bc

My Destiny in Another World

book_age18+
776
FOLLOW
3.3K
READ
body exchange
goodgirl
brave
prince
princess
drama
sweet
bxg
multiverse
another world
like
intro-logo
Blurb

Dito na ang mundo ko ngayon. Isang mundo na itinuturing nila akong prinsesa, walang trabaho, walang pagbibintang at walang problema maliban na lang sa isa, ang maging asawa ako ng isang prinsipe na kasing lamig ng yelo ang pakikitungo sa akin, kasing tigas ng dyamante ang puso at mala-demonyo ang ugali!

Makakaya ko bang manatili dito o mas gugustuhin ko na lang na bumalik sa aking mundo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bago ka pumasok, hugasan mo muna ang mga pinagkainan!" utos ng aking tiyahin matapos silang kumain. "Opo, Tita," sagot ko sa kanya. Napailing na lang ako nang makaalis na si tita kasama ang kanyang dalawang anak atang kanyang asawa na si Kuya Elmer.  Napatingin na lang ako sa mga hugasin at napabuntong hininga. Alas-otso pa naman ang aking unang klase kaya may oras pa akong maghugas. Hinarap ko ang mga hugasin na nasa lababo at nagsimula nang magtrabaho. Matapos akong makapaghugas, kinuha ko ang aking allowance na nasa taas ng refrigerator na binibigay ng aking tiyahin para pumasok sa paaralan. Kahit na ganoon ang aking tiyahin at ang aking mga pinsan, hindi naman nila ako pinapabayaan sa aking pangangailangan. Mula noong mamatay ang aking mga magulang ay sila na ang kumupkop sa akin. Kapalit ng pagkupkop nila sa akin ay ang pagsisilbi ko sa kanila. Naglakad na lang ako papunta sa sakayan. Nang makasakay ako, inilabas ko ang aking notebook para magbasa ng aking notes. Pagbaba ko ng sasakyan, deretso ako sa library kung saan ako nagtatrabaho. Ang pagtatrabaho ko sa Library ay nagbibigay sa akin ng fifty percent discount sa aking tuition fee bawat semestre dito Unibersidad na pinag-aaralan ko. "Goodmorning, Ma'am Miguel!" pagbati ko sa Librarian ng Unibersidad. "Goodmorning, Reann!" balik na pagbati ni Ma'am Miguel sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo ako sa aking mesa dito sa Library para iwanan ang iba kong mga gamit. "Balik ka kaagad kapag tapos na ang klase mo, Reann. Marami tayong aayusin na mga libro mamaya," sabi sa akin ni Ma'am Miguel. "Opo, ma'am!" sagot ko na lang. Pagpasok ko sa aming silid, nadatnan ko ang aking mga kaklase na abala sa kanya-kanya nilang buhay. Nakita ko naman ang aking kaibigan na papalapit sa akin.  "Natapos mo ba ang requirement natin na ngayon na ipapasa, Reann?" tanong niya sa akin.  "Natapos ko naman," sagot ko sa kanya.  Napabuntong hininga siya, "Ako, 'di ko alam kung tatanggapin ni sir ang akin. Minadali ko kasi ang paggawa, eh," sabi niya sa akin.  "Tatanggapin niya iyan, Jade. Huwag kang mag-alala," sabi ko na lang sa kanya.  "Sana nga. Pinaghirapan ko rin naman ito," sabi niya sa akin.  Sabay kaming naglakad papunta sa aming upuan. Nang makaupo kami, nagkwentohan lang kami saglit habang wala pa ang una naming guro sa araw na ito.  Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin, tungkol sa aking buhay at ku g ano-ano pa. Palagi din niya sa aking sinasabi na umalis na ako sa puder ng aking tiyahin dahil sa kabaluktutan ng ugali nila lalo na ang dalawa kong pinsan.  Ilang saglit pa ang aming paghihintay, dumating din ang aming instructor at nagsimula na kaming magklase. Naging maayos ang aking mgca klass, discussion at activities lang ang mga ginawa namin pero magkaroon ako ng interes nang dumatin ang klase namin sa Physics, tungkol sa Parallel World! Ayon sa aming guro, ang Parallel world ay ang ideya na ang space-time ay flat, ang bilang ng mga posibleng pag-configure ng maliit na butil sa maraming mga Universe ay may mahigit milyong magkakaibang mga posibilidad. Kaya, may mga walang katapusang bilang ng mga cosmic patch, ang mga pag-aayos ng maliit na Particles sa loob ng mga ito ay dapat ulitin. Nangangahulugan na ito ay walang hanggan ang maraming mga "parallel universes": Ang mga patch na cosmic ay kapareho sa atin na isang tao na eksaktong katulad sa ibang Universe, pati na rin ang mga patch na naiiba sa posisyon lamang ng isang maliit na particles, mga patch na naiiba sa posisyon ng dalawang maliit na particles, at iba pa hanggang sa mga patch na naiiba sa lahat. Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng interest sa topic na ito. Noon naman ay wala akong pakialama sa Physics na ito kasi sskit lang sa ulo kapag ito ang pinag-aaralan namin pero ngayon, iba ito!  Sa totoo lang ay may nabasa ako noon sa isang article sa isang internet na ang isang sikat na scientist na si Stephen Hawkins ay nagtala ng isang libro  tungkol sa topic na Multiverse bago siya mamatay.. Ang libro na ito ay ay nai-publish noong Mayo 2018, ilang buwan lamang matapos ang pagkamatay ni Hawking. Tungkol sa teorya, sinabi niya sa Cambridge University sa isang pakikipanayam na inilathala sa The Washington Post , "Hindi tayo napunta sa isang Universe o, unique universe, pero ng aming mga natuklasan ay nagpapahiwatig ng isang makabuluhang pagbawas ng multiverse sa isang mas maliit na saklaw ng mga posibleng universe." Pagpapatuloy niya. Hindi ko alam kung paano nagawa iyon ng nasabing scientist. Ano ang basehan niya para masulat ang kanyang libro?  Totoo kaya ang mga ito o kathang-isip lang?  "Sir, is there any proof that the Multiverse Universe is existing?” tanong ng isa kong kaklase.  “Not everyone agreed with the parallel universe theory, however. A 2015 article on Medium by astrophysicist Ethan Siegal agreed that space-time could go on forever in theory, but said that there are some limitations with that idea,” our professor answered her question. “The key problem is the universe is just under 14 billion years old. So our universe's age itself is not infinite, but a finite amount. This would limit the number of possibilities for particles to rearrange themselves, and sadly make it less possible that your alternate self did get on that plane after all to see China,” sagot niya sa tanong ng aking kaaklase.  “Also, the expansion at the beginning of the universe took place exponentially because there was so much "energy inherent to space itself," he said. But over time, that inflation slowed those particles of matter created at the Big Bang are not continuing to expand, he pointed out. Among his conclusions: that means that multiverses would have different rates of inflation and different times, longer or shorter for inflation. This decreases the possibilities of universes similar to our own.” Marami pa siyang ipinaliwanag sa amin tungkol sa parallel universe na pinag-aaralan namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ito o hindi pero sabi nga ng instructor namin, isa lang itong theory. Nang matapos ang aking klase, bumalik ako sa Library para tulungan si Ma'am Miguel na mag-ayos ng mga libro. Pagpasok ko sa Library, nakita ko siyang nag-aayos na ng mga librong kakararing lang yata kasi nasa box pa ang mga ito. Nagmadali akong nagtungo sa aking table para makapag-ayos at agad kong tinulungan si Ma'am Miguel. Nadatnan na kami ng gabi sa pag-aaayos ng mgva bagongv librong dumating. Nilibre na lang ako ni Ma'am Migcuel ng hapunan s apamamagitgan ng pag-order sa isang fasztfood at dito na kami sa loob kumain. Mataapos kaming makapag-ayos, nagpaalam ako kay Ma'am Miguel para umuwi. Habang naglalakad ako, doon ko lang naisip na hi di pala ako nagpadala ngv men sahe kina Tita na gagabihin akong makakauwi! Agad kong kinuha ang aking cellphone mula sa aking bag at napalunok ako ng aking laway nang makita ko ang mahigit dalawangong missed call ni tita! Nagmadali akong lumabas ng aming University para pumara ng masasakyan. Sa kamalas-malasan nga naman, nahirapan pa akong makasakay dahil mag-aals nuwebe na rin ng gabi! Nang makasakay ako, nakakaramdam na ako ng kaba dahil alam kong makakarinig na naman ako ng mga salitang hindui makakain ng kahit na anong klaseng hayop pagdating ko sa bahay. Nang makababa ako, tumigil ako sa aking kinatatayohan. Humugot ng malalim na hininga bago ako maglakad papunta sa bahay ng aking tiyahin.  Nang makaharap ako sa kanilang bahay, inihanda ko ang aking saeili kung ano man ang maririnig ko mula sa kanial. Kasalanan ko rin naman kasi dahil hindi ko sila sinabihan na gagabihin ako ng uwi.  Nandito pa lang ako sa labas, na-i-imagine ko na ang mukha ng aking tiyahin at ng aking mga pinsan.  Napailing na lang ako at nagdesisyong pumasok na sa loob ng bahay.  Nang mahawakan ko ang doorknob, pinihit ko ito. Hindi ito naka-lock kaya nang bukdan ko ang pinto, pumasok ako kaagad.  Pagpasok ko, napalunok ako ng aking laway dahil nakita ko ang aking tiyahin na nakatayo na nakapamewang. Nasa tabi naman niya ang kanyang mga anak na masama ang tingin sa akin habang ang asawa ng aking tiyahin na si Kuya Elmer ay abalang nanonood ng palabas sa t.v.  "Buti naman at nandito ka na!" maalumanay ang boses niya pero ramdam kong may diin ito.  "Pasensya po Tita kung hindi po ako nakapagpaalam na gagabihin po ako," agad kong paghingi sa kanya ng paumanhin.  Hindi siya nagsalita at nakatitig lang siya sa akin. Alam kong may mali ngayon na pinagtaka ko.  "Nakita mo ba ang isang pares ng hikaw ko na nasa jewelry box?" tanong niya sa akin na kinagulat ko.  "Hindi po, tita. Hindi ko po nakita," agad kong sagot sa kanya.  "Alam mo ba na regalo pa iyon ni Elmer sa akin noong Aniversary namin? Alam mo ba na nagkakahala iyon ng mahigit twenty thousand?" may diing tanong niya sa akin.  "Ngayon ay nawawala ito sa aking jewelry box!" napasigaw na siya sa akin.  "Hindi ko po nakita ang mga hikaw niyo, tita at wala po akong alam kung bakit nawawala ang mga iyon," sabi ko sa kanya.  Alam ko, ramdam ko na ako ang pinagbibintangan niya kung bakit nawala ang mga hikaw niya pero naging kalmado lang ako dahil alam kong wala naman akong kinukuha.  Napataas siya ng kanyang kilay,"Tinanong at naghanap na ako sa kwarto ng mga anak ko, wala din sa kwarto namin ni Lester at ang hindi na lang naming napupuntahan ay ang kwarto mo!" sabi niya sa akin.  "Kung gusto po ninyo ay hanapin po natin sa aking kwarto kung nandoon po pero sinisigurado ko po na wala doon," sabi ko sa kanya.  Naglakad siya. Sumunod naman ang aking mga pinsan kaya sumunod na rin ako. Pagpasok namin sa aking kwarto, inutusan niya ang kanyang dalawang anak na maghanap.  Ginalugad nila ang buo kong kwarto, mula sa kama, sa kabinet maging sa Cr. Ako naman ay nakatayo lang na pinapanood sila. Alam ko naman na wala silang mahahanap dahil wala akong kinukuhang hikaw sa tiyahin ko.  "Ma!" biglang sigaw ni Glennie.  Lumapit naman ang kanyang kapatid na si Dranreb at ang aking tiyahin kung nasaan si Glennie.  May inabot si Glennie kay tita. Sabay silang humarap sa akin at ipinakita ni tita kung ano ang nahanap ni Glennie.  Napalaki ako ng aking mga mata dahil sa kanyang ipinakita, ang pares ng kanyang hikaw! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

POSSESIVE MINE

read
975.5K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
821.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook