Clyde
Habang buhat-buhat ko ang babae ay hindi maiwasang mapatingin sa amin lahat ng aming mga nakasasalubong dahil parang may buhat akong sadako.
Pagdating namin sa parking lot ay agad na isinakay ko ito sa passenger's seat at umikot para sumakay. I started my car's engine as I drove home. Habang nagmamaneho ay tumawag ulit ang aking ina.
"Son? Musta na? Nag-aalala ako ng sobra kaya umuwi na rin kami ng Daddy mo," simula ng aking ina.
"Ayos naman na siya. Is it ok if I'll bring her home? It seems that she’s lost or something," paalam ko sa aking ina.
"Of course! Sure son! Nandito na rin kami at kararating lang namin. Aabangan ka na lang namin sa front door mo."
"Uhm…” Napatingin ako sa dalaga na aking katabi. “Mama, I think that is not a good idea. If it’s okay, huwag na muna kayong pumunta sa bahay. I don’t think this woman is ready to mingle with other people yet. It would be best if we leave her alone to rest for a while.” Nanahimik ang aking ina sa aking sinabi.
Maya-maya ay umuo na lang siya, “Okay. Just call me if you need something. Clyde, remember not to touch her. She’s still a woman.”
I just rolled my eyes. “Okay Mama. Medyo malapit na rin ako. See you at home."
Pagkatapos kong kausapin ang aking ina ay sumulyap ulit ako sa dalaga at hindi ito gumagalaw. She’s like a rock.
Pagdating ko sa bahay ay bumukas ang gate at agad kong ipinarada ang sasakyan. Nakita ko rin ang nakaparadang sasakyan ng aking ama sa garahe nila. Hindi man sila naghihintay sa tapat ng aking pinto ay kitang-kita ko naman silang lahat na nakasilip sa may bintana ng bahay nila. Napailing na lang ako sa mga inaakto nila. Lumabas na ako ng sasakyan at umikot para buhatin palabas ang dalaga mula sa aking kotse.
"We’re here miss. Kailangan ulit kitang buhatin palabas. Is that okay?" Tumango lang ulit ang babae.
Nanginginig ulit ang katawan nito pero hindi ko alam kung dahil sa lamig o takot sa akin. Good thing the door is open. Kaya hindi ko na kailangang sumigaw pa para pagbuksan ako. Just as I step inside my house, my whole family is there. They are all waiting at the living room. Nagulat ako dahil sigurado ako na nakita ko lang sila kanina sa may bintana ng bahay nila. Geez, sigurado ako dumaan sila sa likod ng bahay. Unbelievable!
"Iho! Oh my! What the hell did you do?!" galit na tanong ng aking ina na may halong pag-aalala.
"Mama, relax! She’s already like this when I saw her," I said, but my mom sighed.
Agad niya namang inalalayan ang babae nang ibaba ko ito. Hinawakan ng aking ina ang mga kamay nito at lumayo rin ito sa kanya. Ngumiti ang aking ina at napatingin sa akin. I just shrugged.
Bumaling ang aking ina sa dalaga. "It’s okay dear. I won’t hurt you. Is it okay if I'll help you clean yourself?"
Tumango lang ang babae at hinila ito ng aking ina papunta sa kwarto sa taas. Agad namang sumunod ang dalaga sa aking ina. Napailing ako sa aking nakikita. What just happened today? Habang nasa taas ang aking ina kasama ang babaeng inuwi ko ay pumunta muna ako sa sarili kong kwarto. Isa-isa kong inalis ang aking damit at dumiretso sa banyo upang maligo na rin. Pagkatapos maligo ay nagpalit ako ng damit na malinis at lumabas sa aking kwarto upang tumulong sa kusina.
Kahit mayaman ako ay hindi ako hinayaan ng aking mga magulang na lumaking walang alam sa mga trabahong bahay. Naabutan ko ang aking ama na naghihiwa ng mga gulay. Mukhang magluluto ito ng sweet and sour meatballs.
"Dad, how’s mom and the woman?" tanong ko sa aking ama.
"Hindi pa sila lumalabas ng kwarto mula kanina," sabi nito sa tagalog na may kunting accent.
My dad is Spanish. Natuto ang aking ama na magsalita ng tagalog simula nang manirahan na ito sa Pilipinas. Kasama ko ngayon ang aking mga magulang dahil galing ang mga ito mula sa kanilang bakasyon from Spain. May sariling bahay ang mga ito na rinegalo ko noong wedding anniversary nila last year.
Nagsimula na kaming magluto ng aming panggabi. Nagtataka ako kung bakit kakain ulit ang aking mga magulang gayong kumain naman na sila ng dinner sa kanila Tito Fred. Habang nagluluto kami ng aking ama ay narinig ko na ang mga yabag ng aking ina.
"That smells great, Son!" puri niya sa linuluto naming dalawa ng aking ama.
"Gracias, Mama," sabi ko sabay napalingon ako at muntik ko nang mahulog ang hinahawakan kong sandok nang makita ko ang katabi ng aking ina.
I am pretty sure that the woman a while ago has lots of dirt all over her body, but now the woman is beautiful. She’s like a goddess.
She has long black straight hair, white porcelain skin and natural rosy cheeks. Her lips are thin and in a heart shape. She has pointed nose and tantalizing black eyes. Overall, she looks like a doll. She’s also petite. Ngayon ko lang napansin na nakasuot ito ng night gown na manipis at kita ko ang slender legs niya. Kahit na maluwang ang suot nito ay kapansin-pansin na may malaki itong hinaharap at matambok na pwet.
"Son! The food is already burning!" sigaw ng aking ama.
Buti nalang napatay ko agad ang gas stove. The food is already boiling and thank god my father saw it.
"F*ck!" napamura ako ng wala sa oras.
Napalatak ako dahil alam ko na ayaw na ayaw ng aking ina na nagsasalita ako ng bad words.
"Clyde! What did I tell you about cursing?!" galit na sabi ng aking ina.
"Sorry Mama," hinging paumanhin ko habang isinasalin ko ang pagkain sa isang malaking bowl at inilagay ito sa hapag kainan.
Sabay-sabay na kaming umupo. Magkatabi ang aking ina at ang dalaga habang sa kabila ng mesa ay ako at ang aking ama ay ang kabisera ng lamesa. Nagdasal na muna kami bago kami nagsimulang kumain. Hindi ko maiwasang mapatingin sa dalaga na ngayon hindi ko akalain na may itinatagong ganda. Kung ganito ito kaganda bakit nang nakita ko ito ay puno ito ng mga sugat at pasa?
"Iha? ‘Wag kang mahihiya okay? Kahit ito lang ang maitulong namin pagkatapos kang banggain ng anak namin." Baling ng aking ina sa akin.
Napailing ako sa sinabi ng aking ina. “Mama, hindi ko naman siya nabangga.”
“Ssshh! Shut it, Clyde!” sita ng aking ina sa akin.
Nagsimula na lang akong kumain. Habang kumakain ay umangat ang aking tingin sa dalaga at tamang-tama naman na nagtama ang aming tingin. Napangiti naman ako sa dalaga at namula itong napatungo. She’s so cute. She just blushed because I smiled at her.
I keep glancing at her. Nanatili itong nakatungo habang kumakain at nahihiya pa rin. She looks scared and nervous at the same time.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagboluntaryo na maghugas sa mga pinagkainan namin. I am busy with the dishes when I felt that someone is behind me. Pagtingin ko ay nakita ko siyang may hawak na papel.
“May kailangan ka ba?” tanong ko.
Itinaas niya ang hawak niyang papel at may nakasulat dito na "C-Can I help?"
"Uhm...’wag na. You're our visitor, you should rest," sabi ko pero mukhang nadismaya ito sa aking sinabi.
Napabuntonghininga ako dahil anumang oras ay iiyak na siya. Ayokong mangyari iyon dahil mamaya pagalitan nanaman ako ng aking ina. Speaking of my parents, where did they go?
"Fine. Kung gusto mo pwede mong iligpit iyong mga natapos ko nang nahugasan." Her face lits up, and she smiled at me.
Pakiramdam ko para itong paslit na nabigyan ng lollipop. We are both silent while doing our chores when she shows me another note. I find it weird, but who am I to judge? Baka pipi siya kaya hindi siya makapagsalita.
"T-Thanks for saving me back there.” She’s smiling now.
Napapamura ako ng silensyo dahil nakikita ko sa malapitan kung gaano ito kaganda.
"Walang anuman. I mean kahit ako rin kapag nabangga ako, I'll be in shock." Pagsisinungaling ko dahil alam ko may higit pang nangyari sa kanya.
Nang matapos kaming magligpit ng aming mga ginagawa ay naalala ko na may blueberry cheesecake pa pala akong naiwan sa ref. Mag-isa ko lang naman kaya matagal ko itong maubos. Inalokan ko siya ng aking cake.
"You want some blueberry cheesecake?" tanong ko sa kanya at nakita kong sumaya ulit ito.
I open the refrigerator and get 2 slices of blueberry cheesecake. I gave a slice of cake to her and get a spoon. She started eating it happily. Nagsimula na rin akong kumain at tahimik lang kami hanggang sa naubos namin pareho ang slice ng blueberry cheesecake. Nang maubos nito ang kanyang cake ay napansin ko na tumitingin ito sa cake na nasa ibabaw ng aking mesa. Nahihiya lang siguro itong magtanong sa akin. I smiled at her. Itinulak ko ang cake sa harap niya. I look at her while she’s biting the spoon. Natawa naman ako ng mahina sa inasal niya. Baka mamaya kainin niya pa iyong kutsara.
"Sa iyo na ito. I’m already full. Hindi bale marami pa namang cake sa ref. I can buy anytime." She smiles and happily eats the cake that is in front of her.
Bigla akong nataranta nang may nakita akong butil ng luha galing sa mga mata niya.
"s**t! What did I do?!” kinakabahang tanong ko sa kanya. “Mom is going to kill me once she sees you crying. I’m sorry. May mali ba akong ginawa?"
Umiling lang ang dalaga at ngumiti siya sa akin. Nagsulat ito sa papel at saka ipinakita sa akin.
"Thanks for giving me a cake, your cake. This is my favourite cake. Thank you." Nanlambot ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan na kumain ang dalaga.