Chapter 5 - Change of phase

2537 Words
Iba talaga siguro kapag ibinaling mo ang energy sa ibang makabuluhang bagay. Galit at malungkot ako nang ma-suspende sa kasalanang ‘di ko naman ginawa pero inaamin ko rin namang may katahimikan akong nadarama sa mga panahong nasa part-time job ako, walang cellphone at malayo sa negativity ng social media at sa skwelahan. Sa loob ng isang linggo pagkatapos ng suspensyon, nagkaroon ako ng ritmo: bahay, trabaho at komunikasyon sa mga taong malapit sa’kin kagaya ni Apple at sa mga bagong taong nakilala ko kagaya ni Kent at ni Brody. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga ito kung hindi ko nakilala si Kent. Magkahalong guilt at peace ang nababatid ko sa tuwing nakikita ko siya. Kagaya ngayon, nasa parke kami at kumakain ng street food habang tinatanaw ang mga aktibidades ng ibang tao. “Na miss mo na ang biking, ano?” tanong ko sa kaniya. Sumali kasi ang Bike club sa isang competition at dahil sa parusa namin, hindi magiging partisipante si Kent. "I miss the fun competition," honest na sagot niya. "Sorry talaga ha," sabi ko. Bumigat ang loob ko nang mapagtanto ko na nadamay ang isang mabuting tao. "Why do you always keep on saying sorry Linda?" He looked at me gently. Napatingin ako sa isang babaeng nagjo-jogging sa ‘di kalayuan. "Kent, may girl friend ka na ba?" Natawa ang lalaki at muntik mapaubo sa tanong ko. Nilagay niya ang sisidlan ng pagkain sa bench namin at inalis ang salamin sa mata at pinunasan ito gamit ng kaniyang T-shirt. "Matagal na akong walang nobya." "Gusto mong maging tayo nalang?" biglang tanong ko. Biglang suminok ang lalaki at napaubo ito ng sobra. Namumula na siya at natakot ako na baka biglang mamamatay ito at karga ko pa ang konsensya. "Saan nanggaling iyan?" Umuubo pa siya nang tingnan ako. "Eh kasi ano..." Biglang natameme ako. “I never thought it would be green.” “Hmmm?” Taas kilay na tanong niya. “Your eyes are green.” Hindi pa niya naibalik ang kaniyang salamin kaya nalaman kong maganda pala ang mga mata ni Kent. Deep and very expressive eyes. Lumagok muna siya ng tubig bago nagsalita, "Where’s your question coming from? Pressured ka ba?” Mapaklang ngiti ang binigay ko sa kaniya. How come I felt that he knew the deepest and hidden emotions in me? “Somehow?” "Are you thinking based from your emotions or from a logical point of view?” Natameme ako sa tanong niya. “I don’t know.” “Why me?” “Why not you?” Napalitan ng katahimikan ang kanina’y madaldal na mga sandali. Tila tinimbang niya ang sinabi ko. Tama ba ang ginawa ko? Ito ba ang nakikita kong solusyon sa mga panahong ‘to? He sighed. “Maybe I need to spice my life a lil bit. Medyo stagnant at routinary na kasi masyado.” I looked at him without saying anything. His green eyes, shielded from the lens, seemed to glisten. “Okay, sinasagot na kita.” Parang nakunan ng tinik ang puso ko sa kaniyang mga binitawang salita. Kinuha ko ang kamay niya at napangiti. “Salamat.” *** May nagbago sa’kin simula ng magkaroon ako ng nobyo. Hindi ko ma pin-point kung ano pero may parang rose bud sa puso ko na unti-unting bumubuka sa tuwing gigising ako sa umaga at bago matulog sa gabi. Hindi ko rin alam kung saan ko kinuha ang confidence na lumakad mag-isa papuntang salon. Napangiti ako habang pinutol ng beautician ang mahaba kong buhok hanggang baba. At napatingin ako sa salamin habang kinulayan ito ng light brown. For years, pinili ko ang platinum blonde kasi gusto kong maging blonde katulad nina Erika at Errol. Gusto kong maging katulad nila ngunit at the same time gusto kong maging iba. I stuck with platinum blonde as a defiance and desire to have a connection with him. Iba na ngayon. Gabi na nang makarating ako sa bahay at hindi ako nagtaka nang makita si Kent at Papa na naglalaro ng chess sa may azotea. Tumatawa pa silang dalawa, halatang magaan ang loob sa isa't-isa. Hindi ko namalayang may ngiting sumilay sa aking labi habang pinapanood ang dalawa. Nagpakilala si Kent last week. Although stern si Papa kasi ito ang lalaking naging kasabwat ko sa kalokohan kaya na suspende ako, nagbago rin ang pananaw niya nang seryosong nakipag-usap si Kent sa kanilang dalawa. Two days later, sinamahan ni Kent si Papa na mamili ng mga biking equipment. Ibang usapan si Mama. Umiling ako nang maisip ang masasakit na salitang binitiwan sa’kin nung nalaman niyang may relasyon kami Kent. To be honest, I didn’t know why I felt good in an oddly way every time Mama snorted when I mentioned Kent na parang allergic siya sa nobyo ko. Lumapit ako sa dalawa at hinalikan sa pisngi si Papa. “Ilang rounds na ‘yan?” "Anong – my God! Anong ginawa mo sa mahaba mong buhok Kristine?" gulat na pahayag ng aking ama. Nakita kong napadilat rin si Kent at napaawang ang kaniyang mga labi pero wala ni isang tinig ang lumabas mula sa kaniya. "Maganda ba ang pagkaputol?" biro ko. "Okay naman." Medyo nakabawi si papa at hinagod ako ng tingin. Tumingin ako kay Kent para sa kaniyang opinion pero ngumiti lang siya at nagbigay ng thumbs up. Tumango ako at pumasok sa loob. Muntik na akong napatawa nang marinig ko ang sinabi ni papa sa aking nobyo, "Mabuti ‘yong ginawa mo, iho. Huwag kang magbibigay ng anumang negative reaction lalo na sa physical appearance ng babae.” "Likas na maganda ho si Linda at bagay kahit anong hairstyle," may respetong sagot ni Kent. “Kristine, anong ginawa mo sa buhok mo?” Galit na tanong ni Mama pagpunta ko ng kusina. Tawa ng tawa naman si Kassie. “Ate, mas galit pa si Mama sa buhok mo kaysa belly button piercing ko.” Hinayaan ko na lang si Mamang maglitanya. Kesyo hindi bagay sa’kin ang bagong hairstyle at halata raw na masama ang impluwensya ni Kent sa’kin. Aalis na sana ako nang makita kong papasok si Errol sa bahay kaya bumalik ulit ako sa kusina at halos padabog na sinabing, “Ma, may bisita ka.” “Errol, hindi pa naluto ang baked lasagna, hintayin mo na lang ng konti.” Masayang pahayag ni Mama Carol. “Nagmamadali ka ba?” Umiling ang lalaki. “Take your time, Tita. Wala rin namang ibang utos si Mama sa’kin ngayon.” Paalis na sana ako nang magsalita si Mama, “Kristine, andito si Errol. Asikasuhin mo.” “Ma, may bisita rin ho ako.” Kumunot ang noo ko. “’Yong kalaro ni Tito Joel?” tanong ni Errol. “’Diba si Walking Stick ‘yon?” Tumawa si Kassie. “Boy friend ni Ate Kristine.” Hindi ko maintindihan ang emosyong naglalaro sa mukha ni Errol. But it really satisfied me kasi testament ‘to na my life did not revolve around him at all - kahit na ipilit ako ni Mama Carol sa kaniya. Bumalik ako ng azotea at masayang nakipagkuwentuhan kay Papa at Kent hanggang sa lalong dumilim ang gabi at nagpaalam na ang aking nobyo. He shook hands with my father, promising that he would come back and let Papa beat him on the game. And he planted a kiss on top of my head before leaving. “Are you happy, Kristine?” biglang tanong ni Papa sa ‘kin. “I’m starting to feel at ease, Papa,” prangkang sagot ko. “But I will fight for my happiness.” He nodded. “Naikuwento ni Kent ang nangyari. Susubukan kong makiusap sa admin ng school niyo na mag-imbestiga ulit.” Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Kailangang bang ibang tao maliban sa’kin ang magpapaiba ng pananaw ni Papa? Ilang taon na akong nagrereklamo pero hindi sineryoso ni Papa pero naniwala siya kay Kent? Was I that worthless in my own father’s eyes? Tumango lang ako bago pumasok ulit sa loob. “Umalis na si Kent?” tanong ni Mama. “Opo.” “Oh, andito si Errol at kausapin mo.” “Good night.” Umakyat ako sa itaas. “Kristine!” “I said Good night!” Malakas na isinara ko ang pinto para malaman nilang final na ang desisyon kong hindi mangingialam sa buhay ng isang Errol Jade Sanchez.*** “Oh my God! ‘Yan ang sasakyan natin?” Napaawang ang bibig ko ng makita ang isang malaking motor. “Surprise!” Nakangiti siyang nakasandal sa motor. “Naka-whole dress ako,” bulas ko. Manonood kasi kami ng sine kasama sina Apple ang bagong boyfriend nitong si Brody. "Wala namang problema diyan." Hinagdo niya ang kabuoan ko. “You wear skirts when driving your bicycle." “Sure ka bang safe ‘to?” I never rode a motorbike before. “Baka literal na biyaheng langit ang mangyayari.” Pinitik muna niya ang ilong ko bago isinuot niya ang helmet sa akin. Napapansin ko talagang mannerism niya ang pitikin ang ilong ko kapag nakikipag flirt o nakikipag laro siya sa akin. Tumingala ako at napatingin sa kaniyang Adam's apple na emphasized talaga sa very slim built niya. "Aray, medyo mahigpit," ungol ko at inayos naman niya ang strap. Parang nahi-hypnotize talaga ako sa pagalaw ng Adam's apple niya kaya. Tumingala pa ako at napansing hindi siya nakasuot ng salamin. "Nag contact lens ka? Hindi ba uncomfortable habang nagda-drive ka?" Isinunot niya ang kaniyang helmet. "Nasanay na." Inakay niya ako at tinuruan kung saan ipapatong ang paa ko sa pag-akyat ng motor. Umuna siya ng sakay at kinuha niya ang shoulder bag ko at inilagay sa harapan niya. "Kapit ka lang Linda at huwag kang bibitiw," utos niya sa akin habang umangkas ako sa motor. "Pisilin mo lang ang bandang tiyan ko kung hindi ka kumportable.” Nag thumbs up ako bilang pagsan-ayon. Muntik akong mapatili nang paandarin niya ang motor at pinaharurot ang sasakyan palabas ng subdivision. Napayakap sa baywang niya at natawag ko na siguro lahat ng nilalang sa kalangitan upang huwag kami madisgrasya. "Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa parking area. “Dahan-dahan sa pagbaba.” Nanginginig ang binti ko at muntik na akong ma-outbalance. Mabuti na lang at napahawak siya sa braso ko. Tumayo si Kent at kinuha ang aking helmet. "Natakot ka?" "Na sorpresa lang." Nagpakawala ako ng isang hininga at tumawa. "Pero ang sarap sa feeling." "Tuturuan kita kung paano magmaneho ng motorbike..." “Mars!” Tumakbo si Apple at niyakap ako. “Nag motor kayo? Wow naman.” Lumingon ako kay Brody. "’Diba marunong ka ring mag motor?" Ngumiti ang lalaki. "Nasa pag-eensayo pa ako bago ako makakuha ng lisensya. Kaya nga hindi pa ako promoted sa pagiging secretary sa Bike club." Halatang nasorpresa si Apple sa sinabi ng nobyo. Kinabig niya ito. “Turuan mo rin ako.” Naaaliw akong makita ang harutan ng dalawa. I was really happy for my best friend. Dumiretso kaming apat sa Cinema at nag-enjoy ng mixed horror-comedy na pelikula. Dumiretso kami ng isang resto-bar pagkatapos magsine. "Mars," bulong niya sa akin. Umupo kami sa bakanteng puwesto habang umu-order ang mga lalaki. "Nag ano na kayo ni Kent?" "Ano?" Napakunot-noo ako sa tanong niya. "You know, ‘yong chula?" Pumikit pa talaga siya at gumawa ng kissing sounds. Biglang uminit ang pisngi ko. “Hindi pa.” Namilog ang mga mata ni Apple. “Virgin pa ang lips mo?” Inirapan ko siya. "Alam mo namang ninakaw ni Errol ang unang halik ko.” "Erase, erase ang question," bulong niya ulit. "Nag French kiss na kayo ni Kent?" Bumulong rin ako. "Eh kayo ni Brody?" Umatras siya at sinapo ang magkabilang pisngi. “Mahaba ang dila niya, Mars.” Tutuksuhin ko sana siya pero dumating na ang mga lalaki kaya iniba ko na lang ang topic. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang maisipan na masaya ako sa mga sandaling ‘to. Ito na siguro ang unang pagkakataong naging payapa ang pakiramdam ko habang may kasamang grupo. Kahit hindi ko ipinapahalata, may takot akong makipaghalubilo sa ibang kaedad ko. Feeling ko kasi kampon ni Errol lahat. Kaya hindi maiwasang may trust issues ako. At kahit nobyo ko na si Kent at naging kaibigan na rin si Brody, hindi ibig sabihin na isang daang porsyento ang pananalig ko sa kanila. ‘You really f****d me up, Errol.’ Gustong maglaro nina Apple at Brody sa arcade pero nagdesisyon si Kent na ilakwatsa muna ako sa parke kaya naghiwalay na rin ang landas naming apat. Dinala niya ako sa isang bahagi ng parke kung saan malimit lang ang tao at natatanaw ang halos buong Paradise City. Sumandal ako sa kaniya. “Ang payat mo, Kent. Kumakain ka pa ba?” Tumawa siya at kinabig ako paharap sa kaniya. He wrapped his arms around me and planted a kiss on my head. "Oo naman. Hindi ko nga alam kung bakit hindi umaakyat ang timbang ko." "Magpatingin ka kaya sa isang nutritionist." Concerned talaga ako sa timbang niya. Napapansin ko kasing hindi nag-iiba ang timbang niya kahit anong kain ang gawin namin. "Okay." At yumuko siya para halikan ako sa labi. Our first kiss! Parang kumawala ang puso ko mula sa aking dibdib nang maramdaman ko ang mga labi niya sa’kin. Akala ko noon, pare-pareho lang ang klase ng halik kahit iba’t-iba ang kahalikan mo. But I was definitely wrong. This felt really nice. Kakalas sana si Kent sa pagkakayakap sa’kin pero umungol at hinigpita ang pagkakahawak sa kaniya. Ako mismo ang humalik ulit sa kaniya. It was more than nice. I tiptoed and as my tongue attacked his lips. I wanted something more but I did not know what it was. My body was on fire and I craved for something higher, something deeper, and something achievable yet unreachable at this moment. May mga patak ng tubig ang tumama sa’min ni Kent. Umuulan ba? Ito ba ‘yong katulad sa mga pelikulang naghahalikan sa ulan? "Ang sweet naman ni Walking stick at ni Piggy panties!" Isang kantiyaw ang nagpahiwalay sa’ming dalawa. Medyo nalilito akong tumingin sa paligid at lumipas ang ilang segundo bago napagtanto kong tinitira kami ng water gun ng mga kaibigan ni Errol. "Uy may ka love team na si Bot!" hiyaw nung isa. "Please leave Linda out of this," seryosong pahayag ni Kent. "At kung hindi?" Ngumisi si Errol na nakatingin sa’min. “Hindi na tayo mga bata para sa mga ganitong klaseng biro.” Inakbayan ako ni Kent na tila ipinapahiwatig nito na dadaan muna silang lahat sa bangkay niya bago nila ako masaktan ulit. Nagkatitigan si Errot at Kent ng ilang segundo hanggang sa ngumisi si Errol. “Boring!” Walang sabi-sabing umalis ang mga ito. Lumilingon pa sila amin at nagkakantiyawan pa pero hindi na nila kami ginambala. “Sorry.” Napakagat-labi ako. Pinitik niya ang aking ilong. “Don’t be.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD