Chapter 5
BRIE
Sumilip siya sa sala nang makarinig ng ingay at ang Daddy niya ang nakita niyang kadarating pa lang matapos ang tatlong araw na nawala ito sa bahay. Busy ito sa election na katatapos pa lang at iyon sana ang sasalihan niya bilang isang baguhang kandidato pero hindi na nangyari pa.
“Hi Daddy.” pa-cute niya sa ama. Nakatago pa ang mga kamay niya sa likod.
Her body is twisting and turning halfway, looking so pretty in her yellow dress.
Mula sa pagkakatingin sa nakalapag na malaking parihabang bagay na may ribbon ay nalipat sa kanya ang mga mata nito.
Ngumiti kaagad si Samuel at tumingin sa tiyan niya. “Come here, darling. I have a surprise.”
“Again?” humakbang siya at inakbayan naman siya nito kaagad, hinalikan sa noo nang mariin at niyakap pa.
“Mommy told me you were crying the other day. Still haven't moved on, Addie?” sinilip nito ang mukha niya kaya lumabi siya nang kaunti.
She looked up at her father through her lashes. “Will you get mad?”
“Just go on and try to move on. You're still in the process of healing and though I never experienced the same, I know it will take a lot of time for your heart to self-heal. So, this Liam isn't doing good enough to help you forget the agent, huh.”
“No Dad!” agad niyang sambot. “It's not that. Hindi pa lang talaga ako nakakapag-move on.”
“Is this thing related to that woman who came just to see you? Did she make you feel upset?” agad na parang bumalasik ang mga mata ni Samuel sa paningin ni Brie kaya umiling siya kaagad.
She knows how powerful her Dad is and she doesn't want picturing him doing something inappropriate just for her sake. Kapag hindi naman siya inaano, hindi naman siya magsusumbong ng mga kalokohan na nararanasan niya. Nagkwento lang naman si Allissa at wala namang masama roon. Her heart just overreacted that's why she cried a bit.
“No Daddy. She's a friend. It's okay.” ngiti niya.
Mabuti na nga lang at hindi siya hiniwalayan ni Mariana nang araw na ‘yon kaya hindi na nabuksan pa ang topic tungkol sa kanyang pagbubuntis at sa buhay ng mag-asawang Genesis at Tommy.
Kahit paano kasi ay naaawa rin siya sa sarili niya kapag napag-uusapan. Pakiramdam niya ay gusto niyang makiamot ng kaunting pagmamahal at atensyon na hindi naman dapat dahil may asawa nga ang lalaking mahal niya.
“Okay. Just tell me if somebody's making you feel upset. Hindi ako mangingiming manakit kapag inapi ka pa. You're keeping your distance and I don't want to hear anything stupid from that Doctor Almonte. Nasa kanya na si Thomas Henri, ano pa ang ikagagalit niya?” parang nag-a-altapresyon na ito kaya ibinaling na ni Brie ang usapan sa dala nitong nakabalot.
“What's this Dad? Is this for me?” ngiti niya at parang bula na nawala ang bugnot sa mukha ng matanda.
“Oh yes.” Samuel grinned. “For you and my apos. Tear the wrap.”
Sumunod kaagad si Brie at excited na pinunit ang wrapper at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya na hindi lang isa ang kwadro. Parang sixty inches ang size ng dalawa at siya ang nakikita niya sa nasa ibabaw na litrato.
It's a stolen shot while she's standing in front of the swing. Hawak niya ang tyan at nakatingala siya sa langit. She was looking at the stars that night. Naalala niya ang damit niyang ‘yon na parang kulambo.
“It's beautiful, Dad.” tutop niya ang labi.
“Really gorgeous. The photoshop did well. Of course your beauty isn't photoshopped. It's natural. I just request tiny glint of effects to make you look like a pregnant goddess.” anang ama niya.
And she really looked like a goddess.
Iniangat nito ang kwadro at natawa naman siya nang makita ang 3D utrasound niya kailan lang.
“My gosh! My little birdies!” bulalas niya sabay tutop sa bibig nang tingnan siya ni Samuel.
Parehas kasing lalaki ang anak niya at identical twins iyon base sa 3D ultrasound. Kamukhang-kamukha ni Tommy ang dalawa at hindi ‘yon maitatago kahit na hindi pa lumalabas sa tiyan niya.
Ano kayang sabi ng Daddy niya nang makita ang mga pagmumukha ng kambal?
“What do you think, Dad? Kamukha mo ba sila?” napapahagikhik na tanong niya habang pinagmamasdan ang dalawang bata na parang mga nakasubo ang kamay sa bibig. Nakabaluktot ang mga iyon pero anggulong-anggulo ang mukha ng demonyitong matanda.
Agad na sumimangot si Samuel. “Look at those tiny faces? You see any angle that belongs to me? Jesus Christ. Magaling humulma ang ama niyan na lahat ay iginaya sa mukha niyang babaero!” turo nito sa mga apo kaya tumatawa siyang napayakap sa tiyan nito. “But I love them so much like how much I love you.” lumambing boses ni Samuel nang yakapin si Brie at halikan sa noo.
She smiled, rubbing her cheek on her father's chest. “Thank you so much Daddy. I love you, too.”
“Tito Samuel!” tili ni Mariana galing sa labas ng pintuan kaya agad na napatikal si Brie at pumihit para makita ang humihingal na kaibigan.
“May ubanin!” aniyon kaya napahagikhik siya nang mangunot ang noo ng ama niya.
“A-Anong ubanin? Matsing?” parang tanga naman na sagot ng may edad na lalaki.
“May oldie love po sa labas.” humangos si Mariana at siya ay pinanluwaan ng mga mata.
Si Tommy?
“What?” taka pa rin si Samuel.
Brie doesn't know if her heart accelerates its beating or it skips a beat.
“Sir, the agent is here and he said that he's here to get the p*****t for your unpaid debt after he had saved your daughter's life and found her in Manila.” imporma naman ni Sergio na kapapasok din sa pintuan.
Ano?
Pumakla ang mukha ng dalaga habang ang mga panga ng Daddy niya ay parang mga metal na umigkas.
Ang kapal ng mukha. Sinasabi na nga ba niya na hindi siya mahal ng lalaking ‘yon. Matapos ang lahat, may gana pang maningil ng pautang? Ay ano pala’ yong pagtihaya at pagbukaka niya, hindi pa bayad na parang pati nga matris niya at luluwa na sa sakit...at sarap.
“Ipanhik ang mga litrato! Bilis, Sergio! Bring my daughter!” natatarantang utos ni Samuel sa tauhan at nag-umpisang magpalakad-lakad.
She's never seen her Dad losing his stance. She had known him a man of power and respect but now, parang wala ito sa sarili at baka kung pwede siya nitong itago sa brief ni Sergio ay ginawa na nito.
“Halika na, Mariana.” anyaya naman ni Brie sa tsismosang kaibigan na kadarating pa lang ay balita kaagad ang hatid. Nauna pa itong mag-report kaysa kay Sergio na katiwala ng ama niya.
“Hindi ba tayo haharap? Ikaw?” siko ni Mariana sa dalaga na nakabusangot.
Pumipitik ang puso niya sa kakaibang kaba at kahit naiinis siya sa mga narinig niya ay parang naroon pa rin ang matinding epekto ni Tommy sa kanya. Even her tummy is fluttering. Shocking but it is. Baka tumatalon ang mga anak niya sa loob at nag-uusap, sinasabi na nariyan ang Daddy nilang gurang.
“Bakit tayo haharap?” inis na sagot niya. “You heard his demand. He's here to claim Daddy's debt. May utang si Dad?” ngiwi niya sa kaibigan na napatanga rin sa kanya habang lulan sila ng lift.
“May utang ang Dad mo? Kailan pa nangutang ang Prime Minister?” takang tanong din sa kanya ng isa.
“I don't know. Palautang na pala ang Daddy ko. Sana kay lola queen na lang siya nangutang.” anaman niya kaya napahagikhik si Mariana.
Nagmamadali si Sergio na inilapag ang mga litrato sa kama niya at naiwan silang magkaibigan na kinakabahan.
“Best friend, hindi ko matitiis. Makiki-tsismis ako. Dito ka lang.” anito at malalaki nga na humakbang papalabas ng kwarto niya.
“Hoy! Come back here!”
Naiihi siya sa nerbyos. Baka barilin ng Daddy niya si Tommy kapag napamali ‘yon ng salita. Malinaw naman ang usapan na wala na silang magiging komunikasyon at wala na silang kakilalang Tommy. Sa oras na madiborsyo iyon, payag naman ang Daddy ni Brie na mag-usap sila ulit. Gusto lang ng ama niya na malinis ang lahat at walang sabit si Tommy na haharap sa kanya.
Hindi mapakali ang dalaga at palakad-lakad siya. Parang hinahalukay ang sikmura niya. Nagkakagulo yata ang kambal niya sa loob ng tiyan hanggang sa makaramdam siya na parang naduduwal kaya mabilis niyang tinawid ang malawak na espasyo papunta sa banyo.
“Please don't make me p**e, Eggsy and Ballsy. Mommy's feeling hilo na. Baka himatayin ako rito at mabagok ang ulo ko.” himas niya sa kambal na may pangalan na.
Sina Eggsy at Ballsy. Why? She loves that body part of Tommy. Kambal kasi ang mga itlug-itlugan no'n kaya iyon din dapat ang pangalan ng kambal niya.
It's so weird but her tummy is groaning and it makes a grunting sound. Para siyang kinukuluan ng tiyan na hindi niya maintindihan. Alam niyang imagination lang niya ang pagsasaya ng mga bata sa loob ng tiyan niya, but who knows? Malamang na nararamdaman ng mga ito ang pintig ng puso niya na buhay na buhay pa rin para sa lalaking gumulo sa nananahimik niyang buhay.
Baka nga tinutukso siya ng mga ito na kahit ang sakit man na isipin ay in love pa rin siya sa matandang mangkukulam na ‘yon.
She felt nauseous. Bigla siyang nahapo kaya nanghihina na napalakad papunta sa kama niya para mahiga. Pilit niyang ini-relax ang sarili at hinimas-himas ang tiyan niya.
Relax. He's here for an unsettled debt and not for you. Kalma niya sa sarili.
Baka kinakapos ang dalawa ni Genesis sa pagbayad sa isang surrogate mother kaya naisip na maningil.
Pero napakayaman ni Tommy sa pagkakaalam niya. Mayaman din si Genesis kaya paanong kakapusin? Ah baka nag-i-inventory lang at nagkakalkula ng lahat ng assets.
“Don't be so happy my babies. Remember that Daddy is still married to somebody else. You stay here with mommy and I'll love you with all my heart though it's just the three of us. Daddy will make his own family na and we can't ruin what they have. We have to move forward and just ignore the pain. Kapag nakita natin siya, deadma lang, Eggsy and Ballsy. No more panicking. No more kilig to the bones. Okay?” huminga siya nang malalim at pumikit.
Kalmado na ang aura niya pero ang puso niya ay hindi. It's roaring wild inside her chest and the adrenaline rush is still felt.