Pangalawang araw na ni Reann sa mundo ng Jevum. Sa unang araw niya, hindi naging madali ang lahat dahil sa pag-amin niyang hindi siya ang totoong anak ng Hari at Reyna ng Kaharian ng Alora pero wala siyang magagawa kundi ang yakapin ang kanyang kapalaran dahil hindi niya alak kung paano nangyari ang lahat ng ito. " Nakahanda na po ang panligo ninyo, Mahal na Prinsesa, " sambit ng isang tagasilbi sa kanya. Nagising siya kaninang umaga dahil sa pagkatok ng mga ito at sabihin na kailangan niya nang maligo dahil may gagawin siya sa araw na ito. Tinanong niya kanina kung ano ang gagawin niya pero walang nasagot ang mga tagisilbi dahil pati sila ay walang alam kung ano ang gagawin niya. " Sumunod po kayo sa amin, Mahal na Prinsesa, " sabi ng isang tagasilbi sa kanya. Ngumiti lang siya at