Chapter 13 - It's not like the Movies

1721 Words
Napakunot-noo ang pastor sa isinagot ni Kristine kaya tinanong niya ulit ang babae. Ngumiti pa rin si Kristine nang sinabi niya ang, "I do not want him to by my husband. I will never ever be the wife of this asshole." Muntik ng mabilaukan ang pastor nung marinig ang sinabi ng babae. Napalingon siya sa akin at napabaling ulit kay Kristine. Nagtataka at hindi alam kung ano ang gagawin. Parang biglang sumikip ang simbahan, parang feeling ko sabay-sabay na nagsasalita ang mga tao pero hindi ko sila marinig. Kinapa ko ang puso ko para siguraduhing andito pa rin. Andito nga sa tamang lugar niya pero bakit tila dahan-dahan itong nawawasak? I bowed down my head and simply asked, "Why?" But she just chuckled as if everything she said was a whole joke. "Why?" this time malakas na ang boses ko. She just shrugged and threw the bouquet on the floor and started to walk away from me. "Kristine!" sigaw ni Tital Carol. "Anong kalokohan 'tong pinagagawa mo? My God! Babae ka, huwag mo kaming ipahiya sa lahat ng mga bisita." Kristine's smile faded and then what I saw made me crumble. Ito 'yong expression niya kapag binu-bully namin siya noon – 'yong tipong gustong maghiganti. Revenge! Fuck! Was this her revenge on me? Napaluhod ako bigla at napahilamos sa mukha ko. Naramdaman ko si Kuya Raffy na lumuhod sa tabi ko at hinila ako para yakapin. All those years... Fuck, f**k, f**k! Nangangatog ang mga tuhod ko at pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Hinang-hina ako sa tindi ng realisasyon. Hinila ako ni Kuya Raffy para sumandal sa kaniya. Pinilit kong tingnan si Kristine. "Kristine, you never loved me at all..." She looked at me with determination in her eyes. Lumapit si Apple sa kaniya at hinila ang kaniyang kamay, "Mars, tama na please..." Kristine looked at Apple with irritation at napaatras ng konti ang best friend niya. Then she stepped forward and looked down at me. "Masakit ba Errol? Masakit ba ang pinaglaruan ang damdamin?" "God, I told you I'm sorry, didn't I?" Hindi ko maiwasang mapasigaw. "Hindi pa ba sapat ang mga taong ginugol ko para mapatawad mo ako?" "Errol hinay-hinay lang nasa simabahan tayo," bulong ni Kuya Raffy sa 'kin. Tinulak ko si Kuya at tumayo ako. "Is this what you want? Sana hindi mo nalang dinamay ang mga pamilya natin! Sa akin ka na lang magalit." But I did not see any remorse from her. Instead she smirked at me. "Remember this day, Errol. If you are hurt then it's nothing like what I experienced from your hands. I remember the days you bullied me – us, like I remembered the night you almost killed him, like I remembered what happened at the lake." "Kristine!" Hinila siya ni Tita Carol at sinampal sa magkabilang pisngi. "Hindi ka na naawa sa amin." Tumakbong lumapit si Tito Joel at niyakap ang asawa kasi akmang sasabunutan nito ang anak. Nakita kong malungkot ang mukha ni Tito at mahinang tinanong, "Bakit iha? Bakit iha?" "I'm sorry Papa kung umabot sa ganito," tanging nasambit ni Kristine. "Pero hindi ko na kaya. It's either this or suicide." "Sana namatay ka na lang!" Hindi mapigilang humagulgol ni Tita Carol. Fuck! I saw her staggered at her mother's harsh words. Kahit anong sakit ang nagawa ng isang anak, mas masakit pa rin ang makatanggap ng ganoong klaseng mga salita. Kristine almost died at the lake. She fought for her life at ngayon, makakarinig siyang sana namatay na lang siya galing sa ina? It really hurt her that tears flowed from her baby blue eyes. Eyes that used to look at me fondly. Or so I thought. Lumapit si Mama at Papa para amuin si Tita. Tahimik lang si Kuya Diego habang inalo si Kassie. At nakayuko ang mga kaibigan ko at napapaluha na rin sa mga nangyari. Si Kuya Diego naman ay natameme lang at ang mga kaibigan ko ay napayuko sa hiya. Yakap -yakap din ni Brody si Apple habang humagulgol ito sa gilid. "Kristine, we're disappointed with you," mahinang sabi ni Papa. "Sana sa private nalang natin 'to pag-usapan. Kung ayaw mo kay Errol, pwede naman sanang privately mo ito ginawa." "Kristine apologize to everybody now," giit ni Tito Joel. "I will not." Her expression was soft but her voice was stern. "I tried to tell you many times before that he was hurting me but you kept on pushing his presence on me. I can't stand it anymore..." "Simula sa araw na 'to ay wala na akong anak na Kristine Linda!" sigaw ni mama, "I hate you so much and wished that you were dead!" "Carol," alo ni Tito Joel, "huwag namang ganiyan." "As you wish, Mama." Nag bow pa si Kristine sa mga magulang. "From this day on, I won't be your daughter anymore." The scene broke my heart. "Kristine..." Naging mellow ang aking boses. "I understand you. God, I understand how you feel pero sana sinabi mo sa akin ang totoo. We should have talked about this." "That's the thing Errol." She smiled weakly and her voice faltered. "We never talked about what you did, what happened." Oh f**k! I remember the words from my friends regarding open communication. Then I glanced at her. "Nagpadala ako ng sulat sa 'yo, binasa mo ba?" "I burned it without opening it." She shrugged. "Kristine, doon ko ipinaliwanag lahat-lahat." Halos malunod na ako sa sarili kong mga luha. "Walang makakapagpabago sa desisyon kong ito," sagot niya. "Si Kent, 'diba?" natanong ko bigla. Nakita kong napatingala si Tita Carol. "You changed since you met him in Velusca!" "Nagkita kayo ni Kent?" galit na sigaw ni Tita Carol. "You slut!" Akma nitong susugurin si Kristine pero napigilan ito ni Tito. "Mare, let's calm down." Alo naman ni Mama. To my surprise, wala masyadong kibo si Mama sa mga pangyayari. I expected her to fight for me. Pero alam niya ang totoong nangyari sa lawa and she was trying her best na maging close ako kay Kristine after the incident. I knew that she wanted me to fight my own battle this time. "Sinabi ko naman sa 'yo Joel na ibang-iba na si Kristine simula't-simulang makilala niya ang Kent na iyan." Tita Carol was hysterical already. "Ayoko sa lalaking iyon. Dapat si Errol ang mapapangasawa niya." Nakita kong napayuko si Kristine at napahagulgol sa kaniyang mga palad nang mabanggit ang pangalang Kent. Gusto kong lapitan siya pero pinigilan ako ni Kuya Raffy. "Itigil ang kasalang ito!" Umalingawngaw ang isang sigaw. Natahimik kami bigla at kahit si Tita Carol ay napatingin sa entrada ng simbahan. "Linda!" Isang boses na may otoridad Linda. Isang katagang binanggit ni Kent ay nagbago ang anyo ni Kristine. Doon ko napagtanto na mahal niya ang lalaki. Kent was the love of her life in high school and it never changed. When Kent saw her he just simply opened his arms and smiled. "Tama na Linda, please don't go on hurting other people..." And Kristine ran blindly towards his embrace. He caressed her hair while murmuring something and she just nodded while hugging him tightly, afraid of letting go. Lumingon si Kent sa amin at sinabing, "Sorry but I have to take Linda now." Nanginginig na umiyak si Tita Carol. "Ikaw ang dahilan..." Tumalikod ang dalawa – her petite and fragile form against his large and tall frame – at naglakad palabas ng simbahan. Nilingon ako ni Papa at ang mga mata'y waring nagsasabing, One last try. Adrenaline rushed into me at parang bigla akong natauhan. I dashed towards the door at the same time seeing them on Kent's motorbike. Tinakbo ko ang hagdanan at sumigaw ng, "Kristine Linda Bolivar – mahal na mahal kita kaya sana maging maligaya ka." Kent glanced at me and nodded but Kristine never looked back. *_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_**_*_*_*_*_*_*_*_*_* "Tita i-uuwi ko lang 'tong mga gamit ni Kristine," sabi ko dala ang isang box. Pero walang gana si Tita Carol at sinabi lang sa akin na, "Patay na ang eldest ko." "I-akyat mo na lang iyan Errol," mahinang sagot ni Tito Joel. Paakyat na ako sa second floor nang makasalubong ko si Kassie. Napahinto siya nang makita ako at napayuko. "Kassie, gusto mong bumisita sa bahay? Andon si Kuya Raffy, kinukumusta ka nga niya eh," mahina kong sabi. Napalunok siya at umiling. "Salamat Kuya pero medyo busy ako sa school projects." Alam kong nahihiya na silang magpakita dahil sa ginawa ni Kristine. Kahit na binibisita sila ng mga Sanchez, may pader na sa relasyon ng dalawang pamilya. At hindi ko sila masisisi – Pumasok ako sa kwarto ni Kristine at muntik nang mapaiyak. Palagi ako rito noon, pilit na manghimasok sa buhay niya kahit ayaw ko at kahit ayaw niya. I hated her with so much passion back then pero masakit pala nung ako naman ang kamuhian niya. I bullied her many times but she handled it with fierceness. Nung gumanti siya sa akin – one time lang pero catastrophic ang dating. I looked at the posters on her wall – from boy bands to actors to anime characters. May mga pictures rin nila ni Apple since fifth grade hanggang sa biking competition na sinasalihan nila. Inilapag ko ang box na dala ko sa sahig at napa upo sa kama niya habang pinagmamasdan ko ang mga gamit niya. Alam kong hindi na bumalik si Kristine rito since nangyari ang insidente sa simbahan four days ago. Nahagip ang mata ko sa drawer niyang may lock. Hindi ko alam kung bakit sinubukan ko ang kombinasyon ng lock: birthday niya, graduation day, birthday ko, anniversary namin, araw ng kasal pero hindi pa rin mabuksan. Alam kong hindi tama pero hindi ko talaga alam kung bakit may nag-udyok sa akin na buksan ito. Wala sa loob na petsa nang pagkalunod niya sa lawa ang ginamit ko. Click. Binuksan ko ang drawer at nakita ang isang malaking notebook na kulay silver at may letrang "L" na nakalagay. L? Was this supposed to be "Linda"? Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang notebook at nakita ko roon ang dalawang pictures nila in high school na kinuha mula sa isang photo booth. 'Yong isa halatang punit-punit na talaga at scotch tape lang ang naka dikit. Fuck, ito 'yong pinunit kong picture noon. Ayoko sanang basahin pero hindi nahagip ng mata ko ang mga salitang "Maghihiganti Ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD