Clyde
Kinabukasan ay binilin ako ni mama na samahan ang dalaga na pumunta sa mall para ibili siya ng mga bago niyang damit. Hindi naman ako makapagreklamo dahil maluwang sa kanya ang mga damit ni mama.
Pagdating namin sa isang mall ay ipinasok ko na muna ang aking sasakyan at ipinarada ito sa parking lot bago kami dumiretso sa loob ng mall. Pagpasok ay hindi masupil ang ngiti sa mga labi ng dalaga at parang bata na ngayon lang nakakita ng mall.
"You haven’t been into a mall ever since?" takang tanong ko sa babae habang masayang naglalakad ito.
Maya-maya ay may sinulat siya sa dala-dala niyang papel sabay ipinakita sa akin. "This is my first time."
Hindi ako makapaniwala sa nalaman mula sa dalaga. Seriously? Sino ba’ng tao ang hindi pa nakapasok sa mall? What has she been doing for the past years of her life? Nagtataka man ay ipinasyal ko pa rin ang dalaga sa buong mall. Nag-window shopping kami at nang may nakita itong magandang kwintas na may nakalagay na maliit na heart diamond ay namangha siya. Kapansin-pansin ang kinang sa kanyang mga mata na parang gusto niya itong bilhin.
"Yes Ma'am? Diamond necklace po ba?" sabi ng babaeng nagbabantay.
Kaso napaatras siya nangg makita ang babae pero ako na ang lumapit sa kanya. Nang makita ko kung magkano ang presyo ng necklace ay napangiti ako. It costs 5.7 million.
"You like that?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at alanganing tumango siya sa akin. "We’ll get that." Turo ko sa diamond necklace at akmang ilalabas ang aking credit card para bayaran ito ay may humila sa aking braso.
Nagtataka akong napatingin sa kanya. Umiling siya ng paulit-ulit na sinasabing huwag ko nang ituloy ang pagbili.
“Sir, excuse me po. Kukunin niyo po ba?” tanong ng saleslady sa amin.
Tumingin ako sa kanya at umiling siya ulit. Huminga ako ng malalim saka bumaling ulit sa saleslady.
“Hindi na muna,” sagot ko sa saleslady at tumango naman ang babae.
Pumasok naman kami sa isang boutique na puro damit nang may mahagip ulit ang dalaga. It’s a simple white dress, but the price of it is so expensive. Tinignan ko ang reaksyon niya at natutuwa ako tuwing lumalabi siya. Dismayado niyang binitawan ang damit. She’s so cute.
Natutuwa ako sa dalaga dahil para itong bata na hindi nasunod ang gusto kaya nakasimangot ito. Pinipigilan kong matawa dahil nakatutuwa ito.
"What’s the problem?” tanong ko ulit at nahihiya niyang liningon ang dress na hawak niya kanina.
I called the attention of the saleslady and asked if they have a new stock for the dress. Agad namang tumalima ang saleslady at kumuha ng bagong stock. Nang makakuha ito ng dress ay tinanong ko kung may isu-suggest pa siyang mga damit na magaganda. Lahat ng mga rinecommend niya ay kinuha ko. Sapatos, jacket, pants ay kinuha ko rin. Pagtingin ko sa dalaga ay mangha siyang nakatingin sa lahat ng mga pinamili ko.
“Let’s go,” yaya ko sa kanaya.
Napatingin siya sa akin at napalunok sa laman ng basket namin. I was about to walk when she suddenly stops me by my arm.
“Wait,” pigil niya sa akin at halos lumaki rin ang aking mga mata nang bigla na lang siyang magsalita.
“Did you just talk—to me?” tanong ko sa kanya.
Tumango siya. s**t! Was that her voice? It’s so angelic.
"Bakit ang mamahal ng mga bilihin dito? Wala ba iyong mga tig 3 for 100? Para sa isang damit 2000 na agad samantalang sa 2k ang dami ko nang nabiling damit kapag ganoon." Pagmamaktol nito.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagsasalita na siya. For the past two days, she didn’t talk. This is a dream. I tried to compose myself because of the shock, but I still answered her.
