Kristine Linda Bolivar - Wing
"Miss, may problema ba sa bike mo?" tanong niya.
Napatingin ako at tumingala sa lalaking nagtanong. He was very tall at naka T-shirt at jeans siya at nakapusod ang mahaba niyang buhok. Hindi siya nagsuot ng eyeglasses ngayon kaya kitang-kita ko ang berde niyang mata.
"Miss okay lang bang tingnan ko ang bike mo o okay lang ba na maiuwi kita ngayon para malaman mo kung gaano ako ka affected sa flirty looks mo?"
"Nasa park tayo, Sir," malanding sagot ko. "At baka mabuntis mo ako sa sinabi mo."
Tumawa ang lalaki at hinipo ang aking malaking tiyan. "Hindi ka pa buntis sa lagay na 'yan?"
I tiptoed and kissed him on his neck. I heard him gasp and he grabbed me gently on the arms before he kissed me eagerly.
"Kent?" singhap ko. "Nasa park tayo."
Lumayo siya at napatawa. "Oo nga. Anyway, may problema ba sa bike mo?"
"Wala naman," sagot ko. "Pero wala na ako sa mood mag drive."
"Ikaw sa kotse at ako sa motor mo," bigkas niya. "Uwi na tayo?"
Tumango ako.
Naghalikan muna kami bago ako sumakay sa kotse. Minsan kasi kapag tinotopak talaga ay nagmomotor pa rin as long as may approval pa sa doctor.
I smiled when thinking of Kent. I never regretted that I ran towards him during my wedding day. May kirot pa rin sa puso ko nang maalala ko ang nangyaring iyon at sa alam kong may hatid pa ring sakit ang pangyayaring iyon kahit ilang taon pa ang lumipas.
Kent and I went to a therapist hanggang ngayon. Hindi naman kasi minamadali ang healing process. Doon ko napagtanto na malaki talaga ang impact ng bullying sa akin. More than ten years kong ininda ang effects nito at akala ko mawawala lang kapag nakapaghiganti ako sa mga taong nanakit sa akin.
I suffered from depression and PTSD pero imbes na tulungan ako ng pamilya ko ay pilit nila akong itinutulak sa presensya ni Errol. I believe they were in denial what I was suffering from. Akala ko nga na kaya ko ang mga problema pero hindi pala.
Kent was the light at the end of the tunnel. But they hurt him and almost killed him. Nobody – even Mars – comforted me when I needed someone in the darkest part of my life. Feeling ko natrayduran talaga ako sa ginawa ni Mars nang hindi niya ako ipinaglaban sa kanila kahit andon siya sa nangyari sa lawa. I was depressed and I actually never realized that I loathed myself too much that I gave in to the hatred and obsession of vengeance.
I wallowed in the muck of my inner darkness. Hindi ako umasa na darating si Kent pero nang marinig kong tinawag niya akong "Linda" ay tila ba isang anghel ang nakita ko sa may pinto ng simbahan.
His family welcomed me with open arms. They showed me what a familial love looked like. They supported me and Kent during our therapy sessions. They told me stories about their experiences in life at ang mga ginawa nila para ma overcome ang mga obstacles.
Pero hindi pa rin maiiwasan na ma-miss ko ang sarili kong pamilya. Naluluha ako kapag naalala ko si Mama at ang kaniyang mga sinabing sana namatay nalang ako. Niyayakap ako ni Kent at sa kaniyang mga piling ko natagpuan na mas okay palang maging mabuhay.
Papa called me months later when I was in Velusca. Tensed ako masyado kasi alam kong nasaktan ko si Papa. He did not deserve the hurts that I caused him.
"Iha, anak." Narinig kong napaiyak siya. "I read your diary since you were in elementary. Inisa-isa ko talaga ang mga diaries mo. I'm sorry kasi hindi ako naniwala sayo noon."
Napaiyak ako sa sinabi niya. "Papa, kamusta po si Mama?"
"She's in denial even when I told her the truth." Lumunok siya. "I'm sorry, iha."
"Don't be, Papa," naluluhang sagot ko. "I miss you and I love you. Nagpapa-therapy kami ni Kent ngayon. Baka kailangan ni Mama ng counseling."
"I love your mother at siguro kasalanan ko ring hinayaan siya sa obsesyon niya."
"Bumista ho kayo rito sa Velusca kapag may oras po kayo lalo na po at malapit na akong manganak," sabi ko, "at ihalik mo ako kay Mama at kay Kassie."
"Andiyan ba si Kent? I want to talk to him," sabi niya.
Tinawag ko si Kent at ibinigay ang phone. Hindi ko masyadong marinig ang mga sinasabi ni papa pero tango lang ng tango si Kent.
"Anong sabi?" tanong ko nang ibinaba niya ang phone.
"Naghabilin na mahalin ko raw ang eldest daughter niya," sagot niya. "Huwag ko rawng sasaktan si Kristine kasi makakatikim ako ng Bolivar punch kapag ginawa ko iyon."
Tumawa ako. "Ikaw na talaga Kent." At pinugpog ko siya ng halik.
"No regrets?" tanong niya sa akin.
I glanced with great love in my eyes. "No regrets! I love your very much, Kent."
"One four three four four Linda..."