Part Four:

1674 Words
Knight   "A hero can be anyone even a man doing something as simple as reassuring as  putting a coat around a little boy's shoulder to let him know that the world hadn't ended." -The Dark Knight Rises ******************************************************************************************************* Chapter 16 - Oh, It's Her I have seen her many times since she came to Paradise High. She always wore dresses or long skirts and she rode a bike. Siguro iyon ang nakapukaw ng pansin ko sa kaniya kasi girl with skirt tapos nagba-bike papuntang swkelahan. Hindi niya alam na nagkakasalubong kami sa daan minsan. I was intrigued by her pero wala akong ginawa para malaman kung sino siya. Kahit pareho kami ng eskwelahan, magkaiba naman ang mga hilig at focus namin. Nagkasakit pa ako at lumagpas ng dalawang taong recovery period kaya I came back for my senior high at twenty-one at siya naman at eighteen. Sabi ko sa sarili ko na baka destiny talaga na bumalik ako para hintayin siya. Kahit hindi niya alam ang presensya ko. Nagkataong nasiraan ang aking bisikleta at nakisakay ako sa motor ni Harold, isang club member, nang makita ko ang chubbyng babaeng naka bohemian skirt na hila-hila ng kaniyang bike. Tinapik ko si Harold sa balikat at sumenyas na mauna na siya papuntang skwelahan. Kahit nagtataka ay hindi naman nagtanong ang lalaki. Humabol pa ako ng panghihiram ng tools niya. Dali-dali akong lumakad patungo kay chubby girl pero at the same time hinay-hinay rin para hindi akalaing stalker or nananakot. Nagulat siya nang nilapitan ko siya. Damn, mali siguro ang approach ko sa babae. Tiningnan niya ang kabuoan ko at medyo na conscious ako. Alam ko namang hindi ako guwapo at hindi matipuno at masyado akong matangkad sa height kong 6'5". Feeling ko tuloy para akong higanteng nakatungo sa babaeng nasa harap ko. Hindi ko nga alam kung ano ang katangian ko bilang isang kaibigan o isang boyfriend. Well, the last time that I had a girlfriend was – since forever? I mean, naghiwalay kami ni Barbara kasi may nakita na siyang iba bago ako nagkasakit kaya rustic na talaga ang skills ko pagdating sa babae. Kahit nahihiya ay pinilit ko ang aking sarili na maging kampante. Nag-usap kami ng konti at itinago ng puso ko ang kakaibang galak.Tumatak sa aking isipan ang hitsura niyang lagi kong nakikita sa school even before nagkasakit ako. She was a chubby girl with long platinum blonde hair at maputi at flawless ang kaniyang balat. Pero I felt that we had connection in a deeper level na lampas na sa pisikal na anyo. I wanted to explore that connection kaya tinanong ko ang kaniyang pangalan. Pero tumakbo siya ng matulin papalayo sa akin. "Well, I guess next time na lang," malungkot kong bulong sa sarili. Medyo nasaktan ako sa ginawa niya at napangiti ng mapakla nang tiningnan ako ng ibang mga school mates at ngumisi pa sila. *** Medyo naka adjust na ako sa katotohanang we would never be friends ni chubby girl. Wala na kasing pagkakataong makausap ko siya. Alangan namang sirain ko ang bike niya para magpanggap na aayusin ito? Nasa club room ako at nagbabasa ng isang adventure book habang nakikinig ng psychedelic rock nang may pumasok na babae. Imagine my surprise ng mapagtanto kong hindi lang basta-bastang babae: si chubby girl na naka bikini ng ternong piglets. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon: ang maging masaya kasi nakita siya ulit o ma shock kasi nakita ko ang cute niyang katawang nakabalot ng cartoon character designed undies. We talked for a little bit hanggang sa tanungin niya ang pangalan ko. Salamat Lord at tinanong niya ang pangalan ko! Tumikhim ako. "Mervin Kent Michael. Ikaw?" "Kristine Linda," sagot niya. Ah, may pangalan na si chubby girl. Nag-usap pa kami habang hinintay ang bestfriend niyang magdadala ng kaniyang damit. Ngunit parang pinaglalaruan kami ng tadhana nang dumating ang assistant principal. Kaya hayon, suspended kami ng one month. Okay lang naman sa 'kin pero ang inaalala ko si Linda. She was supposed to be on the honor's list at hindi maka graduate ng may mga parangal. Nagkita pa kami a couple of times during the suspension period. And I fell deeper for her each time I was with her. "Gusto mong maging tayo na lang?" tanong niya. Napaubo talaga ako ng sobra sa sorpresa. Damn! Antagal-tagal kong nagplano kung ano ang mga stages ng panliligaw ang gagawin ko. Mga gestures na sweet para sa mga babae na ni research ko pa sa internet – since stone age pa ako last nagka girlfriend. Paano na 'to? "Saan nanggaling iyan?" tanong ko habang umuubo pa rin. Nag explain si Linda sa complicated relationship nila sa isang Errol Jade Sanchez. Ito 'yong lalaking mahilig mag pranks sa mga estudyanteng mapagtripan. Hindi na siguro alam ng mga ka grupo ng lalaking ito na bullying na ang ginagawa nila. I said yes. And my heart was so thrilled that I thought I would die that moment from too much happiness. I talked to her parents at alam ko ang expectations nila sa akin bilang first boyfriend ng eldest daughter nila. Madaling kausap si Sir Joel Bolivar pero hostile ang treatment ni Mrs. Bolivar sa'kin. At hindi ko siya masisisi kasi sino ba namang magulang ang matutuwa sa sinapit ng anak? Suspended at natanggal sa honor roll? Kaya nag double time ako para magpakitang-gilas sa pamilya niya. Kahit nasa part time job pa si Linda ay lakas-loob akong bumisita ako sa mga Bolivar. Napag-alaman ko rin sa aming pag-uusap ng ama ni Linda na mahilig pala siya ng mga bicycles at motorbikes nung kabataan niya. Mahilig din siyang maglaro ng chess. Kaya in no time, naging kampante kami sa isa't-isa. She changed her hair and she was still beautiful in my eyes. Kahit pa siguro magpakalbo siya or maging kamukha niya si Ursula sa Little Mermaid, it would not lessen my love for her. We dated regularly but we never kissed. And when we did? It was the sweetest kiss I've ever had in my twenty one years. I did not want to end it pero nag hesitate ako kasi baka matakot si Linda. Umatras ako ng konti at bibigyan sana siya ng space nang hilahin niya ako at siniil ng halik. From sweet to hot! I wanted to grab her when we felt wetness on our body. And we broke from our kiss, we saw Errol's friends hitting us with their water guns. Twenty-one na ako nun at alam kong teenagers lang sila kaya binigyan ko ng medyo mataas-taas na pasensya. The next days ay nakakatanggap ako ng threats. Minsan naman 'yong bicycle or motorbikes ang pinagdidiskitahan nila. Very childish talaga pero wala akong pakialam as long as hindi nila sasaktan si Linda. Tumawag siya minsan at magpapatulong daw sa assignment niya sa Math. I knew that she was intelligent at hindi kailangan ng tulong. We were in her room that night – her parents were out of town and Kassie was with her friends. "Miss you." Lambing ni Linda sa akin habang nasa kama niya kami. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa nauwi sa matamis na halik. Ang matamis na halik ay nauwi sa mapupusok na sandali hanggang sa natagpuan namin ang aming mga sariling walang saplot. I was her first and I regretted that she was not mine. "I love you..." sigaw ng puso't isipan ko nang magkayakap kami pagkatapos ng mga maiinit na sandali. Bakit hindi ko kayang bigkasin sa kaniya na mahal na mahal ko siya? Dahil ba alam ko na relationship of convenience lang ito? Dahil ba alam ko na baka si Errol ang itinitibok ng puso ni Linda? *** I made a deal with Errol and his friends na okay lang kung ako ang gawan ng pranks at hindi lang si Linda. Galit ako at kinompronta ko sila sa may likuran at nangako silang hindi na gagalawin ang club room basta papayag ako sa bucket challenge. At kahit alam kong medyo mahina ang katawan ko ay pumayag ako. And then I got sick again. Nahihiya nga ako kay Linda kasi halos siya ang nag babysit sa akin. Pero kinikilig naman kasi usually sa mga overnight stay niya ay nauuwi sa s*x. Feel na feel ko tuloy na inaalagaan ako ng aking asawa. Damn, siguro nagdediliryo na talaga ako! After I got hospitalized, nag-usap kami ni Papa tungkol sa health status ko. He was concerned about it kasi bumalik ang mga complications ko sa baga. Mahal ko ang aking pamilya at ayokong mag-alala sila sa akin. At mahal ko rin si Linda at ayokong maging burden ako sa growth niya as a person. Ayoko ring ma stuck up siya akin kaya gumawa ako ng paraan para mabigyan siya ng kalayaan. Meydo naguluhan siya sa sinabi ko lalo na yung terms na long distance relationship. Kung ako lang ang tatanungin ay gusto kong ipagpatuloy ang relasyon namin pero hindi ko hawak ang desisyon niya ukol sa aming dalawa. Humingi siya ng isang linggo para makapag-isip. Knowing from experience with Barbara, my ex, hindi na ako mag-eexpect ng positive na balita. Although I was really hoping na maging iba siya from Barbara. Little did we know na sa gabing iyon rin pala ako aalis. Everything was hazy that night. Ang naalala ko lang ay inapproach nila ako – silang limang magkakaibigan – may sinabi si Errol sa akin at biglang nilagyan ako ng sako sa mukha. "Don't hurt Linda..." Tanging naisip ko ng mga sandaling iyon. The next thing I knew was blackness. I cracked my eyes open and my father looked down at me and smiled. Malungkot ang mukha niya at humingi ako ng ballpen at papel. I told him to deliver it to Linda kung magkikita sila... "Sorry. You might want to go on without me but remember one four three four four. I will come for you in the future if you want me to..." I wanted to hug, kiss and make love to her one last time pero sa panaginip ko lang pala makakamtan ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD