bc

My Dream Man Series 7 - Clyde Roche

book_age18+
4.1K
FOLLOW
20.3K
READ
billionaire
revenge
powerful
boss
bxg
mystery
city
secrets
shy
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG R-13

Seventh Book of My Dream Man Series

There are still a lot of secrets to be revealed with the last book of My Dream Man Series.

Who is the boss of the mysterious Red Scorpions? Can they locate the real boss of this syndicate? What are the measures and consequences once they’ve found out the identity of the said boss?

He is one of the most successful billionaires, and he is a silent playboy. He owns an engineering company and a very popular school. He lives a normal life, and he was happy with it. That’s what he thought.

A woman mysteriously appeared in front of him that made him question himself, ‘Who is this girl? Where did she come from? What happened to her?’ Ever since that woman appeared in his life, he never would have imagined that his life will turn upside down in an instant.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Clyde "Oh Clyde!" sigaw ng babaeng kaniig ko. Hindi ko matandaan ang pangalan ng babaeng kaniig ko at wala rin akong balak alamin ito. Katatapos lang ng trabaho ko ngayon pero imbes na dumiretso sa pag-uwi ay nakipagkita ako sa isang modelo na nakilala ko sa isang bar kahapon. I’m busy rocking her world, and I like it so much when a woman screams in pleasure. Pakiramdam ko kasi pinagpala ako ng isang magandang katawan. I smiled as I started to thrust hard and fast into her. "Oh yes! Yes, Clyde! Sige pa! Ahh f*ck me!" sigaw ng babaeng nasa ilalim ko. I closed my eyes as the woman keeps on shouting because of the pleasurable feeling that I’m giving to her. Sarap na sarap din ako sa sensasyon na aking nadarama. Kaya naman nang malapit na akong labasan ay binilisan ko ang pag-ulos at hinugot ang aking p*********i sabay ipinutok ang aking similya sa puson ng babae. Wala akong pakialam kung hindi natamo ng babaeng kaniig ko ang orgasmo niya. Ang importante sa akin ay nilabasan ako. Mailabas ko lang ang aking pagod ay ayos na sa akin. Hinihingal ako pero agad akong tumayo at nagsuot ng aking damit saka ako kumuha ng isang baso ng tubig at linagok ito. Nang mawala ang init ng aking katawan ay nandiri ako bigla sa modelong kaniig ko kanina. Ayaw ko na itong makita at makatabi kaya naman pinalayas ko ang babae. "What?” she said. “Come on, baby. I still feel tired. Can't I sleep here?" Nagsusumamo ito pero hindi ako nakaramdam ng awa sa kanya at purong pandidiri lamang. "No, I already got what I want. You can leave now." Nakita ko na nasaktan siya sa aking sinabi pero wala akong pakialam. "But-", reklamo niya. "Now, " sabi ko sa kanya. Agad tumayo ang babae at nagsuot ng kanyang damit sabay lumabas ng tahimik. I sighed and closed the door of the hotel room. Siguro sa iba ay sasabihin nila na wala akong puso pero ganoon na ang aking nakasanayan. Well, it's not my fault that there are girls who are willing to open their legs for me. Pumasok ako sa banyo at sinimulang tanggalin ang aking damit bago ako umilalim sa shower. I started to clean myself, especially my buddy. Pagkatapos nito ay magpapa check-up ako para malaman kung malinis ako. Hindi pa man din ako mahilig gumamit ng proteksyon kapag nakikipagtalik dahil hindi ko ma-enjoy ang s*x. Ganoon ang gawain ko for the past years dahil kahit mahilig ako ay ayaw ko namang magkasakit. Pagkatapos kong maligo ay biglang nag-ring ang phone ko at nakita kong tumatawag dito ang aking ina. "Hola Mama!" sagot ko. "Son, where are you? Don’t forget we will have dinner later sa mga Valmeros. ‘Di ba nandoon ang kaibigan mo mamaya?" she asked. I rolled my eyes. Sa lahat ng mga kaibigan ay mas naging close ako kay Kysler Valmeros dahil kaibigan ng mga magulang niya ang mga magulang ko. Palagi silang may event kaya hindi rin maiiwasan na palagi ko ring nakikita si Kysler. "Nope, he’s not my friend," sabi ko at tumawa lang ang aking ina sa aking sinabi. "Whatever you say. Alam ko naman na close ka sa batang iyon." “No, we’re not close Mama.” Tumawa ulit ang aking ina sa kabilang linya. "Anyway, 7 pm ang dinner anak. Mauna na kami dahil alam mo naman ang Tatay mo, he'll play chess with your Tito Fred again." Rinig kong reklamo ng aking ina. Alam ko na nabo-bored siya kapag nakikipaglaro ng chess ang aking ama sa kanyang kaibigan. Bukod kasi sa “boring” daw ang chess ay wala pa siyang makausap sa mga ito. "Okay, Mama. See you," sabi ko. Ibinaba ko ang telepono sa side table at nagpalit na ng damit. Palagi akong may dala na extrang damit just in case tamaan ako ng aking libido. Simpleng dinner lang naman ang pupuntahan ko kaya nagsuot na lang ako ng polo na red sabay tinuck-in ito sa black pants ko. Lumabas na ako ng kwarto. Ibinalik ko na rin ang susi sa frontdesk at dumiretso sa nakaparada kong Audi S4 black. I looked at my watch, and it’s already 6:30 pm. I started the engine as I drove to Tito Fred's house. Nagmaneho na lang ako ng dahan-dahan dahil malapit lang naman ang bahay nila. Napatigil ako nang naging red ang traffic lights at ako ang nasa unahan ng pila. I am busy tapping my finger lightly on my steering wheel as I hum a little song on my head. Nakita kong nag-orange na ang traffic lights at malapit nang mag-green. When it turned green, I hit on my gas but suddenly steps on my brake. May babae kasi na biglang sumulpot nang paandarin ko na ang aking sasakyan. "F*ck!" mura ko na may halong inis at gulat. Lumabas ako ng aking sasakyan at nakita ang isang babaeng nakaupo habang nahihirapang tumayo. Linapitan ko siya at napansin ko na nakasuot siya ng puting bestida at wala siyang sapatos. Kapansin-pansin ang mga maliliit na sugat sa kanyang paa dahil dumudugo ito. May mga galos din siya sa kanyang braso na naging dahilan para magkaroon ng kunting punit sa kanyang damit. Madumi at mukhang hindi siya naligo ng ilang araw. "S*it! Miss, I’m so sorry! Are you okay?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya. “Bakit ka naman kasi biglang tumawid nang umandar na ang sasakyan ko?" medyo inis kong tanong sa kanya. Hindi naman sumagot ang babae at nanatiling tahimik lang. Nanatili itong nakaupo sa kalsada at hindi nagsasalita. Rinig na rinig ko rin ang mga busina galing sa ibang sasakyan pero hindi ko sila pinansin. Kung gusto nilang umandar ang pila pwes maghintay sila. I sigh and said to her, "Come, ihahatid na kita sa hospital baka may fracture ka pa." Tumango lang ang babae habang nakatungo. Nakakaintindi naman pala siya. Bakit hindi siya nagsasalita? Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang buhok niya. Binuhat ko ito at naramdaman kong nanigas ang babae sabay isinakay ko ito sa sasakyan na hindi gumagalaw. Agad akong nagmaneho sa pinakamalapit na hospital at agad isinugod ito sa ER dahil nag-aalala ako para sa babae. Pagdating ko sa ER ay agad namang may umasikasong mga nurse rito. Habang ginagamot ito ng mga nurse ay nag-ring ang phone ko at pagtingin ko ay ang aking ina ito. "Mama, hello?” sagot ko. “I know I’m late, sorry. I have an emergency right now because I almost hit a girl, and we're here at the hospital,” paliwanag ko sa aking ina. "What?! Is she okay?" tanong ng aking ina at halata ang pag-aalala sa kanyang boses. "I guess. Buti natapakan ko agad ang preno kundi baka nasa presinto na ako ngayon." Huminga ako ng malalim. Narinig ko ang pag-aalala ng aking ina. Tinitigan ko ang babae at ngayon ko lang napansin na puno ito ng mga pasa. Nagtaka ako. Ano kaya ang nangyari sa kanya para magkaroon ng mga ganoong sugat at pasa? Kausap ko pa rin ang aking ina pero ang mga mata ko ay nakatuon sa dalaga. Maya-maya pa ay lumapit na sa akin ang isang nurse at sinabing ayos na ang dalaga. Wala naman daw itong bali at puno lang ng galos at sugat sa katawan. Nakahinga ako agad ng maluwag sa aking narinig. Binayaran ko na ang gastos sa bill at binalikan ang babae na nakatungo pa rin. Natatakpan pa rin ang mukha niya ng kanyang buhok na parang may tinataguan ito. Linapitan ko ito at akmang hahawakan siya nang lumayo ang babae sa akin. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang katawan nito. Ang puting bestida na suot nito na parang sa white lady ay hapit sa kanyang katawan. May kaputian ang dalaga kaya kapansin-pansin ang mga namumulang sugat nito na parang kanina lang ginawa. Dahil may mga sugat ang mga paa nito ay siyang naging dahilan upang hindi ito makalakad ng mabuti at siyang naging dahilan para matumba sa harapan ng aking kotse kanina. Kaso sino naman ang gagawa ng ganito sa isang babae? Napaisip tuloy ako kung anong nangyari sa kanya? Ngayon ano na ang balak kong gawin sa kanya? May pupuntahan pa akong dinner pero hindi ko naman siya pwedeng idala roon at baka mas lalo siyang matakot. "Miss okay na. I’m sorry because I almost killed you. Nagulat din ako kasi bigla ka na lang sumulpot sa harapan ng kotse ko kanina. You should be careful next time." Hindi pa rin umiimik ang dalaga at nakatungo lang. She’s silent and unmoving like a statue. "May uuwian ka ba? Ihahatid na kita," tanong ko ulit sa kanya ngunit umiling ito. "Kung ganoon ay may kakilala ka ba na pwede kitang ihatid?" tanong ko at nakita ko ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang suot na damit. Gustuhin ko mang tanungin siya ay alam ko namang wala akong makukuhang sagot dito. Napabuntonghininga na lang ako dahil wala rin naman akong makukuhang sagot sa kanya. Wala akong choice kundi ang kupkopin siya. Alangan naman na iwan ko siya rito. Mamaya sabihin pa nila na wala akong kwentang tao. "Sige ganito na lang. For the meantime, you can stay at my house. Don’t worry; my family is just my neighbor. Kung sakaling ramdam mo na hindi ka safe pwede kang pumunta sa kanila," suhestiyon ko pero wala pa rin siyang sagot. Napansin ko rin na lumuwag ang pagkakahawak niya sa damit nito. "Okay, uhm...shall we go?” tanong ko sa kanya. “Gusto mo bang buhatin kita? Makakapaglakad ka ba?" Umiling siya kaya hinayaan ko na lang siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Nang tumayo ito sa sarili niyang mga paa ay napaungol siya sa sakit dahilan upang matumba ito. Agad ko naman itong nasalo pero agad siyang lumayo sa akin na para akong may malalang sakit. Medyo na-offend ako sa kanyang ginawa pero inintindi ko na lang dahil mukhang may trust issues siya. "Sorry, I scared you. Just let me carry you if that’s okay?” I asked. “May mga sugat ka pa sa paa kaya sigurado ako hindi ka rin makakalakad ng maayos.” Nanatiling nakatayo ang babae malayo sa akin. "I promise I'll just carry you." Tumango ng dahan-dahan ang babae kaya linapitan ko agad ito. Binuhat ko ito ala bridestyle at naramdaman kong nanginginig ang katawan nito. Is she cold? Pero hindi naman taglamig ngayon ah? Ano ba’ng nangyari sa babaeng ito at parang takot na takot siya? Tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit at pagkasuklam sa taong gumawa nito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
700.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
610.6K
bc

POSSESIVE MINE

read
973.4K
bc

Billionaire's Twins

read
264.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
187.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook