Chapter 3

1296 Words
Clyde Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan nito ang kanyang pinagkainan sabay uminom ng tubig. That night, while I am watching some movie, I saw her standing beside the sofa. Ngayon curious na talaga ako kung anong nangyari sa kanya. Napakaraming tanong sa isip ko kaya naman parang gusto kong makilala pa ang babae. "Gusto mo ba’ng manuod ng movie?" tanong ko sa dalaga. Tumango naman ang babae. Sabay na silang pumunta sa salas at binuksan ang TV. Tamang-tama naman na ang panuod sa HBO noong mga oras na iyon ay isang horror story na pinamagatang, ‘Incident in a Ghostland.’ Isang story tungkol sa magkapatid na palaging binubugbog at pinaglalaruan ng dalawang psycopath na lalaki na mahilig sa manika. Nasa parte sila ng scene kung saan binubugbog ang magkapatid. "Sorry, gusto mo ba ng horror?" tanong ko sabay baling sa dalaga na nasa aking tabi. Nakita ko itong nakatayo lang sa tabi ng sofa at tutok na tutok sa movie na palabas ngayon. May takot sa mukha nito at napansin kong napapalunok ito ng paulit-ulit. “Miss?” tawag pansin ko sa kanya. Oo nga pala. Hindi ko pa pala alam kung anong pangalan niya. Tumayo ako upang lapitan sana ang dalaga nang bigla nitong yakapin ang sarili at umiyak ng pagkalakas-lakas at nanginginig na parang may naalala ito. "Sh*t! Uhm…shh. Please don’t cry,” sabi ko at agad kong pinatay ang telebisyon dahil sa pagkataranata. Napansin ko na noong pinatay ko ang telebisyon ay bigla rin siyang tumigil sa pag-iyak. Linapitan ko ito at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng pagkahigpit-higpit. Maya-maya ay dumating ang aking ina at may dala-dalang mga damit na pambabae. Nakita niya kaming dalawa sa ganoong ayos. "Clyde, what happened?" tanong ng aking ina. Sasagutin ko na sana siya pero nang bumaling ako sa dalaga ay tulog na siya at mukhang nahimatay sa nangyari. "She fell asleep. Muntik na siyang matumba kaya inalalayan ko siya agad,” pagsisinungaling ko. “I see.” Sana lang naniwala ang aking ina. Umakyat na ako habang buhat ko siya at pumasok sa guest room na inihanda ko para sa kanya. I lay her on the bed as I cover her body with some blanket. Sumunod naman ang aking ina at iniwan sa may upuan ang ilang damit na pwedeng gamitin ng dalaga. “Iho, mabuti pa siguro samahan mo na muna siya. It’s not good if you leave her alone in the room. Baka magising siya at makita niya na nasa ibang lugar siya. Looks like she’s traumatized.” Napatingin ako sa dalaga. Maya-maya ay nagpaalam na ang aking ina. Hinatid ko siya hanggang sa pinto. Pagsara ko ay bumalik ako sa guest room. Umupo ako sa bakanteng upuan habang pinagmamasdan ang natutulog na dalaga. Someone punished this girl because she was traumatized. I need to find out everything about her. I know that she’s keeping a lot of secrets. Kinabukasan ay naalimpungatan ako ng walang dahilan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako rito sa upuan. Nag-inat ako at kumurap-kurap ako ng ilang beses. Napansin ko na wala na sa kanyang higaan iyong dalaga. Saan siya nagpunta? Napatayo ako at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay hinanap ko siya at agad ko naman siyang nakita sa may sofa. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at tumayo sa kanyang likuran. Napansin ko na may ginuguhit siya na mukhang pamilyar sa akin. Where did I see that symbol? I cleared my throat, and she suddenly turned her head around and saw me. “Good morning! Kumusta ang tulog mo?” tanong ko sa kanya. Nanahimik lang siya at hindi nagsalita. Bumalik siya sa pagguhit at hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanyang likod. What happened to the sweet lady last night? Hindi ko na lang ito pinansin at nagluto ng aming almusal. Noong araw din lang na iyon ay ilang beses na tumawag ang aking ina at kinamusta ang babae na aking inuwi. Buong araw din na gumuhit ang babae. Saka lang siya tatayo kapag kakain na, pupunta ng banyo at iinom ng tubig. Nakaupo lang ako sa may counter table malapit sa salas at pinagmamasdan ang dalaga habang ginagawa ko ang aking trabaho. Maya-maya ay bigla siyang tumayo at humiga sa sofa. Makalipas ang ilang minuto ay mukhang tulog na siya. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit upang tignan kung tulog na ba siya. Mukhang napagod din siya kakaguhit. Inaayos ko ang mga kalat niya sa sahig at habang pinupulot ko ang mga papel na nasa sahig ay nakapagtataka na iisa lang iyong simbolo na ginuhit niya. Mukha talaga itong pamilyar eh. Pilit kong iniisip kung saan ko nakita iyong ganitong simbolo. Linapag ko ang mga papel sa aking mesa at tinuloy ang aking trabaho. Lumipas ang ilang oras at nag-inat-inat ako. Pagtingin ko sa orasan ay nakita kong alas-sais na ng gabi. Kinusot ko ang aking mga mata at lumingon sa babaeng natutulog sa aking sofa. Inayos ko ang aking mga gamit nang mapatingin ako ulit sa ginuhit ng babae. The drawing is an upside-down Y, at the right of it is a small letter U, and on the left is an inverted C. Then it dawns me that realization. This is the symbol of Red Scorpions. “Holy sh*t!” mahina kong sambit. Una kong kinuha ang aking cellphone at sinigurado kong kinuha ko ang aking susi bago ako lumabas ng bahay at kinandado ito. I need to make a call. I went outside and started dialing his phone number. Gabi na rin pero iyong lalaking iyon alam ko hindi pa tulog iyon. Nakailang rings ang cellphone niya bago siya sumagot. "What the- This better be good, Roche. I was about to make love with my wife when you called. I swear sa susunod i-o-off ko na ang cellphone ko. Mga isturbo kayo!" inis niyang sabi sa akin. "F*ck you, Jethro Nam!" ingos ko sa aking cellphone. "So? What can I do this time?" "I need your help," sabi ko sabay hilot sa aking batok. "Malamang. Kaya nga nangisturbo ka ‘di ba? Bwisit talaga!" I can imagine him rolling his eyes right now. "Whatever dumba*s. Anyway, I need you to look something for me." Lumingon ako sa loob ng aking bahay at sinilip kung tulog pa iyong babae sa sofa. “I might have helped a member from the Red Scorpions.” "Wait, what? What do you mean? Paano ka nakasisigurado na myembro siya ng RS? Isa pa, bakit ka kumupkop ng isang taong hindi mo kilala?" Mariin akong napapikit. “It’s a long story, dude, but remember the symbol that you had shown to us?” “Yup.” “Ginuguhit niya kasi iyon. I mean, how can you draw something if you haven’t seen that before or if you aren’t a part of it, right?” tanong ko sa kanya. “Fine. I’ll look into it. For now, huwag mong ipapapansin na may alam ka tungkol sa grupong iyon. I’ll be there first thing tomorrow.” Pinatay ko ang tawag at binulsa ang aking cellphone sa aking bulsa. Huminga ako ng malalim at pumasok sa aking bahay. Tulog na tulog pa rin ang babae. Kinuha ko ang ginuhit niya mula sa aking mesa at lumapit sa dalaga. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Hindi nga ako nagdalawang isip na kupkupin ang dalaga kahit hindi ko pa ito lubusang kilala. Nakaramdam ako ng awa nang makita ang kalagayan nito noong una ko itong nakita. Alam ko na may masamang nangyari dito at gusto ko siyang tulungan. Kaso kung isa nga siyang myembro ng Red Scorpions kailangan na niyang lumayas sa aking pamamahay sa lalong madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD