bc

ISAGAD MO, SIR!

book_age18+
15.4K
FOLLOW
156.1K
READ
billionaire
dark
HE
arrogant
billionairess
heir/heiress
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

TANGHALING TAPAT, BATUTA ni Sir Atlas sa kanya itinapat. Umayaw siya kahit gusto niya dahil natakot siya. Pero nang dumapo ang kamay nito sa kanyang diwa, mga tuhod niya ay nanghina. Binulungan siya, pumayag siya hanggang sa nalasap niya ang tunay na ligaya.

Unang baon, isang hiling ang ipinarating...

“ISAGAD MO, SIR!”

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
LALABAS NA SANA ako sa opisina ni Sir Atlas nang marinig ang isang pamilyar na tunog. Napahinto ako habang hindi mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo ko sa aking buong katawan. Alam ko kung ano ang tunog na iyon. Isinara niya ang pinto gamit ang kanyang controller para hindi ako makalabas ng kanyang opisina. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko lalo na nang marinig ko na tumayo na siya mula sa kanyang swivel chair. Mas dumagdag pa sa kaba ko nang narinig ko na ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa akin. Napatiningin ako sa harapan ko nang unti-unting bumaba ang electric curtain na alam kong si Sir Atlas ang may gawa. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang kaba na nararamdaman ko. “Mira,” sabi ni Sir sa malalim niyang boses. Napabuntonghininga ako at itinago ang takot sa mukha ko. Pagkatapos, nilingon ko na siya nang may ngiti sa labi. Pero nang makita kong nakatanggal na ang botones sa suot niyang puting long sleeve, biglang nanuyo ang lalamunan ko. Inilakbay ko ang tingin ko sa maganda niyang katawan. Hindi ko naman mapigilan na mapalunok ng laway nang makita ang naglalakihang ugat sa kanyang tiyan patungo sa hindi ko na kayang banggitin ang pangalan. Naiilang ako. “S-Sir, m-magbihis ka po at baka malamigan ka,” nauutal na sabi ko. “Kaya nga ako naghubad dahil ang init,” katuwiran niya. Napaatras ako nang isang hakbang. “P-Pero naiilang ako.” “You like me, don’t you?” sabi niya. Napailing ako. “H-Hindi, ah! S-Sir, grabe. I don’t like you.” Napangiti lang si Sir Atlas sa sinabi ko sabay himas sa anim na hulmang pandesal sa kanyang tiyan. “Talaga?” Nang humakbang siya nang isang beses palapit sa akin ay siyang pag-atras ko. Nagpatuloy lang siya sa paghakbang kaya patuloy rin ako sa pag-atras. Naninikip na ang dibdib ko sa labis na kaba dahil parang wala siyang balak na tumigil sa kanyang binabalak. Pero nang madikit na ang katawan ko sa haligi, ikinulong na niya ako gamit ang kanyang mga bisig. Napatingin ako sa kanya at para akong matutunaw sa kanyang titig. Iniwas ko ang tingin ko dahil aminado ako na hindi ko siya kayang titigan. Napakaguwapo niyang nilalang. “Talaga bang hindi mo ako gusto?” tanong niya sa akin. Ano ba ang binabalak niya? Gusto niya ba akong paaminin na gusto siya? Paano kung sasabihin kung oo? Ano ang gagawin niya? “H-Hindi nga po,” sagot ko. Sana man lang ay pakinggan niya ako. Natapos kong sagutin siya ay napasinok na lang ako. Hindi dahil sa nagsinungaling ako kung hindi dahil sa labis na kaba. Sino ba ang hindi kakabahan sa ginagawa ng amo ko? “You are lying, aren’t you?” Napangiti siya. Ang gwapo niya. “Nagsasabi po ako ng totoo,” muling sagot ko. Nang sininok na naman ako, napabuntonghininga na lang ako. Pinilit kong pinakalma ang sarili ko pero hindi ko talaga kaya. Iba talaga ang alindog ng amo ko. Nakatitig pa lang siya sa akin pero parang hinuhubaran na niya ako. Inilapit ni Sir Atlas ang mukha niya sa akin kaya agad akong umiwa—. Hindi ko nagawa ang gusto ko dahil pinigilan niya ako. Nagkadikit na ang mga noo namin at amoy na amoy ko na ang kanyang hininga. “S-Sir,” nauutal na sabi ko. Kinurot ko na ang sariling hita ko para pakalmahin ang sarili ko. “Paisa, Mira,” sabi ni Sir. Nanlaki ang mga mata ko. “A-Ano po?” “Paisa. Pangako, isasagad ko.” “I-Isagad mo, S-Sir? A-Ang ano?” ~~~

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook