Chapter 2: Ice Cream Madness

1648 Words
"MAMA, maawa kayo, lipat nalang ako ng ibang skwelahan," sumamo ko sa aking ina habang nasa hapag-kainan kaming apat. "Andiyan na naman tayo sa isyung ‘to, Kristine," buntong hininga ni Mama. Nilagyan niya ng sabaw ang mangkok ni Papa. “Darling, pagsabihan mo nga ‘yang anak mo na konting buwan na lang at gagraduate na siya ng high school." Lumingon si Papa sa akin. "Anak, konting tiis nalang at tapos na ang high-school life mo. Kahit saang university rito sa Namerna ay papayag ako –" "Darling!" bulas ni Mama. "Anong kahit saang university? Kung saan si Errol ay dapat doon din siya mag-aaral.” "Narinig mo ang Mama mo," nakangiting sagot ni Papa. "Pero binu-bully ako ni Errol eh!" Maingay na nilapag ko ang tinidor at kutsara sa plato. “Ayoko na talaga, Mama. Makinig naman kayo sa ‘kin oh.” "Huwag maging bastos sa hapag-kainan!" singhap ni mama."Wala na bang bago diyan sa balita mo? Simula Grade five kang ganiyan. Tinanong ko naman si Errol at konting tukso lang naman ang mga ginagawa niya. Huwag kang masyadong over acting, Kristine." "Eh, hindi kayo nakikinig eh," inis na sagot ko. "One last time na talaga it, .nagmamakaawa ako sa inyo bilang panganay niyo, please kahit doon sa skwelahan ni Kassie niyo nalang ako ilipat." "Anong ginawa niya, Ate?" biglang tanong ng aking nakababatang kapatid. Natahimik ako bigla. Nahihiya akong sabihing hinubaran ako kaya ang ibang pangyayari kanina na lang ang sinabi ko, “Nilagyan ng ihi ang bag ko. Akala ng teacher ako ang umihi.” Tumawa ang tatlo. Napapailing si Papa. "Ginawa ko rin niyan noong high school. Uso pa ba 'yan?" "Papa!" bulas ko. “You think it’s funny?  You think okay lang ‘to?” "Makinig ka, Kristine Linda," seryosong sabi ni Papa. "Simula noon, palaging si Errol ang pinaparatangan mo kahit hindi naman siya. Nakita mo bang si Errol talaga ang naglagay ng ihi sa bag mo?” Natameme ako bigla at napakagat-labi. "Hindi po..." "Masama ang magbintang anak," bumuntong hininga ito. "You have to fight your own war. This is not serious enough." Not serious enough? Are you f*****g kidding me? "Baka style lang ni Kuya Errol ang panunukso sa’yo, Ate," nakangiting sabi ni Kassie. Masikip ang dibdib ko nang tingan silang tatlo. Wala akong kakampi sa pamamahay na ‘to. Nilunok ko ang nakatagong luha. “Thank you for the support guys.” Wala akong ganang kumain at wala rin akong ganang makinig sa mga pinagsasabi nilang tatlo. Tahimik lang akong inubos ang hapunan at dumiretso sa kuwarto. Umupo ako sa aking swivel chair at napatingin sa bukas na bintana. Madilim ang kalangitan at may iilang bituing kumikinang. Itinaas ko ang aking kanang kamay upang subukang abutin ang bituin habang tahimik na dumaloy ang aking luha. Mabigat sa pakiramdam ang katotohanang hindi ako pinaniniwalaan ng aking sariling pamilya. Nasubukan ko na rin noon na magsumbong sa teachers ko pero sarili kong pamilya ang nagalit sa’kin. Feeling ko ang hirap makamit ng hustisya - feeling ko ang hirap magkaroon ng karamay. Kahit si Apple din naman, hindi pinaniniwalaan ng aking mga magulang lalo na’t tungkol kay Errol ang pinag-uusapan. “Kaya natin ‘to, Kristine,” bulong ko sa sarili. “Someday, I’m going to get out from this place.” Biglang napukaw ang atensyon ko nang tumawag si Apple. “Mars, I checked online at clean – walang pictures ng piglet panties mo," birong sabi niya. "Kahit sa Facegram?" tukoy ko sa isang social networking site na sikat sa bansa namin. Hindi ko kasi binuksan ang account ko sa takot na baka kung anuman ang lumabas. "Nada, nothing as in wala," sagot niya. "Mabuti naman kung ganoon," buntong hininga ko. "Pasensya ka na Mars, ha?" "Kaibigan kita, ano ba," may ngiti sa boses nito. "For better or for worse kaya tayong dalawa.” "Palagi naman ‘yan," walang ganang sagot ko. Nag-usap pa kami nang kung anu-anong bagay hanggang sa magpaalam kami sa isa't-isa. Wala pang limang minuto nang tumunog ulit ang phone ko at nakitang si Errol ang tumawag. Ni-reject ko ang call ngunit nag text ang lalaki, ‘Sagutin mo ang tawag ko kung ayaw mong ipagkalat ko si piggy panties.' Kaya wala akong choice at sinagot ang tawag niya. "Ano?" "Bot, tinatamad akong sagutin ang Math assignment natin. Ikaw ang gagawa,” utos niya. “Nanaman? Asan ba ang mga tuta mo, Errol?” "Isend mo sa mail ko in an hour kung ayaw mong malaman ng Facegram ang cute mong piglet panties," pang-aasar nito. "Hmpf!" "May ice cream ka bukas kung magugustuhan ko..." Pinatay nito ang tawag. Ayoko naman talagang gawin ang mga gusto niya at ilang beses na rin akong lumaban. Pero ako pa rin ang talunan sa tuwing makikipagdigmaan ako sa kaniya. Nakakapagod na talaga at minsan hindi ko maintindihan kung bakit parang automatic na sa ‘kin ang mapapa ‘oo’ sa mga utos niya. Kahit labag sa puso ko, nilunok ko ang aking pride at ginawan siya ng assignment.     *** Himalang hindi ako ginambala ni Errol at mga tuta niya buong araw kinabukasan. May topak din ang taong ‘yon - minsan nasa mood mang-asar at masyadong tahimik minsan. Kaya nakahinga ako ng maluwag buong araw. Naghanda ako pauwi at pumasok muna ako sa public CR para mag-ayos nang makita ko si Jane at tatlo pa niyang mga kaibigan. Kibit-balikat akong pumasok sa cubicle at naging alerto nang makitang tinitigan nila ako paglabas ko. “Gusto mo raw ng ice cream?” Nanlilisik ang mga mata ni Jane. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. ‘Ice cream?’ Hindi ko siya pinansin at lalabas na sana ng bangyo nang harangin ng tatlong kaibigan ni Jane ang pintuan. “Excuse me?” "Well, excuse me," nang uuyam na sabi niya. "Ipinabibigay ni Errol sa’yo ang ice cream.” "Ha?" nagtatakang tanong ko. Fudge! Ito ba ‘yong sinabi ng demonyo kagabi tungkol sa ice cream? Ano na naman ang gagawin ng anak ni Satanas? Umalerto ako nang makita kong kunin ng isang babae ang isang galong sorbetes. Parang demonyong nakangiti siya at  gamit ang kamay, sumandok siya ng chocolate ice cream. “Walang personalan ‘to, Bot.” Umatras ako konti pero nauna na niyang isampal sa’kin ang malamig na ice cream. "Happy birthday raw sabi ni Errol." Tumawa-tawa pa ito habang hinilamos sa mukha ko ang malamig na ice cream. Kumawala ako pero nahawakan ako ng dalawa niyang kasama. "Ano ba?" Pinilit kong pumiglas pero masyado silang marami. "Wala na ba kayong magawa sa buhay ha?" Humalkhak ang mga babaeng kasama ni Jane. Ang kasama niya sumandok ulit ng ice cream bago imudmod sa bibig ko. Sumigaw ako nang malasahan ang anghang. ‘Sili! Nilagyan nila ng sili ang ice cream!’ Gusto kong umiyak pero ayokong maita nilang mahina ako. Nagpilit pa rin akong pumiglas at nang ma outbalance ang isa sa kanila, nakakita ako ng tiyempo at sinipa rin ang isa sa kanila. Mabilis kong itinulak ang iba at dali-daling tumayo at tumakbo palabas. Wala akong pakialam kahit maraming mga matang nakatingin sa marumi kong hitsura. Wala rin naman silang gagawin kahit na makita nila akong ganito. Ilang beses na nga ba silang tahimik habang binu-bully ako? Hindi rin nakikialam ang mga guro at staff lalo na’t away estudyante lang. Ako lang ang kakampi ko sa lugar na ‘to. Masakit ang katawan ko at maanghang ang bibig ko pero susubukan kong gumanti sa kagaguhan ni Errol ngayong hapon! Tumakbo ako papunta sa kuta ng demonyo - isang inabandonang gusali ng eskwelahan. “Errol, magpakita kang hayop ka!” Yumuko at kumuha ng bato. Inihagis ko at isang nakakabinging pagkabasag ng bintana ang narinig. “Errol Jade Sanchez!” Lumabas si Errol at sa mga sandaling ‘yon gusto kong sumuka sa harapan niya. Kahit alas kuwatro ng hapon ay nasisinagan pa rin ng araw ang dirty blonde niyang buhok. Maganda ang dise-otsong pangangatawan nito at halatang inaalagaan. Kita rin ang napakalaking angel tattoo nito sa dibdib lalo na’t topless ang lalaki. Sinong mag-aakala ang mala-anghel na mukhang ‘to ay isang demonyo pala. Hinagod ako ng tingin ni Errol at napangisi siya. “Natanggap mo na pala ang regalo.” “Hindi lang niya natanggap at pinaligo pa.” Tumawa ang isang kaibigan nitong lumabas din ng gusali. Tumagilid ng konti si Errol at napikit ako ng konti nang masilawan ako sa hikaw niya. Kinausap nito ang mga kaibigan at hindi ko talaga maiwasang tingnan ang guwapo niyang profile. Pero aanhin mo ang kaguwapohan kung sing itim ng sapatos ko ang budhi niya. "Andito na pala si Bot." Narinig kong hinihingal si Jane na lumapit sa’min. Bitbit niya pa rin ang galon ng ice cream. Biglang bumukal ang dugo nang makita ko ang hawak niya. Sa galit, kinuha ko ang galon at sumandok sa natunaw na sorbetes at walang sabing sinampal ko sa mukha ni Errol. “Masarap, ano?” Minudmod ko pa sa bibig niya. “Special recipe ‘yang sili, gawa ni Jane.” Namilog ang mga tila pilak na mga mata ni Errol. Napaatras siya at nakitang kong naging alarma rin ang hitsura ng mga kaibigan niya. Napatawa ako kasi isa ito sa mga rare situations na nagimbal ang mundo niya. “Masarapa ba, Errol?” Tumingin siya sa’kin at ako naman ang napaatras sa matalim na mga tingin. Lumapit siya bigla at kinabig ako sa baywang. “Ano ba, Errol?” Hinampas ko ang mga braso niya pero masyado siyang malaki kung ikukumpara sa maliit kong katawan. Pero bigla niya akong hinatak papalapit at sinabing, "Ito ang gusto mo diba?" Nagtatakang tumingala. “Ano, ba?” Bumaba ang mukya niya at inilapat ang bibig niya sa mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD