Chapter 7- Drowned in Emotions

1400 Words
UMALIS si Kent ng Namerna ng gabing iyon. May complications raw sa puso at sa lungs at kailangang operahan. Walang espesyalista ang Namerna sa case niya kaya nag emergency sila ng lipad papuntang karatig bansa. Iyak lang ako ng iyak buong magdamag. Ako ang dahilan kung bakit nagka ganoon si Kent. Sinasabi kong kasalanan nina Errol pero wala pa ring naniniwala sa'kin. Ganiyan ako ka worthless! I could not even bring justice to my boyfriend. Dumating ang graduation ko at ayokong sumali ngunit pinilit ako ni Mama kaya parang robot na akong kumilos. Walang patutunguhan naman kung magre-resist ako sa kanila. They'd never believe me in the first place. Gusto kong humagulgol nang makita si Mister Wing isang umaga. Nais kong malaman kung ano ang nangyari kay Kent at parang kutsilyong tumusok sa diwa ko ang dala niyang balita. "Aalis na rin ako ng Namerna, Kristine." Malungkot ang mukha niya. "Nasa Velusca ang better facilitites para kay Kent. I don't think babalik pa kami rito." Ba't ang sakit? Hindi ko napigilang umiyak kaya niyakap ako ni Mister Wing. "Thank you for being with him kahit panandalian lang." Parang sasabog ang puso ko. May inabot siyang liham bago siya umalis. Dali-dali kong binuksan ito at binasa ang hindi halos klarong penmanship: 'Sorry. You might want to go on without me but remember one four three four four. I will come for you in the future if you want me to...' Napaluhod ako sa guilt feelings na bumalot sa buong pagkato ko. I certainly did not deserve a certain Mervin Kent Michael Wing. *** "Sumama ka na kina Errol sa camping," utos ni Mama Carol. "Ayoko," tipid kong sagot. Nagmumukmok ako sa bahay, three weeks after graduation. Lagi akong nanonood ng tungkol sa Velusca at sinusubukang i-contact si Kent pero wala pa rin akong nakuhang impormasyon. Wala ring alam kahit sina Brody. "Sasama si Apple sa inyo," giit niya. "Hindi na healthy 'tong ginagawa mo, ano ba?" "Ayoko sabi eh!" inis kong sagot at akmang aalis nang kurutin ni Mama ang tagiliran ko. "Kristine Linda, huwag kang bastos!" sigaw niya. "Wala ka ng modo bata ka simula nang makilala mo ang Kent na 'yan. Bad influence talaga siya. Mabuti na rin at wala na siya rito!" Napaupo ulit ako at humagulgol ng iyak. Galit ako sa mga sinabi ni Mama kasi bulag siya pagdating kay Errol kahit anong gawin kong pag explain sa kaniya. Si Papa naman, although gusto nito si Kent, naghahanap pa rin ng ebidensya sa mga sinasabi kong binu-bully ako ni Errol at ng mga katropa niya. "Oo na, sasama na ako," sigaw ko sa kaniya. "Bakit ka galit? Totoo naman ang mga sinasabi ko ah," sagot ni Mama. "Sasama ka rin naman pala at over acting ka pa diyan." "Tandaan mo 'to Mama, darating ang araw na mawawala ako sa inyo," bulong ko. "At hindi ako magsisisi." "May sinasabi ka, Kristine Linda?" "Wala po," himutok ko. "Good." Confident ang ngiti niya. "Mag prepare ka na sa mga gamit mo. Susunduin ka nila mamaya." Ayaw kong sumama at sinabihan ko na rin si Papa pero makakabuti raw ang camping para sa akin, sabi niya. Baka makapag-isip at makapag-muni-muni raw ako at maliwanagan ang aking damdamin. Tahimik akong naghintay at nakita kong kumakaway si Apple nang dumating ang van. Wala pa ring imik na pumasok ako at ibinaling ang atensyon sa labas. Siyam kaming lahat, apat na babae at limang lalaki. Ipinakilala ni Errol ang mga kasamahan niya pero nagkibit-balikat lang ako. Punong-puno na talaga ako sa mga pangyayari at gusto kong magawala. Pero ako pa rin ang agrabyado sa huli kasi sarili ko lang ang kakampi ko sa laban na 'to. Pumasok kami sa exclusive resort nina Errol. Ilang beses na rin kami nakapunta rito. Noon, inaagaw talaga ng ganda ng lugar ang hininga ko. Ngayon, wala ng epekto ang tila ginuhit ng pintor na kagandahan ng resort. Wala ako sa mood. Wala akong pakialam. Wala akong silbi... Nag-set up kami ng matutulugan namin. Kaming dalaw ani Apple ang magkasama. "Bakit hindi mo dinala si Brody?" "Busy sa pag prepare niya sa uni," sagot niya. "So, sure na kasama kayong dalawa?" "Yup!" excited na sagot ng bestfriend ko. Nakuha kasi sila sa Sunrise City University at nagdesisyon na mag-aral doon. Medyo malungkot ako sa turan ng aking best friend, first time kasi since twelve years old kami na magkakahiwalay kami ng landas. Nawala na nga si Kent, mawawala rin si Apple. Bakit naging ganito? "Ikaw, Mars? May desisyon ko na ba kung anong university ang papasukan mo?" tanong nito. Umiling ako. "Binigyan ako ni Papa ng one week para mag decide. Si Mama ang na ipapa-enroll ako kung saan mag-aaral si Errol." "May desisyon na ba si Errol?" Nagkibit-balikat ako. "Alam mo Mars, sorry ha, pero minsan feeling ko iba na 'yang obsession ni Tita Carol kay Errol," sabi niya. "Minsan napapaisip ako if si Mama ang maghahabol kay Errol kung kaedad natin siya." Inilapag ko ang mahihigaan sa loob ng tent. "The weird thing is, ang Bolivars at Sanchezes ang gustong i-unite kayong dalawa ni Errol." She pouted. "Ano ba ang history ng dalawang angkan? Parang may hang-ups, eh." "Might be kasi pati sila lola sa side ko at sa grandparents ni Errol eh," bigla akong napaisip, "kaya gagawin ko ang lahat para maputol iyang kahibangang iyan." "Let's just stay chill at the same time alarmed lalo na't kasama sila," bulong ni Apple. Tumango ako. Nasa loob lang ako ng tent at lumalabas kapag tawag ng kalikasan. Naririnig ko silang nagtatawanan at jamming sessions. Sumasabay din si Apple sa kanila pero wala talaga ako sa mood na makipag plastikan.Except sa best friend ko, I didn't trust anyone of them. Nakatayo ang pader na pagitan ko at sa tropa ni Errol. I still could not forget nor forgive what they did to Kent. Maaga akong nagising at dumiretso ng banyo. Babalik sana ako ng tent nang may humila sa'kin at tinakpan ng tape ang aking bibig. Malalaking mga kamay at malakas ang pwersang humatak at inihiga ako sa isang napakalaking salbabida. Tinalian ang aking mga kamay at paa. Sinubukan kong tawagin si Apple pero hindi ko magawa, sinubukan kong manlaban pero ang lalakas nila. Hindi ko gaano ma trace kung sino ang involved kasi hazy na talaga ang aking utak. Naramdaman ko nalang na hinila nila ang salbabida papuntang lawa. Naramdaman ko ang tubig na nagpapalutang sa aking sasakyan. Lumingon ako sa kanila at narinig ang isang tuamatawa. "Butas iyang salbabida mo, Bot! Good luck." Tumigas ang aking buong katawan. Binalot na ako ng panic lalo na't nakita kong papalayo na ako sa shore line. 'Lulubog ako! Tulong!' sigaw ng isip ko at nagdarasal na sana may makarinig sa sigaw ng aking utak. This was my greatest fear, ang mapag-isa sa gitna ng malalim na tubig. Sa bawat haplos ng tubig sa katawan ko ay siya ring takot ang bumabalot sa pagkatao ko. Naramdaman kong unti-unti akong lumubog pero sinubukan ko pa ring labanan ang panic state ko. Naririnig ko pa rin ang mga tawa nila at medyo na kita ko si Apple na kumakaway sa akin at tinatawag ang pangalan ko. Sinuntok niya ang isa sa mga lalaki at nagsisigaw na rin. Hysterical na ang aking best friend at naririnig kong tinawag niya ang pangalan ni Errol. May galit na namuo sa puso ko nang maisipang baka si Errol ang may pakana nito. Alam niyang matatakutin ako sa tubig. Hinihila niya ako noon sa malalim na lugar during swimming lessons namin. Saka na niya ako sasagipin kapag nagpapanic mode na ako. 'Do you think this is funny? f**k you,Errol Jade Sanchez!' Naramdaman kong hinila ako ng aking timbang palubog. At sa mga sandaling 'to, napagtanto kong ayaw ko pang mamatay. Hindi pwedeng dito nalang matatapos ang aking kabataan. I tried to settle myself and calm my mind kahit na sasabog na ang dibdib ko sa kawalan ng hangin. ''Huwag kang susuko, Kristine!' Pilit kong nilabanan ang gravity. Pinilit kong lumutang pero panic ang dahilan kung bakit palubog ako ng palubog. 'This is the end...' I opened my eyes one last time and saw a shimmering light above me. My heart burst into nothingness and yet there was a small prayer in my heart. 'If you do really exist, take me now but don't make it too painful.' Ito lang ang tanging nasambit ko bago ako nawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD