Natakatayo lang si Sunshine sa hapar ng gate ng Main Villa kung saan idadaos ang farewell party para kay Tanda at welcome party naman para kay Izaac. Mukha naman siyang lutang na nakatungo lang doon at nag-aalinlangang pumasok. Biglang nanlamig ang mga palad niya at hindi sigurado kung handa na ba siyang makita ulit si Izaac. Ay, affected? Akala mo naman jinowa eh. Iwinaksi na lang niya ang kutya ng kunsensya. Kung hindi lang talaga required ang attendance niya malamang nakahilata lang siya sa harap ng TV at nagre-relax habang iniinom ang isang pitsel ng margarita mix. Nang nahanap na niya ang lakas ng loob para pumasok ay inayos niya muna ang suot na dress at tiningnan sa salamin ng sasakyan parking lot kung maayos na bang nakahawi ang kanyang buhok. She opted to wear a red backless