"That’s okay. That’s normal. Isa pa baka pagalitan ako ni mama kapag hindi kita binilhan ng marami,” sabi ko at umiling lang siya.
"Ayoko,” sagot niya. “Maganda iyong mga damit pero sobrang mahal. Kung ako ang masusunod mas gusto kong mura lang na damit ang bilhin ko. Damit lang naman iyan." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Hindi siya tulad ng ibang babae na mahilig sa mga mamahaling mga bagay. She’s just so simple. Kaso hindi ako nagpapigil at binili ko pa rin lahat ng mga damit na pinili ko. Sumimangot siya at gusto niyang hindian ang desisyon ko pero wala na siyang nagawa sa huli.
"Are you hungry? Kain muna tayo bago tayo mamasyal ulit," yaya ko dito at agad namang tumango ang babae.
Dahil simple lang ang gusto nito ay hindi na kami pumunta pa sa mamahaling kainan. Masaya na ang dalaga kahit nasa Mcdonalds lang kami. Habang nasa pila ay nakita ko na hindi alam ng dalaga kung anong pipiliin niya.
"What do you want?" tanong ko sa kanya.
"Uhm,” simula niya.
Tumingin ang dalaga sa akin na parang nahihiya na umorder."Come on don’t be shy. Just order anything you want. I don’t mind."
"Uhm, gusto ko ng 1 piece chicken,” sagot niya.
Hindi ko alam pero gusto ko siyang pagsalitain ng pagsalitain. I love hearing her voice. "Iyon lang?"
"Kaso wala na akong pambayad sa iyo kapag mag-o-order pa ako." Napangiti ako.
"No need to worry. Like I said, it’s on me. What else?" tanong ko pero hindi na siya nakasagot nang tawagin na kami ng kahera.
"Next po Ma'am," pukaw ng cashier.
Tumingin lang siya sa akin at tinanguan ko lang ito. "Uhm, isang 1 piece chicken, choco sundae, large fries, sandwich chicken, cheese burger at mcfloat please."
Napangiti ako. "Is that all po ba Ma’am?" tanong ng kahera sa kanya.
"Please make two orders ng lahat ng inorder niya,” sagot ko. “Oh, and please add two more rice.”
"Sige po. 995 pesos po lahat. To serve na lang po." Sabay bigay sa amin ng number.
Kinuha ko na ang number at naghanap ng mauupuan. Umupo kami malapit sa bintana habang naghihintay ng mga inorder namin.
"Pasensiya ka na ang dami kong inorder. This will be the first time kasi ulit ever na makakapasok ako sa isang fastfood,” paliwanag niya sa akin.
Napakunot ako ng noo. "Really? When was the last?"
"I think I was 15 years old,” sagot niya na mas lalo ko nanamang ikinagulat.
Magsasalita pa sana ako nang dumating na ang order namin. Pumalakpak pa siya sabay linantakan ang pagkain niya. Abala kaming kumakain nang nahagip ng mga mata ko mula sa bintana sina Elise at Kaito kasama ang anak nila. Nang makita nila kami ay kumaway ang mga ito sa akin sabay pumasok sa loob ng Mcdonalds.
"Hey dude!" Nag-man shake kami sabay humalik naman ako sa pisngi ni Elise.
"So, who’s the chick dude? Bagong buhay ka na ba?" Pang-aasar nitong si Kaito sa akin.
"Uhm.” Alanganin akong napatingin sa kanya dahil hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.
“J-Jane…” Napatingin kami sa kanya nang marinig ko ang pangalan niya.
I cleared my throat. “He’s one of my friends, Kaito Tan, and this is his wife Elise Mendoza-Tan." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa kay Jane.
She just smiled at them shyly. Tumabi naman sa kanya si Elise at nakipagkamay.
"Hi! Nice meeting you, Jane. Boyfriend mo ba si Clyde?" masayang tanong ni Elise sa kanya. Mabilis namang umiling si Jane sa tanong ni Elise. “Talaga ba? Sa ganda mong iyan hindi ka pa liniligawan ni Clyde?”
