Heroine's Diary
"You are strong but there are days you know that you've been broken beyond repairs and you can feel the hurt in the core of your being."
-Anonymous
******************************************************************
Chapter 14 - Memories Kept Alive 1
June 4, 20XX
Maghihiganti Ako!
Hinding-hindi ko masusukat ang kamuhiang nararamdaman ko ngayon. Nakabalik na kami galing hospital at pinagalitan na naman ako ni Mama Carol dahil sa katangahan ko. Dapat pa raw magpasalamat ako kasi si Errol ang nagligtas sa akin.
Pilit na bumabalik sa aking mga alaala ang takot na naramdaman ko noong nalunod ako. At pilit na bumabalik sa aking diwa ang hitsura ni Kent sa loob ng trunk at noong hindi ko maramdaman ang kaniyng pulso.
Kent...
Mervin Kent Michael Wing – I love you, please come back to me! Nagsisisi ako kasi hindi ko nasabi sa 'yo na mahal na mahal rin kita.
Bakit ba tila naririnig ko ang pagkabasag ng puso ko habang sinusulat ko 'to ngayon? Nababaliw na siguro ako at sa tingin ko walang ibang nakakaintindi sa akin. Kahit si Mars...
Umiiyak siya sa akin kahapon kasi hindi niya raw nasabi kina Mama at Papa ang tungkol sa lawa.
"Bakit?" tanging tanong ko.
"Mars, natatakot ako," bulong niya.
"Pero hindi ka natakot na makita akong lumulubog?"
Humagulgol siya at pilit akong yakapin. "I was so scared. Hindi ko alam kung paano kita ipaglalaban sa totoo lang."
I looked at her. "Then if someone asks you then you tell the truth."
Napakagat-labi siya. "Okay, I will, I will...promise 'yan."
Tumango lang ako at humiga ulit sa kama bago pumikit. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking mga mata.
Magbabago ang takbo ng aking kapalaran at isusulat ko ito sa notebook na i-aalay ko kay Mervin Kent Michael...
Oh God, Kent asan ka na?
***
June 10, 20XX
Nababagot na ako pero ayokong lumabas. Gusto kong mag motor pero hindi pa yata kaya ng katawan ko. At lalong hindi nakakatulong ang palaging pagbisita ni Errol dito sa bahay. I hated that Mama let him come in my bedroom. Pati ba naman sa sarili kong kwarto ay wala akong privacy?
But nakapaghiganti na rin ako sa level na 'yan in my own way. Kent and I made love for the first time here in my bedroom nung nagkataong nag out of town sina Mama't Papa at andon si Kassie sa mga kaibigan niya.
I was a virgin but Kent was not. Hinding hindi ako nagsisisi na sa kaniya ko ibinigay ang first time ko. Galit na galit ako kay Mama noon kasi panay negative comments ang pinagbibintang niya kay Kent. Why can't she see that I was half in love with Kent already?
Even now, remembering his hands and lips on mine made my insides tremble. At first masakit per na appreciate ko ang physical intimacy namin kalaunan. At naulit pa ito ng makailang beses –
I missed him so much...
Kent....Kent....
***
July 5, 20XX
Sabi ni mama sa Paradise University raw ako mag-aral kasi andon si Errol. I wanted to get out and follow Mars sa Sunrise or go to Velusca (baka mahanap ko pa si Kent roon) pero hiniling ni Papa na dito lang daw muna ako. Pumayag ako dahil kay Papa.
Tumawag si Errol para ibalita sa akin na hindi niya ako iiwan blah-blah-blah. Maniniwala lang ako kung maibabalik niya ang nakaraan o mahanap niya si Kent!
***
September 20, 20XX
I adjusted well naman sa college life. Psychology ang kinuha ko at sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ito 'yong course na sinubukan ko. Sana engineering na lang in memory of Kent kasi iyon ang gusto niyang kunin.
Well, si Errol parang asong ulol na sunod ng sunod. Tinutukso ako minsan ng mga kaklase ko na masugid ko siyang manliligaw at kawawa naman kung paaasahin ko lang. Gusto kong isigaw sa buong mundo na ayoko sa atensyon niya pero well...
Wait..
Wait a minute!
Nagkaroon ako bigla ng idea...
Why not, paibigin ko siya? I mean make him fall in love with me then crush his heart? Why not? s**t, bakit hindi ko 'to naisip noon?
***
October 8, 20XX
Sige Errol, sunod ka lang ng sunod.. malapit na kitang makuha...
