“MA’AM, MAY I know kung bakit ako? Hindi naman sa nagreklamo po ako, pero nagtataka lang ako kung bakit ako? Kung perfect score po si Miss Bridgette, bakit po hindi siya? Nakapagtataka lang po,” sabi ko.
Napangiti si Mrs. Aurora Buenavista, ang stepmother ni Marga. Aurora pala ang pangalan niya at hindi ko maitatanggi na bagay sa kanya ang pangalan niya. Mukha naman siyang mabait kaya nakapagtataka lang kung paano siya tratuhin ni Marga.
“As simple as Sir Atlas chose you,” sagot niya.
Marahan akong napatango-tango at nanatiling hindi pa rin kumbinsido sa narinig ko mula sa kanya. “Okay po. Salamat.”
“Upon reading your profile, it makes you more beautiful,” aniya.
Tipid akong napangiti. “Salamat po.”
Napatingin ako sa pangalan niya na nasa tapat ko at napag-alaman ko na sekretarya rin pala siya. Kanino? Sa ama ni Sir Atlas? Maaaring ganoon nga.
Napatikhim si Mrs. Aurora kaya napalingon ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng kunting hiya nang mapansin ko na nakatingin siya sa akin. Sigurado ako na nahuli niya ako na nakatingin sa kanyang pangalan.
“I was Sir Atlas’s former secretary. Ako ang papalitan mo,” aniya.
“Talaga po, Ma’am? Titigil ka na—”
Napatakip ako sa bibig ko. Katatanggap ko lang sa trabaho at heto na ako na nagtatanong ng kung anu-ano. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Nang napangiti siya habang nakatingin sa akin, nawala ang kaba ko. Nakita ko lang na hindi na siya nainis sa itinanong ko. Kahit paano, hindi niya ako hinusgahan sa pagiging palatanong ko.
“Ginawa kasi akong manager ni Sir sa isang department. He promoted me,” aniya, kumikislap ang kanyang mga mata habang nagkukuwento.
Napangiti ako. “Wow! Pwede po pala iyon, Ma’am? Sana ganoon din ako soon. Alam ninyo po kasi, accounting department sana ang a-apply-an ko. Sadly, walang bakante. Furtunately, narinig ko na kailangan ng bagong sekretarya ng ceo rito kaya po nag-apply ako.”
“Bakit secretary? Pwede naman sa ibang company? At isa pa, ang ganda ng profile mo. Maraming maghahabol sa iyo,” aniya.
Napangiti ako. “It’s my dream to work here. Bata pa lang ako, pangarap ko na ito. At sabi ko sa sarili ko, sa oras na makapagtapos ako, gusto ko rito talaga unang makapagtrabaho.”
“Ang galing lang na may disiplina ka para sa sarili mo. Alam mo ang mga tatahakin mo. With that spirit, malayo ang mararating mo.”
Napangiti ako. “Sana nga po. Kailan ko po makikita, sir?”
“Maya-maya. May ginagawa pa siya.”
“Dito lang po ba kayo sa baba?”
“Nope. Doon ako sa itaas madalas. Ngayon lang dahil wala na akong ginagawa roon at abala ako sa mga aplikante. Akala ko nga na matatagalan ako na makabalik dito pero sa awa ng Diyos, nakapili agad si Sir.”
“How old is he?”
“Bata pa si Sir. Galing ako sa ama niya. Ibinigay lang ako kay Sir dahil napakapili ni Sir sa mga tao. Maswerte nga ako na pasok ang ganda ko sa mental condition ni Sir Atlas.”
“Alam mo ba, Ma’am, labis ang kaba ko kanina. Natakot lang ako na hindi pasok ang beauty ko sa look test. Manliliit talaga ako sa sarili ko.”
Napatawa si Ma’am Aurora. “You are simply gorgeous.”
“Kinikilig naman po ako, Ma’am. Ma’am, may tanong po ako. Tuturuan ninyo po ba ako bukas?”
“Of course.”
“Salamat po. Akala ko po ay uutusan agad ako ni Sir Atlas.”
“Don’t overthink too much. Anyway, si Sir Atlas, tahimik lang iyang tao. Dahil sa sakit na meron siya, nakapagtapos lang iyon from homeschooling. Mga kamag-anak at mga pinsan lang niya ang kanyang nakakausap. Though hindi lahat. Sadly, may mga kamag-anak siya na hindi pasok sa beauty standard na meron siya kaya bawal talaga itong ipakita sa kanya. Pwedeng pumunta sa kanila pero kailangan talagang ipaalam sa kanya para siya ang makapag-adjust.”
“Ang arte ng sakit ni Sir. Nakasasakit ng feelings,” sabi ko. Hindi ko lang mapigilan na makaramdam ng awa para sa iilang kamag-anak ni Sir Atlas.
“Totoo. But hindi niya ginusto ang kanyang sakit. Because of it, hindi normal ang kinalakihan niya. Kung tutuusin, kawawa rin siya.”
“Kaya nga rin po. Mental health matters talaga kaya mag-adjust ang dapat na mag-adjust.”
“Basta payo ko sa iyo, huwag kang masyadong maingay. Iyong paglalakad mo, huwag mong isadsad ang sapatos mo. Kapag nakikipag-usap naman ito, hindi ito tumitingin sa kinakausap nito. Kahit sa akin, never niya akong tiningnan. Kaya kung tumitig iyan sa iyo, ikaw na ang bahala sa sarili mo.”
Napangiwi ako. “Parang ang corny naman kung mangyari iyon, Ma’am. Nandidiri nga ako sa pakindat-kindat niya kanina.”
Napatawa si Ma’am Aurora. “Basta binabalaan na kita. If he stares at you, ikaw na ang bahala sa sarili mo. You are old enough. Alam mo na ang tama sa mali.”
“May natitigan na ba siyang sekretarya niya noon?” tanong ko.
“Wala pa. Ako pa lang naman kasi ang naging secretary niya. Anyway, do you know how to cook? Minsan kasi nagpapaluto si Sir ng gusto niya.”
“P-Prito?” nahihiyang sagot niya rito.
“Not bad. But if you have a time, pwede kang mag-practice. Mahilig din kasing kumain si Sir Atlas.”
“Okay po. May kailangan pa po ba akong malaman tungkol kay Sir Atlas para maiwasan ko?”
“Sige. I will tell you lahat ng mga ayaw niya.”
“Okay po.”
“Late, paulit-ulit…”
“Halimbawa po ng paulit-ulit, Ma’am?”
“Kunwari uutusan ka ni Sir Atlas. Mira, pakikuha ng malamig ng tubig. Tapos sasagot ka, malamig po, Sir? Iyong ganyang mga pangyayari, ayaw niya iyan.”
Napatango ako. “Noted po, Ma’am. Ano pa?”
“Hindi ko naman talaga alam lahat ng mga ayaw ni Sir Atlas, pero bilang matagal ng nagtatrabaho rito, iyong mga napapansin ko lang ang pwede kong sabihin sa iyo. Late, paulit-ulit, maingay maglakad, madaldal, at malandi.”
“Malandi. Paano ninyo po nasabi?”
“Wala siyang hilig sa mga babae. Kahit sinu-sinong mga magagandang babae pinakilala sa kanya including Bridgette, hindi siya interesado. Kapag nilalapitan siya, lumalayo ito.”
“Inosente po siya? No girlfriend since birth?”
“Oo.”
“Ang boring naman ng life ni Sir Atlas.”
“Huwag mo iyan sabihin sa harapan niya kung gusto mong magtagal dito.”
Napakamot ako sa mga tuhod ko. “Okay po. Mag-iingat po ako sa mga salitang bibitawan ko. Pero mabait po ba si Sir Atlas, Ma’am?”
“Tama lang naman. Sumpungin lang at iyon ang titiisin mo araw-araw.”
“Kaya ko po iyan. Pero hindi po ba insultador?”
“Again, hindi iyan palasalita. Kaya kung kakausapin ka man niya na hindi na part ng work mo, sikipan mo na ang panty mo. Iyong hindi madaling mapunit.”
Napangiwi na lang ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksiyon ko. Natatakot lang din ako na magsabing “Ew” at baka sasabihin nitong maarte ako. Pero totoo naman talaga na nandidiri ako. Kahit gwapong nilalang iyon si Sir Atlas, walang magiging epekto iyon sa akin. Kung mataas ang pamantayan niya sa babae, mas mataas akin sa lalaki. Ano? Siya lang ang may karapatan mag-inarte? No way.
Napanguso naman ako nang maalala ang mukha ni Sir Atlas kanina. Ang corny lang niya!
“You are blushing,” sabi ni Ma’am Aurora.
Napaayos siya ng upo sabay tingin dito. “May naalala lang po akong kakornehan sa buhay ko, Ma’am.”
Napangiti siya. “Akala ko naalala mo ang lalaking nagpapatibok ng puso mo.”
”Malabo po iyon. Wala pa ako niyon. Si Daddy lang po ang lalaking mahal ko.”
”D-Daddy? Akala ko ba ampon ka?”
Marahan niyang kinurot ang kanyang binti. “A-Ang ibig ko pong sabihin, Ma’am, kung may ama man ako, kung kilala ko man siya, sa edad ko ngayon, siya lang po ang lalaking magpapapula ng pisngi ko.”
“This is a personal question, but I’d like to know your answer: will you still love your parents even if you don’t know them?”
“Life is short. Mas pipiliin ko maging positibo. Hindi ko alam kung bakit ako sa ampunan lumaki. Sigurado kung malalaman ko na ang dahilan nila. Doon pa ako manghuhusga sa kanila. Kaya ang sagot ko po sa tanong ninyo, Ma’am, sa ngayon, mahal ko sila kahit hindi ko pa sila kilala.”
“Napakabuti ng puso mo. You deserve everything in life,” sabi niya sa akin. Napakatotoo niya. Nakikita ko iyon sa mga mata niya.
Napangiti ako. “Ikaw nga rin po, Ma’am. Ang gaan ng loob ko sa iyo. Ma’am, sa first sahod ko po, papayag ka po ba na ililibre kita?”
“Bakit naman hindi? Basta galingan mo lang. Sana matagalan mo ang uga—”
Napanganga siya nang marinig ang balak na sabihin nito. Nang magtama ang mga mata nila, nakikita niya ang pagsisisi nito kung bakit nasabi niya iyon.
”It does mean, Ma’am, na may ugali talaga, Sir?” paninigurado ko.
Sasagot na sana si Ma’am Aurora pero hindi niya nagawa nang tumunog ang telepono. Kinuha niya ito at agad na sinagot sa harapan ko.
Nang makita kong inilayo niya ang telepono sa kanyang tenga, nagkasalubong ang mga kilay ko. Sinenyasan naman niya ako na umakyat doon sa itaas kung saan matatagpuan ang opisina ni Sir Atlas. Wala naman akong nagawa kung hindi ang mapatayo sa kinauupuan ko.
“She’s coming,” sabi ni Ma’am Aurora. Tiningnan niya ako at sinenyasan na magmamadali. “Calm down, Sir Atlas. Papapunta na nga.”
Nagpaalam na si Mira habang nagmamadaling tumungo papunta sa opisina ni Sir Atlas. Napahawak na siya sa kanyang dibdib. Malakas lang ang kutob niya na may ugali talaga ang kanyang amo.
Nang nasa tapat na siya ng pinto, kumatok na siya roon. Nang tumunog ito, hinawakan na niya ang doorknob at agad na binuksan.
Pagpasok niya, napataas ang kanyang kilay nang makitang nakaputing sando lang ito at sweat pants. Naliligo rin ito sa sariling pawis habang may hawak na maliliit na barbel.
CEO ba talaga si Sir Atlas o tambay? Parang naglalaro lang sa kumpanya nila. Napabuntonghininga ako. Mukhang mali yata ako ng pinasukan.
“Hi po, Sir,” pagbati ko.
“Do not greet me. Wala ako sa mood. Just sit there,” sagot nito sa iritableng boses. Itinuro pa nito ang upuan sa harapan ng kanyang table.
“Sorry po. Ano po ang maipaglilingkod ko?” tanong ko.
“Hindi mo ako type? Sigurado ka ba roon?”
Napakunot ang noo ko habang tumatango. “Yes po.”
“Then tell me why? I want an honest answer. Negative words much appreciated.”
Napataas ang kilay. “You sure, Sir?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Sorry po.”
“Hanggang kailan ka magso-sorry? Answer my question,” maawtoridad na sabi niya.
Napabuntonghininga ako. Sasagutin ko ba siya? Paano kung sasagot ako ng totoo? Paano kung magagalit sita at tatanggalin niya ako? Paano na ang pangarap ko?
“Hey! Time is running,” aniya.
“I don’t like you dahil...”
“Because what?”
“GGSS ka po,” matapang na sagot ko. Napayuko ako matapos na sagutin iyon.
Narinig kong inilagay niya ang barbel. Kasunod niyon ay humakbang na siya patungo sa akin. Hindi ko naman mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko.
“GGSS means?” aniya.
Inangat ko na ang tingin ko para tingnan siya. “Gwapong gwapo sa sarili.”
Napatitig lang din siya sa akin kaya iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Aminado ako na hindi ko siya kayang titigan. Nakasisilaw ang kanyang kaguwapuhan. Napakadelikado para sa aming mga kababaihan.
“Ah, so for you ay ggss ako. Good. Makakahanap ka na ng bagong trabaho.”
Nanlaki na lang ang mga mata ko habang hindi mapigilan na mapanganga dahil sa narinig ko. Seryoso ba siya?
~~~