PART TWO: HERO

2541 Words
THE HERO "Man was made to lead with his chin; he is worth knowing only with his guard down, his head up and his heart rampant on his sleeve." -Robert F. Capon *_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_**_*_**_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_**_*_**_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_**_*_* "Errol, tulong!" Narinig ko ang sigaw ng isang babae. Akala ko panaginip lang kaya pumikit lang ako at sinubukang matulog ulit. Ngunit palakas ng palakas ang sigaw. "Errol, ano ba 'yan?" ungol ni Angie, ang katabi ko sa loob ng tent. "Sino ba 'yan? Ang aga-aga..." Totoo talagang may tumawag sa pangalan ko. Napahilamos ako ng mukha at dali-daling bumangon at lumabas ng tent. "Erol!" "Anong problema?" Napikit ako nang matamaan ng sikat ng araw. "Errol, si Mars..." iyak ni Apple habang tumakbong palapit sa akin. "Nalulunod si Mars!" "Ano?" Napadilat ako nang makita sa di kalayuan ang isang babaeng lumulubog. "s**t! May phobia 'yan sa malalim na tubig. Sinong may pakana nito?" galit kong tanong. Nagkukumahog akong tumakbo papuntang lawa. "Bot!" pilit kong sumigaw habang nilalangoy ang posisyon niya.Kinabahan ako nang mawala siya sa paningin ko. Lumusong ulit ako sa tubig at ibinuka ang aking mga mata para hanapin siya. Nahihirapan na rin ako dahil lubog ang tubig. Umangat na naman ako para huminga nang malalim bago lumusong sa tubig. Kumapa ako sa dilim pero mga damo lang ang humahaplos sa aking mga kamay. "Errol, dito banda!" sigaw ni Paolo habang sinasagwan ang maliit na bangka. Lumusong ulit ako at nahagip ko ang katawan ni Bot ngunit mayroong bagay na naka kapit sa katawan niya. Pinilit kong patayin ang takot na nadarama at lumusong ulit ako at buong lakas na hinila siya. Nakikipabugno pa kami sa mga damo bago namin siya nahila paangat. Sumakay kami sa bangka at ginawaran ko siya ng CPR habang sumasagwan si Paolo papunta sa baybayin. “Breathe, Bot,” bulong ko habang nag pump sa dibdib niya. Wala pa rin siyang malay. Dali-dali namin siyang inilapag sa buhangin at ginawaran ulit siya ng CPR. Umubo si Bot ng konti at sumuka ng tubig. "Tumawag na ba kayo ng rescue?" tanong ni Paolo. Umiiyak na tumango si Apple at tumakbong palapit sa amin. "Mars..." "Anong sasabihin natin sa kanila Errol?" tanong sakin ni John na nangingig na sa takot. Lumingon ako sa mga babae at tahimik na umiiyak sa may gilid ng tents. Nangiginig ang boses kong nagsalita. "Sa tingin ko dapat nating itago ang totoong nangyari." "Ano?" galit na sagot ni Apple. "Tama si Errol," sagot ni Erik. "Suspect tayo lahat dito." "Eh bakit tayong lahat?" tanong naman ni Angie. "Sino ba ang nagpalubog kay Bot sa lawa aber?" "Si John at si Mitch," sagot ni Nina. “Akala ko biro lang…" Nanlilisik ang mga mata at walang sabi-sabing sinuntok ko si John na nasa tabi ko lang. "Pare, sorry...sorry....katuwaan lang naman..." nangiginig na sagot nito. "f**k you!" sigaw ko. "Pare hindi naming sinasadya," sabi naman ni Mitch. Isang suntok pa ang pinakawalan ko at nakita ko siyang natumba sa damuhan. Sumigaw ang ilang mga babae at hinawakan ako ni Paolo. "f**k you!" sigaw ko ulit. "Pangalawa na 'to..." Tatadyakan ko pa sana si John nang marinig namin ang isang ambulansya. "Mars..." hikbi ni Apple habang pinupunasan nito ang mukha ni Bot. "Ako ang bahala sa mga tanong," malumanay na sagot ni Erik. "Ang sasabihin lang natin ay nagising tayo sa sigaw ni Kristine." "Paano yung pasa niya mula sa pagkakatali?" tanong ni Nina. "Naglaro tayo kagabi at si Kristine ang taya. Nakatali siya at pilit niyang tatanggalin ito in less than three minutes," sagot ng lalaki. "Dapat uniform tayo kung hindi tayo lahat ang mananagot." Tila tood akong nakatayo habang pinanood ang mga rescuers naisakay si Bot sa ambulance. Nagtanong sila pero si Erik lang ang sumasagot. Umiiling ang mga rescuers habang tiningnan kami. "Teenagers na walang magawa sa buhay. Sana maging leksyon 'to sa inyo." Gustong sumakay ni Apple sa ambulance pero hinila ko siya papalayo sa sasakyan. Kailangan kong makausap ng masinsinan itong si Apple kung hindi - - Kahit nagtatanong ang mga mata ng aking mga kasamahan ay alam nila na kelangan kong ipaintindi sa best friend ni Kristine kung bakit kami magsisinungaling. "Apple..." mahinang sabi ko sa kaniya noong napansin kong malayo na kami sa iba. Doon humagulgol ng iyak si Apple at pinagsusuntok niya ako sa mukha habang impit na dumadaing ng, "I hate you Errol. Anong ginawa niyo kay Mars?" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero pilit siyang kumawala. Kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang yakapin siya ng mahigpit. "Apple..." Nagpipilit pa rin siyang kumawala at natakot akong baka mabali-an siya ng buto sa higpit ng yakap ko. “f**k you Errol..." iyak niya. "Crunch," tinawag ko ang nickname ko para sa kaniya, "makinig kang mabuti. Kailangan nating itago ang lahat sa kanila. Suspects tayo rito. Papasok pa lang tayo sa universities. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag pumutok ang issue?” Pilit pa rin siyang kumawala. "Ano nalang ang sasabihin ni Brody? Hindi ba may plano kayo sa ibang siyudad kayo papasok?" Humagolgol si Apple pagkabanggit sa pangalan ng boyfriend niya. Kinuyom niya ang basa kong sando hanggang sa maramdaman kong parang nasasakal na ako sarili kong suot. Lumayo ako konti at kinuha ang mukha niya at tiningnan siya sa mga mata. Alam kong galit at panlulumo ang nandon pero wala akong magagawa. I was a jerk! I was a d**k! I was a bully! "Crunch, I promise na gagawin ko ang lahat para protektahan siya sa future." Pinahid ko ang mga luha niya. "Takot rin ako at nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa kaniya. I promise to you that I will change my ways and protect her in the future. Hindi ko na siya sasaktan ulit." Suminok siya. "Ang hiling ko lang sayo ay itago lang natin ang totoong nangyari rito. Stick tayo sa sinabi ni Erik kanina. Please....please..." Nangingig na ang boses ko habang napaluhod sa harapan niya. Takot ako. Takot na takot. Naramdaman kong ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ko at sinabing. "Ngayon lang ‘to, Errol." *_* Sinalubong kami ng mga Bolivars at Sanchezes sa hospital. Si Erik ang tumawag sa kanila. Si Erik ang matatawag na sweeper sa mga kagaguhan ng grupo namin. Siya rin ang nag hack sa system sa skwelahan lalo na ang CCTVs at pinapalitan ito para walang ebidensya ang mga pinagagagawa namin. Hindi ko rin alam kung paano niya ginawa pero wala talagang pruweba na makikita sa social media sa mga kabulastugang nagawa naming since pumasok kami sa high school. "Errol, kamusta kayo ni Apple?" Niyakap ako ni mama. Lumingon ako kay Apple at nakita siyang humihikbi ng tahimik habang yakap-yakap ito ni Tita Carol. "Naku Errol pasensya ka na sa anak kong iyon,” malungkot na pahayag ni Tita. "Dinibdib talaga niya ang pag-alis ni Kent." Narinig kong naging malakas ang iyak ni Apple sa tabi ni Tita. Gusto ko siyang hilahin sa tahimik na lugar at sabihan siyang mag relax lang baka kasi sa tindi ng emosyon nito ngayon ay kung ano pa ang masabi niya. "Kamusta po si Bot, Tita?" nanginginig kong tanong. "Inaasikaso pa nila," sagot ni Tita Carol. Hinila ako ni Papa at niyakap ng mahigpit. Tinapik ako ni Kuya Raffy sabay sabi, "Magbihis ka muna Errol. Basang-basa ka na oh." Kinuha ko mula sa kaniya ang damit at pumasok sa banyo. Sumenyas ako kay Apple na patuloy pa ring umiiyak. Nakita niya ang pag senyas ko kaya sumunod rin siya sa akin sa may hallway malapit sa banyo. "Crunch, ang napag-usapan natin," sabi ko. Napakagat-labi siya ngunit nakatungo pa rin. Napasulyap ako sa kamay niyang nakakuyom. Tila maputla na ang kaniyang mga kamay sa higpit ng pagkakuyom niya. "Crunch..." tawag ko ulit. Ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Kinuha ko ang baba niya at tiningnan ang basa niyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya pagsisinungaling niya at galit ako sa sarili ko kasi hindi ko naman talaga kagustuhan ang humantong sa ganito ang lahat. "Crunch, nagsusumamo ako tungkol sa napag-usapan natin..." bulong ko. Nakita ko siyang napalunok. "Apple?" narinig ko ang isang boses lalaki. Lumingon ako at nakita si Brody na nagtatakang nakatingin sa aming dalawa ni Apple. Namilog ang mga mata ng babae at patakbong niyakap ang nobyo. Matalim akong tiningnan ni Brody habang sinasapo nito ang likod ni Apple. Wala akong magawa kung hindi ang panoorin ang mga bulongan nilang dalawa hanggang sa umalis sila. Napabuntong hininga ako ng malalim. s**t, hindi ko nakuha ang sagot niya. "Ang lalim niyan ah." Boses ni Kuya Raffy. "May problema ba?" Nagulat ako at napatingin sa kaniya at tumango. "Diba si Apple 'yon?" Tumango ulit ako. Kilala ng pamilyang Bolivar at Sanchez si Apple kasi palagi rin ito sa mga parties. Simula ng ma-break yung friendship namin ni Bot ay si Apple na ang pumalit sa puwesto ko. "Kayo ba ni Apple?" Napadilat ako sa tanong ni kuya. "Yung lalaking kasama niya ang boyfriend niya, si Brody. She's pretty but she's not my type." Tumawa si kuya. "Gising na siya?" takot na tanong ko. "Oo," tipid na sagot ni kuya. Gusto kong tumakbo palabas ng hospital. Gusto kong tumakbo palabas ng bansa dahil ganyan ako ka duwag. Pero sa banyo lang ako pumasok at nagbihis. Oo duwag ako pero simula ngayong araw ay gagawin ko ang lahat para maitama ang pagkakamali ko. Kahit na magsisimula ulit sa kasinungalingan. Pumasok kami ni Kuya Raffy sa kwarto at nakitang nakapalibot ang mga Sanchez at Bolivar sa kama ni Bot. Lumapit ako sa kaniya at parang mawawasaka ang puso kong nang makita siyang umiiyak habang nakatingin sa’kin. I would do anything - - every f*****g thing to win back her trust. To win her back! *_* "Bot, please forgive me," bulong ko sa kaniya habang nakaluhod ako sa harapan niya. Mga blangkong mata ang nakatitig sa’kin. Hindi ako nag-atubiling kunin ang mga kamay niya kahit na napaatras siya sa takot at napaupo sa kaniyang kama. Dalawang linggon simula ng makalabas siya sa hospital at araw-araw akong bumibisita sa kaniya sa loob ng mga panahong ‘to. Desperado akong ipakita ang pagbabago ko. Ginamit ko ang pagkakataong maging paborito ni Tita Carol kaya labas-pasok ako sa kuwarto niya. "Bot, alam kong I've been a jerk to you. Alam ko namang hindi magbabago ang mga nangyari kahit ilibing mo pa ako ng buhay,” impit ko. Tiningnan ko siyang may luha sa’king mga mata. “Give me another chance to set these things right. ‘Diba magkaibigan naman tayo noon?” Tumingin siya sa akin na walang emosyon at sinabing, "You ruined that friendship." Napayuko ako sa hiya. "Alam ko, Bot..." "My name is Kristine Linda," bulong niya. Tahimik na dumaloy ang mga luha sa kaniyang pisngi. Automatic na pupunasan ko sana ang malalaking butil pero umilag siya. Kaya ipinatong ko na lang ang aking kanang kamay sa mga nakakuyom niyang kamay. Kristine....I used to call her that before… Humiga siya sa kama at tumalikod sa akin. Senyales na ito na dapat na akong umalis. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. "Kristine?" tawag ko sa kaniya habang nakatingin sa pinto. "I won't give up on you, remember that." At lumabas ako ng kaniyang kwarto. I was a jerk and a terrible bully. Wala naman akong issues sa pamilya. I was loved by the Sanchez family too much.Spoiled ako sa atensyon at pagmamahal kahit ako ang bunso at puro kami lalaking anak. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan nagmumula ang kakayanan kong manakit ng iba. Maybe I was too spoiled rotten that I became like this. I hated what Kristine represent and I did not even know what she represented. I think it became worse nang makilala ko sina Erik, John, Mitch at Paolo. Ang tropang laging good time lang ang iniisip at hindi iniisip ang consequences ng mga pinagagawa namin. The only thing that we decided on was to have good grades para hindi magtaka ang mga magulang namin. It all started with harmless pranks and to be honest, hindi ko alam na naging bullying na. We could not even define the line between pranks and bullying anymore. It was so f****d up! Parang hinihiwa ang puso ko nang maalala ang mukha ni Kent na parang patay at ang mukha niyang maputla… "Hinding-hindi na mangyayari ulit iyon," bulong ko sa sarili at pilit na kalmahin ang kabog ng damdamin at sakit ng ulo. Hindi pa nga ako nakapasok sa bahay nang tawagin ako ni Mama Zennia papuntang kusina. Pasipol-sipol pa siyang naghahanda ng hapunan namin. "Alam mo ba kung ano ang nabalitaan ko ngayon mula sa Tita Carol mo?" excited niyang tanong. "Ano?" "Magpapa enroll na si Kristine sa Paradise University sa makalawa.” She gave me a winsome smile. "Kasi sinabi kong doon ka rin mag-aaral," tumatawang sabi ni mama. "Ano?" napatayo ako sa gulat. "Ma, you know that I’m planning to go Sunrise University.” Napahagikhik siya habang naghihiwa ng kamatis. "I just pushed Carol a little bit, iho. I told her na sa ParadU na ang final decision mo." "Ma!” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking mga pisngi. Matamis ang kaniyang mga ngiting sinabi, "Alam ko ang totoong nangyari sa lawa." "Po...?" gulat kong siwalat. "Pa-ano...anong ibig niyo pong sabihin, Ma?" "A little bird told me the truth when I prodded her." She smirked. "Si Apple?" galit kong tanong. f**k f**k f**k! Kakanta talaga ang babaeng iyon. "She's under my protection, iho." Matamis na ngiti pa rin ni Mama Zennia. "Do not – I repeat do not hurt or even touch her. I prodded her to tell me the truth and Apple is too innocent for boys like you." Napatiim-bagang ako sa takbo ng usapan. May namumuong galit sa diwa ko nang maalala si Apple at ang pangako niyang hindi niya sasabihin sa iba. "You're my son, Errol Jade." Biglang naging matigas ang tono ng pananalita ni Mama. “You enroll in ParadU kahit na iba ang courses or colleges niyo ni Kristine. Pero huwag na huwag mong sasaktan si Kristine during your college years. Magsilbi sanang leksyon ito sayo at sa inyong magkakaibigan na hindi okay paglaruan ang emosyon ng iba." "Mama, I can handle this one..."May duda sa tono ko. "Well, sa tingin ko hindi." Tinapik niya ako sa pisngi. "But I know you will be man enough to correct whatever mistakes you did. Hindi mawawala ang mga nagawa na pero sana hindi na ito mauulit." Dumiretso ako ng kuwarto at tiningnan ang social media account ko. I tried to locate Apple sa Facegram pero she deactivated her profile. I tried to search her email address pero hindi ko ma locate. I tried to get her number from other people pero hindi na rin siya ma contact. Fuck, I cannot place this blame on her this time. I groaned in frustration bago ko tinawagan si Kristine. Nasorpresa ako nang sagutin niya ang phone kahit na hindi siya umiimik. "Kristine?" panimula ko. "I heard na magpapa enroll ka pala sa ParadU. I'll be by your side no matter what happens, I'll try my best to help you and protect you from harm..." Narinig ko siyang bumuntong hininga at binabaan ako ng phone. Oh well...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD