Chapter 4

1629 Words
Clyde The next morning ay agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Jethro na papunta na siya rito sa bahay. I am walking back and forth as I eagerly wait for him. Hindi pa kasi gising iyong babae. Hawak-hawak ko na rin iyong mga drawing niya kagabi. Sana naman hindi siya myembro ng Red Scorpions kasi sayang naman lalo na at maganda pa naman siya. But who am I to judge, if Andrea and the others were just like her before they showed their horns. They were devils in disguise.   Maya-maya ay biglang nag-ring ang aking doorbell at dali-dali kong binuksan ang pinto. Bumungad sa pintuan sina Jethro at Earl na ikinagulat ko dahil akala ko nasa Italy siya.   “Hey, bro!” Nakipag-hand shake pa sa akin si Earl bago ko sila pinapasok.   Pansin ko rin na iniikot ni Jethro ang kanyang tingin sa kabuuan ng aking bahay. Maybe he’s looking for the woman. Tinawag ko ang kanyang pansin at doon ko ibinigay sa kanya iyong hawak kong guhit ng babae kagabi.   “By the way, I thought you are in Italy?” tanong ko kay Earl.   Nagkibit-balikat lang siya. “Well, Jethro called me last night. Tamang-tama naman kasi na dumating ako rito sa ‘Pinas para sana magbakasyon. Kaso ito agad ang bumungad sa akin. Hindi ko naman mahindian dahil matagal ko na rin namang hawak na kaso ito.”   Tumango-tango lang ako. “Siya nga pala nasaan iyong babaeng kinupkop mo?” tanong ni Jethro sa akin.   Sasagot pa lang sana ako nang bigla kaming may narinig na kaluskos na galing sa kwarto sa guest room. Napatingin kaming lahat nang bumukas ang pinto at linuwa nun ang kagigising na dalaga.   “Clyde, Clyde, Clyde,” rinig kong sabi ni Earl sa aking pangalan.   Napatingin ako sa kanilang dalawa at may mapang-asar silang mga ngiti.   “What?!” reklamo ko.   Umiling-iling lang si Jethro sabay sabi, “Now, I know the reason why you can’t leave her on the streets. A beautiful woman like her is really a temptation.”   Inikotan ko sila ng aking mga mata. “Tsk! That is not the reason why I adopted her. Kung nakita niyo lang kung anong itsura niya kahapon. Mukha siyang taong grasa. Saka ko na lang nalaman na ganyan pala siya kaganda noong nalinisan na niya ang katawan niya,” paliwanag ko.   “Keep saying that to yourself Roche. We don’t believe you,” sabat ni Earl sabay ngisi niya sa akin.   Hindi ko mapigilang iikot ang aking mga mata sa kanila. “Whatever. A*sholes.”   Nang makita ng babae sina Jethro at Earl ay halatang nagulat ito. Mukhang hindi pa siya sanay na makakita ng ibang tao. Bigla siyang umatras at akmang babalik ng kanyang kwarto nang pigilan ko siya.   “Wait! It’s okay. They are my friends so no need to worry.” Lumingon siya sa akin sabay tinignan sila saka tumingin pabalik sa akin. “Promise,” sabi ko sa kanya sabay nginitian ko siya.   Linahad ko ang aking kamay sa kanya at tinitigan niya ito. Noong una ay mukhang alanganin pa siya pero inabot niya rin lang ang kanyang kamay sa akin. Pagkahawak ko ng kanyang palad ay ‘di ko mapigilang hindi mapangiti. She has soft hands, and this is the first time that I actually touched her physically since last night.   Lumapit kami sa kanina Earl at Jethro sabay pinakilala siya sa aking mga kaibigan. Natutuwa lang ako dahil medyo nagtago pa siya sa aking likuran habang pinapakilala ko siya.   “Does she have trust issues?” tanong ni Earl.   “Well, I don’t know. She’s not really talking that much,” sagot ko kay Earl.   Napalingon kami sa pinto nang pumasok ang aking ina.   “Oh, I didn’t know you have visitors,” sambit ng aking ina. Oo nga pala hindi pa pala kilala ng aking ina ang ilan sa aking mga kaibigan.   “Good morning, Mama. These are my friends, Earl Ferrer and Jethro Nam. Guys, meet my mom,” pakilala ko sa kanila.   “Nice meeting you, Ma’am.” Nagmano pa ang mga ito sa aking ina na ikinataas ng aking kilay. “Since when did they start respecting like that?” sabi ko sa aking sarili.   “Ferrer and Nam? I think I already heard your names. Nam? Are you the son of Owen Nam?” tanong ng aking ina na ikinagulat ni Jethro.   “Yes, Ma’am. Ako nga ho,” magalang na sagot ni Jethro sa aking ina.   “I see. I know him. Owen was my ex-boyfriend before.” Nagtinginan kaming lahat sa sinabi niya.   “What?!” gulat naming tanong na tatlo sa aking ina.   Tumawa lang ang aking ina. “Well, that was in the past already. It was nothing serious actually.”  Pagkatapos ay bumaling siya kay Earl. “You are Ferrer, right? How are you connected with Alessandro Ferrer?” tanong niya rito.   “He’s my father, Ma’am. Are you my father’s ex-girlfriend too?” tanong niya na ikinagulat namin ni Jethro. Napatingin kaming dalawa sa kanya. “What? I was just asking.”   Napailing na lang ako sa kanya dahil sa walang preno niyang tanong. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Tumawa na lang ang aking ina.   “Nope. I wish I was,” sagot ng aking ina.   “Mama!” sita ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at bumaling kay Earl.   “We lived in Spain for many years, and Italy is near from us. We usually visit there. We met your father, and he became close friends with my husband. Sino ang mag-aakala na makikilala ko rin ang anak niya,” mahabang paliwanag ng aking ina.   Binigyan niya ng makahulugang ngiti si Earl na ipinagtaka ko. Speaking of Earl, I don’t know anything about him asides from he’s an agent in Italy. Huminga ng malalim ang aking ina nang bumaling ang tingin niya sa babaeng nasa aking likuran. Oo nga pala, I almost forgot about her because of my mom.   “Oh! Iha kumain ka na ba?” tanong ng aking ina sa kanya. Umiling siya at napatingin sa akin ang aking ina sabay pinanlakihan niya ako ng aking mga mata. “Clyde! Hindi ka pa nagluluto? Pagkatapos mo siyang sagasaan kagabi hindi mo man lang siya pagsisilbihan?” pangaral niya sa akin.   Itong mga mokong naman naniwala naman agad sa sinabi ng aking ina. Tumango-tango pa sila ng dahan-dahan na nangaasar.   “Wha—Mama, hindi ko siya nasagasaan kagabi. I told you when I saw her last night, she was in that condition already,” pagtatanggol ko sa aking sarili.   Hindi siya nakinig sa akin at linapitan ang babae sabay hinila ito papunta sa kusina. Ngunit bago sila tuluyang umalis ay lumingon pa siya sa amin.   “Pagpasensyahan niyo na ang aking anak dahil kung minsan kasi ay wala siyang GMRC,” sabi niya at bigla namang tumawa ang dalawa.   “What the hell is GMRC?” inis kong tanong.   “Good Manners and Right Conduct. I should have spanked you more when you were still a kid.” Umiiling na umalis ang aking ina kasama ang babae.   I was about to rebut, but she already started talking to the woman. Not even giving me a chance to explain myself.   “Narinig mo iyon? Wala ka raw GMRC,” pang-aasar ng dalawa.   “Shut up!” inis kong sagot sa kanila sabay lumabas mula sa aking bahay at dumiretso sa hardin na nasa likod nito.   Agad namang sumunod sa akin ang dalawa. “Someone’s mad,” asar ni Earl.   Tinignan ko siya ng masama at tinawanan lang ako ng dalawa. “Can we focus on what I’ve said last night? Tsk! Kung hindi niyo ako tutulungan maghahanap na lang ako ng iba.”   “Chill, bro. Hindi ka na mabiro. All mothers like to shame their children in front of everyone. Masanay ka na,” sabi ni Jethro sabay upo sa upuan na nasa hardin.   Naging seryoso siya at agad na kinuha sa akin ulit ang ginuhit ng babae kagabi. He looked at me and confirmed that this is the symbol of Red Scorpions.   “What do we do then?” tanong ko sa kanila.   “Wala tayong ideya kung sino siya? All we know is that she maybe a part of Red Scorpions. Ikaw ang kumupkop sa kanya. Ngayon pilitin mo siyang magsalita. Kunin mo ang loob niya hanggang sa malaman mo kung sino siya.” Napakurap-kurap ako sa kanyang sinasabi. “In-short, ikaw ang magiging bantay niya.”   “How am I going to do that? Hindi nga nagsasalita iyong babae simula kagabi. Paano kung pipi siya?” tanong ko kay Jethro pero tinaasan niya lang ako ng kilay.   “Kung hindi siya makapagsalita, pagsulatin mo siya. Hindi naman siguro siya illiterate para hindi niya alam ang magbasa o magsulat. Find a way for her to open up to you. Hindi pwedeng kami ang gumawa dahil mukhang may trust issues siya tulad ng sinabi ni Earl,” sagot nito sabay tumango-tango naman si Earl.   Huminga ako ng malalim at napahilot sa aking noo. “Fine.”   “Oras na nagawa mo na iyon saka mo kami tawagan,” Earl said as he taps his hand on my shoulder.   Easy for you guys to say. Hindi naman kayo ang nakakupkop ng myembro ng Red Scorpions. Hays, sana hindi ko na lang siya kinupkop. Napapailing na lang ako sa aking sarili dahil kung minsan masyado rin kasi akong mabait. Why did my mother ever teach me how to be kind to others? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD