Chapter 6 - Broken heart strings

1938 Words
Masaya ako sa piling ni Kent. He made me try new things and he made me discover my love for motorbikes. Puspusan ang pagtuturo niya sa’kin ng pagmamaneho ng motor kung bakante kami mula sa part-time jobs namin. Natutuwa naman at ini-encourage ako ni Papa sa bagong hilig. At last may kausap na rin daw siya hinggil sa mga ganitong bagay. Kaya iba na ang pananaw ko sa mga bagay-bagay at sa buhay nang makabalik kaming dalawa ni Kent sa Paradise High pagkatapos ng isang buwang suspensyon. Hindi ko na rin masyadong ininda ang mga tinginan at tuksuhan ng mga kaklase ko. Mas excited akong isipin na magmo-motor na naman kaming dalawa ni Kent mamaya. Nasa mood talaga ako sa first day of school kaya halos pasipol-sipol akong gawin ang mga essays. “Hindi ka pa ba uuwi, Mars?” Kinabig ako ni Apple. Umiling ako. “Tatapusin ko lang ‘tong paper sa History. May lakad kayo ni Brody?” Ngumiti siya. “He got his license na at tuturuan niya akong mag motor ngayon.” Nag thumbs up ako. “You won’t regret it, Mars.” “Sali tayo sa motor cross sa future?” Gusto kong tumawa pero nasa library kami kaya tumango na lang ako. “Sure, why not.” Masiglang umalis si Apple at ipinagpatuloy ko naman ang aking assignment. Dali-dali kong ipinasa ‘to sa aking History teacher at dumiretso ako sa club room nina Kent. Sabi ng mga club mates niya, may pinuntahan si Kent at hindi nila alam kung kailan babalik. Kaya nagdesisyon akong bisitahin muna ang hardin at kukuha ng isang herbal plant para gawing tsaa. Nasa bandang sulok ako ng hardin nang may narinig akong tawanan. Hindi ko sana ininda pero parang nilipad ng hangin papunta sa’kin ang mga katagang, “Bot at walking stick sitting on a tree…” Namutla ako bigla. Tumakbo ako ng mabilis at hinanap ang komosyon. At muntik na akong matumga nang makita ko si Kent na nakaupo sa isang silya at binuhusan ng dalawang drum ng yelo at tubig. "Ano 'to?" sigaw ko. Napangisi si Errol pagka kita sa akin. "Ice bucket challenge." "Stop this or I'll call a security," galit kong sigaw. Tumayo si Kent at hinila ako. "Linda tama na. Bucket challenge lang talaga 'to." "Bucket challenge?" tanong ko. "Huwag niyo nga akong lokohin. Nilalamig ka na oh." Pinunasan ko siya gamit ng aking mga kamay. Lumingon ako kay Errol at nakitang nagtitimpi ito sa galit pero pinandilatan ko lang siya. “Masaya na kayo?” Hinila ko si Kent papunta sa club room nila at doon pinagalitan ko siya habang pinunasan ng bimpo. "Salamat," nakangising sabi niya. "Magbihis ka na Mervin Kent Michael Wing!" Tinapik ko ang balikat niya. "Yes ma'am," sagot niya bago siya pumasok ng banyo. Sinigurado ko pang makakauwi siya sa bahay nila bago ako dumiretso sa amin. Nagulat ako nang tumawag si Mister Wing mga bandang alas onse ng gabi. Dinala niya si Kent sa hospital dahil sa mataas na lagnat. Parang napako ako sa aking kama nang maalala ko ang ginawa nila kay Kent kanina. f**k naman oh! Bakit pati si Kent ayaw isumbong sina Errol? Ako lang ba talaga ang lalaban? Maagang nagpasama ako kay Papa sa pagbisita kay Kent sa hospital. Namumutla ang hitsura niya at halatang matamlay na talaga siya. Nahabag ang puso ko nang makita siyang nakaratay sa hospital. Kinuha niya ang kamay ko. “Linda, lagnat lang 'to.” "Lagnatin mo ‘yang mukha mo," inis na sagot ko. "Sino bang may sabi sa’yo na pwede kang mag ice bucket challenge? Anong pinakain ng mga demonyo para mag participate ka, aber?” “Linda…” “Gusto mong Pinakuluang tubig challenge naman?” Inirapan ko siya. “Sige, ako mismo ang magbubuhos sa’yo paglabas mo rito.” Dalawang araw pang nag-stay si Kent sa hospital bago mag-check out at sa bahay nalang nila siya mag recuperate. Dalawang araw din akong absent dahil binantayan ko siya. Nagalit si Mama Carol sa ginawa ko pero nagmatigas ako sa desisyon ko. Kagaya ngayon, sa bahay ako nina Kent matutulog lalo na’t out of town si Mr. Wing. "Linda, tulog na tayo," mahinang utos ni Kent sa akin. Nasa kuwarto kami ni Kent at nagbabasa ako ng libro habang nanonood siya ng TV. Nakasandal ako sa balikat niya at dinig ko ang bawat hininga niya. “Matulog ka na,” sagot ko. “Malapit na ako sa climax ng story.” Pinitik niya ang ilong ko. “Ano ba, Kent?” He wrapped his arms around me and snuggled closer. “Ang cuddly mo talga. Huwag kang magpapapayat please.” “Ikaw ang dapat magpataba, Kent.” Pinilit kong itulak siya pero mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. “Tulog na tayo, please,” bulong niya. I snorted. “Please.” Hindi pa rin siya sumuko. I sighed as I closed the book. I took his glasses and stared at his green eyes. Hindi guwapo si Kent pero ang mga berdeng mata niya ang pinakamagandang mata na nakita ko sa tanang buhay ko. “Okay.” He leaned up and kissed me on the lips. I ran my fingers through his hair as I kissed him deeper. *** “Linda, anong plano mo after graduation?" tanong ni Kent sa ‘kin habang kumakain kami ng snacks. Nasa paboritong parte ng parke kami nakatambay. Though medyo maputla pa si Kent, sinubukan naming lumabas ng bahay para makasamyo ng hangin. Nagdesisyon din kaming lumabas ng gabing ‘to para hindi masyadong mainit at para matingnan ang ganda ng city view sa gabi. "Gusto kong mag-aral sa Sunrise City University," sagot ko habang ngumunguya. Next week na ang graduation namin at hindi pa kami nag-usap tungkol sa mga plano namin after high school. “Kaso parang mas gusto ko ‘yong offer sa Moonlight County. Ikaw?" “Linda, sana hindi ka magagalit sa sasabihin ko.” Seryoso ang mukha ni Kent habang nakatuon ang tingin sa city view. “I’m going out of Namerna after high school.” Muntik akong mabilaukan sa sinabi niya. “W-why?” “Pinatawag ako ni Mama sa Velusca…” He softly said. “She wanted to spend time with me.” Hindi masyadong madaldal si Kent tungkol sa pamilya niya. Ang pagkakaalam ko, separated ang parents ni Kent. Nasa bansang Velusca ang family ni Kent sa mother’s side. I took his hand and squeezed it gently. “Hindi ba, matagal na rin kayong hindi nagkikita ng mother mo? Spend time with your family, Kent.” "Kaya..." "Kaya what?" "Gusto mo pa bang ipagpatuloy ang relasyon natin?" tanong niya. Napaatras ako. "Why not? Ayaw mo na ba?" "Long distance relationship 'to Linda," sabi niya. "Baka darating ang panahong magbabago ang desisyon mo. I don't want to chain you into something..." Tumahimik ako kasi hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Kinapa ko ang aking dibdib sa mga sinabi niya pero hindi ko mawari kung ano nga ba ang nasa loob nito. "Pag-isipan mo muna," sabi niya. "Sagutin mo ako during graduation day." Tumango ako at ngumiti. "Kaya may one week pa tayong i-enjoy ang company ng isa't-isa na walang bahid na question sa kinabukasan." Medyo naiihi talaga ako kaya nagpaalam ako sa kaniya para pumasok sa public CR sa may hindi kalayuan. Bigla akong kinabahan nang hindi si Kent ang nakita ko pagbalik ko sa pwesto namin. Si Errol at ang isa sa mga kaibigan niya ang nandon. "Nasaan si Kent?" tanong ko. Halos lumuwa na ang puso ko sa takot. Nagkibit-balikat si Errol. Lumapit ako at sinuntok siya sa braso. "Nasaan si Kent?" "Bakit ako ang hinahapan mo sa boyfriend mo, Bot?" may pang-uuyam na tanong niya. "Ano nanaman ang ginawa niyo sa boyfriend ko?" Nanginginig na ako sa kaba. Hindi pa totally naka recover si Kent mula sa sakit at baka mabinat ito sa stress mula kay Errol at sa mga kaibigan niya. "May bayad ang impormasyon," sagot niya. Napalunok ako. "Magkano?" "Isang halik," sabat ng kaibigan niya. Lumingon ako sa kaniya. "Hindi pupuwede iyan. Magkano ba Errol?" Nagkibit-balikat ulit ang lalaki. Hinampas ko ang braso niya, "Ano bang nagawa namin sayo ha? Please, sabihin niyo kung nasaan si Kent!" "Anong ibabayad mo?" Lumingon ako sa paligid at walang nakitang kahit sino kung hindi kami lang. Pinilit kong magpakatatag ngunit lumabas na ang mga luha sa mga mata ko. “Sabihin mo na Errol. Hindi pa naka recover si Kent mula sa pagka hospital niya. Baka mapano..." Tumawa lang siya ng mapakla. "Caring ka pala Bot. Humagulgol na talaga ako at napaluhod sa harapan niya. "Heto na oh! Lumuhod na ako sa harapan mo, nagmamakaawa na huwag niyong sasaktan si Kent. Wala siyang kasalanan sa inyo." Umiyak ako ng umiyak pero narinig ko pa ring sinabi ng kaibigan niya ang, "Errol, mukhang over the top na 'to. Kung ayaw mong sabihin sa kaniya ay ako na." Hinila ako patayo ng lalaki at inakay niya ako sa may madilim na bahagi ng parke. Ito ang banda kung saan walang CCTVs at kung saan walang katao-katao lalo na’t gabi. Kahit na mabigat ang mga mata ko sa kaiiyak, nakita ko pa rin ang motor ni Kent katabi ng isang itim na kotse. "Pare, asan si Walking stick?" tanong ng lalaking umakay sa akin. Sumenyas ang isa pang lalaki at itinuro ang sasakyan. Dali-dali kong tinakbo ang kotse ngunit wala sa loob si Kent. “Kent!” halos paos na ang boses ko sa kasisigaw. “Nasaan ka, Kent?” Tuliro ako nang buksan ko ang trunk at muntik na akong himatayin nang makita ang walang malay na Kent na nakapilipit sa loob. Gusto akong kainin ng kadiliman pero nilabanan ko ‘to para siguraduhing okay si Kent. Nanginginig ang mga kamay kong sinapo ang kaniyang pulso. "Hindi siya humihinga," hysterical kong pahayag. Napamura silang lahat at sila mismo ang nag first aid kay Kent pero wala pa rin. Nagkukumahog sila na isakay kami at dinala sa pinakamalit na hospital. Litong-lito ang utak ko at hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa mga doktor. "Muntik na nilang patayin si Kent!" Gusto kong magwala nang marinig ang alibi ng grupo pero walang kahit anong boses ang lumabas. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa lamunin ako ng kadiliman. Nang magising ako ay nakita kong nakadungaw sa akin si mama, papa, Kassie at si Errol. Gusto kong kumawala nang makita ang lalaki pero hinawakan ako ni mama at sinabi niyang, "Mabuti nalang at nakita kayo nina Errol. Ano bang pinagagawa niyo sa park ni Kent sa gabi, ha? Eh kung wala roon sina Errol baka sa kamay ng isang serial killer kayo napunta ni Kent!" Tumingin ako kay Errol at napadilat. ‘Ano ang mga pinagsasabi mo sa kanila? Sinungaling!’ Pero walang boses pa rin ang lumabas. Nilingon ko ang paligid at nakitang ako lang ang nasa loob ng ward. Pilit kong umupo pero pinigilan ako ni Papa. “Huwag muna, anak.” Masakit ang lalamunan ko pero pinilit kong ilabas ang katagang, “Nasaan si Kent?” Nagtinginan silang lahat. Tumulo ang luha ko at nanginginig ang aking mga kamay. “Na…” Pinilit kong huminga. “…K-Kent…?” Nakita kong malungkot ang mukha ni Papa Joel. "Wala na si Kent." Parang humiwalay ang espirito ko mula sa aking katawan? Bakit ganon? Anong ibig niyang sabihin? Don’t tell - No! No! Hinawakan ako ni papa sa balikat. "Iha, umalis na si Kent."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD