" May Fiesta ba? " manghang bulalas ni Reann nang makita niya ang mga nakahandang pagkain sa mahabang mesa.
May iba't ibang pagkaing nakahanda sa mesa. Lahat ay mukhang masasarap at amoy na amoy ang napakabanging aroma ng mga ito. Dahil sa mga pagkaing nakahanda, hindi maiwasan ni Reann ang hindi kumalam ang kanyang sikmura.
" Walang Fiesta, Reann. Para sa atin ang lahat ng iyan, " sagot ni Inang Reyna kay Reann.
Napatingin si Reann kay Inang Reyna na nakangiti at hindi nagtagal ay napabalik siya ng tingin sa mga pagkain. Babang isa-isa niya itong tinitignan ay napapalunok siya dahil sa nararamdamang gutom.
Habang nasa ganoong pagtingin siya, muling kumalam ang kanyang sikmura. Napahawak si Reann ng kanyang tiyan at muling tumingin sa Inang Reyna.
" Pwede na po bang kumain? " tanong ni Reann sa Inang Reyna.
" Pwedeng pwede, Reann. Alam namin na gutom na gutom ka na dahil sa tagal mong natulog, " sagot ni Inang Reyna.
Dahil sa sinabi ni Inang Reyna, agad na kumuha ng isang pirasong letsong manok si Reann gamit ang kanyang kamay.
Napalaki ng mga mata si Inang Reyna at Amang Hari dahil sa naging kilos ni Reann. Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ay tinignan nila si Reann na abalang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato na halos wala na siyang paglagyan ng mga pagkain.
" Wala po bang kamatis at bagoong? Pansawsaw dito sa letsong manok, " tanong ni Reann sa kanila.
" Kamatis at bagoong? " nagtatakang tanong ng Mahal na Reyna.
" Opo, masarap po na sawsawan iyon para dito sa manok, " sagot ni Reann.
" Meron naman nakahandang sawsawan diyan na gawa ng mga kusenero natin, Reann, " sabi ng Mahal na Reyna sa kanya.
Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya ang sinasabing sawsawan ng Mahal na Reyna. Gusto pa sana niyang humingi ng kamatis at bagoong pero mas pinili na lang niyang manahimik.
Nang makakuha na ng mga pagkain si Reann, nakangiti siyang tumingin sa Inang Reyna at Amang hari.
" Kain na po tayo! " sabi ni Reann sa kanila.
Ngumiti si Inang Reyna, " Magpakabusog ka, Reann, " sagot lang ng Inang Reyna.
Sisimulan na sana niyang kumain nang mapansin niya ang ilang mga tagasilbi na nakatayo lang sa gilid.
" Bakit hindi kayo sumabay sa aming kumain? " tanong ni Reann sa mga tagasilbi na nakatayo sa gilid.
Napalaki ng mga mata ang mga tagasilbi dahil sa sinabi ni Reann. Nagkatinginan silang lahat dahil hindi sila makapaniwala na inaanyayahan sila ng isang Prinsesa na makisabay kumain.
" Hindi pwedeng makisabay ang mga tagasilbi sa atin, Reann, " sambit ni Inang Reyna sa kanya.
Muling napatingin si Reann, " Bakit po hindi pwede? Marami naman ang pagkaing nakahanda at kasya na lahat ito sa atin, " tanong at sambit ni Reann.
Nagtataka ang mukha ni Inang Reyna, " Nakalimutan mo na ba na ang mga tagasilbi ay kabilang sa Katim, ang pinakamababang antas sa lipunan? " sagot ni Inang Reyna sa kanya.
' Katim? Pinakamababang antas sa lipunan? Meron ganito dito sa langit? ' nagtatakang tanong ni Reann.
Ang alam pa rin ni Reann ay patay na siya, na nasa langit na siya kahit na sinabi na nila kanina na nasa Alora siya, isang kaharian dito sa mundo ng Jevum.
" Merong antas antas dito sa langit? Hindi pantay-pantay ang mga tao dito? " hindi mapigilang tanong ni Reann.
" Sabi nga namin kanina, Reann, hindi ito langit. Nandito ka sa Alora, isang kaharian dito sa planetang Jevum! " sagot naman ni Amang Hari.
" Ay, iyan ang tawag dito sa lugar na ito dito sa langit? " tanong pa niya.
Napabuntong hininga si Inang Reyna at Amang Hari.
" Una sa lahat, Reann, hindi ka pa patay kaya huwag mong sabihin na nasa langit o nasa Paraiso ka na. Pangalawa, ikaw ang nag-iisang anak namin, ang Hari at Reyna ng Alora at pangatlo, isa kang Prinsesa dito. Ano ba iyang mga pinagsasabi mo, Reann? " mga sinabi ni Inang Reyna sa kanya.
Napatawa ng bahagya si Reann dahil sa mga narinig niya.
" Kayo po, anong pinagsasabi niyo? Halos sampong taon akong nakatira sa pangangalaga ni Aunti Nancy, natamaan ako ng kidlat kaya namatay po ako kaya sigurado akong nasa langit na ako ngayon, " natatawang sambit ni Reann sa kanila.
" Si Nancy? Wala siya ngayon dito sa Alora dahil nagbakasyon siya kasama si Elmer at ang kanyang dalawang anak. Paanong nangyari na tumira ka sa kanila kung ilang buwan kang nakatulog dahil sa pagkakalason sa iyo? " sabi ni Inang Reyna.
Lumaki ang mga mata ni Reann dahil sa mga sinabi ni Inang Reyna.
Parang hindi nagproproseso ang isipan ni Reann sa mga sinasabi nila aykt ang paniniwala pa rin niya ay nasa langit o Paraiso na siya.
' Mukha may nangyayaring kababalaghan dito! ' sambit ni Reann sa kanyang sarili.
" Pagkatapos mong kumain, bumalik ka sa iyong kwarto at tatawagin namin ang magaling na manggagamot dito sa Alora para matignan ka. Mukhang naapektuhan ang iyong ala-ala o ang iyong isipan dahil sa mga nangyari, " sabi ni Amang Hari sa kanya.
Hindi na nakapagsalita pa si Reann. Iniisip niya ang lahat na narinig niya mula sa Inang Reyna at Amang Hari na sa tingin niya ay parang isang malaking kalakohan!
" Kumain ka na, Reann para maibalik ang dati mong lakas, " utos ni Inang Reyna sa kanya.
Napabuntong hininga na lang si Reann at muling napatingin sa pagkain na nasa kanyang harapan. Kumalak ulit ang kanyang sikmura kaya hindi na niya naoigilan oang kumain gamit ang kanyang kamay.
Mabilis na kinuha ni Reaan ang letsong manok sa kanyang oinggan at kinain ito gamit ang kanyang kamay.
Gusto sana siyang sawayin ni Inang Reyna dahil sa paraan ng kanyang pagkain pero inisip niya na baka gutom na gutom si Reann kaya nakalimutan na niya ang tamang gawi ng pagkain.
Maganang magana na kumain si Reann. Pinanood siya ng Hari at Reyna.
Napailing nilang ang Hari at Reyna at nakisabay na lang silang kumain.
Matapos kumain, napahawak si Reann sa kanyang tiyan. Busog na busog ito dahil sa dami ng kanyang nakain.
" Magpahinga ka na Reann at mamaya ay titignan ka ng magaling na manggagamot para masigurado ang iyong kalagayan, " utos ni Inang Reyna sa kanya.
Ngumiti na lang si Reann sa kanila. Tumayo siya sa kanyang upuan at inayos niya ang kanyang pinagkainan at binuhat ito.
" Anong ginagawa mo, Reann? Ibaba mo ang mga iyan, " tanong ninInang Reyna sa kanya.
" Nagliligpit po ako ng pinagkainan ko, " sagot niya.
" Hindi na kailangan. Trabaho iyan ng mga tagasilbi, " sagot ni Inang Reyna.
" Pero, bakit pa natin iaasa ang maliliit na gawain sa mga tagasilbi, Inang Reyna? " nagtatakang tanong niya.
" Dahil iyan ang mga trabaho nila, " sagit ni Inang Reyna.
" Mga tao sila, Inang Reyna, napapagod din. Kahit na maliit na bagay lang sana ay matulungan natin sila at huwag iasa ang lahat ng gawain dito sa kanila, " sabi ni Reann.
Nagkatingan ang dalawa dahil sa mga sinasabi ni Reann. Hindi nila alam kung bakit ganyan ang sinasabi ni Reann sa kanila. Alam nila at nahalata nila na nagbago ang kaugalian at kaisipan ni Reann na kanilang kinabahala.
" Bumalik ka sa iyong kwarto para makapagpaginga ka na, Reann. Kami na ang bahala dito, " utos ni Inang Reyna sa kanya.
Napailing at napabuntong hininga na lang si Reann.
" Pwede po ba akong magpasama, Inang Reyna? Hindi ko kasi maalala kung saan ang kwarto ko, eh, " sabi ni Reann sa Mahal na Reyna.
Tumawag si Inang Reyna ng isang tagasilbibat inutusan itong samahan si Reann sa kanyang kwarto. Hindi nagtagal, naglakad na rin silang palabas ng kusina at papunta sa kwqrtong pinanggalingan nila.
" Anong nangyari sa anak natin, Mahal? Bukod sa pananalita niya, bakit nag-iba rin ang kanyang kaisipan? Parang wala siyang alam sa kanyang katauhan at iyong paraan ng kanyang pagkain kanina na parang patay-gutom? " mga tanong ni Inang Reyna sa Hari.
" Hindi ko rin alam, Mahal. Napansin ko rin ang mga iyan pero hindi kaya epekto ng lason iyon? Na mawala ang kanyang ala-ala? " sagot ninHari sa mga tanong ng Reyna.
" Sana ay tuluyan nang gumaling si Reann, Mahal. Kapag ganyan ang makita nila sa susunod na tatlong araw ay baka kung ano ang isipin nila, " sabi ng Reyna.
Samantala, naglalakad si Reann na sumusunod sa isang tagasilbi. Habang naglalakad, iniisip ni Reann ang mga sinabi ng Hari at Reyna kanina kung nasaang lugar siya.
Nang makapasok na siya sa kwarto, lalabas na sana ang tagasilbi para bumalik sa kusina ng pigilan siya ni Reann.
" Pwede bang dito ka na muna? " sabi ni Reann sa tagasilbi.
" Gusto ko lang malaman kung nasaan ba talaga ako. Wala kasi akong maalala, eh, " pagdadahipan ni Reann.
" Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang Alora, ang Jevum? Ang iba't ibang Antas ng mga tao dito? " mga tanong ni Reann sa tagasilbi.
Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na magtanong dahil sa mga nangyayari.
Ang lagat na sinabi ng Hari at Reyna ay hindi ganoon ang pagkakaalam ni Reann kaya kailangan niyang alamin ang lahat!
Oo, ang Hari Reyna ay ang kanyang mga magulang na namatay sampong taon na ang nakakalipas kaya napakaimposible ang mga narinig niya. Kaya ngayon, dapat ay maliwanagan siya kung ano ba talaga ang totoo!