Chapter 18 - It's Always Been Her

2319 Words
Kristine Linda Bolivar was out of my life for good. I had to face the music that there was no possibility of us. Kaya ginugol ko ang ilang mga araw sa trabaho at pag-aaral. Being busy was another way to forget her aside from booze and s*x. One late night may tumawag sa akin na unregistered number. "Hello?" "Kent?" boses ng isang babae. "Yes?" kunot-noo kong tanong, "May I know who's on the line please and where'd you get my number?" "Si Apple 'to," sagot niya, "kinulit ko si Brody..." "Oh, Apple napatawag ka? Kamusta na? Kamusta si Brody?" Medyo nag-atubili ang babae. "Ahmmm...actually hindi alam ni Brody na tumawag ako sa 'yo. Hindi nga niya alam na kinuha ko ang number mo mula sa phone niya." "What?" medyo sorpresa kong tanong. "It's really important Kent," naiiyak niyang sabi. "Si Mars..." Bigla akong kinabahan. "May problema ba kay Linda?" Halatang napapaluha si Apple base sa tono ng pananalita niya. "I'm begging you, please save my bestfriend!" "Anong ibig mong sabihin Apple?" Naguguluhan ako sa pinagsasabi niy. "'Diba ikakasal na siya? Bakit hindi ka tumawag kay Errol?" "That's exactly what I'm talking about," she cried. "Iligtas mo siya mula sa gagawin niyang paghihiganti kay Errol." "Hindi kita maintindihan," sabi ko. "Kent, listen to me carefully," she said. "Dinibdib ni Linda ang nangyari sa'yo. Nag-alala kaming lahat sa kaniya. I felt guilty kasi iiwan ko rin siya at aalis kami ni Brody papuntang Sunrise City. Walang mag-aalaga sa broken heart niya, wala siyang kaagapay." "Go on." I urged her. "Pinilit siya ng mama niya na sumama kami kina Errol at sa grupo niya na mag camping. And then an accident happened." Biglang naging malumanay ang tinig niya. "Apple?" tanong ko pero umiiyak na ang babae. "Apple, ikuwento mo sa akin." "Someone...they...some of Errol's friends..." she gasped. "They tied Mars to a life saver and let her float on the lake. Pero – binutasan nila ang salbabida. Nalunod si Mars, Kent. Errol and the group tried to save her at muntikan na talagang malagutan si Mars ng hininga. I was so afraid that I'd lose her at that time pero napilit ako ni Errol at ng kaniyang grupo na manahimik na lang." Kaya pala. Now I know kung bakit hindi basta nakaahon si Linda mula sa pagkahulog sa pool at kung bakit takot siyang pumunta sa bath tub. Akala ko slightly phobic lang siya sa tubig base sa mga sinabi niya sa akin noong high school. Hindi ko inaasahan na nalunod pala talaga siya. "No one believed her when she tried to tell them the truth, Kent," iyak ni Apple. "I was guilty and felt that I was one of the accomplices sa crime. Feeling ko nga na simula noon medyo nagbago na ang tingin ni Mars sa akin at sa aming relasyon." "Hindi ba siya pumunta ng therapy sessions?" tanong ko. Kahit hindi ko kita ay alam kong umiling si Apple. "Parang hindi kasi hindi naman siya nakakabanggit tungko sa issue regarding sa nangyari sa lawa. Since tumuntong siya ng college ay hindi na naming pinag-usapan ang regarding sa bullying at ang muntik na niyang pagkamatay. I knew that she was not suicidal pero alam kong one day sasabog siya. I should have known from those little incidents..." "What incidents?" curios na talaga ako. "Lahat ng mga andon sa insidente sa lawa ay affected in a way or two. Nag-suicide ang isang kaibigan ni Errol. Depression naman ang nangyari sa iba. Mars' focus was towards those made a great impact on her in high school." "She confronted them?" tanong ko. "She became vindictive." Napalunok siya. "She let the s*x video of Paolo, Jane and Errol be released. Mga taong nanakit sa kaniya noong high school..." "Oh God," nabulong ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng balita. "How did you know about all of these?" Umiyak siya. "Kasi kasama ako sa plano ng paghihiganti Kent. Ayoko sana pero every time – every f*****g time – na maalala ko ang hitsura ni Mars na nalulunod at putlang-putla nang I-ahon nila mula sa tubig ay kumukulo ang dugo ko sa galit. I understand her loathe towards Errol and his friends and her family and all the people around her... "Alam ba ni Brody 'tong mga sinabi mo sa akin Apple?" mahina kong tanong. Umiyak siya. "Hindi ko kaya Kent. Baka kamuhian niya ako. Pero huwag mo akong intindihin, mas importante ma iligtas mo si Mars mula sa sarili niya. She told me today na may grand finale daw siyang bibitawan bukas sa kasal and I'm scared seeing the hatred in her eyes." "Oh Linda..." "Sa totoo lang, okay lang sa akin kung masaktan niya si Errol." Sinok niya."Pero babalik 'to sa kaniya. The revenge will boomerang on her because she's not good at this. Deep inside she's a girl who got traumatized and never had the chance to heal." "Kailan ang kasal?" biglang natanong ko. "Bukas ng hapon." Napalunok siya. "Please Kent, iligtas mo si Mars sa lahat ng 'to kung mahal mo siya." "I guess I'll start packing my things." I sighed. "Kent, salamat ha..." naiiyak niyang sabi bago ibinaba ang tawag. Tila nagsiklaban ang adrenalin ko sa buong katawan. I called the airlines para magpa book pero puno na at maraming waiting list para sa chance passenger. Doon ako tinamaan ng kaba. Napatawag ako kay lolo at humingi ng permiso na gamitin ang private jet niya. "Sa Namerna ka pupunta?" inaantok na tanong niya. "Opo, Lo," sagot ko. "Importante lang talaga." "Okay." Kinabukasan, dumating ako sa residence ni Lolo para maagang maka biyahe. At inatake ako ng kaba nang makita ang malungkot na mukha ni Lolo."I'm sorry iho pero under maintenance pala ang jet." "W-wala ka bang mahihiraman?" Halatang nanginginig na ang aking boses. "Upo ka muna iho," alok ni lola. "Kumain ka muna." Wala akong ganang kumain kahit pa mga paborito ko ang handa ni Lola. Nakikita kong may tinatawagan si Lolo kaya sinubukan ko ring tawagan ang mga kakilala ko. Pero walang available na private jet. Napaiyak ako at nabigla sina Lolo at Lola. "God, I really need to get to Namerna today," bulas ko. "I'm going to stop a wedding and take the bride with me back in Velusca." "Ano?" sorpresang tanong ni lola. "Yusef, gawan mo ng paraan baka meron pang mahiraman. Natawagan mo na ba si Mareng Lounifel?" Lumayo si lolo habang tinatawagan ang binanggit ni lola. Inaalo naman ako ni Lola. Sa ganong sitwasyon kaming datnan ng aking pinsan, si Igor. "Anong nangyari?" tanong niya. "We need a private jet kasi hahabulin ni Mervin ang love life niya sa Namerna," seryosong sagot ni lola. Napatawa si Igor pero nang makitang seryoso ang mukha namin ay napa, "s**t! You're not joking!" siya bigla. "Watch your mouth Igor!" galit na saway ni Lola. Pumasok si lolo na maliwanag ang mukha. "Good news iho, available ang jet nila." Tumingin si Igor sa akin. "Gusto mong samahan kita? Moral support kumbaga." Dali-dali kaming umalis at pumunta sa airport. Tinawagan ko muna si Harold para hiramin ang motor niya at sa airport ng Namerna nalang kami magkikita. Although karatig bansa lang ang Namerna ay three hours ang flight from the capitals: Claveria to Paradise City. Kaya natitense na ako sa loob ng eroplano. "Relax lang bro," ani Igor pero hindi ako umimik. Tiningan niya ako at sinabing, "Is she worth it?" I looked at him and said, "Yes she is. But I hope that she sees me as worthy too." He raked his eyes over me and smiled. "Happy ending 'to, Bro!" Gustong lumundag mula sa jet nang makalapag kami sa Namerna. Kumakaway si Harold sa'kin at pagkatapos kong maipakilala ang dalawa ay dali-dali kong kinuha ang motor at pinaharurot ito papunta sa bahay ng mga Bolivars. But there were no people there. I fuckingly forgot to ask Apple kung saang simbahan idadaos ang kasal. I tried to call her but cannot be reached na. Si Brody naman ang tinawagan ko at malapit na akong sumuko at nagdesisyon na iisa-isahin ang mga simbahan sa Paradise City nang sagutin niya. He was surprised when I told him about my plans but he still gave me the address. "Sure ka Mervin?" tanong niya. "Medyo ano kasi...chaotic na rito..." "Ano?" Kinabahan na ako. "Did Linda drop the bomb already?" "How did you know?" he gulped. "I came here to save her," I replied. "To pick up whatever broken pieces she leaves. She needs somebody..." "Tama ka," bulong niya. "Bilisan mo na.." Ipinaharurot ko ang motor hanggang sa makarating ako sa simbahan. Nandidiliim na ang aking paningin at parang hihiwalay na ang kaluluwa ko mula sa aking katawan dahil sa tindi ng kaba. Pero pinilit ko ang sariling tumakbo ng matulin hanggang sa nakapasok ako ng simbahan. Pikit mata akong sumigaw ng, "Itigil ang kasalang ito!" Fuck! Parang out of timing ang ginawa ko. Linda was at the center, burying her face on her palms as her shoulders shook terribly. Her sobs were silent but her cries were calling me to run towards her. Errol was pale but he was silent - too shocked from everything. Her mom was hysterical in the arms of her husband. Itinuon ko ang atensyon kay Linda na parang matutumba na sa tindi ng iyak niya. She was supposed to be a beautiful bride today but her aura was full of grief and hatred. Kung hindi siya mapipigilan ay baka hindi na siya makabalik sa Lindang kilala ko noong high school: bubbly, witty, and who was positive despite the challenges she faced through. I clenched my fists and I shouted, "Linda!" Then she looked up and settled her baby blue gaze on me. "Come to me!" sigaw ng puso ko sa kaniya. I opened my arms to welcome her despite what she did today. She would come out from this pit of helplessness. I tried to be calm. "Tama na Linda, please don't go on hurting other people..." There was something that must have struck her. Her eyes, filled with too much emotions, became soft as she ran towards me. Sinalo ko siya at niyakap ng napakahigpit. Hinaplos ko ang buhok niya sabay sabing, "Andito na ako. Tama na, okay? Huwag mo nang saktan ang iba at ang sarili mo..." Tumango siya at bumulong ng, "You're late..." I tried to contain my tears so I faced the crowd and said, "Sorry but I have to take Linda now." I saw Tito Joel nodded silently in my direction as if giving me his blessing. Tumalikod kami at inakay ko palabas si Linda na umiiyak pa rin. "Oh God," she cried. "Kent, I did something horrible. I hurt many people today..." Pinaandar ko ang motor at nang umangkas si Linda ay may sumigaw mula sa entrance ng simbahan, "Kristine Linda Bolivar – mahal na mahal kita kaya sana maging maligaya ka..." Si Errol. Tiningnan ko siya at tumango pero si hindi siya nilingon ni Linda. Niyakap niya ako at mahigpit na bumulong, "Take me out from this hell." And we sped towards the airport. Kahit alam nina Igot at Harold ang plano, halata pa rin sa mga mukha nito ang disbelief na nadala ko ang bride in less than an hour. "Welcome to the family," bati ni Igor kay Linda nang makapasok kami sa jet. Nakatingin lang si Linda sa kaniya kaya medyo namula si Igor. Nagkatinginan kami ni Igor at umalis muna siya – hindi ko alam kung saan siya pumunta pero alam kong medyo malayo sa pwesto naming ni Linda. "Will you not regret doing this?" she asked me after a while. Umiling ako. "I love you Linda. One four three four four!" Linda looked at me with so much emotions. "I love you very much, Kent. Simula high school pa."  Even with her puffy eyes and red nose, she was still the most beautiful woman in my eyes. I cupped her face and kissed her forehead. "We will heal together kung papayag ka. We will seek the best therapist sa Velusca, kung okay lang sa 'yo." She clawed on my shirt and whispered, "Gust ko talagang magpa counseling noon pero medyo ma pride ako kasi Psychology ang kinuha ko 'diba? Akala ko kaya ko pero hindi pala. I think it's high time na magpa-counsel ako, Kent. I can't do this anymore on my own..." "Oh Linda..." May mga luhang namuo sa aking mga mata habang hawak siya. "We will heal together and we will live happily kahit hindi perfect ang relationship natin." "Kent," impit niya, "akala ko hindi ako magiging affected kapag nasaktan ko sila – lalo na si Errol, at ang mga pamilya namin – pero masakit pala. Mama Carol disowned me today..." "Mababago rin iyan," sabi ko. "One day at a time, we will all heal from the pains. Masakit ang proseso sa paghilum ng sugat pero darating rin tayo diyan. Ang tanong ay gusto mo ba?" "Oh God." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kent, will you – " Tinakpan ko ang bibig niya at napangiti. "Listen Linda, this time ako ang magtatanong sa 'yo. It was you who asked for my hand the first time." Nagkulay kamatis ang mukha niya. "Will you marry me, Linda?" Pinitik ko ang kaniyang ilong. Nahulog ang mga luha niya at pumatak sa kamay kong nakatakip pa rin sa bibig niya. Tumango siya ng makailang beses hanggang hinablot niya ang kamay ko at pinaghahalikan ang mga ito. "So, congratulations are in order?" natatawang tanong ni Igor. Damn, muntik ko nang makalimutan na andon ang pinsan ko. Something in me wished na hindi siya kasama. "Welcome to the family, Linda!" maligayang bati ni Igor habang niyayakap ang aking fiancé. "I'm sure na excited silang makita ka ngayon pagdating natin sa Velusca." She looked at me with full of love in her eyes. And I sent my prayers to the heavens na sana maging masaya talaga kami ni Linda habang nabubuhay kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD