"FUDGE naman oh!" Bumaba ako sa bisikleta at tiningnan ang naputol na kadena. “Kung mamalasin nga naman talaga.” Wala pang sampung minuto simula nang makabiyahe ako at sira na ang bisikleta. Naririnig ko tuloy ang sigaw ni Mama Carol kanina na dapat sumakay ako kina Errol pero nagpumilit akong magbisikleta.
“Hinding-hindi na ako sasakay sa kotseng ‘yon kapag andon si Errol. Kahit magkamatayan man lahat ng hayop sa mundo,” bulong ko habang nagsimulang kinaladkad ang bisikleta. May isa o dalawang kilometro pa akong lalakbayin hanggang makarating sa paaralan. Ba’t naman kasi napag-isipan kong mag-shortcut kaya heto tuloy, walang katao-tao ang medyo makitid na daan.
“Miss, may problema ba?”
“Fudge!” Napatili ako sa gulat at nabitawan ang manubela. Malakas na bumagsak ang bisikleta sa aspaltong daan. “Ba’t ka ba nanggugulat?” Lumingon ako at biglang napatahimik nang makita ang isang napakatangkad at payatot na binata. Naka hood ito ng pula, naka denims at sneakers. Familiar ang mukha niya pero hindi ko ma tantiya kung saan ko siya nakita.
“Sorry,” tikhim nito. Inayos nito ang malaking eyeglasses. “I didn’t mean to scare you.”
“Anong kailangan mo?” Pinilit kong magpakatatag. Wala namang nabalitaang krimen sa lugar na ‘to pero baka ako ang exemption. Nanlamig tuloy ako nang maisipang baka nasa headlines na ako ng news bukas.
“Baka kailangan mo ng tulong,” panimula nito.
Tiningnan ko ulit siya mula ulo hanggang paa. “Ka ano-ano mo si Errol Jade Sanchez? Is this one of his pranks? Pinadala ka niya? Sabihin mo sa amo mo na style niya bulok!”
Ilang beses na rin kasing ginawa ni Errol ‘to sa’kin. Gumagamit siya ng mga tao para takutin o pagdiskitahan ako. At usually sa mga oras na off guard talaga ako. Kaya hindi ako basta-bastang naniniwala sa mga estranghero at kahit acquaintances lalo na’t may link sa demonyong ‘yon.
“Sino si Errol?” Inayos na naman nito ang eyeglasses.
“’Di mo siya kilala?”
Umiling ang lalaki. Nakalahad ang dalawang kamay nito na tila isang taong sumurender sa pulis o isang taong lapitan ang isang mabangis na hayop.
“Hindi ka isa sa mga tuta niya?”
Natabunan ng hood ang kalahati ng mukha ng lalaki sa kakatango nito.
“Anong kailangan mo sa’kin? Ba’t mo ako nilapitan?”
“Nakita ko kasing naputol ang kadena ng bike mo. May dala akong tools dito para tulungan ka,” dahan-dahang itong nagsalita.
Tiningnan ko siya nang matalim. “Ba’t may dala kang tools?”
Malakas siyang napalunok. “Nasa Paradise High ang motor ko. I took the shortcut para makarating ako don ng maaga. It’s just a coincidence talaga nang makita kong nagka aberya ka kanina.”
“Paradise High ka rin?” Alert pa rin ang boses ko.
“Yes.”
“Why should I trust you? Baka nilalaro niyo lang talaga ako ng tropa niyo.”
Umiling ang lalaki. “Miss, you really should trust me on this. Promise, hindi ko kilala ang mga nabanggit mo. Baka ma late tayo sa exams if patuloy tayong ganito.”
“Oh.” Muntikan na talagang makalimutan ko ang examinations namin dahil sa anxiety na baka pinaglalaruan na naman ako ni Errol.
What if hindi totoo ang sinabi ng lalaking ‘to?
Pero what if kung totoo naman?
‘Kristine! Kailangan mong sumugal sa mga sandaling ‘to!’
Ah, bahala na nga.
Nakatuon sa lalaki ang mga mata ko habang pinatayo ko ang bisikleta. “Oh, baka maayos mo.”
Tahimik siyang tumango bago kinuha ang leather tool roll mula sa bulsa ng hood nito. Hinayaan ko siyang kumpunihin ang anumang sira at namangha ako sa bilis ng kilos ng mga kamay niya.
Wala pang kinse minutos at tumayo ulit ang lalaki. “Miss, tapos na.”
“Ha, eh, salamat.” Nabigla ako sa bilis niya at pulidong pagkaayos ng kadena.
“Welcome.” Seryosong sagot niya. “Baka mahuli ka pa, sige na.” Tumango siya bago lumakad papalayo.
Napatingin ako sa bughaw na kalangitan at pinag-iisipan kung ano ba ang dapat gagawin sa mga ganitong pangyayari. Hindi ako basta-bastang kampante sa mga tao lalo na’t winasak na ni Errol ang tiwala ko. Nilingon ko ang lalaking nakayukong naglalakad at hindi ko alam kung bakit may konting kirot akong naramdaman.
“Fudge naman, Kristine,” bulong ko. Sumakay ako sa bisikleta at pinaandar ito. Naabutan ko siya at dahan-dahang pumadyak upang sabayan ang kaniyang lakad. “Sakay ka na rito.”
Napahinto ang lalaki sa gulat at bumagsak ang hood sa kaniyang balikat. Medyo mahaba ang kaniyang mukhang natabunan halos sa napakalaking glasses. Nasinagan ng araw ang light brown niyang buhok na tila nabasa sa pawis.
Definitely hindi siya guwapo katulad ni Errol.
But who was I to judge someone based on his or her physical appearance, right?
“Sakay na,” mabilis kong sabi. “Baka mahuli pa tayo. May extrang upuan naman sa likod ng bike ko. Hindi naman kasi pwedeng sa basket sa harapan kita ipapasakay”
Walang sabing umupo ito sa likuran at muntik na kaming matumba. Shakoy! Na underestimate ko ang timbang niya. Akala ko magaan siya kasi masyado siyang payatot.
“Miss, ako na lang ang magmamaneho tapos ikaw ang aangkas,” suhestyon niya.
Bumuntong-hininga akong umalis at ibinigay sa kaniya. “Kaya mo ba ang timbang ko?”
Sumakay ito at pinagpag ang upuan sa likuran. “I might be thin but I’m not that weak.”
“Okay.” Inayos ko ang mahabang bohemian skirt ko bago umupo.
Napangiti ako nang wala sa oras nang mapagtantong tama nga ang sinabi niya. Habang naglalakbay kami, napansin kong mas naging kulay berde ang paligid, marami ang mga makukulay na bulaklak at mas dinig ko ang huni ng mga ibon at tinig ng iba pang mga insekto. Ngayon ko lang mas naappreciate ang ganda ng kalikasan. Usually kasi, tanging tinig ng puso ko at ng isipan ko ang bumabalot sa’kin sa tuwing magmamaneho ako papuntang paaaralan.
Dahan-dahan kaming pumasok sa gate at bigla akong nanlamig nang makita ko ang isa sa mga kaibigan ni Errol.
“Boyfriend mo, Bot?” Nakatawa siyang itinuro ako.
Pinisil ko ang tagiliran niya. “Dito lang ako.”
“Ha?”
“Ikaw na ang bahalang mag park nito,” utos ko. Lumundag ako pababa at muntikang matumba ang lalaki sa ginawa ko. Mabuti na lang talaga at mabilis siyang kumilos at nakapag-balanse rin naman.
“Salamat ulit,” sabi ko.
"Walang anuman," aniya."Siyanga pala, nakalimutan kong itanong ang pangalan mo.”
Pero hindi ko na siya sinagot dahil nakita kong paparating si Errol. Tumakbo ako papunta ng locker area.
***
"Mars, ano ‘tong narinig ko na may kasama kang lalaki?” tanong ng aking best friend na si Apple.
"Kinumpuni lang niya ang bisikleta ko, Mars," sabi ko naman. “Pano mo nalaman? Kakarating ko lang ah.”
Ngumisi siya habang binuksan ang kaniyang locker. “Alam mo namang mas mabilis dumating ang tsismisa kaysa kidlat, Mars.”
Matagal na kaming magkaibigan ni Apple simula nang tumuntong kami ng dose anyos. Dumating siya sa pagkawala ng magandang relasyon namin ni Errol. Matatawag talagang through thick and think kaming dalawa. Ipinagtatanggol namin ang isa’t-isa at minsan siya ang nakakatanggap ng bullying na dapat para sa ‘kin.
"Taga rito lang ba?" tanong ulit niya habang kumuha ng gamit mula sa locker.
"Siguro pero hindi ko naitanong kung anong year o section eh.” Napakamot ako sa ulo.
"Well, guwapo ba?" kulit niya.
Napa-isip ako sa tanong. "Hmmmm...hindi eh. Kilala mo pa ba si Pidodido este si Fido Dido?"
Tumawa siya at tinapik ang ilong ko. “’Yong sa 7-Up talaga?"
"Oo Mars.” Napahagikhiki din ako. "’Yan lang talaga ang maisip kong description sa kaniya eh.”
"Si Errol pa rin ba ang gwapo sa libro mo?"
"Hindi naman debatable ang looks ni Errol eh," sagot ko habang kumuha rin ng gamit mula sa locker. "Guwapo talaga ang kumag na 'yon."
"May bago raw siyang tattoo sa dibdib, nakita mo na?" tanong niya.
Malimit pa rin ang interaksyon namin ni Errol lalo na’t masyadong close ang mga Bolivars at Sanchezes. Halos may gathering monthly ang dalawang angkan. May party sa bahay nila noong isang araw at imbitado kami. Kaya alam ko at nakita ko rin ang bago niyang tattoo. Pinagalitan pa nga siya ni Tita Zennia sa harapan namin kasi dinudumihan niya raw ang katawan niya. Pero tumawa lang si Tito Joe, ang papa ni Errol, at ang aking ama.
Nilagay ko ang mga libro sa bagpack at inayos ito sa likuran ko bago ako tumango. "Masyadong malaki yung..."
"Ewww Bot, pinagnanasahan mo ba ang boyfriend ko?" Isang malakas na tinig ang umalingawngaw sa kapaligiran.
‘Kung mamalasin nga naman talaga!’
Kahit hindi kami lumingon ni Apple, alam na alam naming ang girl friend ni Errol na si Jane ang nagtatalak. “You should know better that Errol is mine"
Ngumiti ako sa kaniya. "I'm not taking a claim on your property."
"Woah palaban na si Bot," sigaw ni Will, isa sa mga kaibigan ni Errol. "Dahil ba may boyfriend ka na kaya confident ka na?"
"Dalaga ka na, Bot? Nireregla ka na?" Sipol pa ng isa.
Nagkibit-balikat lang ako at hinila si Apple para pumunta sa first period namin. Maraming taong pabahas-bahas sa corridor kaya hindi ko namalayang may humila sa saya ko. Pakiramdam ko parang kumurap lang ako at sa isang iglap nasa paanan ko na ang aking bohemian skirt.
"Kristine!" Napasinghap si Apple nang makita ang hitsura ko.
Mabilis pa sa alas kwatro at nahila ko paitaas ang aking palda.
Pero kahit anong poker face expression ang gagawin ko ay hindi maiwasang namumula ako sa galit at hiya – pero mostly hiya talaga.
"Oh my gosh! Hindi ko akalaing pinanindigan mo talaga ang pagka Bot mo," tawa ni Jane. "Piglet designs din ang panty mo!”
"Anong nakakatawa, aber?" sigaw ni Apple. Lumingon siya sa akin. “Okay ka lang, Mars?”
Parang blangko ang paningin ko at hindi ko mawari kung bakit hindi ko maihiwalay ang samu’t-saring boses na nagsasapawan sa isipan ko habang lulumtang ang mga kantiyaw nilang “piglet”, “oink oink” at “panty bot.”
Hinila ako ni Apple papasok sa classroom namin at nadatnan kong nakangisi si Errol at kumindat pa. Uminit ang mukha ko at tila isang bulkan na sumabog ang pakiramdam ko sa mga sandaling ‘yon.
"Masaya ka na?" sigaw ko sa kaniya. “Ilang beses ba dapat na gagaguhin mo ako?”
"Kristine Linda!" singhap ni Miss Banting, ang English teacher namin. “Why are you shouting?”
"Ma'am kasi ano..." Sa tindi ng emosyon ko, hindi ko napansing andito na pala ang teacher namin.
"Umupo na kayo ni Apple," striktong sabi nito.
Hindi pa ako nakadalawang hakkbang nang marinig ko ang sigaw ng isang kaklase, “Ma'am umihi si Kristine! Ang panghi!"
"Kristine Linda!" singhap ng maestra.
Yumuko ako nakitang basang-basa ang sahig. Kulay dilaw at masyadong mapanghi ang likidong tumulo mula sa ‘kin.
"Anong kalokohan ‘to, Kristine?” Lumapit si Miss Banting at hinawakan ako sa kamay. “May banyo, bata ka! Huwag ka ditong umihi!"
Umalis ako ng silid habang tumatawa ang buong klase.