Chapter 3
BRIE
“Best friend, may bisita ka.” Sumilip ang ulo ni Mariana sa pintuan ng library kung saan naroon si Brie at nagbabasa ng libro.
Iyon ang naging libangan niya sa tatlong buwan na nakalipas at naging kakambal na ng pang-araw-araw na buhay ng kanyang kambal. Today’s her schedule for an ultrasound and she will find out the gender of her twins. Si Liam ang makakasama niya sa OB-Gyne.
Kahit hindi niya tinanggap ang alok no’n na kasal ay binigyan niya ng tyansa ang kung anong meron sila dati. They have mutual understanding that one day, if she will learn how to love him, they will get marry and let her kids become a Fournier.
Binigyan niya ng tyansa ang lahat ng nasimulan nila nang araw na makita niya sa telebisyon sina Tommy at Genesis na magkasama sa opening ng isang malaking clinic sa California. Napag-alaman din niya ang tungkol sa totoong nangyari sa babae at ang tapang no’n na bumalik sa dating normal na buhay matapos ang sinapit na sitwasyon.
Biktima rin pala iyon ng human trafficking at sa kasamaang palad ay hindi nailigtas ni Tommy.
Umiyak siya nang araw na ‘yon na lumabas ang litrato ng dalawa na magkasama. Parang hindi lang piniga ang puso niya kung hindi dinurog pa. At sinabi niya sa kanyang sarili na wala na talaga sigurong magiging sila. Binitiwan na niya ang pinanghahawakan na huling mga salita no’n na darating isang araw at kukunin siya.
Brie could say that she’s quite happy but she’s still not totally fine. Mabuti na lang at may kambal siya kaya parang makulay pa rin ang mundo niya. At si Liam, mabuting tao si Liam na inaalagaan siya at minamahal kahit hindi niya gaanong masuklian ‘yon.
Mula sa pagkakatingin sa libro ay umangat ang ulo ng dalaga at ngumiti sa kaibigan.
“Who?”
Napakibit-balikat si Mariana na suot pa ang sumbrero at uniform. Mukhang kauuwi lang nito galing sa restaurant na pinagta-trabahuhan.
“Allissa raw. Parang ‘yong boss mo dati.”
Umarko ang mga kilay ni Brie at agad niyang naibaba ang paa mula sa lounge beanbag na kinahihigaan.
“Really? Paano siya nakapasok? Dad’s restricting the whole area and no one can walk in especially if related to Ate Genesis or…ex oldie…”
“Love…” hagikhik ng bruha kaya napasimangot siya.
Naiinis din siya rito minsan kapag nagkukwentuhan sila kasi madalas na ayaw na nga niyang banggitin ang pangalan ni Tommy at ang tawag niya roon, siya namang paulit-ulit ni Mariana na parang nananadya pa.
“Baka hindi nila alam na related sila. Nasa living room number 1 siya.” Tawa pa nito nang makalapit siya. “Ang dami naman kasing sala. Nagulat naman ako pagpasok ko sa living room number two, may mga babaeng nakaputi. Doon naman sa number three, si Tito Samuel at may kausap na mga lalaking naka-amerikana. Tig-iisa yata kayong living room dito at hindi pa rin ako masanay.”
“Masanay ka na. You will stay here as long as you want to. Pakakawalan lang kita kapag nag-asawa ka na ng Canadian.”
Humagikhik ang kaibigan ni Brie kaya napatingin siya rito.
“What’s that giggle? You have a Canadian? Oh no, binabawi ko na. Ayokong mag-bf ka. You are not permitted to leave this house as long as I live.” Duro niya sa mata ni Mariana kaya lumakas ang tawa nito.
“Grabe naman. Wala lang utang na loob ang tingin mo sa akin? Matapos niyo akong kupkupin, lalayas kaagad para lang sa isang Canadian? Si Manager ko na inaanak ni Tita Bridget ang nagpaparamdam. Divorced na naman ang balahura at may isang anak, nasa babae naman. Binibigyan ko ng chance pero kinikilala ko pa.” imporma nito sa kanya kaya parang nalungkot siya.
Bakit siya naiinggit? Bakit ang sakit isipin na siya ay wala? Her love life suddenly boomed and showered all the colors of the rainbow but fell out of shape in an instant. The colors faded and now…she doesn’t know how to bring them back into life.
“Talaga? I know that man, si Kuya Thirdy. Kinakapatid ko siya at actually pinsan ko pa sa side ng mga Wei. You’re starting to have a colorful love life.” Ngumiti siya rito pero parang ang pait ng pakiramdam niya.
“Bakit ‘yong sa’yo hindi pa ba colorful? Parang nakapag-move on na ka naman?”
Move on? She doesn’t think so. Iyon siguro ang itinatanim niya sa isip at puso niya pero ang totoo ay pinipilit lang niya ang sarili na maging masaya kasi wala na naman mangyayari kung aasa pa siya.
Wala na silang komunikasyon ni Tommy at mukhang unti-unti na noon na naayos ang pagsasama saka ng asawa. It's still so painful deep inside but she always tries her best to smile for the sake of her babies. The world must not stop turning just because she had lost her first love. May mga maliliit na bata ang umaasa ka kanya na kung pababayaan niya ang katawan niya dahil lang sa kalungkutan, sa hinanakit, sa selos at pait ay siguradong maapektuhan ang mga ito. Hindi niya makakaya na masaktan din ang mga baby niya o malala ay mawala nang tuluyan sa kanya. Wala man silang kinabukasan ni Tommy, buo ang loob niya na mahalin at alagaan ang mga nabuo nilang bata.
They may be fruit of lies but for her, they're fruit of a bittersweet love.
“I don't think it's shining brighter. I'm trying my best to love Liam but…”
“But you can't? Waw, English! Gumagaling na ako, kaibigan. Iba ang epekto ng Canada sa akin for three months.” palatak ni Mariana kaya natawa siya kahit paano.
Buti na lang at naroon ito sa tabi niya, kung wala ay di baka mas lalo siyang nagmukmok. Her Dad still made the best decision and she's so thankful for it.
“Hindi mo naman talaga basta makakalimutan si Tito-Sir. Siya ang Daddy ng mga inaanak ko kaya walang chance na mangyaring mawala siya sa isip mo. At siguro dumating man ang panahon na magmahal ka ng iba, maniwala ka na may parte pa rin sa'yo na hindi mo maibibigay sa magiging asawa mo, pwera na lang kung mahigitan mo ang pagmamahal na ibinigay mo kay ex oldie love.” anito pa kay Brie at nakatingin lang naman siya rito.
Kapagkuwan ay bigla niya itong itinulak sa tapat ng pinto ng kwarto nito.
“Aray! Sama nito!”
“Diyan ka na. Pinapaalala mo pa. I'll just go downstairs. Change your clothes. You smell like sperm!”
“Ha?!” gulat na tanong ni Mariana. “Naamoy mo?”
She laughed. “Crazy!” malay ba niya sa amoy ng sperm. Ang alam lang niya ay lasa no'n.
Yiks!
Her mouth watered.
Bigla na naman siyang parang sinilihan at madalas niya pa rin maramdaman ‘yon kapag naaalala niya si Tommy.
When she's craving for his scent, his hard built, his gorgeous face and his tickling hairs, the taste of his manhood, she shuts her eyes and pictures him in her mind.
Hindi lang naman siya nasasabik sa mga ‘yon. Gusto niya ng isang mainit na yakap at halik, ‘yong titig na nagpapakita ng pagmamahal na may kasamang pagnanasa.
Kahit paano ay napapanatag din naman siya sa tuwing inaalala niya. Napaglihihan na nga yata niya ang ama ng mga anak niya kaya lang sa malayo at hindi naman nahahawakan, hindi natitikman.
Crazy little lewd.
Naiiling na lang siya sa sarili at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator.
She heard a bark and when she looked back, it's Tammy.
“Come here, mon amour.” yaya ng dalaga sa aso na tumakbo naman papasok sa lift.
Dumaan siya sa sangkatutak na sala at nang makarating siya sa ikatlo ay naroon nga ang Daddy niya, nagsasalita sa harap ng mga kalalakihan at ilang kababaihan.
“Hi Daddy!” she waved her hand and her father automatically stops talking.
Lumingon ang mga ka-meeting nito at tumingin sa tiyan niya. Medyo malaki na ang kambal niya roon at halata na ang tiyan niya. Mahilig pa naman siya sa mga bestida na fitted kaya anong itatago niya? Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita siya ng mga kasamahan ng Daddy niya na buntis. Nakatago lang kasi siya sa kwarto at kahit sa labas ng bahay ay hindi siya lumalabas. Nagpapa-init siya ay sa indoor garden nila, doon sa paborito niyang swing.
“How are you, darling? How are my grandchildren?”
“I'm okay, Dad. I have a visitor. The twins are fine, still good looking like their Dad.” aniya kaya nalaglag ang panga ng ama niya at nagkatinginan naman ang mga tao.
Napahagikhik siya nang makalagpas doon at ilang metro naman ay natanaw niya sa may kalayuan ang Mommy niya na kumaway sa kanya.
Finally, she reached the living room, nearest to the main door. Nakatayo ang isang babae na abot sa balikat ang buhok at labas na labas ang likod, kasama ang gulugod. Nakatulala ‘yon sa isang portrait ng pamilya niya, the entire Robinson and Wei clan. More or less mga singkwentang katao ang nasa portait na ‘yon na kuha sa isang family gathering. Thanksgiving’ yon nang makabalik siya matapos na ma-kidnap. Siya ang nasa-gitna dahil siya ang pinakabunso at ang sinundan niya na pinsan nang mga taon na ‘yon ay bente anyos na.
Ngumiti si Brie pero nang maalala niyang buntis siya ay para siyang naparalisa at gusto niyang pumihit pabalik. She's excited to see the woman not to ask about Genesis and Tommy but because she treated Allissa like her own friend. Kahit na naglihim din ito, wala naman itong kasalanan sa nangyari sa kanila ni Tommy.
Kaya lang paano niya itatago ang mga bubwit niya?
Papapihit na sana siya para umatras nang bigla yatang maramdaman nito ang presensya niya kaya tuluyan na rin itong umikot.
“Brie!” Allissa squeaked and her nose contorted.
No more hiding.
Ngumiti siya at relax na naglakad papalapit.
Nawala ang magandang ngisi ng babae nang makita ang t'yan niya at para itong namutla sa kinatatayuan. Magkukwento ito kay Genesis kapag sinabi niya ang totoo. Hindi pwedeng malaman no'n na si Tommy ang ama ng mga anak niya. She will protect her babies no matter what.
She was once a coward and such a fragile little girl but now that she's a mom of two, there's no way she'll let anybody hurt her children. She was in need of a hero long ago but now she'd be the heroine of her twins.
“Y-You're…” lumunok ang babae at hindi nakaganti nang i-beso niya ay yakapin nang kaunti.
“Yes, I am.” she smiled sweetly, staring into Allissa's eyes. “Two months.” aniya saka hinimas ang tiyan.
“Two months? It's quite big.”
“Triplets.” susko, patawad po Papa Jesus.
Nakakapagsinungaling pa siya para lang kapag nagbilang ito ay mali sa mga buwan na nasa piling pa siya ni Tommy.
At tama nga ang hinala niya dahil nagsalita ito matapos yataang mag-kalkula.
“Aw. Two months? You found somebody new after him? If I am right, you've been with him three months ago.”
“Yes.” kunwari ay hinila niya ito papunta sa sofa. “I got drunk and here…” kibit balikat niya.
“S-Sino ang ama?” hindi mapugti ang tingin nito sa tiyan niya.
“Ahm--”
“I am the father.” anang isang lalaki na pumasok sa pintuan kaya sabay sila ni Allissa na napatingin.
Sasabihin niya sanang hindi niya kilala kaya lang ayan na ang inggrato niyang kababata.
Nakangisi si Liam at niluluwagan ang necktie na suot habang papalapit.
Ang gwapo-gwapo nito at ang bango-bango pero bakit hindi niya ito magawang mahalin?
“Hi, sweetie. You have a visitor?” ani Liam nang makalapit at hinaklit kaagad siya sa baywang saka siya hinalikan sa tainga.
Nagiging palayakap ito at palahalik simula nang sabihin niya na pag-aaralan niya itong mahalin, pero sinabi niya rin na kung hindi niya matutunan ay huwag itong magagalit sa kanya dahil naging matapat naman siya.
And he agreed to her terms. Masaya ito kahit paano sa pahimas-himas sa braso niya at pahalik-halik sa pisngi, payakap-yakap at parang pumupuso ang mga mata kapag niyayakap niya pabalik.
Liam is kinda perfect but he's still no match to that old nasty agent. Bulag yata ang mata at puso niya na hindi magawang tumingin sa magagandang katangian ng iba.
“She's ate Allissa. She was my boss when I was still in Manila. Ate, this is my…boyfriend, Liam Fournier.” aniya rito para naman kapag magkwento ito kina Genesis ay hindi naman siya magmukhang kawawa na naiwang luhaan.
At least kunwari man lang ay boyfriend niya si Liam kahit ang totoo wala naman.
“Hi.” ani Liam at saka inilahad ang palad kaya ang pagkatulala ng babae sa kanya ay naglaho bigla. Parang proud naman ito na sabihin niyang boyfriend.
“H-Hi. Sorry. I am just so dazed. You're so lovely, Brie.” komento ni Allissa sa kanya kaya ngumiti lang siya.
Sabi nga ng nga kasambahay at tauhan ng Daddy niya, ang ganda niya na sobra. Hindi siya halatang broken hearted sabi naman ng bwisit na si Mariana. Humaba na ng kanyang signature bangs lagpas tenga at ang buhok niyang straight na straight ay ipina-curl niya nang kaunti. The things that couldn't harm her babies, she tried doing those just to get through her sadness. It helped in some ways.
Napaarko ang mga kilay ni Brie nang mapansin niya na nakatulala rin si Liam sa mukha niya at parang sinisipat nga siya ng tingin kung maganda siya o hindi. Nakangiti ito tapos ay nailing.
“Lovely indeed.” komento rin nito kaya sinarili niya ang pag-rolyo ng mga mata.
Yucks!
Ewan! Nako-kornihan siya kapag ito ang nagsasalita ng mga ganoon pero si Tommy noon kahit ang tanda-tanda na, kilig na kilig naman pati bunbunan niya.
“Excuse me for a while, ladies. I'm late with my meeting.” paalam ni Liam kaya nakahinga siya.
“Ka-meet ka ni Dad?”
“Yes, sweetie. I'll be quick and we'll head to your OB for the checkup.” hinalikan siya nito sa ulo tapos ngumiti kay Allissa.
Nang tumalikod ang lalaki ay napatingin ulit sa kanya ang babae.
Parang nakabawi na ito sa pagkabigla at paniwala naman yata sa lahat. Naupo na ito nang tuluyan, may ngiti sa labi.
“Mango juice and sandwich.” alok ni Brie sa kaharap dahil naroon na ang snacks sa isang serving cart.
“Yes, thanks.” anito sa kanya.
“Alaga, milk is for you.” anang boses ng yaya niya na galing sa likuran.
Lumapit iyon sa serving cart at inilapag ang pregnancy chocolate milk drink niya at isang piraso ng saging.
Alive banana…
“Thanks, ‘ya.” ngiti niya sa matanda na hindi na nakapag-asawa dahil sa kababantay sa kanya noon. Na-kidnap na sila at lahat, yaya pa rin niya hanggang ngayon at yaya pa rin ng mga magiging anak niya.
Tuwang-tuwa nga ito nang bumalik siya at umiiyak pa nang yakapin siya kaya sino ba ang hindi makakangiti sa mga ganoong tao na nakapaligid sa kanya?
Kay Tommy kaya, meron din?
“Shake the bell lang if you need me, oki?” kindat niyon kaya natawa siya.
“‘Kay, yaya. May kamay naman ako at paa.” sagot niya habang papalayo’ yon.
“Kahit na, ayokong napapagod ka.”
Muling ibinalik ni Brie ang atensyon kay Allissa na nakatingin sa tiyan niya.
“I'm glad you finally moved on. I'm happy for you. Akala ko ikaw ang maiiwan na malungkot pero mukhang hindi naman. Salamat at sumabay ka kay Tommy.” anang babae kaya halos mawala ang ngiti niya pero pilit niya pa rin na hinulma.
Sumabay kay Tommy? Ibig sabihin nakapag-move on na talaga si Tommy? So ano ‘yon? Ginamit lang talaga no'n para makalimot pansamantala sa asawang nawawala tapos ay pinaniwala siya sa kung anu-anong kasinungalingan? Tapos kunwari ipagtatanggol siya kay Genesis, tapos ngayon ang bilis makapag-move on?
Sira ulo!
Umalsa ang inis niya. Mabilis pa naman kumulo ang dugo niya dahil sa pagbubuntis niya at kapag pakiramdam niya ay gusto niyang ilabas ang lungkot ay ibinabalibag niya ang mga unan niya sa sahig.
Doon lang kasi gumagaan ang pakiramdam niya at malamang na kung nasa tabi niya ang matandang bumuntis sa kanya ay baka araw-araw niya ‘yon na sinusuntok.
“Uhm…” dinampot niya ang gatas at hindi nagpahalata na apektado.
It's not good if Allissa will see her still suffering. Genesis will rejoice. She will look like an idiot in front of Tommy. Baka sabihin pa ng ubanin na ‘yon na hindi siya makalimot sa halos isang ruler na p*********i no'n na ubanin na rin ang pubic hair. Tsura!
Hindi nga ba?
Ah basta!
Pangit na ‘yon sa paningin niya at ubanin pati balbas at buhok sa ilong, sa dibdib at sa puson!
Nakahinga siya nang maluwag dahil sa paghahamak niya kay Tommy. Kapag minamahal niya ‘yon ay parati niyang pinipintasan para papaniwalain ang sarili na hindi na dapat niya ‘yon ma-crush-an pa.
“Okay lang ba na magkwento ako? Are you comfortable?” hingi ni Allissa ng permiso kaya nagkibit balikat siya.
Sana naman bumalik si Liam para matigil ang babae. Baka umiyak siya kapag nakarinig siya ng kung ano pero ayaw niyang makita nito na apektado pa rin siya.
“They went to countless marriage counseling sessions and just last month, they attended a blessing party in California. Nag-open ang co-doctors ni Gen ng isang malaking clinic doon para sa mga Hollywood celebrities. The clinic was also designed for rehabilitation. Si Gen ay sa Psychiatry department napunta at si Tommy ang naimbitahan na mag-cut ng ribbon. I was there. I’m happy that all of you are doing okay. You are doing well and so as them.” parang ang saya ng boses nito at proud na proud.
Pilit siyang ngumisi kahit na gumuhit ang kirot sa puso niya.
That event was the event she saw on TV.
She cried for it and now she would never. Kaya ba niya na hindi umiyak?
“I'm glad they're okay. My conscience kept on bunting me but my parents told me that I was a victim. I guess tama sila. I knew nothing and if I knew it from the very start, I would keep my distance.” she shrugs. Pinatatamaan niya ito para kung sakaling makarating kay Genesis, maiparamdam niya roon na unti-unti ng nawala ang kahihiyan na naramdaman niya.
Ganoon naman talaga ang gagawin niya. Aminin man niya na mahal niya si Tommy, didistansya pa rin siya.
Kaya lang ngayon, napapaisip siya dahil may magandang dala naman ang pagkakamali na ‘yon na nagawa nila. She has babies and she's still the luckiest.
“Right.” sang-ayon ni Allissa matapos uminom ng juice. “You really moved on. I'm so glad, Brie. Ang bata mo pa. And you have babies. Ako kaya kailan?” tumawa ito sa sariling tanong.
“Mag-aasawa ka na?”
Lalo itong natawa. “I wish but the man isn't aware that I'm fantasizing him. He's such a numb.” umirap ito pero kakaiba ang kislap ng mga mata kaya nangiti siya.
“Genesis and Tommy are planning to adapt. Parang kukuha sila ng surrogate mother and since Genesis isn't capable of donating her egg cell, si Tommy lang ang magbibigay ng sperm cell. My friend agreed to it, huwag lang daw ang aktwal na magsi-s*x ang asawa niya at ang babayaran na babae at ihuhulog daw niya ang bata sa hagdan.” tumawa ito at umiling habang siya ay parang natakot na naman.
Kapag bata ang pag-uusapan ay parati siyang may pag-aalala.
“Joke lang naman ‘yon syempre. It's just a warning that Tommy must behave now. Bakit ba sila na lang ang ikinuwento ko? Tell me about you and your…boyfriend. He kinda looks hot and young.” anito pero mapakla na ang panlasa niya.
Baka maya-maya ay umiyak na talaga siya.
“Pagod na ang buntis.” palatak ni Mariana na pumasok sa living room kaya laking pasasalamat ni Brie nang makita itong nakangisi.
Iba ang ngisi nito at malamang ay kanina pa ito nakikinig sa kanila ni Allissa. Parang gusto nitong mantiris ng tao dahil magkakiskisan ang ngipin kahit abot batok ang pekeng ngiti.
“Come, join us.” she pretended, too.
Lintik! Magkaibigan silang dakilang plastik.kaya yata magkasundo sila dahil parehas sila ng trip.
“Oo, makikikain ako kasi hindi pa ako nagmeryenda. Naiihi ka ba?” anito sa kanya.
“Ha?”
“Naiihi ka. Palaihi ka di ba kasi jontis ka?” pinandilatan siya ni Mariana kaya tumayo naman siya.
“Excuse, Ate Allissa. I'll just make wiwi.” kunwari rin naman paalam niya.
“Sure, go ahead. Dito lang kami ng pinsan mo.” anaman ng babae kaya tuluyan siyang nakatakas.
Nang makatawid siya sa kabilang sala ay napasandal siya sa pader at masikip ang dibdib na nanubig ang mga mata. Nang tumulo ang mga ‘yon ay agad niyang pinahid. She must be happy for him but her heart can not. Dapat masaya siya at napaghandaan na ang ganoon kasi alam naman niya na talagang mawawalan sila ng komunikasyon.
She's still jealous. She still wishes that she’s in his arms and being kissed on her forehead.
But everything just came back from where it really started and maybe what it would always be—a dream.
Birthday ni Tommy sa isang araw at hindi man lang niya mababati.
Brie lifted her face and she found her mother looking at her.
Napahikbi siya lalo nang tanguan siya nito para palapitin at hindi siya nagdalawang-isip na sumunod. She hugged her mom and cried silently on Bridget's shoulder.
“You must never tell you Dad about what that woman said. Kaya nagdadalawang-isip ako na patuluyin ang bisita pero sabi ng Daddy mo nakapag-move on ka na. My instinct was right and you must never hide it from your dad. Show him that you're still in pain so he can protect you and your babies.” pangaral nito sa kanya at tumango naman siya. “Don't conceal your pain, baby.”
Hindi na yata siya makakapag-move on talaga. Kahit na si Liam ay hindi niya mapahalik sa labi niya at parang ang laking kasalanan kapag ginawa niya ‘yon kaya paano siya hahakbang papasulong kung parang nabaon na siya sa kinatatayuan niya?
She sighed. She must move on for her babies and they will be her strength, not that old nasty prick!