Chapter 6

1710 Words
" Sandali lang. Tanggalin ko lang 'tong mga suot ko. Ang bigat kasi, eh, " sabi ni Reaan sa tagasilbi. Napalaki ng mata ang tagasilbi dahil sa gagawin ni Reann kaya agad niya itong pinigilan. " Huwag niyo pong tanggalin ang inyong damit. Ganitong klaseng damit ang dapat ninyong kasuotan habang nandito kayo sa loob ng Palasyo at kahit na lumabas kayo, " sabi ng tagasilbi sa kanya. Napatingin si Reann sa kanyang suot. Isang mahabang kulay dilaw na gown na mayroong mga palamuti dyamante. Malambot ang tela nito kung hahawakan pero medyo mabigat para kay Reann. " Nahihirapan kasi akong kumilos dito sa suot ko. Wala bang mas magaan? Tulad ng mga shorts o pantalon, t-shirt o blouse? " sabi ni Reann sa tagasilbi. " Pero ganyan po ang tamang kasuotan ng mga kabilang sa Mahar, Mahal na Prinsesa, " sabi ng tagasilbi. Napasimangot si Reann dahil sa sinabi ng tagasilbi pero kahit na ganoon ay isa-isa pa rin niyang tinanggal ang kanyang kasuoatan at ang itinira lang niya ay ang manipis at puting pangloob at damit. Hindi kumurap ang tagasilbi dahil sa ginawa ni Reann. Hindi siya makapaniwala na tinanggal niya ang kanyang damit at kitang kita niya ang maputi nitong balat. " Upo ka at marami akong tanong sa iyo. Basta huwag mong sasabihin sa iba kung ano man ang tanong ko, ah! " utos ni Reann sa tagasilbi. Sumunod naman ang tagasilbi sa sinabi ni Reann. Tumabi siya sa dito at doon ay nagsimula na siyang magtanong. " Ano itong sinasabi ni Inang Reyna kanina na nasa Alora ako, isang kaharian dito sa Jevum? " agad na tanong ni Reann sa tagasilbi. Napabuntong hininga ang tagasilbi at humarap kay Reann. " Ito ay ayon lang po sa mga napag-aralan namin noon sa paaralan, Mahal na Prinsesa at ayon na rin sa alam ko, " paunang sagot ng tagasilbi. " Ang kalawakan ay mayroong siyam na planeta na umiikot sa isang butuwin at isa na dito ang Jevum, ang nag-iisang planeta na pwedeng manirahan ang mga tao. " " Dito sa planetang Jevum, nahahati ito sa limang kaharian, at isa ang Alora. " " Ang apat pa na kaharian ay ang Lamona, Kharan, Crosia at ang pinakamalaking kaharian na Arconia. " " Sa Arconia, dito namumuno si Haring Jacob at Reyna Ysabelle, ang pinakamataas sa lahat ng Kaharian. " Pagpapaliwanag ng tagasilbi kay Reann tungkol sa Planetang Jevum. ' Ang ibig sabihin, wala nga ako sa langit at nasa ibang mundo ako! Pero paano nangyari iyon? ' tanong ni Reann sa kanyang sarili. Habang nag-iisip si Reann ng mga posibilidad kung paano siya napunta dito, bumalik sa kanyang ala-ala ang naging talakayan sa kanyang klase noon na Physics, tungkol sa Parallel World! ' Ang ibig sabihin, totoo ang Parallel World na sinasabi sa mga napag-aralan namin! ' " Ok lang po ba kayo, Mahal na Prinsesa? " nagtatakang tanong ng tagasilbi nang makita niyang parang malalim ang iniisip niya. Tumingin si Reann sa tagasilbi, " Ano naman iyong mga Antas ng tao dito? " tanong pa ni Reann sa tagasilbi. " Tungkol naman sa mga antas ng pamumuhay dito sa Jevum, nahahati ito sa tatlong pangkat, " sagot ng tagasilbi. " Tatlong pangkat? Ano ang pagkakaiba ng mga ito? " tanong ni Reann. " Ang tatlong pangkat na ito ay tinatawag na, Mahar, Katim at Walan, " sagot ng tagasilbi kay Reann. " Ang mga Mahar ay ang mga taong nasa pinakamataas na antas. Kabilang dito ang mga Hari at Reyna, mga kamag-anak nila, at mga kalihim ng palasyo na karaniwang mga kamag-anak din ng Hari at Reyna. " " Ang mga Katim naman ay ang mga taong nabibilang sa katamtamang pamumuhay. Kabilang dito ang mga simpleng taong may propesyon tulad ng guro, manggagamot, inhenyero, kawal, negosyante, at kung ano pa, " pagpapatuloy niya. " Ang mga Walan naman ay dito kami kabilang, mga alipin, magsasaka, mangingisda, nangangalakal ng basura, oh basta iyong mga taong nahihirapan mamuhay, " pagtatapos niya. Sumingkit ang mga mata ni Reann dahil sa naging paliwanag ng tagasilbi sa kanya. " Bakit merong antas antas pa? Pare-pareho naman tayong tao, pare-pareho naman na mabaho ang tae natin! " komento ni Reann. Napayuko ang tagasilbi dahil sa sinabi ni Reann. " Dahil dito makikita kung anong klaseng mamamayan ka. Kung anong antas ka nabibilang, kung paano ka nababagay at para alam mo kung saan ka nababagay, Mahal na Prinsesa, " sagot ng tagasilbi sa kanya. " Hindi tama ang ganyang sistema para sa akin, ha. Kasi pare-pareho naman tayo na nabubuhay dito sa mundong ito. Parang sa mga sinabi mo, limitado lang ang mga karapatan ninyo, hindi ba? " komento ni Reann sa sagot ng tagasilbi. " Wala kaming magagawa kundi ang yakapin ang tadhanang naibigay sa amin. Kung gusto naming mabuhay, magsisilbi kami sa mga taong mas mataas sa amin, sa mga taong nabibilang sa mga Katim at Mahar, " sabi ng tagasilbi sa kanya. Napailing si Reann, " Pwede namang umangat kayo sa kung nasaan kayong Antas, hindi ba? " tanong niya sa tagasilbi. " Anong ibig mong sabihin, Prinsesa? " nagtatakang tanong ng tagasilbi. " Kung mag-aaral ka nang mabuti, kung magiging masipag ka ay pwede naman kayong umangat sa lipunan, hindi ba? " sagot na tanong ni Reann. Napailing ang tagasilbi dahil sa sinabi ni Reann. " Pwede pero para kaming dadaan sa butas ng karayom o lalangoy sa isang ilog na puno ng buwaya, Prinsesa, " sagot ng tagasilbi. " Bakit? Bakit ganyang ang sinasabi mo? " nagtatakang tanong ni Reann sa kanya. " Bukod sa malaking halaga ang kakailanganin para makatongtong sa huling pag-aaral, mayroong ding mga paaralan na hindi tumatanggap sa aming mga Walan dahil alam nila na hindi naming kayang magbayad para sa pag-aaral, " sagot ng tagasilbi. " Ang nakakapasok lang sa paaralan ay ang mga Katim at Mahar, Mahal na Prinsesa, " dagdag pa niya. Napaningkit ng mga mata si Reann dahil sa mga nalaman niya. Alam niyang hindi maiiwasan na magkaroon ng antas sa pamumuhay ang mga tao, may mga mayayaman, may katamtaman at may mahihirap pero bakit ganito dito? Kung mayroong karapatan ang mga Walan na makapag-aral, ang tinitignan naman ng mga paaralan ay ang estado ng kanilang buhay. Nasa ganoong pag-uusap sila nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto kung nasaan si Reann. Agad na napatayo ang tagasilbi at binuksan ang pintoan. Doon ay lumasok ang Inang Reyna at Amang hari at sa kanilang likod ay may isang lalaking nakaputi na may salamin sa mga mata na nakangiti, ang manggagamot. Yumuko ang tagasilbi nang lagpasan nila ito para puntahan si Reann na nakaupo sa sofa. " Bakit ganyan ang iyong itsura, Reann? Nasaan ang kasuotan mo? " mga tanong ni Inang Reyna sa kanya. " Mabigat po kasi kaya tinanggal ko. Nahihirapan kasi akong kumilos, eh, " sagot ni Reann sa tanong ni Inang Reyna. " Isa kang Prinsesa, Reann. Hindi angkop ang ganyang kasuotan para sa iyo. Ano na lang ang sasabihin ng iba kung makita ka nilang ganyan? " pangaral ni Inang Reyna sa kanya. " Wala po akong pakialam sa sasabihin ng iba, Inang Reyna basta alam ko sa sarili ko kung saan ako kumportable, " nakangiting sagot ni Reann sa kanya. " Hindi namang bawal na magsuot ng ganyan, Reann pero kailangan mong ibagay kung sino ka, kung anong antas ka dahil importante na makilala ka ng mga tao na isa kang Mahar, " sabi ni Inang Reyna sa kanya. Napailing si Reann dahil sa sinabi ng Inang Reyna. Hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ni Inang Reyna pero hindi niya alam kung paano niya sasalungatin ang mga ito. Napabuntong hininga na lang si Reann at pinabayaan na lang niya dahil alam niya sa kanyang sarili na mahirap wala naman siyang magagawa dahil ito na ang nakasanayan nila. " Siya nga pala si Samuel, ang manggagamot ng ating pamilya, " pakilala ni Inang Reyna sa lalaking kasama nila. Lumapit ang mamggagamot kay Reann at doon ay nagsimula siyang impeksyonin ito. Nang matapos siyang impeksyonin ay nagtanong ang manggagamot sa kanya. " Wala ka bang nararamdamang kakaiba? Nahihilo? Nanghihina? Mga ganyang bagay, Prinsesa Reann? " tanong ng manggagamot sa kanya. " Wala po akong nararamdaman na kahit na ano, " sagot ni Reann. " May sinabi ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna kanina sa akin, Prinsesa Reann na parang wala kang maalala? Totoo ba ito? " tanong pa ng manggagamot. Hindi nakasagot si Reann dahil sa tanong ng doktor. Wala siyang nakakalimutang kahit na kaunting bagay dahil matalas pa ang memorya niya pero iniisip niya kung paano niya ito sasabihin? " Napapansin din nila ang kakaiba mong pananalita, Prinsesa Reann kaya iminungkahi ko kanina sa Mahal na Hari at Mahal na Reyna na kung pwede ay dalhin kita sa pagamotan para makasigurado, " dagdag pa ng manggagamot. Napabuntong hininga si Reann dahil sa mga sinabi ng manggagamot. Tinignan niya ang Hari at Reyna na nakatingin sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at napabuntong hininga. " Pwede po bang lumabas na muna kayo? May pag-uusapan lang kami, " sabi ni Reann sa manggagamot at sa tagasilbi. Tinignan ng mangaggamot ang Hari at Reyna. " Bigyan niyo kami ng ilang minuto, " sabi ni Inang Reyna sa manggagamot. Nang makalabas ang manggagamot at ang tagasilbi, seryosong tumingin si Reann sa Hari at Reyna. " Noong una, akala ko ay nasa langit na ako dahil sa pagkakatanda ko ay natamaan ako ng kidlat habang tinatakasan ang ilang lalaking humahabol sa akin pero kanina, napagtanto ko na nagkamali ako. Hindi ito langit dahil naisip ko na nasa ibang mundo ako, " sabi ni Reann sa Hari at Reyna. " Oo, kamukhang kamukha po ninyo ang aking mga magulang na matagal nang namatay kaya naisip kong patay na rin ako pero ayaw ko pong magsinungaling o maglihim, " dagdag pa niya. " Sandali, Reann. Ano ba talaga ang nais mong iparating sa amin at ganyan ang iyong sinasabi? " hindi makapaghintay na tanong ng Reyna. Napabuntong hininga si Reann at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kanilang dalawa. " Ang pangalan ko po ay Reann pero alam kong hindi ako taga rito, hindi ako ang Prinsesa Reann na anak niyo dahil ako, ako si Reann ng Planetang Earth! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD