon," biro niya bago mabilis na pumanhik.
"Maniwala kami sayo. Magugunaw lang ang mundo wala ka paring lovelife!" pabirong sigaw ni Eros. Iyon ang madalas nilang kantyaw kay Sunny dahil masyo siyang pihikan pagdating sa mga lalaki.
"Oh! Shut the f**k up, Enrique!" balik sigaw niya sabay tawag sa tunay nitong pangalan.
She just got on her motorcycle and drove off.
Totoo naman kasi na may date na naghihintay sa kanya. Kahit na busy na siya sa pagiging agent ipinangako niya kay Tanda na uuwi pa rin siya sa mansion paminsan-minsan.
Full-time job ang pagiging LSF agent at lagging on call. Kaya naman madalas ay doon na lang siya umuuwi sa studio type unit niya sa The Site.
"Na receive ko ang report sa mission niyo kanina. Congratulations. Pero akala ko hindi mo ako dadalawin dito," sabi ni Tanda habang naghihiwa ng steak.
"Alam niyo namang 'di ko kayang gawin ‘yon. Dumiretso agad ako dito. Pero 'di ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pa talaga manatili dito eh may villa ka naman sa Site at ang layo kaya ng bahay mo," sagot niya naman sabay nguya.
"Well, I don't like staying there and besides even if I wanted to I can't. Izaac is moving to the villa, at may mga naglilipat na ng mga gamit niya ro’n. He'll be here in a few days, I'm not so sure," simpleng sabi ni Tanda.
Imbes na lunukin ni Sunny ang wine ay nabuga niya ito pabalik sa wineglass.
"S-say what again?" Napaubo pa siya habang pinupunasan ang labi. Kawalang poise talaga kapag naririnig niya ang pangalan ng lalaking ‘yon.
"Izaac is moving to the villa," he said like it was no big deal.
"Bakit ngayon ko lang alam 'to?" tanong ko naman sa kanya. Pilit niyang itinago ang pag-alma sa boses niya. It can’t possibly be true, right? Ayos n asana siya na nabubulok si Izaac sa kung saang sulok man ito ng mundo. Matagal na niyang tanggap iyon.
"Well, I thought you read the memo. It was out for like two weeks now. Saka kung binibisita mo sana ako ng mas madalas e ‘di nasabi ko pa sayo," pamabara nito sa kanya. Naku talaga 'tong matandang ‘to. Pinilosopo pa siya.
Chill Sunny. ‘Wag mong sabihing affected ka pa rin kay Izaac?
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at pinakitang no-big-deal lang ang pag-uwi ni Izaac. Oo, tama. Wala naman talaga siyang pakialam kung umuwi man ito pagkatapos ng walong taong hindi nagpaparamdam at nakikibalita o kahit lumingon man lang.
Hindi namalayan ni Sunny na dumiin na pala ang pagsaksak niya ng tinidor sa steak kaya lumikha ito ng ingay. “Sunny are you all right?”
“Ha? Opo! Syempre naman!” she snapped back to reality. “So magreretiro ka na. May time ka na rin mag collect ng antique at maglaro ng golf tulad ng ibang Thunders mong friends," biro niya.
“Napag-isipan ko na hindi ‘yan para sa ‘kin. I'm just planing to by a jet ski or try extreme sports or siguro magpatayo ng club downtown!" sagot naman nito na ikinalaglag ng panga niya.
Bakit ba ang wierd talaga ng lahat mga Lorenzong 'to? Ang ganda na sana ng lahi puro nga lang topakin.
"Oh and I forgot to mention. I'm thinking before I retire, I will reinstate you to a new team as per Izaac’s conditions. Pinag-isipan ko at mukhang maganda naman ang ideya niya. I figured with Izaac as your direct Superior you will make a great tandem," dagdag pa nito.
"Wait, you did what?"
Un-fcking-believable!