KABANATA 4

1919 Words
HINDI KO MAPIGILAN na mapataas ang kilay ko nang marinig ko mula kay Sir Atlas na pahahanapin na niya ako ng bagong trabaho. Katatanggap ko lang at wala pang isang oras, tanggal na ako? Hindi ako makapaniwala. Parang pinaglaruan lang ako ng tadhana. “Sir Atlas, akala ko po ba ay tumatanggap ka ng tapat na sagot,” sagot ko. Nagkibit-balikat siya at agad na tumalikod mula sa akin. Kinuha niya na rin ang tuwalya na nakasabit sa isang treadmill at isinabit niya iyon sa kanyang leeg. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na nagawa nang tinuro niya ang upuan sa tapat ng kanyang mesa. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay gusto niyang umupo ako roon. Sinunod ko ang kanyang gusto. “What is the meaning of this? Hindi pa ba talaga ako tanggal?” tanong ko sa sarili ko. Sana. Nang makaupo na ako, tiningnan niya ako. Naalala ko naman ang sinabi ni Ma’am Aurora na hindi raw tumitingin si Sir Atlas sa kausap nito. Pero bakit siya nakatingin sa akin? Kanina rin ay napatitig siya sa akin. Napatakip naman ako sa bibig ko nang maalala ang sinabi ni Ma’am Aurora na sa oras na mapatitig si Sir sa kinakausap nito, humanda ako. Sisiguraduhin ko na lang daw na masikip ang suot na panty ko. “Pinagpapantasiyan mo ba ako dahil nakita mo ang biceps ko?” tanong ni Sir Atlas. Napatingin ako kay Sir Atlas. Hindi ko naman napigilan na mapangiwi ang mukha ko nang makitang ibinandera niya sa akin ang kanyang kanang biceps. Hindi ako makapaniwala na ganito pala siyang klaseng lalaki. Ang buong akala ko talaga ay istrikto o hindi kaya seryoso siya sa buhay dahil sa sakit na meron siya. Pero kabaliktaran lang pala sa inaakala ko. Hindi nga ako nagkamali sa panghuhusga ko sa kanya na guwapong-gwapo siya sa kanyang sarili. “Total parang tatanggalin mo rin naman ako, Sir, may pahabol po ako. Hindi naayon ang ginagalaw mo sa mukha mo. You are the CEO, so do what a CEO would do. At the very least, be prim and proper. Sorry for this, but what I see right now is a bachelor who enjoys teasing girls since he knows how attractive he is. Anyway, I refuse to be your victim,” matapang na sabi ko. Napakunot ang noo ko nang ngumiti siya. Hindi siya nagalit? Pero aaminin ko, ang gwapo niya kung ngumiti. Pero hindi pa rin iyon sapat para kiligin ako sa kanya. Hindi na siguro magbabago ang tingin ko sa kanya na para lang siyang isang mayamang tambay. Napabuntonghininga si Sir Atlas. “Magsisimula ka na bukas.” Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi mo pa ba ako tatanggalin, Sir? Hindi ka po galit sa sinabi ko?” “Ganyan ang gusto ko sa babae. Iyong hindi distracted sa kaguwapuhan ko,” sagot niya nang hindi man lang ako tinitingnan. Papapunta na siya sa kanyang mesa at makahaharap ko na siya nang malapitan. Hindi naman ako mapakali rito sa upuan ko. Natatakot lang ako sa mga bagay na pwede niyang gawin. He was unpredictable. Pagkaupo niya sa kanyang swivel chair, napatitig na ito sa ibang direksiyon. Ito na siguro iyong sinabi ni Ma’am Aurora na hindi talaga ito tumitingin sa mga mata ng nakauusap nito. “Sir, what do you mean po?” tanong ko. “I like a girl who doesn’t see me as I am. Did you understand what I meant? I am aware of my physical attractiveness. Is it really appropriate to flirt with me? All the girls are madly in love with me. They act insanely in front of me. Jesus! I want someone who treats me normally. Fortunately, I saw you a while ago; you were the only girl who looked at me strangely. No admiration,” sabi nito. Hindi pa rin niya ako magawang tingnan. “So iyon po ang rason kung bakit nakuha ako? Dahil hindi po kita cup of tea, Sir?” “Exactly. Pero ang tigas mo, ha? Hindi man lang namula ang pisngi mo sa mga biceps ko.” Napangiwi ang mukha ko. Mabuti na lang ay hindi niya ako makita. Ano ba ang meron sa mga biceps niya? Wala namang kakaiba roon. Parang karaniwang bukol lang naman ang mga ito. Pagpapatuloy niya, “Kung ibang babae iyon. Baka hihimatayin na sila.” “I grew up alone, Sir. Mas focus ako sa sarili ko more than anything else. Sa awa ng Diyos, never been a victim of love.” “Good. Anyway, did you already ask Auntie Aurora about me?” “Yes, Sir.” “Good. Congrats.” Napangiti ako nang kunti. “Thank you, Sir. I promise na gagalingan ko po sa trabaho ko.” “Maganda ka,” aniya. “P-Po?” Napapalatak siya. “Akala ko ba na alam mo na ang tungkol sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko lang na ayaw niya pala sa paulit-ulit. Hindi talaga ako nag-iisip minsan. “Sorry po. Nagulat lang po sa sinabi ninyo, Sir. Anyway, thank you.” “Kahit maganda ka. Mag-ayos ka. Ayaw ko na nasisira ang araw ko. Maganda ka ngayon, pero alam ko na mas may maigaganda pa ang mukha mo. Ang haggard mo tingnan. Palitan mo rin ang sabon mo, ang putla mo,” sabi nito. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa mga pinagsasabi ni Sir Atlas sa akin. Hindi raw palasalita, pero mapanlait lang. Pero nanlalait nga ba o nagsasabi lang ng totoo? Baka parte iyon ng kanyang sakit. Ako na dapat ang mag-a-adjust. “Okay, Sir. Change soap na po ako later.” “If ever you have a pimples or acne breakdown, just call me right a way. Huwag kang magpakita sa akin." Napailing-iling na ako. Mas nakumpirma ko na ang lala pala talaga ng sakit ni Sir Atlas. Kailangan talaga perpekto sa paningin niya ang makikita niya sa pang araw-araw. Ayaw niya talaga sa panget ang itsura. Paano kung makakita siya ng paniki ng babae? Baka atakehin siya ng kanyang sakit. Mukha pa namang mukha ng hippo iyon. Habang iniisip ko ang magiging reaksiyon niya ay hindi ko na napigilan na mapahalakhak. Napahawak pa sa ako sa tiyan ko dahil sumakit na ito. Napatigil lang ako nang tumikhim si Sir Atlas. Paglingon ko sa kanya, nagkasalubong na ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, nakikita ko pa rin iyon. “Tumatawa ka mag-isa. Is that a consequence of growing up alone?” seryosong sabi ni Sir Atlas. “May naisip lang po ako na nakatatawa,” sagot ko. Nagpipigil na ako sa aking pagtawa. “Sa gitna ng pag-uusap natin? How come? Huwag kang pumasok bukas kung hindi mo maipasa ang neurological test. Ayaw kong magkaroon ng sekretaryang baliw.” “Okay po, Sir. I will slay that exam,” sagot ko. Nang nilingon ako nito ay ako na ang umiwas. Kinagat ko naman ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang aking pagtawa. Ipinagdasal ko sa Panginoong Diyos na sana tulungan Niya ako. Pero nang maalala ko ang magiging reaksiyon ni Sir Atlas kung makakita siya ng paniki ng babae ay muling sumabog ang aking tawa. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. “Get out,” sabi ni Sir. “S-Sir, s-sorry!” “I said get out!” sigaw nito. Galit na talaga siya sa akin. Napayuko ako at agad ng nagmamadaling lumabas. Paglabas ko ng pinto, napahawak muli ako sa tiyan ko habang hindi napigilan ang sarili na mapatawa. Ilang segundo ang lumipas, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na ginalit ko pala si Sir Atlas. Pinalabas niya rin ako ng kanyang opisina. Ano ang ibig sabihin niyon? Tanggal na kaya ako? Napabuntonghininga ako at binuksan muli ang pinto ni Sir. Ipinasok ko ang ulo ko para makita siya. “Sir, tanggal na po ako?” tanong ko. Napabuntonghininga siya. “Ipasa mo muna ang neurological exam para hindi ka tuluyang matanggal.” “Okay po. Salamat! Ayaw ninyo po ng kape, Sir? Gagawan ko po kayo,” sabi ko. Napatingin siya sa akin kaya umiwas muli ako. Natatakot lang ako na magtama ang mga mata naming dalawa. “Lumaki ka mag-isa. Kaya mo bang gumawa ng kape na hindi 3in1?” Napatawa ako at pumasok muli na parang wala lang nangyari. “Grabe ka, Sir. Pero alam ninyo po, kaya ko pong ihiwalay ang tatlong main ingredients ng 3in1.” “Kailangan mo talagang ipasa ang neurological exam.” “Hindi ako baliw, Sir. Masiyahin lang akong tao.” “Paano ba maging masaya kahit mag-isa?” seryosong tanong niya sa akin. Napangiti ako. “By changing my mindset, sir, because if I change the way I look at things, the things I look at... change. Kung iisipin ko na lang lagi iyong mga bagay na wala sa akin, malulungkot lang ako. Kaya mas mabuting kung ano ang meron ako, iyon lang din ang papahalagahan ko. Sasaya pa ako.” “I like your butt,” sabi niya. Napaka-unpredictable niya talaga. Napatakip ako sa pwet ko at nilingon siya. “S-Sir.” “Go ahead at pagtimplahan mo na ako ng coffee.” “Sugar level po?” “Thirty percent.” “Okay, Sir.” “Mira,” sambit niya. Napalingon ako sa kanya at nakababad lang siya sa kanyang phone. Hinintay ko na lang magsasalita siya. “You should work on your buttocks to make them more appealing. It would be one of your assets,” sabi ni Sir Atlas. Napahawak ako sa dibdib ko sa labis na bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko lang alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakaiilang lang na pati ang pwet ko ay tinitingnan niya. Hindi rin halata na tinitingnan niya ang katawan ko para lang husgahan. Baka sa mga susunod na araw, ibang parte na naman. Napalingon na siya sa akin kaya umiwas na ako. Nagpatuloy na rin ako sa paghakbang para wala na siyang makitang kailangan baguhin ko sa katawan ko. “Mira,” sambit muli ni Sir. Napahinto ako habang hindi mapigilan na kabahan. Ano naman kaya ang nakita niya sa akin? Unang araw ko pa lang pero parang hihimatayin na ako sa kaba rito kay Sir Atlas. Nilingon ko siya. “Yes, Sir?” “Pure black coffee. No creamer,” sabi niya. “Okay, Sir.” Napabuntonghininga na ako. Akala ko kung ano na naman ang kanyang sasabihin. Kinabahan tuloy ako. Nang natapos na akong magtimpla ng kape, pinalabas na niya ako. Labis naman ang saya ko na hindi pa pala ako tuluyang natanggal sa trabaho. Pagbaba ko mula sa hagdan, narinig ko na ang boses ni Ma’am Aurora. May kausap siya na isang ginoo. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang hanggang sa makita na nila ako. Napatingin sa akin si Ma’am Aurosa. “Sir Atlas’s new secretary, Sir, miss Mira Cruz. Mira, si Sir Arquil. Ang ama ni si Sir Atlas.” Nang napalingon sa akin si Sir Arquil, natulala ito. Napakurot na lang ako sa mga hita konhabang nginitian ito. Napayuko ako. “Nice to mee you, Sir.” “H-Helga?” sambit ni Sir Arquil. “Mira po, Sir,” sabi ni Ma’am Aurora. “Tama po si Ma’am Aurora, Sir. Mira po ang pangalan ko,” aniya. Napatitig lang sa akin si Sir Arquil. Hindi ko naman mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo ko nang makitang may luhang nagsipatakan sa mga mata nito. “Jesus,” mahinang sabi ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD