"I am so disappointed with you Kristine Linda," bigkas ni papa nang makarating ako sa bahay. "Tumawag sa’kin ang adviser mo. Mabuti nalang at kakilala natin si Mrs. Sabrina Lugo at binalaan na kami ng Mama mo regarding sa nangyari kanina."
"Papupuntahin kami bukas ng umaga sa principal's office." Nangungunot ang noo ni Mamang nakatingin sa ‘kin. “What's happening with you Kristine?"
“Aren't you going to ask me what happened?" Tinitingnan ko ang aking mga kuko sa kamay at ayokong tingnan ang aking mga magulang.
“May mangyayari ba kung tatanungin ka namin?” Medyo naging matigas ang boses ni Mama.
“When will you listen to me?” Hindi ko napigilang mapasigaw.
“Huwag mo kaming sigawan, Kristine!” Matigas ang tono ni Papa. “Don’t you ever dare talk back to us.”
I groaned in frustration and stood. “Kuwarto na ako. Don’t bother to call me for dinner.”
"Grounded ka ng isang linggo," pahabol na sigaw ni Mama.
“You only have yourself, Kristine,” bulong ko. Padabog na tinapon ko ang bag sa isang sulok. Mabuti na lang talaga at nakuha ni Apple ang mga gamit ko sa banyo. “At nadamay pa si Kent.”
Fuc - oh Fudge! Siguro pwede naman akong magmura sa panahong ‘to. “f**k you, Errol!” Napakuyom ako nang maalalang nadamay si Kent.
Napahilamos ako ng mukha nang maalala ang nangyari kanina. Galit na galit si Ms. Villaflor at akala niya ginawa naming motel ang club room. Hindi siya nakinig sa mga paliwanag namin ni Kent. Everything blew up at pinapatawag na nga mga magulang namin.
Tumunog ang phone ko at binasa ang text ni Apple, ‘Nasa Facegram ang tungkol sa inyo ni Fido Dido.’
Dali-dali kong kinuha ang phone at tiningnan ang account ko. f**k, f**k, f**k! Nanggigigil talaga ako sa mga taong ‘to. May mga collage pictures namin ni Kent, mga litratong kinuha sa iba’t-ibang accounts. Mabuti na lang talaga at hindi nila nakuhanan ang halos hubo’t hubad kong histrusa kanina. I scrolled down at tiningnan ang mga comments:
"Uy number 10 na yan! Isang payatot at mataba ha ha ha ha!"
"Ginawang motel ang eskwelahan?Akala ko sa katawan at underwear lang ang baboy ah. Ambababoy niyong dalawa!!!"
"Feeling maganda si Bot oh! Dalawang lalaki in less than 48 hours?"
“Malandi ang putang baboy.”
"Hindi ka maganda..."
Blurry masyadoa ng mga letra at hindi ko na mabasa. Itinapon ko ang phone sa kama at napatingin sa kisame. “Huwag ang mahulog, please lang. Huwag kang mahu -” Napakagat-labi ako ng mariin nang tumulo ang tila nakakapasong luha sa pisngi ko.
“Lord, if you exist, p-please give me something to hold on to.” Itinago ko ang mukha ko sa unan upang doon isigaw ang punong-puno kong damdamin. “Pagod na ako.”
Akala ko may milagrong mangyayari pagkatapos kong magdasal pero katahimikan lang ang sumalubong. Hanggang sa makatulog ako.
***
Nakaupo kaming dalawa ni Kent habang hinihintay ang mga magulang namin na nasa loob ng principal’s office. Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako lalo na’t ako ang dahilan kung bakit andito siya sa mga oras na ‘to.
Nakakabingi ang katahimikan at nang nakakuha akon ng lakas upang kausapin ang lalaki, nakatuon ang atensyon niya sa librong binabasa. Kaya tumitingin nalang ako sa kuko ko sa kamay at nagbabakasakaling maganda pa rin ang kahihinatnan ng pag-uusap ng mga magulang namin at ng admin.
“Uwi na tayo, Kristine.”
Muntik akong mapalundag nang marinig ang utos ni Papa. Tahimik kami ni Mamang sumunod kay Papa hanggang makarating kami sa sasayan. Walang imikan kaming tatlo sa biyaheng pauwi ng bahay.
Tumindig ang balahibo ko sa batok nang sumenyas si Papa na umupo ako sa sofa.
“Alam mo ba ang hatol ng school Kristine?" Umupo siya sa aking harapan.
Umiling ako.
"Hindi ka makakasali sa honor roll" Umupo rin si Mama katabi sa aking ama habang pinapahid ang mga tumutulong luha.
Namilog ang mga mata ko."Ho? Bakit ho? Wala naman akong ginawang kasalanan eh. Sila ‘yong nambully sakin kahapon...bakit ako? I-check niyo ang CCTV's at may mga witnesses."
“We already saw the CCTVs.” Umiling si Papa. "Papaano ka kukuha ng witnesses kung walang nangyaring komosyon, Kristine?"
"What's happening with you?" Halos hysterical na si Mama. "Saan ba kami nagkulang?"
"Why aren't you listening to me?" Napatayo ako sa galit.
"Sit down, young lady!" sigaw ni Papa.
Natameme ako bigla at napaupo.
He stared hard at me."Expulsion dapat kayo ni Wing. Pero maganda naman ang grades at record niyong dalawa kaya niluwagan ng admin ang parusa para sa inyong dalawa. One month suspension simula ngayong araw.”
Ang hirap lunukin ng balita at napapa- ‘what’ lang ako.
"You can get and submit your projects and assignments online," sabi ni Mama Carol. "Firm na talaga ang desisyon ng paaralan regarding sa honors mo. Sinayang mo ang anim na taon, Kristine. Hindi ka makakakuha ng kahit anong parangal kahit loyalty award.”
Nanginginig ang mga kamay ko. Bakit kaming dalawa ni Kent ang magbabayad sa mga konsekwensyang hindi naman kami ang may pakana?
"Wala ka bang sasabihin Kristine?" tanong ni mama.
Umiling ako.
"Babawiin namin ang allowance mo for this month at cellphone mo.” Inilahad ni Papa ang kaniyang kamay.
Kinuha ko ang phone at nilagay sa palad niya.
"Internet is okay since mga online ang submission mo sa assignments mo,” bilin ng aking ama.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ni Mama.
"Pwede po bang maka part-time ako this month?" tanong ko. Matagal ang isang buwang suspension. Ayokong magmukmok sa bahay at baka kung anong klaseng negativity ang pumasok sa isipan ko. Kailangang kumilos ako kahit na gumapag para ibaling ang atensyon sa ibang bagay.
Medyo nag-isip pa si Papa bago sumagot, "Sige, para matuto ka ng responsibilidad."
"Salamat po." Tumayo ako at pumasok sa sariling kwarto. Dali-dali kong kinuha ang laptop at nag-email kay Apple sa mga balita. Nag-iisip pa ako kung ano ang options na pwedeng gagawin sa isang buwan nang may natanggap akong message sa isang knight2queen.
Binuksan ko ang mail at binasa:
"Hi Linda.
I think you already know the school’s decision. How are you coping up with things?
Don’t be too hard on yourself. I don’t blame you at all.
If you have spare time, I’m inviting you sa Chess Competition in three days sa Sunrise City. Though hindi na ako makakasali sa contests, kinuha rin naman nila akong assistant ng coach :)
You can tag along if you like. I’ll send you the invitation with the address.
Kent
PS. Hiningi ko ang email address mo sa friend mong si Apple.
“Why are you being like this, Kent?” bulong ko habang binasa ang address ng patimpalak. “Should I even trust you?”
Gusto kong lumayo mula sa kaniya pero nagi-guilty ako kasi nadamay siya dahil sa’kin. Maybe I should let my guard down when it comes to this person. He deserved to be treated better especially by me.
***
Tumingin ako sa salamin ng makailang beses upang siguraduhing presentable ang ayos ko. Naka bun ang aking buhok - ang buhok na pina-dye kong platinum blonde simula fifth grade. Hindi ako nag atubiling maglagay ng lip balm at eye liner sa aking baby blue eyes. Ayokong mag blush on kaya pinisil ko na lang ang aking mga pisngi para maging pinkish.
“Kulang talaga ako sa height pero oh well…” Umikot-ikot ako para tingnan ang bloody whole dress na nagpapatingkad sa ‘king kaputian.
Excited akong makalabas ng bahay pagkatapos ng tatlong araw pagmukmok sa kuwarto. Kaya naaaliw akong tingnan ang kalikasan at mga tao habang nakasakay ako sa bus papuntang Sunrise City. Nakita ko ang matangkad at payatot na hitsura ni Kent pagkababa ko ng bus station. Nakasuot siya ng leather jacket at denim pants. Naka bonnet pa rin siya at ang halos nakatago ang mukha niya sa laki ng kaniyang eyeglasses.
Pumasok kami sa isang tanyag na unibersidad sa siyudad at namangha ako kasi hindi ko akalaing malaking event rin pala ‘tong chess competition. Naglakad-lakad kami at pinuntahan ang team ng Paradise High at uminit ang mukha ko nang makitang nakatitig sa ‘ming dalawa ni Kent ang schoolmates namin.
Alam kong alam nila ang nangyari sa’ming dalawa. Hindi ko rin alam kung sino-sino sa mga ito ang nakakita sa’kin habang nabu-bully ako. Baka nga may iba rito ang tumawa sa kinahihinatnan ko. What if -
“Hello, ikaw ang kaibigan ni Apple, right?” Nakangiting lumapit ang isang lalaking may pulang buhok.
Napakunot-noo ako. Masyado akong absorbed sa iniisip ko at hindi ko na matandaan kung sino ang nasa harapan ko.
“I’m Brody.”
Napasinghap ako nang maalala ang crush ni Apple. I tried to settle my emotions and be in this moment. Pinilit kong i-divert ang negativity from my core - produkto ng ilang taong walang tiwala sa ibang tao.
“Hello.” Inilahad ko ang kamay ko. He shook my hand and I felt that this was a good person. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga katagang ‘yon pero nararamdaman ko talaga na mabuting tao si Brody.
"Member ka rin ng Chess club?" hindi ko mapigilang itanong.
"Siya nga pala ang president ng Chess club at secretary ng Biking club," pahayag ni Kent.
"Wow!” Namilog ang mga mata ko.
Malapad ang ngiti ni Brody. "Kailangang balanse ang katawan at ang utak."
"Good luck ha," ani ko.
Tumango lang ang lalaki at umalis.
Nanood kami ni Kent hanggang sa makaramdam kami ng gutom. Lumabas kami ng stadium at nag desisyong kumain sa isa sa mga food stalls.
For the first time after how many years, maluwag ang pakiramdam kong may kasama other than Apple. Siguro dahil sa guilt feelings ko o siguro dahil sa soft personality ni Kent kaya hinayaan kong maging kampante sa presensya niya.
“Kent, huwag ka sanang ma-offend sa itatanong ko ha.” Inabot ko sa kaniya ang isang custard cake na napili ko. Naghihintay kami isang photo booth. “You’re not eighteen years old, right?”
May konting ngiti ang labi niya. “I’m twenty one. I stopped schooling for more than a year dahil sa complications ng typhoid fever, ulcer at iba pa.”
Uminit ang mukha ko sa hiya nang maalalang pinangalanan ko siyang Fido Dido. Favorite ko pa naman si Fido Dido pero this man had a name. And it’s Mervin Kent Michael.
"Mas may laman pa nga ang katawan ko ngayon.” Kinagat niya ang custard cake. “Thankful ako kasi buhay pa ako.”
Kumuha ako ng isang pirasong potato chip at kinain. “Ang hirap magpapayat.”
"Hindi ka naman mataba." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Medyo chubby lang pero hindi ka mataba. I would do anything to have your weight..."
"Tutulungan kita sa diet mo if gusto mo."
Sasagot sana si Kent nang tawagin kami para sa photo booth. Sa totoo lang, impulsive decision naman talaga ang pagpila namin dito. Siguro, wala na nga kaming ibang mapagkakaaliwan kaya pinatulan na namin ang photo booth. Nag pose kami ng serious at wacky. Napatawa kami nang makuha ang mga kopya.
"You know Linda, you're cool," biglang nasabi ni Kent.
“Talaga?" Nasopresa talaga ako sa sinabi niya. I heard many things about me but no one ever told me that I was cool - not even Apple.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa isang sinserong papuri.
“Narinig ko kay Apple na naghahanap ka ng part-time job?”
Tumango ako.
"May vacany ng isang file sorte sa kumpanya nila Papa,” balita niya.
Lumiwanag ang mukha ko sa pahayag ni Kent. “Pwedeng mag-apply? I’ll send you my resume later.”
“Okay.”
“Ikaw, may plano kang mag part-time job?”
"Oo, doon sa Car shop ng uncle ko," sagot niya.
Masaya ako sa posibilidad na makakita ng trabaho ngayong buwan kaya nasa mood ako buong maghapon. Inalok ako ni Kent na ihatid pauwi pero tumanggi ako. Nagpasalamat talaga ako at least hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayong may pagkakaabalahan ako.
Mabilis akong dumiretso ng kuwarto at pasipol-sipol na lumundag sa kama.
“Aray!" Napalakas ang boses ko nang maramdaman ang sakit mula sa impact. Tiningnan ko ang ilalim ng kumot at napasinghap kasi andon si Errol at natutulog.
“Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?”
Humikab pa ang kumag. “Bakit ngayong ka lang?”
"Ano ngayon kung ngayon lang ako umuwi? Bakit ka ba nakapasok rito aber?" inis na tanong ko habang itinutulak siya palayo sa kama.
"Open access naman 'tong kwarto mo since mga bata pa tayo, Bot," nakangising sagot niya. "Well, pinapasok ako nit Tita rito.”
"f**k," tanging nasambit ko. Napapamura na talaga ako nitong mga nagdaang araw. Tumayo ako at nahulog ang shoulder bag ko at nagkalat sa sahig ang mga gamit. Mabilis kong kinuha ang wallet, eye liner, wet wipes, susi pero nakuha pa rin ni Errol ang pictures namin ni Kent kanina.
"So boyfriend mo ba 'to si walking stick, Bot?" Tiningnan niya ang larawan.
“He’s name is Kent.” Walang emosyon ang boses ko.
"Hmm..?"
“Sabi ko, Kent ang panglan niya.”
"Kristine, Errol, kain na!" sigaw ni mama mula sa ibaba.
Bigla akong hinablot ni Errol at tumungo siya. Umatras ako at napasandal ang likod ko sa pinto. “Errol, ano ba?”
He sniffed my hair and placed his lips on my forehead.
Nanindig ang mga balahibo ko sa batok sa ginawa niya. Sinubukan kong itulak siya ngunit napakalaki niyang tao kung ikukumpara sa’kin kaya hindi man lang siya natinag.
“Ako ang magbibigay basbas ung sino ang magiging boyfriend mo, Bot.”
“f**k you, Errol,” I seethed.
“Oh, don’t worry, Babe.” He smirked. “I’ll f**k you someday. That is kung kakayanin ng sikmura ko.”
Sinipa ko ang hita niya at mabilis siyang napaatras. “Don’t challenge me, Errol Jade Sanchez.”
Tumaas ang kilay niya. “Am I challenging you, Bot?”
Lumabas ako ng kuwartong nagngingitngit ang kalooban. ‘Sagad na ako sa’yo, Errol.’