Chapter 3 - What a mess!

2221 Words
“BOT, halika tabi tayo.” Nakangiti si Errol nang pumasok ako sa classroom. Naging tahimik ang klase nang sambitin niya ang mga kataga. Napalingon ako sa mga kaklase ko at napatingin din sila sa’kin. ‘What’s happening?’ tanging naisip ko nang umupo ako sa pwesto ko. “Natanggap mo ang tawag ni Mama kagabi?” Lumapit si Errol at muntik na akong atikihin sa ginawa niya. Lumingon ako kay Apple na nakaupo sa likuran ko. Nagkibit-balikat ang best friend ko. Binugaw ni Erroll ang katabi ko at inokupa ang pwesto. Hindi pa siya kontento at inilapit pa ang silya hanggang sa magkadikit na kaming dalawa. “Congratulations daw.” “Anong plano mo?” tanong ko. He ran his fingers through his one-inch hair. “Nakita nila ni Mama at Tita ang ano sa Facegram.” “Ha?” Napatingala ako sa kaniya. Mas matangkad pa rin ang lalaki kahit nakaupo siya. “Anong ibig mong sabihin?” “Nasa Facegram ang paghalik mo sa’kin.” He even dared to pucker his lips. Lumingon ulit ako kay Apple. “Akala ko ba malinis ang social media?” Umiling siya. “Malinis naman kagabi.” “I posted it,” he confidently replied. Hindi ako nakapagtimpi at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa malapad niyang leeg. “Gago ka rin talaga, Errol!” “Mars!” Napasinghap si Apple at pilit na kunin ang mga kamay ko. “Kalma lang.” Tumawa lang si Errol. “Oh, feisty.” “Anak ka ng demonyo.” Nanggigigil ako. Kaya pala nasa mood si Mama kanina dahil nakita na siguro nito o baka tinawagan ni Tita Zennia ang tungkol sa halikan namin ni Errol. “But you enjoyed my kiss yesterday.” He pouted his lips. “Feel ko umabot sa ngalangala ko ang dila mo, Bot.” “I hate you Errol Jade Sanchez!” sigaw ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at dahan-dahang nilagyan ng halik ang mga ito. “May sorpresa ako sa’yo mamaya.” Parang napasong inatras ko ang mga kamay ko mula sa mga labi niya. Naging alerto na naman ako lalo na’t narinig ko ang salitang sorpresa. He must have planned something to torment me again. ‘Oh God! When will this hellish days end?’ Parang naglalakad ako sa hilaw na itlog buong araw. Parang praning na parating lumilingon sa paligid kapag nakakatagpo ng magkagrupong estudyante. Ito ang resulta sa ilang taong pagbibigay ni Errol sa’kin ng sorpresa. Lumipas ang buong araw at walang naganap na kababalaghan. Napatingin ako sa wall clock ng library at muntik ng bumuntong-hininga dahil at last makakauwi ako ng matiwasay. Umalis ako ng library at tinawagan si Apple na makikisakay ako sa kaniya. Pero kasama pala nito si Brody, ang kaklase niya sa elective subject at manliligaw niya. Napangiwi akong lumakad sa corridor. Tahimik na ‘to at konti na lang ang mga estudyante. May faculty at staff meeting kasi ngayong hapon kaya bakante kaming lahat. Gusto ko sanang diretsong umuwi pero may inasikaso pa akong research. Napatingala ako sa signage ng Female CR at hindi mapigilang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Papasok ba ako o hindi? Malayo pa ang ibang public CR at ihing-ihi na talaga ako. Fudge! Lumabas ako ng cubicle at napahinto nang makita si Jane at ang limang babaeng hindi ko alam kung sino-sino. Nanlamig ako kasi parang dejavu lang ang mga pangyayari. "Feeling high and mighty ka na ngayon kasi boyfriend mo na si Errol?" inis na tanong ni Jane. "He's not my boyfriend, Jane," malumanay na sagot ko. "Andon ka kahapon nang mangyari 'yon, ‘diba?" "Inagaw mo siya sa akin," antipatikang sagot nito. “He broke up with me.” “It’s not my business anymore.” Nagkibit-balikat ako kasi wala akong panahong makinig sa ka dramahan ng babaeng ito. Lumayo ako sa kanila nang maramdaman kong may humila sa buhok ko. Parang humilaw ang buhok sa aking anit at napaluhod ako sa sakit. “Pee dunk! Pee dunk!” Tumawa pa ang mga kasamahan ni Jane. Alam na alam ko ang ibig sabihin nila kasi nakita ko na ring ginawa nila ito sa iba. Sinubukan kong lumaban at hinablot ang anuman ang mahahablot pero may lakas talaga sa marami. Baka maka tiyempo pa ako kung one on one lang. Pero hindi patas kung lumaban ang babaeng ‘to at agrabyado na talaga ako. Sinubukan kong maging kalmante at hindi nag-resist upang hindi masyadong masakit sa katawan. Kaya ayon, nag swimming ang ulo ko sa toilet bowl. Pumikit ako kasi nandidiri talaga ako sa sitwasyon pero mas pinalakas ko pa ang sikmura ko. Tatlong segundong lubog. Ahon. Tatlong segundong lubog ulit. "May angal ka pa ba Bot?" natatawang sabi ni Jane. "Baliw ka na!" singhap ko bago nilublob ang ulo ko sa toilet bowl. "Baboy over there!" kanta pa nito. "Kaya pala hiniwalayan ka ni Errol," singhap ko ulit bago nilublob ang ulo. Masakit ang ilong at mga mata ko at nangawit na ang leeg ko pero hindi pa rin ako susuko. Natamaan ang pride ni Jane sa last na nasabi ko kaya binitiwan niya ako at ang ulo ko ay nakapatong lang sa inodoro. Akala ko tapos na sila ngunit hindi pa pala. Hindi ko ini-expect na pagpupunitin nila ang T-shirt at pantalong ko hanggang sa panty at bra na lang ang natira. "Piglet pa rin!" Tawa ng isa. "Ternong panty at bra." Kantiyaw rin ng isa. "Girls, dapat makita ito ng lahat kasi ang cute," pang-uuyam ni Jane. Kinaladkad nila ako palabas ng banyo at itinulak sa corridor. Napatanong ako kung nasaang parte ng mundo ako at napatingin sa kawalan. ‘Will this happen everyday? What have I done to deserve this?’ Gustong kong humingi ng tulong pero walang lumabas sa bibig ko. Napatingin ako sa paligid at mangilan-ngilan lang ang tao sa corridor. Nasorpresa rin silang nakatingin sa’kin pero walang sinumang ang umakmang tulungan ako. Walang tutulong sa’kin kung hindi sarili ko lang. Pinilit kong tumayo at paika-ikang lumakad palayo. Napalingon ako sa kawalan at the same time blangko ang isipan. Pero nang makita ko si Errol, biglang may spark na nabuhay sa tila zombie kong katawan. Napahinto siya at kitang-kita ang gulat sa mukkha niya. Pero tawa ng tawa at pumapalakpak pa ang mga kasamahan niya. Biglang dumaloy ang adrenaline sa katawan ko nang makita ko siyang papalapit sa’kin. Kumuha ako ng lakas at tumakbo papalayo sa mga ito. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko - kahit saan basta malayo sa impyernong skwelahang ‘to! Pumasok ako sa isang silid at muntik ng mapatili nang makita ang isang lalaking may headphones na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng isang libro. Tumingala siya at kumislap ang eyeglasses niya. Si Fido Dido! "Pare, baka nasa mga rooms lang siya." Narinig ko ang tinig sa labas. Sumenyas ako ay Fido Dido na tumahik siya bago ako nagtago sa ilalim ng mesang natakpan ng mahabang mantel. Tumayo ang mga balahibo ko nang marinig na bumukas ang pinto. “May pumasok bang babae rito?” tanong ng isang lalaki. Parang sasabog ang puso ko nang hindi sumagot si Fido Dido. “Sabi ko, may pumasok ba rito?” “Wala naman,” buo ang tinig ng aking knight-in-shining armour. “Bakit? Sino bang hinahanap niyo?” “Ah, kaibigan namin. Pakisabi kay Brody na dumaan kami.” Mahinang naisara ang pinto. Hindi ako lumabas kahit lumipas na ang tatlong minuto. What if babalik ang mga ‘yon? “Okay ka lang ba?” Dumungaw ang ulo ni Fido Dido sa ilalim ng mesa. Muntik na akong himatayin sa hitsura niyang nakakatakot. “Y-y-yes.” “Pwede mong gamitin ang banyo para makaligo ka.” Inilahad niya ang kaniyang kamay at hindi ako nag-atubiling kunin ito. “Nag swimming ka sa ihi?” “Obvious ba talaga?” Namumula ang mukha ko. He sniffed the air and snorted. “Medyo.” Gamit ang mga kamay, sinubukan kong takpan ang boobs at bilbil ko at pilit na inipit ang aking mga balakang. Na gets niya ang ginawa ko kaya tumalikod siya. “May shampoo, extra toothbrush at toothpaste sa loob. Huwag kang mahiyang gamitin ang mga ‘yan.” Pinakapalan ko ang mukha ko at ginamit ang mga sinabi niya. Kumatok siya at inabot ang isang face towel at isang puting T-shirt. “Sa’yo ‘to?” sigaw ko habang kinuha ang bimpo at isinara ulit ang pinto. “Wala akong mahanap na iba.” Inayos ko ang sarili bago lumabas at muntikang matawa nang makita siyang topless. He lent his T-shirt for me. Hindi ko alam kung maaawa o magagalit ako sa sarili kung bakit umabot pa sa ganitong eksena. Alerto pa rin ako at ayokong maging kampante pero hindi ko mapigilan ang isang maliit na pagsibol ng emosyon nang makita ko si Fido Dido. I was grateful he was here and I did not even want to admit it. Umupo siya ulit at binalikan ang librong binabasa. “Hmmm…Mister - ” Tumingala siya. “Mervin Kent Michael.” “Mi-mister Mervin Kent Michael.” Muntik na akong mabilaukan sa haba ng pangalan niya. “Kent na lang. Marrami kasi akong kakilalang Mervin at Michael at ayokong malito.” “Yes, Miss?” Kumunot ang noo niya. “Kristine Linda.” Napatikhim ako. “Pwedeng makigamit ng phone mo? Tatatawagan ko lang ang best friend ko. Naiwan kasi ang bag ko sa CR.” "Sure, no problem.” Lumakad siya at tinungo ang isang maliit na mesa at binuksan ang drawer. Fascinated akong makita ang payat niyang katawan na gumalaw-galaw. Muntikan kong masabing, “ang ribs mo pwedeng pang gitara. Mabuti na lang at nakapag-preno pa ako at “Thank you” lang ang lumabas sa bibig ko. Tinawagan ko si Apple at sinabi ko kung ano ang nangyari. Susunduin niya ako in twenty minutes dala ang extrang damit. "Salamat ulit Kent." Inabot ko sa kaniya ang phone. “Okay ka lang ba?” His kind eyes settled on me. “Gusto mo ng kape, soft drinks, juice o water?” “T-tubig please.” Biglang nag dry ang lalamunan ko pagkabanggit niya sa mga inumin. Gustong-gusto kong maging alerto pagdating sa taong ‘to pero hindi ko alam kung bakit iba ang aura ni Fido este Kent. “Wala bang masakit sa katawan mo, Linda?” Inabot niya ang isang basong tubig. Napasinghap ako sa tawag niya. No one called me Linda except my grandmother. At muntik na akong mapaiyak nang maisipan ang aking abuela. Gusto kong magsumbong sa kaniya ng ilang beses pero pinigilan ko ang sarili. Ayoko kasing mag-alala siya. Hanggang sa namatay siya two years ago. “Linda?” Kinuha ko ang baso at nilagok ang laman. “Sa-salamat. I’m okay.” His gaze probed into me that I became unsettled. “Are you sure?” Tiningnan ko ang katawan ko at alam kong magkakaroon ako ng pasa mamaya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kaniya ang totoo. Tumango lang ako at sa mapaklang tinig na sinabing, “Wala lang ‘to. Away magkaibigan lang.” Hindi siya naniniwala. And it made me tense more. Gustong kong humingi ng tulong sa kaniya pero andiyan pa rin ang pagdududa ko. Fudge! I would never give my one hundred percent trust on a person again. “Anong office ‘to?” I changed the topic. Umupo ulit ito sa sofa. “Shared office ‘to ng Biking club at Chess club. Halos lahat ng miyembro sa Chess club ay kasali rin sa Bicycle club kaya nagdesisyon kaming isang opisina na lang.” “Anong mga activities niyo?” Tumango ang lalaki at nagsimulang maglitanya ukol sa dalawang clubs. Nagpakita pa ito ng mga flyers, websites, albums at kung anu-ano pa. Sinasagot rin naman niya ang inquiries ko na may pasensya at maturity. Tiningan ko siya at napangiti nang maalala ko ang ibinigay na description kay Apple. Sa totoo lang, mas guwapo pa si Fido Dido kung ikukumpara kay Kent. Longish ang mukha niya, matangos ang ilong at katamtaman ang laki ng mga labi. Mas matangkad pa siya kay Errol pero halos kasing payat ni Apple. Dark brown ang kulay ng buhok niyang natabunan ng bonnet. Gusto kong malaman ang kulay ng mga mata niya pero natabunan ng malaking salamin. “May problema ba, Linda?” Nagulat ako sa tanong niya kaya napalingon ako sa mga trophies na naka display. "Mervin Kent Michael Wing," basa ko sa isang trophy, "20XX National Champion Winner – Chess Competition. Ikaw ‘to?" Kibit-balikat lang ang sagot niya. Naging tahimik kaming dalawa at nagsisimulang maging awkward ang sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at malamang gusto rin ni Kent na bumalik nalang sa pagbabasa kaysa makausap ako. Sasabihan ko sana siyang ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa nang biglang bumukas ang pinto. “Mervin, ikaw na rin ang kukuning – haaaa! Anong ibig sabihin nito?" Gusto kong maglahong parang bula nang matalim na tingin ang ibinigay ni Ms. Villaflor, ang assistant school principal, sa aming dalawa ni Kent na halos hubo’t hubad na nakatunganga. What a mess!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD