October 2, 20XX
I saw him!
I saw the man whom I've been longing for the past years. Mervin Kent Michael Wing! Oh God, yung kamay ko nanginginig sa pagsusulat ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa – f**k, kita mo? Masyadong wriggly ang hand writing ko sa tindi ng emosyon ko.
Malapit na akong ikasal at masakal pero hiniling ko na sana masilayan ko man lang na maayos si Kent ay okay na. Blessing talaga na natanggap ako rito sa Velusca sa on the job training ko sa isa sa mga rehabilitation centers.
To be honest though, part of me still wished na sana may magbago...
May seminar kami rito sa Venetre Hotel, isa sa mga malalaking hotel chains sa Velusca. First day palang sa ten days na seminar ay medyo na bored ako ng konti kaya lumabas muna ako sa venue at nagpatingin-tingin lang sa ibaba (nasa fourth floor kasi kami). May dumating na lalaki papasok sa hotel and my heart suddenly knew it was him.
Gusto kong umiyak, Kent was too different from the high school years. I mean, nagkalaman na siya within these years compared sa pagiging payatot niya noon. I mean healthy talaga tingnan kahit hindi siya kasing-maskulado ni Errol. Shoulder length na rin ang haba ng buhok niya at parang hindi na siya nakasuot ng eye glasses. Ang hindi lang nagbago ay ang height niya.
I want to see him up close! I want to see the color of his eyes...
God, my heart is wrenching right now. 'Diba dapat kuntento na ako na makita siya kahit sa malayuan? Dapat maging masaya ako kasi nakikita kong okay siya? Pero bakit ang sakit sakit? Bakit yung puso ko parang nawawasak?
***
October 3, 20XX
I didn't see him today...
Guest ba siya rito? Saang room kaya siya nag stay? Baka naman may girlfriend na siya. Oh God, hindi ko na imagine. I'm a hypocrite 'diba kung masasaktan ako ng labis kung malalaman kong may iba na siya?
***
October 4, 20XX
Wala akong itatago sa nangyari sa araw na 'to. Alas onse ng gabi at bago lang ako nakabalik sa sarili kong kwarto. Mabuti nalang at wala akong roommate para walang magtatanong sa akin. Hindi ko pa nga natawagan si Mars tungkol rito, meaning, ikaw ang mauuna.
Kaninang umaga habang abala akong nag-iisip para sa group activity namin sa seminar, hindi ko namalayang nakapunta pala ako sa pool area. Hindi na ako naliligo sa pool (kahit sa bath tub) simula nung nangyari sa lawa. Medyo nag-freeze ako bigla sa takot. I tried myself to calm down and breathed evenly para ma relax ang katawan at isipan ko. Until tumingala ako at nakita ko ang gulat na mukha ni Kent habang nakatingin sa akin.
Nabigla ako at napaatras ng ilang hakbang hanggang sa mahulog ako sa pool. Nag black out ako dahil full flashback na talaga ang nangyari. Sa isang iglap nasa lawa na ako at sa mga sumunod na sandali nasa isang kama na ako.
I glanced up and saw Kent looking down at me. His green eyes probing into my soul and I shivered in fear.
Fear of waking up from this dream.
"Kent" tanging nasambit ko bago ko siya niyakap ng mahigpit.
Ako! Ako ang unang humalik sa kaniya, ako ang unang humaplos sa mukha niya at ako ang unang gumawa ng paraan para maangkin ko siya.
Kung morality ang pag-uusapan ay mali ang ginawa ko kasi ikakasal na ako. Pero sa isip at puso ko ay alam kung fraud ang relationship ko kay Errol. I do not love him at all. I just use him as a tool for my revenge...
"Iparamdam mo sa akin na hindi ka panaginip," bigkas ko habang ang mga labi namin ay sumasayaw sa ritmo ng pagmamahalan.
God, mga halik niyang namiss ko sa high school ay parang apoy na pumupukaw sa natutulog kong kaluluwa. Mga kamay niya na humihipo sa bawat sulok ng aking katawan ay nagbibigay init sa giniginaw kong diwa. And when he let our bodies become one...oh God...
Perfection lang ang tanging maisip kong description eh.
Nakatulog kami pagkatapos at una akong nagising at pinagmasdan siya. Napangiti ako kasi hindi pa rin gwapo si Kent. He was never going to be handsome in the future pero manly na ang dating niya. Kung sabagay, I never fell for his looks anyway.
I sighed. 'Okay na siguro 'to".
Umalis ako ng kwarto kasi takot ako.
Takot akong baka hindi happy ending ang kahihinatnan nito.
***
October 5, 20XX
"Linda."
My body shivered when I heard him call my name. Siya lang at si Lola ang tumatawag sa 'kin ng Linda pero iba talaga kapag mula kay Kent.
Kalalabas ko lang ng kwarto at papunta sana ng seminar (absent na ako kahapon) nang tawagin niya ako. Ayoko sanang lumingon kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. My God, it's been years since I've last seen him. Alam mo ang feeling na miss mo ang isang tao at gustong-gusto mo siyang makita pero hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo kapag nandiyan na siya sa harapan mo?
"Linda." Buo ang boses niya. "Won't you turn around and look at me?"
Cliché talaga.
Feeling ko Disney princess akong dahan-dahang umikot at tumingala.
Biglang pinitik niya ang ilong ko.
Ang mannerism niya sa akin, oh God!
And with his action I cried so hard – to hell with the seminar!
Nataranta si Kent at niyapos niya ako ng mahigpit. Binuksan niya ang kwarto ko at sumandal sa pinto pagkasara nito ulit. We just stood there, hugging each other in silence. He then took me to bed and made love to me gently again and again hanggang sa makatulog ulit ako.
Nang magising ako, nakita ko siyang nakalublob sa tub. Medyo nag-freeze ako ng konti pero ngumiti siya sa akin at sinabing, "Halika samahan mo ako."
Umiling ako.
With gentle eyes and voice he said, "I'm here Linda, you won't be hurt."
Napapaluha akong lumapit sa bath tub at nang nanginginig akong subukang ilagay ang isang paa. Hinila niya ako papunta sa kaniya. Napasinok ako at napakislot sa takot.
"Shhh..." alo niya."It's alright, you're doing fine... it's alright..."
Yumakap ako kay Kent at umiyak ng umiyak hanggang sa wala ng luhang pumatak. Takot ako – 'yong klaseng takot na naramdaman ko nung makita siya sa loob ng trunk. 'Yong klaseng takot na naramadaman ko nung nalunod ako.
"Sorry..." Sinok ko. "Sorry..."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nagso-sorry sa kaniya. Siguro nakokonsensya ako kasi kung hindi dahil sa 'kin baka hindi napahamak si Kent in the first place. Hindi sana siya umalis ng Namerna, hindi sana –
Hinalikan niya ang noo ko, ang mga matang basa sa luha, ang namumulang ilong at ang maalat kong labi.
'Save me please,' sigaw ng puso ko pero hindi ko alam kung na voice out ko ba kasi narinig kong sinabi niyang, "I'm here."
Alam mo feeling ko, ang buhay ko ay parang nawasak at nabuo nang makapiling ko ulit siya. He was definitely the one -
But I was getting married to someone else.
***
October 7, 20XX
To be honest, medyo nag-aalinlangan ako sa mga plano ko regarding Errol lalo na't nakita ko na si Kent. Feeling ko may konting guilt akong nadarama...
***
October 8, 20XX
I spent the rest of the days with Kent. Pumapasok rin naman ako sa seminars lalo na 'yong feeling ko importanteng topic talaga ang lectures.
Pero most of the time, namamasyal kami sa Velusca at sinusulit ang mga panahong hindi kami nagkita. Tinanong ko siya kung bakit hindi niya ako binisita sa Namerna at ang sagot niya ay, "Nagka komplikado kasi ang lahat."
Sinabi niya ang tungkol sa hiwalayan ng parents niya, ang adjustments niya nung nag-asawa ulit ang ina niya, nung rehabilitation niya sa kalusugan at late enrollment niya sa college. He was into business course lalo na't may plans ang family na kaniya ipapamahal ang chain of hotels sa Velusca.
"I thought you wanted to be an engineer," bigkas ko.
He smiled. "Nagbabago rin ang hilig ng tao. Pero I'll take engineering courses in the future para hindi ko rin iisipin ang what-ifs."
We spent the days being together and one time we drove around using motorbikes. Natutuwa nga siya kasi nakikita niyang magaling na ako at nasorpresa talaga nang malamang sumasali ako sa racing. Masaya talaga akong makapiling siya at ayokong mahinto ang mga sandaling iyon.
Pero all things have its own ending...
We were on his bed, naked and I glistened from his love making. Tumulo ang luha ko kasi naramdaman ko sa kaibuturan ko na matatapos rin 'to. Actually, tumawag si Mars kanina at sinabing mag-ingat ako sa pakikipag kita kay Kent (yes, nasabihan ko siya regarding sa aming dalawa) kasi pupunta si Errol sa Velusca. Susunduin niya ako sa makalawa. Surprise visit raw...
"What's wrong Linda?" he asked.
"Thank you Kent..." bulong ko.
"Saan?" he whispered back.
"Sa lahat-lahat," sagot ko. "Actually I'm getting married to Errol in three weeks."
God, hindi ko masabi kung ano ang nangyari pagkatapos. Ang alam ko tumakbo ako palabas ng suite niya na nakatapis lang ng kumot.
Halos hindi ko na makita yung penmanship ko ngayon dahil sa luhang pumapatak at feeling ko nabubutas na ang notebook sa pagkadiin ng pagkasulat ko. Gusto kong sumigaw, umiyak o tumalon mula sa building pero hindi ko kaya.
Ang sakit....Goddddd ang sakiiiitttt....tell me please, how can I end this pain?
***
October 9, 20XX
Hindi ko nakita si Kent buong araw. Understandable naman kasi ginamit ko siya para punan kung ano ang kulang sa akin..
Pero bakit ang sakit? Parang sasabog na ang ulo ko sa kakaisip kung ipagpapatuloy ko pa ba ang mga plano ko.
***
October 10, 20XX
Nasa restobar ako at kumakain ng snacks nang umupo si Kent sa harapan ko.
"I'm sorry sa inasal ko Linda," mahina niyang bigkas.
Gusto kong umiyak sa harapan niya kasi ako ang nagkasala pero ngumiti lang ako at sinabing, "Ako ang dapat mag sorry."
"Anyway, congratulations nga pala sa upcoming marriage mo," malumanay niyang sabi.
Gusto kong tingnan siya sa mga mata – mga matang nakatago ulit sa eyeglasses niya – para malaman kung ano ang nadarama niya. Pero ako ang nakatungo kasi nahihiya akong mabasa niya ang aking damdamin.
"Anong gusto mong regalo ko sa 'yo?" may konting ngiti sa tinig niya.
Iligtas mo ako mula sa lahat – sa sarili ko, sa sitwasyong ako ang gumawa, sa mga bangungot -
"Isang house and lot," biro ko.
Tumawa siya at sana may dala akong recorder or sana na video ko ang tawa niya para may marinig ako kapag dumating ang panahong nalulungkot ako.
"Ahhh alam ko na," sabi niya.
"Ano?"
"Motorbike!"
Namilog ang mga mata ko. "'Yong kulay red ha."
"Akala ko Hello Kitty designs." Natatawa pa siya.
Muntik na akong mapatili sa gulat nang makita ko ang mukha ni Errol sa harapan namin. Napulunok ako at ipinakilala sila sa isa't-isa. Feeling ko lumiit ang mundo, feeling ko nahihirapan akong huminga at natatakot akong atakihin ng anxiety lalo na nung magpaalam si Kent at naiwan kaming dalawa ni Errol.
And Errol used me thoroughly tonight. Feeling ko isa akong bayarang babae na ginamit niya. Ang dumi-dumi ko!
I know that he got jealous over Kent. Alam kong may pagdududa siya tungkol sa aming dalawa ni Kent pero ang gamitin ako parang isang puta ang hindi ko mapapatawad. Gago siya – I will definitely push through with my plans.
***
October 11, 20XX
I woke up early and pretended that every thing's alright. Nakita kong tulog mantika pa rin si Errol kaya lumabas ako ng room ko. Hindi niya alam na pumasok ako sa suite ni Kent gamit ang spare key na ibinigay niya sa'kin.
Nagbibihis si Kent ng mga sandaling iyon at nasorpresa siya nang makita ako. Pero mas namilog ang mga berdeng mata niya nang sabihin ko ang mga katagang, "Please f**k me. Please f**k me so hard that I lose consciousness."
Alam kong first time niyang marinig sa akin 'yon.. Gusto ko lang talagang limutin ang ginawa ni Errol sa akin kagabi.
Umiling si Kent, parang hindi makapaniwalang hiniling ko iyon. Tiningnan ko ang namumula niyang mukha, "Ito nalang ang hihingin kong wedding gift sa 'yo."
And something snapped inside him.
Hinila niya ako papunta sa working table niya. Ipinatong niya ako lamesa at hinubad ang suot kong shorts. Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal ang aking T-shirt at bra. Parang napapaso ako nang mahipo ko ang kaniyang matigas na dibdib. "Kent..."
At doon sa lamesa ipinamalas ni Kent ang isang area sa s****l relationship namin na hindi ko nadama noon.
I felt so alive with every hard thrust! I felt cleansed from his hard tugging, biting and kissing. Doon ko napagtanto sa bawat singhap, sa bawat sigaw ko na hindi pala marumi ang rough s*x kapag kasama ko ang taong mahal ko.
It was deliriously wonderful. And it was Kent who showed me the beauty of it.
Pagkatapos humupa ang bagyo ng aming mga emosyon, hinawakan ko ang ulo ni Kent at siniil siya ng halik.
Walang sabi-sabing tumayo ako at nagbihis. Gusto kong umiyak pero ayokong makita niya akong nawawasak kaya hindi ako lumingon ng lumabas ako sa kuwarto niya.
"One four three four four, Kent..." binulong ko na lang sa hangin ang mga katagang nais kong isigaw.
Sana man lang madala ng simoy ng hangin ang pagmamahal ko sa kaniya.
***
October 15, 20XX
Desido na ako sa mga plano ko!
I told Mars some of it at nagalit siya sa akin. Pero I'm too deep in this muck of anger, hatred, self-loathing, resentment, frustration and broken heart. It's either I hurt them deeply or pull a trigger on my head...
What's the difference diba? Might as well as bring them down with me in this.