" Ano ba ang iyong mga sinasabi, Reann? Saan mo ba nakukuha ang mga ideya na iyan? " nagtatakang tanong ng Inang Reyna matapos aminin ni Reann na hindi siya ang tunay nilang anak. " Hindi po ako nagsisinungaling, Inang Reyna. Hindi ako ang inyong totoong anak dahil galing ako sa Earth! Hindi ko alam kung paano ako nandito! " sagot ni Reann sa kanya. " Mula sa mukha, sa katawan hanggang sa boses mo ay kilala ka namin Reann. Sigurado kami na ikaw ang aming anak! " sabat naman ni Amang Hari. Kumunot ang nuo si Reann, " Pero, hindi po talaga ako ang totoo niyong anak! " pagpupumulit ni Reann sa kanila. Napabuntong hininga sipang dalawa at napapikit ng kanilang mga mata. " Kung hindi ikaw ang totoo naming anak, paano mo ipapaliwanag na noong nagising ka ay nasa kwarto ka ng Prinsesa?