Chapter 1
Chapter 1
BRIE
Nagising siya ay parang nanlalata pa rin at walang lakas. Pakiramdam ni Brie ay bumuka ang balakang niya at ang madalas niyang pagkahilo ay dumarami hanggang sa himatayin siya kanina sa walk-in closet.
Tumitig siya sa puting kisame at blangko ang isip na napatulala. Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Tommy at simula nang makabalik siya sa Canada ay parati lang siyang nasa kwarto. Ipinagbawal ng Daddy niya ang social media sa kanya at restricted ang lahat ng tawag na gagawin niya. Pwede lang siyang tumawag kay Mariana pero hindi sa lalaking mahal niya. At kahit gustuhin man sana niyang tumawag ay hindi niya magawa. It’s a bad idea. Baka lalo lang magkagulo kapag ginawa niya iyon kaya mas minabuti niya na itago na lang ang cellphone sa office ng Daddy niya. Hindi maganda na maghabol pa siya lalo na nga kung gusto niyang alisin ang hindi sadyang pagkakadungis sa kanyang p********e.
Kapagkuwan ay bumukas ang pintuan at pumasok doon si Liam. Ngumiti lang siya rito na hindi naman nawawala sa tabi niya at parati siyang sinasamahan.
Her father made him his legal counsel and the guy is always around. Parang doon na nga ito nakatira kasi umaalis lang ay kapag may trabaho o kaya ay kapag gabing-gabi na.
“How do you feel?” nakangiting tanong ng kababata sa kanya kaya tamad lang siyang tumingin sa bintana ng kwarto na inuukupa niya.
“I feel weird.” She said.
I feel dead though I’m still breathing.
Muling nanubig ang mga mata ni Brie nang maalala si Tommy. Gusto niyang tawirin ang mundo para makita kung anong ginagawa no’n sa mga oras na ‘yon o kung magkaayos na ba at si Genesis. Bumalik ba ‘yon sa pagiging isang federal agent para makalimot, nambababae kaya para maglibang o pilit na inaayos ang nasirang pagsasama at ng duktora.
Kahit saan man mapunta ang takbo ng isip niya, isa lang din naman ang dala sa kanyang puso—sakit.
“Where is yaya? I fainted. Where is the doctor? My head is light and I’m so tired.” Usisa niya nang maupo si Liam sa gilid ng kama at nakatingin sa kanya.
“I offered something I want you to consider. I still want to marry you and I told your Dad about it. It’s the least that we could to save your dignity. And besides, I like you. Whatever you’ve been through, I don’t care. I’m here to help you.” Hinawakan nito ang kamay niya pero malamig ang naging titig niya rito.
“I want to save your twins.” He added.
Napatda si Brie sa kinahihigaan. Halos mapanganga siya sa sinabi nito at inis niya itong sinuntok sa kabila ng panlalata.
“Aw!”
“Huwag mo nga akong biruin! Hindi ka nakakatulong, bwisit ka!” singhal niya pero parang lalo lang tuloy na gumaan ang ulo niya. “I tested and the result was negative? How could you toss a joke at me! You’re immature!” tumaas ang presyon ng dalaga sa inis.
“I’m not kidding you, heaven’s sake, Brie. You’re pregnant and I want to give my name to your children. Consider my proposal because I’m dead serious. I want to be the father of the kids though biologically I am not. I told Uncle Samuel and he said it was brilliant. Now I am asking you. Please think about it because my offer is sincere. I rot in France but God knows I’ve never been with another woman. You know that it’s you since we were kids. It’s still you after what happened. If you don’t love me, at least for your babies and your family’s reputation.” Puno ng pakikiusap ang mga mata ni Liam at hinalikan pa nito ang kamay niya.
Wala siyang naisagot.
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dahil naluha siya. Naluha siya sa kasiyahan na may anak sila ni Tommy pero agad din na parang kinurot ang puso niya. Lalong magagalit si Genesis dahil nagkaroon siya ng anak sa asawa no’n. Baka pati mga anak niya ay siraan rin ng babae sa publiko at lalaki na tampulan ng mga pambu-bully. Dalawang bata ang lalaki na walang ama na katabi. May pagkakaiba ba ‘yon sa naging buhay niya na kahit nariyan naman ang Daddy niya ay parang wala rin.
Hindi pa sila nag-uusap na mag-ama dahil hindi rin naman ‘yon sumisilip sa kwarto niya. Naiintindihan niya na galit ‘yon kahit na hindi nagsasalita. Her Mom didn’t speak to her about what happened. Pumapasok ‘yon madalas sa kwarto niya at kinakamusta siya, inaalagaan siya at niyayakap sa hindi malamang dahilan. Kapag nararamdaman niya ang yakap ng Mommy niya, umiiyak siya.
She has her family but she’s still incomplete. But now, she has babies, hindi lang isa kundi dalawa. Inaalok siya ni Liam ng isang desenteng bagay na alam niyang hindi tatanggihan ng ama niya. Isa iyong bagay na pwedeng makatulong sa nasira niyang imahe ng kanyang Daddy.
Dapat ba niyang pagbayaran ang ginawa niyang kasalanan sa isang paraan na pwedeng magsalba sa apelyido niya sa nangyaring kahihiyan? Iyon lang ang maibibigay niya kung sakali dahil wala pa naman siyang napatunayan sa mga magulang niya.
She hasn’t proved anything yet and just brought disgust to her family name.
Pumikit siya at pinakiramdaman ang tiyan, ang pintig ng puso ng mga anak niya.
She wants betterment for her kids and all the happiness in this world. She wants the best for them and a complete family—and that complete family will only be given by her children’s real biological father. Hindi niya sinusukat ang kalidad ng pagmamahal na pwedeng maibigay ni Liam dahil mabait din naman itong tao pero hindi niya ito mahal at ayaw niya itong dayain.
She will never use a person for her own benefit. She will never rely on someone just to feed her children.
Brie smiled despite the tears. Ang hinihingi niya na isa ay dalawa pa ngayon ang ibinigay sa kanya. Pero ang hindi niya malaman ay kung dapat ba niyang sabihin kay Tommy o hindi. Paano si Genesis?
“Is that smile means yes?” Tanong ni Liam kaya napamulat siya.
Hindi pa niya alam kung anong isasagot niya at gusto niyang makausap na muna ang kanyang ama. Now that she feels so weak and so lonely, baka kahit patalunin siya ng Daddy niya sa building ay magagawa niya para lang makabawi siya.
“I'll think about it but for now, I want to see my Mom if she's here. She's a doctor here.”
Napabuntong hininga si Liam pero ngumiti rin naman. “Yes, she's talking to your OB-Gyne. I saw the result of the sonogram. It wasn't clear but the doctor said that two sacs are visible. It's confirmed that you'll be a mom of two.” parang mas excited pa ito at nalulungkot siya na dapat si Tommy sana ang unang nakakita ng mga babies nila pero wala ‘yon sa tabi niya kasi may totoo naman ‘yong asawa na dapat ding bantayan at alagaan.
Wala naman siyang karapatan at hindi rin naman niya ibubuwis ang pagkatao ng mga magiging anak niya para lang umamot ng kaunting atensyon at pagmamahal.
Tommy's wife is so selfish and she can't let her children suffer.
Naiyak siya bigla pero agad din na itinigil ang paghikbi. “Where's Daddy?” tanong niya kay Liam.
“As usual, working. I called him and he said he'll be home to see you.”
She hangs her mouth open. “He will see me?”
Pinagtawanan siya ng kababata at naiiling na lang sa kanya. “Of course he will see you. You're his only daughter. He loves you despite everything.”
Lumabi siya at sinalat ang tyan.
Simula kasi nang makagawa siya ng pagkakamali ay parang may naghiwalay na sa kanila ng Daddy niya. Pakiramdam niya hindi na siya ang Brie na Daddy's girl. Pakiramdam niya ay hindi na siya pwedeng humingi roon ng kahit na ano dahil sobra ang nadala niyang kahihiyan doon.
Pero kakausapin niya pa rin pag-uwi niya. She will make the move and ask her Dad if he's mad at her. She'll say sorry. Sa isang iglap ay naging mala-celebrity ang buhay niya at ng kanyang pamilya dahil sa isang issue na kinagat naman ng ibang tao lalo na doon sa mga taong malaki ang pakialam sa salitang, ‘imoralidad’.