Nahihiyang umiling si Jane. I look at Kaito asking for his help. Buti naman at nakuha agad nito ang ibig kong sabihin.
“Babe, stop asking her a lot of questions. I think she’s shy,” sita ni Kaito sa asawa.
Agad namang tumigil si Elise sa pagtatanong. Maya-maya ay bumaling itong si Kaito sa akin.
"What the hell, dude? Dumada moves ka na pala," sabi niya sabay kumuha ito ng isang fries ko.
"Hey! Get your own fries, asshole!" mura ko sa kanya.
"Daddy, what is asshole?" tanong ng anak nila na nakalimutan kong kasama pala nila.
"Ikaw mag-explain niyan sa anak ko,” sumbong ni Kaito sa kanyang asawa. “Babe tignan mo si Clyde tinuturuan niya ng masama si Xavier.”
Elise looks at me waiting for my explanation. s**t! How do I explain a bad word to a kid? "Uhm…"
Napatigil kaming lahat at napatingin kay Jane na nahihiyang nakipag-usap sa anak nina Kaito at Elise. "W-Well, a-asshole is actually the hole on your butt. Don’t say it in public because it’s bad, okay?"
Natawa naman si Elise sa in-explain ni Jane sa anak niya. “Oh ano? Talo ka pa pala nitong girlfriend mo eh. Ano Kaito mag-order na rin tayo kasi mukhang gutom na si Xavier eh."
"Sure. Come here bud ituro mo ang gusto mo." Lahad ng kamay niya sa anak sabay tumayo ito at pumila. Nagpaalam na rin si Elise sa amin para samahan ang mag-ama niya.
"Jane, thanks for saving me there," pasasalamat ko sa kanya at tumango lang siya at nahihiyang napatingin sa akin.
"W-Wala iyon. Saka children tend to question all things kapag curious sila at hindi nila alam ang mga bagay-bagay,” sabi niya sabay bumalik siya sa pagkain.
Itinuloy ko na lang ang pagkain habang nakangiti ako. I’m already breaking the wall of Jane little by little. Kailangan kong malaman ano’ng nangyari sa dalaga.
Pagkatapos naming kumain ay kaka-order din lang nila Kaito at dahil marami nang tao noong mga oras na iyon ay ibinigay na lang namin ang upuan sa kanila. Tumayo kami at sila ang pinaupo namin dito bago kami nagpaalam.
"Paano mauna na kami dude, Elise," paalam namin at lumabas na kami sa Mcdonalds. Paglabas namin ng Mcdo ay binalingan ko siya. "Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm, kung okay lang mag-window shopping ulit tayo?" Tumango naman ako at balik kami ulit sa loob ng mall.
Gaya ng kanina ay umikot-ikot kami at nagtingin-tingin hanggang sa makarating kami sa Blue Magic kung saan napakadaming bears.
"Wow!" Nauna na itong pumasok at excited na kinuha ang isang malaking bear sabay yinakap ito.
"You want that?" tanong ko pero nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Napatingin ito sa akin at napasimangot lalo na nang tignan niya ang presyo. It’s 2510 for a teddy bear na kasing laki niya. Dismayadong ibinalik niya ang teddy bear sabay naunang lumabas sa akin. Nagtatakang sinundan ko naman siya.
"Jane.” Pigil ko sa kanya. “Okay lang naman kung gusto mo iyon. I'll buy it for you."
"No, it’s not okay Clyde,” sagot niya sa akin. “It doesn’t suit me. Hindi mo nga ako kilala masyado bakit mo naman ako bibilhan ng mga mamahaling bagay?" I sighed.
“Then tell me more about you.” Napatingin siya sa akin at bigla na lang siyang nanahimik.
Sumakay na kami sa aking sasakyan at linagay niya ang kanyang seatbelt. Bago ko mapaandar ang makina ng aking sasakyan ay nagsalita siya.
“Sige. I’ll tell more about myself. I will also tell you what happened the night you saw me on the streets.”