***
October 14, 20XX
Bumisita si Mars! At least happy akong makita ang best friend ko. She stayed with me for a couple of days at ni minsan hindi ko siya nasabihan sa mga plano ko. Hesitant ako kasi nakita ko ang interaction niya with Errol. May something akong naramdaman sa kanila pero hindi pa confirmed...
***
October 15, 20XX
Sabi ko na nga bang may something fishy dito kay Mars at Errol. I saw her at Errol's apartment kaninang umaga. Sabi pa niya na naparaan lang daw siya. Don't tell me may affair ang dalawang ito? I remember na nagka crush rin 'tong si Marsk kay Errol sa fifth grade pero naibaling dito ang atensyon ng grupo at siya ang nagpagdiskitahan kaya hindi na lumalim ang feelings niya kay Errol.
Gagawin ko ang lahat para hindi ulit masolo ni Errol si Mars. Mas gusto ko si Brody for her. I mean, alam kong they love each other pero pero baka may plano si Errol sa kaniya.
I won't let him take Mars from me.
***
October 17, 20XX
Mars told me that John died – suicide ang dahilan. Isa siya sa mga kaibigang bullies ni Errol. I don't feel anything at all. Naalala ko ang mukha niyang tumatawa pa noong hinanap ko si Kent sa sasakyan nila. He had the most evil laugh sa kanilang lahat.
Kent, bakit hindi ka na nakipag communicate sa akin? Anong naging kasalanan ko? Was I a mistake to you?
God ang puso ko parang sasabog kapag naalala siya...siguro galit lang ang dahilan para hindi ako mag break down rito.
***
November 15 20XX
Birthday ni Tita Carol and siempre andon na naman tayo sa bahay ng mga Sanchez. Sa totoo lang ayokong pumunta roon kasi andon na naman si Mama at nakakahiya na ang pagiging aggressive niya para i-push ang relasyon namin ni Errol. Hindi pa ba sapat na andito na ako sa Paradise City nag-aaral? Hindi pa ba sapat na pareho kaming skwelahan ni Errol? Hindi pa ba sapat na pader lang ang pagitan namin ngayon? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para tantanan ako ni Mama?
Nung mapansin niyang hindi ko masyadong kinikibo si Errol – kasi naman obvious na minsan lang makita ng lalaki ang pamilya nito – hinila ako ni Mama sa tabi at pinagalitan.
"Ano ba Kristine?" galit niyang bulong. "Wala ka bang respeto sa mga Sanchez? Don't tell me at this time ay si Kent na naman yung iniisip mo?
"Mama why are you bringing up his name if you don't like him?" I shot back.
Namula si mama sa galit at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Nanlilisik ang mga mata niyang sinabi, "Don't try me Kristine..."
"Anong makukuha ko kapag naging kami ni Errol?" Naiinis na ako sa sarili kong ina.
"You will be a good daughter by then," sagot niya.
I was the one who asked Errol na dapat sigurong i-try namin ang 'romantic' relationship. Para somehow pagbigyan na rin ang kahilingan ng dalawang angkan. Just like what I did with Kent – ako ang gumawa ng paraan para magka boyfriend.
I actually never expected that Errol would kiss me.
And all I could think about was Kent...
***
December 25, 20XX
Paskong-pasko at malungkot ang puso ko. I'm here in my room listening to music – the typical na ginagawa ko kapag nasosobrahan na ako sa bunganga ni Mama. Binasa ko rin ang ibang mga diaries ko since elementary at napapaluha minsan kasi sayang pala 'yong friendship namin ni Errol before.
Puro dark and dreary pala ang laman ng diaries ko. At feeling ko natatrayduran ako sa sarili kong pamilya kasi hindi sila nakinig na nasasaktan ako. Until I met Kent...
Kent, nasaan ka na? Ilang pasko na ang nagdaan at alam mo ba bumibili pa rin ako ng regalo para sa 'yo? Sana naman okay na ang health mo diyan sa Velusca or nasa Velusca ka pa ba?
Nasasaktan ako Kent kasi hindi mo man lang ako pinagbigyan ng pagkakataon na maisaayos ang relasyon natin. I would have said yes doon sa long distant relationship pero umalis ka bigla.
Kent, sabi mo babalikan mo ako sa future kung gusto ko. Kent, boyfriend ko na si Errol pero ayoko. Ayoko sa mga halik at yakap niya. Please naman oh...balikan mo ako Kent. Kung totoo si Santa Claus, 'yong wish ko lang ay mabalikan mo ako bago –
***
February 14, 20XX
God, ang hirap talaga magpanggap na maging sweet kung ang puso mo ay bitter! Valentines day pa naman ngayon.
Kent, tinitingan ko ang mga pictures natin. Bawat haplos ko sa litrato ay siya ang dasal ko na sana balikan mo ako. Sa bawat patak ng luha ko ay siya ang pagsusamo ko sa tadhana na magkita ulit tayo bago paman ako malunod sa putik na sitwasyon na ako ang gumawa.
Every day nahihirapan ako lalo na kapag nakikita ko si Errol. Sa bawat halik na ibinibigay niya at ibinibigay ko ay siyang sakit na nararamdaman ko kasi ikaw, eh. Mukha mo ang nakikita ng aking puso at isipan.
KENTTTT!!!!!!! Kunin mo ako rito please....!!
***
May 21, 20XX
I gave myself to Errol this night at...oh God, I'm so sorry, I really hate myself. Galit ako sa sarili ko, galit ako sa kaniya, galit ako kay Kent kasi hindi siya bumalik at galit ako sa mundo!!!!!!!
It's the ironic diba? I study Psychology pero sarili ko hindi ko matulungang intindihin kahit ano pang theories of personality ang ipakain sa akin.
Siguro na overwhelmed lang talaga ako kanina sa double date namin with Mars and Brody. Kent and I used to do that at feeling ko...
Ang sakit –
I feel so guilty kasi kusa kong ibinigay ang katawan ko sa kaniya kahit hindi ko siya mahal. Pero ano ang una niyang sinabi pagkatapos niya akong makuha?
Sabi niya, "Mas magaling ba ako kay Kent, Kristine?"
Gago siya!
Alam kong mangyayari at mangyayari ang s*x with Errol pero sa bawat haplos ay iisipin ko nalang na si Kent siya. Pero magbabayad siya sa ginawa niya sa akin ngayong gabi.
***
May 23, 20XX
I called someone para ipalabas na ang isa sa mga panakot ko sa grupo ni Errol. Nagkataon lang talaga na may kaibigan akong hacker at isa sa mga na-bully nila noong high school. Ayokong sabihin dito kung sino baka kasi mabasa 'to in the future at malaman pa nila.
Nilista ko sila, 'yong mga nakaapekto talaga sa akin at sa karamihan. Para silang mga kutong dapat isa-isang tirisin.
Sa totoo lang hindi naman ako ganito ka vindictive pero 'yong makita si Kent na parang patay at near death experience ko ang nakapagpabago sa akin. Hindi patas para sa kanila na hindi man lang nila maranasan ang kahit katiting na takot o sakit mula sa bullying nila noon.
X na sa listahan si John dulot ng suicide.
Sino ba ang susunod? What about the married guy? Si Paolo...
Mabuti nalang talaga at may nahagilap kaming isang video mula kay Jane. Ang babaeng inulublob ang mukha ko sa inidoro at hinubaran ako in public. Gusto niya ng hubaran, well why not 'diba? This is hitting two birds with one stone.
***
June 29, 20XX
Another surprise for Jane at Errol. Gagong lalaki akala niya ito lang ang matitikman mo? Wait for the finale baby.
Ang hirap magpanggap ng isang mabuting girlfriend. Heto tuloy nakapag 'I love you' at 'I will marry you' si Errol.
I did not expect his reaction at all.
***
July 6, 20XX
I said yes.
I told my parents about the proposal at si Mama ang masaya. I'm not pretty sure kung ano ang nangyari sa kaniya sa dalaga pa pero parang may hang ups talaga siya sa Bolivar at Sanchez merging into a family. Siya ang atat na atat to the point na parang unhealthy na.
Pero well, I'm a good girl so pagbibigyan ko siya...as of now.
***
July 10, 20XX
I just went driving for a while. Ang sarap sa feeling ang mag drive ng motor, feeling ko lumilipad ako kapag mabilis ang pagpapatakbo ko. Gusto kong umalis muna sa kanilang lahat at magmuni-muni sa desisyong nagawa at gagawin ko pa.
Sinabi na namin sa dalawang pamilya ang tungkol sa engagement. Gusto kong magwala kahapon nang biglang over na naman ang reaction ni Mama at idinamay pa ang pangalan ni Kent.
At gusto kong tumalon sa tuwa ng mag desisyon si Papa na balik ako sa bahay! At least doon ako sa sarili kong kuwarto kung saan mayayakap ko ang alaala ni Kent...
I'm sorry Kent pero kailangang gawin ko 'to. Hindi ka dumating...