Chapter 4

2444 Words
Chapter 4   TOMMY     Pawisan siyang lumabas sa madilim na kwartong ‘yon habang suot ang kanyang boxing gloves. Kalaban niya ang dalawang katao na halos kasinlalaki rin niya, mga federal agents na tulad niya. Iyon ang pa-birthday niya sa sarili niya dahil anong saklap ng ibinalita sa kanya ni Allissa na tuluyan ng nakapag-move on si Brie habang siya ay nalugmok na sa putik na kanyang kinasadlakan. She looks so happy with her boyfriend. Ipinakita pa sa kanya ni Allissa ang litrato ng mukha ni Brie at ng abogadong kababata no'n. Nakahalik ang nguso ng dyablo sa noo ng baby love niya. He's supposed to be that man! Not that f*****g idiot! Sa sobrang galit niya at selos ay nagdesisyon siyang magtawag ng makakalaban at makipagpatayan sa suntukan. He wanted to die! He wanted to feel numb because he's a loser. He's no use. Tommy attempted contacting Brie so many times but he couldn't find a way. Walang panama ang taktika ng mga tauhan niya sa higpit ng seguridad ng PM sa anak. Kahit na mag-abang siya sa labas ng gate ng mga Robinson sa Canada ay wala siyang makita ni anino ni Brie. Isang beses ay nakita niya, milyong milya yata ang layo mula sa gate ay may niyakap naman at nagpahalik sa pisngi, sa ilong at sa noo. Lumabas ang dalawa at magka-holding hands pa. She looked so happy. Lalo siyang nasaktan sa nakita niyang pagkakaiba nila ng Liam na ‘yon. Malapit’ yon sa pamilya ni Brie at walang sabit. Baka uugod-ugod na siya ay hindi pa niya nakukuha ang kalayaan na gusto niyang makuha dahil sa tigas ni Genesis na pinagtataguan na niya. Lumaban na siya sa korte sa legal na paraan pero parang ang tagal. Ilang beses na siyang nakiusap pero parang bingi iyon at nakukuha pa siyang takutin na oras na lumapit siya kay Brie ay ipapahiya no'n nang paulit-ulit ang kawawang dalaga. And his clouded mind and crushed heart decided to walk away that day he saw Brie with another man. Maybe he could just be nonexistent for 2 or more years without any contact with Genesis. Damn it. He's getting crazier each day Brie isn't by his side. Hindi niya maipilit ang sarili niya dahil maling-mali siya at ang kaisa-isang bagay na nagawa niyang tama ay nang mag-anunsyo rin siya na walang alam si Brie sa sitwasyon niya kaya sila nagkaroon ng relasyon at iyon ay ipinilit niya. He admitted that he hid his life and she's not liable for any immorality like what Genesis was trying to imply, but it's still no use. He's still not free. Sasaluhin niyang mag-isa ang kulungan kung sakali at hindi niya hahayaan na mapunta roon ang babaeng mahal na mahal niya. He could sacrifice anything for her but why can't he be just happy to see her walking with another guy? Lito na siya. Nagtatago siya pero parang mali na naman nga. At kamakailan lang ay naidaldal naman ng kaibigan niya kay Allissa kung nasaan siya at kasama no'n ang babae na sumulpot sa pinagtataguan niyang bahay sa Greece. He hates his fuckboy friend. Nakipag-s*x lang sa babae, ipinag-tsismis pa siya. Malamig ang mga matang tumingin si Tommy sa Mama niya na nakatayo sa may bukana ng malawak na gym sa basement at natutop nito kaagad ang bibig nang makita malamang ang mga pasa niya sa mukha. “What?” his tone was brisk and out of politeness, no humor. “Thomas! Fix your mouth! Papa,” pakampi nito sa ama niya na akbay naman ang Mama niya. “Fix it, son. Listen to your Mom.” anaman niyon pero kikindat-kindat sa kanya. Simula nang maghiwalay talaga sila ni Brie ay nag-iba siya. Naging magaspang ang ugali niya at naging malamig ang pakikitungo niya sa lahat. Madalas din na walang direksyon ang takbo ng isip niya kaya tuluyan na rin siyang nag-resign sa pagiging agent. He's not working. He's not talking, he's dying day by day. Bumabalik na ang may kahabaan niyang buhok at pati balbas at bigote ay hindi na naman niya inaahit. Kung noon ay nagmukmok siya nang sundutin ng konsensya, ngayon ay nagpapakamatay siya sa mga simpleng paraan. “Happy birthday.” bati ni Heraldine sa kanya pero kaswal niyang idinura ang dugo sa bibig dahil sa mga suntok na inabot niya. “Yes I'm older.” sarkastikong sagot niya na lalong ikinabwisit ng mukha ng ina niya. “Thomas Henri, why not face your problems rather than get rotten in here?” bumuntong hininga ang matandang babae na nilagpasan niya. Para iyong aso na sumunod sa kanya papaakyat sa salas. Face his problems? He did but what did he get? Damn he was just making his moves to get his freedom yet his girl was with that stupid lawyer! He can't take it. Umiiyak siyang parang bakla kapag naiisip niya na baka pumapatong na ang demonyong ‘yon kay Brie at lahat ng ginagawa niya noon ay iyon na ang gumagawa. “I've faced it. There's no development that's why I am here. Gusto kong sabayan ‘yon at hindi magpakita sa asawa kong walang kasing tigas na matapos kong isalba at ipagamot ay ganito pa ang gagawin sa akin. Nagdemandahan na kami at lahat nabuksan na niya sa korte! Great!” sinipa niya ang upuang kutson at bumangga iyon sa pader. Napaitlag si Heraldine at nakayakap sa Papa niya na bitbit naman ang isang cupcake na may kandila. “Blow your candle, son. Make a wish, your Mama said.” lumapit iyon at sa halip na hihipan niya ang sindi ay hinawakan niya para mamatay. “My god.” bulalas ng Mama ni Tommy. “Why are you so cold? Aren't you going to take a stand, Thomas? Aren't you going to fight for her?” “Fight for her?” pagak siyang natawa. “How? I am a married man and this is my fault. I know. The blame's on me and I accept it.” dismayado siyang umiling at marahas na inalis ang gloves na suot. Walang pakialam na initsa niya iyon matapos siyang makaupo sa sofa. Kinuha naman ‘yon ni Heraldine at inayos pa. “You can't have what you want in an instant, Tommy. The things that are so hard to get are the things that would make you feel complete. Trust me. You have to be patient. Just at least guard the person that you want to have. Kapag may bumakod, suntukin mo kaagad anak para hindi ka maagawan. Look at you. My god, mas matanda ka pa sa Papa mong tingnan.” bulalas ng Mama niya kaya lalo siyang nabwisit. Papayuhan din naman siya, may kasama pang pang-iinsulto. Natawa naman si Henry at patingin-tingin lang sa kanilang mag-ina. “Your mom has a point, Tommy. The more you rot yourself here, the more the person you want to have slips away without your cognizance. You will figure out at the end of the day that you're too late.” He's late. Isang buwan pa nga lang silang nawalan ng komunikasyon ay may iba na ‘yon. Ngayon pa kaya na tatlong buwan na ang nakalipas? Ganoon na yata siya ipinagpalit ni Brie talaga at hindi na umaasa sa kanya. Patong-patong kasi ang katangahan niya na nauwi na sa mga malalalim na kasalanan. It's her fault anyway. If she wasn't cute ten years ago, if she wasn't sweet and she wasn't kind, he could probably have never fallen for her. If he only evaded those charming innocent smiles, he could've saved her young heart from falling apart and so as saved his heart for heart attack. Parang araw-araw siyang aatakihin sa puso sa sobrang pangungulila. Ang hirap kasi na hindi sila makapag-usap at hindi makapagtanong sa isa't isa. Siya ang gago na umaasa nang husto kahit na malinaw naman na sabi no'n ay ibabangon ang sarili sa ginawa niyang dumi. Kasalanan ba niya kung mahal na mahal niya? Para na siyang sira ulo na hindi na gumagana ang utak. His brain is malfunctioning and most of the time, he finds himself also talking to himself. “Mag-impake ka na at harapin mo si Genesis. Show her that you will fight her war in whatever term she likes. She's not being fair anymore.” gumuhit din ang inis ni Heraldine sa asawa niya na sabi ni Allissa ay hinahanap siya. Tinuruan pa nga siya ng babae na huwag magpapakita at tama ang desisyon niya na magpakalayo na lang. Hindi niya rin maintindihan minsan si Allissa na parang kakampi niya tapos mamaya ay kakampi ni Genesis, tapos kakampi ni Brie. Pero parang may mali rin talaga sa ginagawa niya o may mali sa lahat ng nangyayari. Oo, at ang mali na ‘yon ay makita niyang may ibang umaangkin sa babaeng dapat ay kanya lang. Tumitig siya nang matagal sa mukha ng Mama niya. His mom is right. He has to keep an eye on Brie for as long as he awaits his freedom. Babawiin niya iyon kay Liam sa kahit na anong klaseng paraan man at kahit na matapos man ang kaso ng diborsyo niya ay otsenta na siya, maninindigan siya sa pangako niya kay Brie; na isang araw ay darating siya at kukunin ‘yon. “Why are you doing this Ma’?” blankong tanong ni Tommy kay Heraldine. “Because I can't die seeing you suffer each and every day of your life. I want what's best for my only son and if that best is his other woman, then so be it.” Halos maluha na sabi nito sa binata na agad din na nagtubig ang ang mga mata. “I can't tolerate you but I know that she means a lot in your heart. I could even see that she means life to you. Look at you. You're killing yourself. I'd be happy to see you tucking yourself in one corner of this place not to see bruises all over your body.” It's true. He literally wanted to die. May mga panahon na hinihimas na nga niya ang kwarenta y singko niya at parang gusto na niyang itutok sa sentido niya para matapos na. Kaya lang, sa tuwing naaalala niya si Brie, hindi niya magawa. He promised that he'd protect her. He promised to get her back and how could he even possibly do that if he's already gone? Tommy couldn't even count the days he never cried. Since they parted ways, he started crying like a little boy who had lost a fight. He felt like a coward, a loser, knight who never won a war. And it's always painful to see Brie wrapped in another man's arms. He couldn't just watch her go though he isn't the man goodfor her. She may never be proud to have him around but he wants to be around her. He wants to surround her and own her. Tommy wants his baby love back. Kahit na sakali man na may nakakuha na roong iba, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya at handa siyang maging tanga para lang pagbayaran ang naging mga kasalanan niya at makuha ulit kung ano ang para sa kanya. Kanya lang si Brie at walang pwedeng umangkin doon na iba. “Get up, Thomas. I never raised you like this. I trained you so well, son.” anaman ni Henry sa binata na nag-iisip. It's kinda true. His father trained him not to become a loser. Isa siyang batang hikain noon at batang patpatin. His Papa gradually built him to become stronger and brave. Pero alam ba ng mga magulang niya na si Brie ang kalakasan niya at siya rin ang kahinaan? “Sumabay ka, anak. Parang awa mo na. Your wife is shining like a star and she will rejoice seeing you like this. If you can't have your freedom for Brie at least get it for yourself. I don't want a wife like Genesis for you. I'd rather see you grow old alone than see you torn apart.” lumapit si Heraldine sa anak at hinalikan ito sa noo, pinahid ang dugo sa may labi at inayos-ayos pa ang humahaba na naman na buhok. “Hindi maganda ang naisip mong magtago ng ilang taon. Baka bumalik ka huli na ang lahat para sa inyo ni Brie. Seeing her won't mean having an affair again. You can just talk like normal friends.” his mother shrugs. Talk? Friends? He won't give a damn. Umigting ang p*********i niya. “I don't think I'd just talk to her when I see her. I'd push her on the wall and do her there.” he frankly declared. Nanlaki ang mga mata ni Heraldine at si Henry naman ay tumawa nang malakas. “My god! Don't be such a brute. And you, you laugh like a jerk hearing your son talking nasty thing like this?” galit na wika nito sa ama ni Tommy. “What? He's a d**k. Of course he'd make the move. I'm proud because my son is not a p***y though at times he's an idiot and keeps on heaving impulsive decisions.” Naiiling na umismid si Heraldine. “Whatever. Just stop hiding and show your face. Tatanda ka na rito na nakatanga. Nakakabwisit ka ng bata ka. You're 37 today, at least prove your worth and think like a thiry-seven year-old man not like a seven year-old kid.” tumayo ang Mama ni Tommy at inayos ang mga gamit niya. “It's your fault. You spoiled him a lot when he was a kid.” “Because he's my son!” galit na sagot pa nito sa Papa niya. “Get up and decide.” Tommy looked up at the ceiling and then to those men who just came up from the basement. Magkaalalay ang dalawa at doble ang mga pasa na nakuha kaysa sa kanya. Saan ba siya pupulot ng mga kalaban na iyong pwedeng makapatay na sa kanya? He couldn't find any and many never wanted to fight him. That's kinda funny. He beats his own kind while he can't beat a woman down. He can't beat Genesis. “Lessen your kindness, son. That’s the least you can do. Your wife is hurting you and you gotta hurt her, too. Let her see that you're really not into her anymore and you're after the girl you really love and you deserve to have.” Tommy's Dad said. Nasundan iyon ng isang ngiti at ang mga mata ni Henry ay may awa para sa kanya. It's right. Dying is not a solution. He'll grab his girl and will fight with Genesis face to face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD